You are on page 1of 5

1

Republic of the Philippines


DIVISION OF BOHOL
Department of Education
Region VII, Central Visayas

Instructional Planning (I Plan)


(With inclusion of the provisions of D.O. No.8, s. 2015 and D.O. 42, S. 2016)

Detailed Lesson Plan (DLP)

DLP Blg. Asignatura: Baitang: Markahan: Oras:


1 Filipino 3 Una 1 Oras

Mga kasanayan:
Nakikinig at nakakatugon ng angkop at wasto (F3TA-0a-j-1)

Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan (F3PB-Ia-1 )

Nasasagot ang tanong tungkol sa napakinggang kwento ( F3PN-Ic-j3.1.1 )

Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon sa


pakikipag usap sa mga matatanda at hindi kakilala (F3PS-If-12 )

Susi ng Pag-unawa
Pakikinig at Pag unawa sa kuwentong “ Si Jose at ang Batang Magalang”

1.Mga Layunin Kaalaman  Nasasagot ang mga tanong sa binasang


kuwento.
Kasanayan  Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring
pakikinig at pag unawa sa napakinggan.
Kaasalan  Nagagamit ang magagalang na salita sa ibat-
ibang sitwasyon.

2.Nilalaman
“Si Jose at ang Batang Magalang”.
3.Mga Kagamitan Laptop
Powerpoint
Mga Larawan
Kahon
Maze

4.Pamaraan
4.1 Panimulang Gawain o Panalangin
(2 minuto) o Pagtala sa mga lumiban sa klase
o Pagbababalik-aral

4.2 Mga Gawain/Estratehiya


(5 minuto) ( Pagpapangkatin ang klase)

Kayo ay maglalaro ng amazing race. Mag uunahan kayo na makarating sa


sinasabi ng race na mapupunta sa inyong pangkat.Matapos ang maze,
kuhanin ang nakatiklop na papel na makikita sa lugar na napuntahan ng
pangkat matapos ang race. Isaayos ang salita na mababasa rito. Isigaw ng
sabay sabay ang maboboung pangungusap. Iyo ang magiging hudyat na
tapos na ang inyong grupo.

Ito ang mga dapat nating tandaan sa pagsasagawa ng pangkatang


gawain.

 Makilahok at makipagtulungan sa grupo


 Maging tahimik sa paggawa ng gawain
1
2
Republic of the Philippines
DIVISION OF BOHOL
Department of Education
Region VII, Central Visayas

 Magkaroon ng pagkakaisa sa paggawa


May tanong ba kayo mga bata? Kung wala ng katanungan ay simulant na
natin.

(Papapuntahin na ang pangkat sa sa kanilang itinakdang lugar. Ibibigay


ang kanilang Maze at ibibigay na ang hudyat sa pagsisimula ng gawain.

Maze 1
Maze na papunta kay Mang Melchor

Maze papunta sa bahay ni Jose

( Iikot sa klase upang magabayan ang bawat pangkat sa kanilang gawain)

( Kung matatapos na ang nakalaang oras, tatawagin ang bawat pangkat


upang mabahagi sa harap ng klase ang natapos nilang gawain)

Magaling, palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

4.3 Pagsusuri
(5 minuto) Mga bata batay sa ating paunang aktibidad, ano kaya ang ating tatalakayin
ngayon?

Bakit kaya tayo nagsawaga ng maze game mga bata?

Sino kaya sa palagay mo si Jose at Mang Melchor?

May ideya na ba kayo kung ano ang tatalakayin natin ngayon?

Bago ko babasahin ang kwento, magbigay nga kayo ng mga panuntunan


na dapat pakakatandaan sa pakikinig.

( Sasagot ang mga bata)

Magaling, ito ang mga dapat tandaan sa pakikinig, pakibasa

 Maging aktibo sa pakikinig


 Paghusayan ang pakikinig
 Magkaroon ng interes sa kuwento
2
3
Republic of the Philippines
DIVISION OF BOHOL
Department of Education
Region VII, Central Visayas

 Makibagay sa pisikal na sitwasyon


 Iwasan ang matulog
 Iwasan ang negatibong ugali

Sige nga mga bata, ipakita ninyo sa akin ang tamang pakikinig

Babasahin ko na ang kuwento mga bata , making ng mabuti

(Pagbasa ng kuwento)
“ Si Jose at ang Batang Magalang”
Ni: Arjhon V. Gimme

4.4 Pagtatalakay ( Pabubunitin ang mga mag-aaral sa isang malaking kahon na naglalaman
(20 minuto) ng mga ginuyumos na papel na may mga katanungan tungkol sa binasang
kuwento. )

Meron akong ipapaikot na kahon na kung saan naglalaman ito ng mga


katanungan tungkol sa kuwentong aking binasa. Habang umiikot ang
kahon ay sasabayan ninyo ito ng awiting bahay kubo. Ang paghinto ng
awitin ay depende sa hinahanap na gulay o prutas hango sa awiitn. Kung
sino man gang mahintuan ng kahon ay siya ang bubunot ng tanong.

Naintindihan ba?

( Mga tanong na nasa loob ng kahon)

1. Ano ang pangalan ng batang magalang?

2. Kaninong tindahan bumili ang bata?

3. Ano ang pangalan ng kanyang nanay?

4. Ano- ano ang binili ng bata/

5. Ilan lahat ang binayaran ng bata sa tindahan?

( Mag tatanong sa klase ang Guro )

1. Sino ang pumunta sa tindahan?

2. Ano-ano ang ipinabili ni nanay Lorna sa kanya?

3. Ano- ano ang iba pang mga paraan upang ipakita ang paggalang?

4. Sino ang nakasalubong ni nanay Lorna sa pag-uwi sa kanilang


tindahan?

5. Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang?

( Ang mga tanong ay sasagutin ng mga mag-aaral at pagkatapos sagutin,


itatalakay ng guro ang tamang detalye )

3
4
Republic of the Philippines
DIVISION OF BOHOL
Department of Education
Region VII, Central Visayas

4.5 Paglalapat PANGKATANG GAWAIN:


(10 minuto)
Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Bawat grupo ay magsasagawa ng
dula na kung saan ay maipapakita kung ano ang iba pang mga hakbang
sa pagpapakita ng paggalang sa mga nakakatanda.

Ang kanilang isasagawa na dula ay maaring magmula sa kanilang sariling


mga karanasan. Ito ay ihahanda nila sa loob ng limang minuto.

Magpepresenta ang guro ng mga panuntunan sa pagsagawa ng gawain

Magbibigay ng rubrik ang guro sa klase.

RUBRIK NG PAGSASADULA

Kung matatapos na ang inilaang oras ay itatanghal nang mga mag-aaral


ang nabou nilang dula.

4.6 Pagtataya
(5 minuto) Pakukuhanin ng ballpen at malinis na papel ang mga mag-aaral.

Isulat ang MABUTI kapag tama ang ipinaparating ng pangungusap,


MASAMA naman kung mali.

---------1. Di ko papannsinin ang aking guro pag siya ay aking


nakasalubong

---------2. Nagmamano ako sa aking mga magulang pagdating sa bahay

---------3. Sasagot ng may po at opo sa nakakatanda

---------4. Pagtatawanan ko ang matanda pag nadulas

---------5.Tumutulong ako sa gawaing bahay

4.7 Takdang Aralin


(2 minuto) Gumawa ng isang simpleng islogan gamit lamang ang papel, lapis at
krayola. Iangkop ang islogan sa ating natalakay ngayong araw. Isa-isa
ninyong ipapaliwanang sa klase ang laman at mensahe nga inyong
islogan. Kokolektahin ko ito sa ating susunod na tagpo..
4.8 Paglalagum( 2 minuto) (Magtatanong sa tatlong mag-aaral kung paano nila naipapakita ang
paggalang batay sa kuwento at sa kanilang naisinagawang dula.)
4.9 Karagdagang Gawain/ Sa inyong pag-uwi , ipakita ninyo kung paano ba gawin ang paggalang.
Pagpapahusay Inaatasan ko kayong gumamit ng po at opo sa bawat pakikipag-usap niyo
sa ibang tao lalo na sa mga nakakatanda sa inyo. Wag niyo ring kalimutan
ang magmano sa mga nakikilala niyong nakakatanda.

Inihanda ni

Rodel Dalo
4
5
Republic of the Philippines
DIVISION OF BOHOL
Department of Education
Region VII, Central Visayas

Gurong Nagsasanay

You might also like