You are on page 1of 9

School: Solido Elem.

School Grade Level: IV


GRADES 1 to 12 Teacher: Henrylyn B. Nalangan Learning Area: FILIPINO
DAILY LESSON Teaching Dates and
LOG Time: Quarter: 4th QUARTER

I.LAYUNIN
8. Applied a range of successful
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling
strategies thatideya, kaisipan,
maintain learning
A. Pamantayang Pangnilalaman karanasan at damdamin environments that motivate
learners to work productively by
assuring responsibility for their
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo
own learning.
F4WG-IVa-13.1
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Nagagamit ang iba’t ibang mga uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng sariling karanasan
II. Nilalaman Nagagamit ang iba’t ibang mga uri ng pangungusap
III.KAGAMITANG PANTURO
A.Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro Curriculum Guide p.78 5. Established safe and secure
2.Mga pahina sa kagamitang learning environments to enhance
pang-mag-aaral LAS MELC 5 pahina 4-8 learning through the consistent
3.Mga pahina sa teksbuk implementation of policies,
4.Karagdagang kagamitan mula guidelines, and procedures
sa portal ng Learning Resource
B.Iba pang kagamitang panturo
IV. MGA PAMAMARAAN Annotation
A.Balik-aral sa nakaraang aralin Sasabihin ng Guro:
at/o pagsisimula ng bagong Magandang umaga mga bata. Kumusta kayong lahat?
aralin Alam kong nakahanda na kayong matuto ngayong araw
pero bago natin simulan ang ating aralin, maaari ba
kayong magbigay ng ilang alituntuning dapat ninyong
sundin habang ako ay nagtuturo?

Ang mga bata ay magbibigay ng ilang alituntunin.

Magaling! Nawa’y sundin ninyo ang mga alituntuning


kailangan ninyong sundin sa pagsisimula ng klase.

Ilalahad ng guro ang mga sumusunod na alituntunin:


1. Maging ligtas, isuot palagi ang facemask.
2. Makinig sa guro.
3. Sumunod sa panuto.
4. Itaas ang kamay kung mayroong sasabihin.
5. Maging magalang sa lahat ng oras.

B.Paghahabi sa layunin ng aralin Magpakita ng mga halimbawa ng sumusunod:


(Real objects)
1. face mask
2. alcohol o hand sanitizer
3. face shield

Itanong:
Ano-ano ang mga ito? Bakit tayo gumagamit ng mga ito?

Ipabasa muna sa mga mag-aaral ang mga pangungusap


sa kolum B bago ito pasagutan
Pagtambalin ang mga larawan sa kolum A sa mga
pangungusap sa kolum B.

Kolum A Kolum B
Naku! Kailangan may
social distancing tayo.

Mayroon akong bagong


face shield.

Dala mo ba ang iyong


alcohol o hand sanitizer?

Palagi mong gagamitin


ang iyong facemask.

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa


sa bagong aralin Guro: Ngayon ay magbabasa tayo ng isang diyalogo. Ito
ay usapan sa pagitan ng nanay at ng kanyang anak. Ang
mga babae ay babasahin ay diyalogo ng nanay at ang
mga lalaki naman ay babasahin ang diyalogo ng anak.
Pero bago natin ipagpatuloy, alamin muna natin ang
ilang pamantayan sa pagbasa nang malakas.

1. Bumasa nang matulin at masigla.


2. Huminto nang bahagya kung may kuwit.
3. Tumigil kung may tuldok.

Pagbasang Diyalogo:

Anak: Yehey! Nay, excited na po akong muling pumasok


sa paaralan. Makikita ko na po ang mga bago kong
kaklase at ang aking guro.

Nanay: Buti naman kung ganoon, anak. Sa Lunes na


magsisimula ang inyong limited face-to-face classes.
Naihanda mo na ba ang iyong mga kailangang dalhin sa
paaralan?

Anak: Opo, Inay pero mauubos na po ang alcohol na


binili nyo sa akin noong nakaraang linggo. Pakibilhan
nyo naman po ako ng bago bukas Inay.

Nanay: Sige anak, bibilhan kita. Kailangan mo yan


bilang proteksyon sa Covid-19 lalo na ngayong pasukan
na. Maghugas ka na muna ng iyong kamay at kakain na
tayo. Pakilagay na rin ng mga plato sa mesa.
Pagsagot at pagtalakay ng mga tanong tungkol sa
binasang diyalogo:

1. Tungkol saan ang pinag-usapan ng mag-ina?


2. Ano ang nais ipabili ng anak sa kaniyang ina?
3. Ano-ano ang mga dapat gawin upang makaiwas sa
Covid-19?
4. Ano-anong pag-iingat ang ginagawa mo ngayon laban
sa virus sa pagpasok mo sa paaralan?

Paglalahad ng mga pangungusap galling sa binasang


diyalogo. Itanong ang mga tanong na nasa ibaba
pagkatapos ilahad ang bawat pangungusap.

1. Sa Lunes na magsisimula ang inyong face-to-


face classes.
2. Naihanda mo na ba ang iyong mga kailangang
dalhin sa paaralan?
3. Maghugas ka muna ng iyong kamay.
4. Pakibilhan nyo naman po ako ng bagong alcohol
bukas inay.
5. Yehey! Nay, excited na po akong muling
pumasok sa paaralan!

Mga katanungan:

Ano ang nais ipabatid/isinaad ng pangungusap?


Anong bantas ang ginamit sa pangungusap?
Anong damdamin ang isinasaad sa pangungusap?

D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Pagtalakay ng mga ito upang maipaintindi saa mga mag-
bagong kasanayan #1 aaral ang pagakakaiba ng mga pangungusap.

Sasabihin ng guro:

Nagbasa taayo ng limang pangungusap hindi po ba?


Alam niyo ba na ang bawat pangungusap na ito ay nasa
iba’t ibang uri ng pangungusap? Nais niyo bang
malaman kung sa anong uri sila nabibilang? Tara at
alamin natin.

Paglalahad at pagtalakay ng Iba’t ibang Uri ng


Pangungusap.

PASALAYSAY
- Ito ay pangungusap na nagkukuwento o
nagsasalaysay ng pangyayari o katotohanan. Ito ay
nagtatapos sa tuldok. (.)

Halimbawa: Kami ay namasyal sa parke noong


nakaraang Sabado.

Tahimik na sumasagot ang mga mag-


aaral ng kanilang modules.

Mahaba ang pila sa grocery store


kanina.

PATANONG:
- Ito ay pangungusap na nagtatanong o nag-uusisa
tungkol sa isang paksa, impormasyon, o detalye. Ito ay
nagtatapos sa tandang pananong. (?)

Halimbawa: Ilan kayong magkakapatid?


Ano-ano ang mga dapat gawin upang
makaiwas sa Covid-19?
Natapos mon a bang sagutan ang iyong
takdang aralin?
PAUTOS
- Ito ay pangungusap na nagsasabi ng tungkuling
dapat gawin. Ito ay nagtatapos sa tuldok. (.)

Halimbawa: Kunin mo ang aking bag sa mesa.


Pumila kayo nang maayos.
Ipasa ninyo ang inyong learning activity
sheets sa Lunes.

PAKIUSAP
- Ito ay pangungusap na maaaring nagsasaad ng
nagsasaad ng paghingi ng pabor. Ito ay nakikiusap
upang gawin ang isang bagay. Ito rin ay nagtatapos sa
tuldok. (.)

Halimbawa: Pakiabot naman sa akin ng baso na nasa


mesa.
Pakisagutan ang gawain sa inyong
learning activity sheets.
Pakitapon ng basura sa tamang
basurahan.

PADAMDAM
- Ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding
damdamin tulad ng tuwa, takot, galit at pagkagulat. Ito
ay nagtatapos sa tandang padamdam. (!)

Halimbawa: Naku! Nahulog ang bata!


Tulong! May sunog!
Yehey! Kami ang nanalo sa paligsahan!

Balikan ang mga pangungusap na ito at ipatukoy sa mg


mag-aaral kung sa anong uri ang mga ito nabibilang.
1. Yehey! Nay, excited na po akong muling
pumasok sa paaralan!
2. Maghugas ka muna ng iyong kamay.
3. Sa Lunes na mgasisimula ang inyong face-to-
face classes.
4. Pakibilhan nyo naman po ako ng bagong alcohol
bukas inay.
5. Naihanda mo na ba ang iyong mga kailangang
dalhin sa paaralan?

Basahin nang wasto ang mga pangungusap. Tukuyin


kung anong uri ng pangungusap ang mga ito. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon.

1. Wow! Ang gandang laruan niyan!

Padamdam Pautos

2. Saan mo nilagay ang binili kong face mask?

Pasalaysay Patanong

3. Ang aking ina ay abala sa pagluluto ng aming


tanghalian.

Pasalaysay Pakiusap

4. Pakiulit naman ng iyong sinabi, hindi ko


masyadong naintindihan.

Pautos Pakiusap

5. Ibigay mo itong pera sa kaniya.

Pasalaysay Pautos
Pupurihin ng guro ang mga mag-aaral na makakakuha
ng tamang sagot sa pamamagitan ng pagsabi ng, “
Magaling!, Mahusay!” at iba pa. Hihikayatin din ng guro
na sumagot at makilahok ang lahat ng mga mag-aaral sa
talakayan.

E. Pagtalakay ng bagong Sabihin:


konsepto at paglalahad ng
bagong kaanayan #2 Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain
ngunit sa pagkakataong ito, hindi niyo kailangan umalis
sa inyong kinauupuan. Magkakaroon pa rin kayo ng
social distancing kahit na kayo ay mabilang sa isang
pangkat. Bago natin sisimulan ang ating pangkatang
gawain , maari ba kayong magbigay ng mga pamantayan
sa paggawa ng pangkatang gawain?

Matapos magbigay ng mga pamantayan ang mga mag-


aaral, ilalahad din ng guro ang kaanyang pamantayan sa
paggawa ng pangkatang Gawain.

1. Panatilihin ang social distancing habang


ginagawa ang Gawain.
2. Unawain at sundin ang panutong ibibigay ng
guro.
3. Makiisa sa pangkatang Gawain.

Ang pangkat ng mga mag-aaral ay batay sa kanilang


kakayahan. Maaaring naipangkat na ng guro ang mga
mag-aaral bago pa magsimula ang klase. Gagawin nila
ang pangkatang gawain nang nakaupo sa kanilang mga
kaniya-kaniyang upuan.

Pangkatang Gawain:
Pangkat 1

Panuto: Punan ang kolum ng mga pangungusap,


larawan at kulay batay sa kakulangan nito.

Larawan Pangungusap
Pasalaysay

_______________________________

Padamdam

_______________________________

Patanong

Iyan na ba ang iyong


bagong pulang kotse?
Pautos

_____________________________
Pakiusap

___________________________

Pangkat 2

Basahin ang tula at tukuyin ang mga halimbawa ng iba’t


ibang uri ng pangungusap na makikita rito. Magsulat ng
tig-iisang halimbawa lamang ng iba’t ibang uri ng
pangungusap. Pagkatapos ay babasahin ang tula sa
harapan nang may damdamin.

MABUHAY, MGA MODERNONG BAYANI!

Sa mga doktor, nurses, health personnels, at iba pang


medical staff
Salamat sa pagiging matatag.
Buhay at kalusugan nyo’y walang kasiguraduhan
Pero kayo’y nagging mapursigi at matapang

Lahat ng mga scientists at mananaliksik


Akala mol ang sila’y tahimik o walang imik
Upang bakuna’y makamit,
Matalo ang virus na nagdudulot ng sakit.

At sa lahat na hindi ko pa napasalamatan,


Maraming salamat po sa inyo
Sa pagtrabaho ng todo
Lalo na sa sakripisyo upang virus ay masugpo
Ako po sa inyo ay saludo, yan ang totoo
Kaisa kami sa inyo!

Ikaw, ako, tayo


Oo, tayo’y mga simpleng tao
Simpleng tao na may maitulong sa mundo
Upang virus madali nating mapatay, maalis, at matalo.
Kung tunay kang naaawa sa ating mga modernong
bayani
Bakit hindi mo gawin ang kaisa-isa nilang bilin?
Ang kaisa-isa nilang hinihiling.
Na sana, n asana ay inyong sundin.
Iyon ay manatili ka sa iyong tahanan
‘Wag lumabas kung ‘di naman kailangan.
Saludo ka nga sa kanila pero bakit?
Bakit wala lang sa iyo ang iniinda nilang hirap at sakit?
Bakit? Bakit?

Uri ng Pangungusap Halimbawa


Pasalaysay
Patanong
Pautos
Padamdam

Pangkat 3

Magsulat ng tig-iisang halimbawa ng iba’t ibang uri ng


pangungusap sa loob ng kolum.

Uri ng Pangungusap Halimbawa


Pasalaysay
Patanong
Pautos
Pakiusap
Padamdam
F. Paglinang sa Kabihasaan Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang bawat
(Tungo sa Formative Test) bilang.

__________1. Pakikuha naman ng aking putting sapatos.


Gagamitin ko kasi iyon sa pag-eehersisyo.

Itanong ito matapos sagutin ng bata:


- Sa tingin mo, mahalaga ba ang pag-eehersisyo? Bakit?

__________2. Yehey! Binigyan ko ng aking ninong ng


limang daang piso!

Itanong ito matapos sagutin ng bata:


- Kung ikaw ay may limang daan at binili mo ito ng
sapatos na ngakakahalaga ng dalawang daan, ilan na
lang lahat ang natira mong pera? Ano ang ginawa mo
upang makuha ang iyong sagot?

__________3. Nasaan ang iyong guro?

Itanong ito matapos sagutin ng bata:


-Sino ang community helper na tinutukoy sa
pangungusap?

__________4. Ilagay mo ang mga prutas at gulay sa mesa.

Itanong ito matapos sagutin ng bata:


- Saan kabilang ang gulay at prutas sa tatlong pangkat
ng pagkain?

__________ 5. Si Ben at si Tur na isang Badjao ay matalik na


magkaibigan.

Itanong ito matapos sagutin ng bata:


- Pamilyar ba kayo sa salitang Badjao? Nakakita na ba
kayo ng Badjao? Saan ? Bibigyan ko kayo ng ilang
impormasyon tungkol sa kanila.

(Ang guro ay magpapanood ng video tungkol sa mga


Badjao.)
https://youtu.be/G1vvSR_mdEs

Ano-ano ang masasabi ninyo tungkol sa mga Badjao?

Bilang kapwa nila Pilipino, ano-ano ang mga nararapat


nating gawin upang maipakita sa kanila ang pagsuporta
natin sa kanilang kultura?

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Ano ang kahalagahan ng paggamit ng tamang uri ng


araw-araw na buhay pangungusap?

Kung ikaw ay may nais sabihin tungkol sa pagkakaroon


natin ng limited face-to-face classes ngayon, ano ito?

Anong uri ng mga pangungusap ang iyong gagamitin?

H. Paglalahat ng Aralin Ano-ano ang iba’t ibang uri ng pangungusap?

Magbigay ng halimbawa ng bawat isa.

I. Pagtataya ng Aralin I. (1-4) Gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap, piliin
ang wastong pangungusap sa sumusunod na tanong.
Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang bago ang
bilang.
____________1. Aling pangungusap ang angkop na gamitin
kung ipapakuha mo sa iyong ina ang face mask na nasa
iyong kabinet?
a. Kunin mo nga ang face mask ko sa kabinet.
b. Hanapin mong madali ang face mask ko!
c. Nasaan na ang pinakukuha kong face mask sa iyo?
d. Pakikuha naman po Inay ang aking face mask sa
aking kabinet.
______________2. Anong pangungusap ang nararapat mong
saabihin sa iyong kaibigan na gusting bumisita ngayong
pandemya?
a. Hoy, bawal pumunta dito!
b. Sino ka ba para payagan kong bumisita sa akin?
c. Sa iba ka nalang bumisita.
d. Nais ko din sanang Makita at makipag-usap sa iyo
ngunit hindi maaari sa ngayon dahil sa pandemya. Sana
maintindihan mo.

______________3. Pupuntaang iyong nanay sa bayan. Gusto


mong magpabili ng bagong face shield, ano ang
nararapat mong sabihin?
a. Yahoo! Nanay, bilhan moa ko ng bagong face shield!
b. Nay, maari nyo po ba akong bilhan ng bagong face
shield?
c. Nanay! Nanay! Pag hindi moa ko binilhan ng bagong
face shield, ako na lang ang bibili.
d. Bumili ka ng bago kong face shield.

______________4. Naubos na ang hand sanitizer mo. Nakita


mong halos wala pang bawas ang hand sanitizer ng
iyong kapatid kaya nais mong humingi sa kanya. Paano
mo ito sasabihin nang maayos?
a. Huwag kang madamot dyan! Bigyan mo ako ng hand
sanitizer mo!
b. Kukuha na ako ng hand sanitizer mo ha!
c. Puwede bang hatian mo ako ng hand sanitizer mo?
Naubos na kasi ang sa akin.
d. Kapag hindi mo ako binigyan, isusumbong kita kay
nanay.

II. (5-10) Tukuyin ang mga uri ng pangungusap ng


sumusunod na bilang. Isulat ang sagot sa patlang. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.

_____________5. Maraming nawalan ng trabaho dahil sa


pandemya.

_____________6. Salamat at ligtas ka!

_____________7. Ilagay mo ang iyong gamit sa tamang


lalagyan.

_____________8. May pasok ba tayo bukas?

_____________9. Pakikuha naman ng paying ko sa labas.

_____________10. Masaya ako dahil nagkaroon na kami ng


limited face-to-face classes.

J. Karagdagang gawain para sa Gumawa ng maikling talata tungkol sa pandemyang


takdang-aralin at remediation nararanasan natin ngayon gamit ang iba’t ibang uri ng
pangungusap.

You might also like