You are on page 1of 2

LONG QUIZ :

1. Internet- ito ay isang pandaigdigang network ng kompyuter na nagbibigay ng iba’t


ibang impormasyon at pasilidad na pangkomunikasyon.
2. Aklat- ito ay isa sa mga pinaka-una at batayang pinagkukuhanan ng impormasyon
noon hanggang ngayon.
3. Sarvey - Isa itong talatanungan na nakalimbag o maaaring elektroniko na naglalayong
makuha ang pangkalahatang opinyon ng grupo ng mga tao.
4. Panayam o Intervyu - Ito naman ay ang tahasang pagtatanong sa isang indibidwal o
grupo na dalubhasa o may sapat na kaalaman sa isang paksa.
5. Pamatnubay - ito ang pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ay unang
pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa mambabasa dahil ito ay ang buod.
6. Drama Series – ito ay palabas na kinagigiliwan ng lahat, ito ay binubuo ng iba’t ibang
tauhan na nagsasadula sa isang kuwento.
7. Youth-Oriented Program – nakatuon sa pagtalakay sa isyu ng kabataan. Karaniwang
tema nito ay ang kanilang buhay pag-ibig.
8. Variety Show – nagbibigay ng tuon sa patimpalak sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw at
pagpapalabas ng isang comedy skit.
9. Travel Show – naglalahad ng paglalakbay sa iba’t ibang bayan o bansa at
nagpapakilala sa mga produkto na matatagpuan dito.
10. Public Service Program – naghahatid ng tulong sa mamamayan o programang
nagiging daan sa paghahatid ng tulong.
11. News Program – naghahatid ng napapanahong kaganapan o pangyayari sa loob at
labas ng bansa, ito’y kinapalolooban din ng ilang panayam at komentaryo.
12. Morning Show – tinatawag din na breakfast television kung saan nag-uulat ang
programa nang live tuwing umaga.
13. Magazine Show – isang programang pantelebisyon na nagpapalabas ng iba’t ibang
napapanahong isyu
14. Educational Program – tumatalakay sa mga bagay na noong una ay pinag- aaralan
lamang sa pamamagitan ng mga nakalimbag na impormasyon.
15. Children Show – mga programa o palabas sa telebisyon na ang pangunahing mithiin
ay makuha ang atensyon ng mga bata.
16. Komentaryo ay ang malayang pagpapahayag ng mga salita salig sa isang usapin o
isyu na maaaring mainit na tinatalalakay sa publiko o maging sa mga isyung matagal
nang umiiral.
17. Balita -ito ay ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay na naganap,
nagaganap, o magaganap pa lamang tungkol sa lipunan.
18. Hinuha- Isang palagay, isang hula, sa salitang Ingles ito ay guess o hypothesis
19. Opinyon- Ito ay pahayag ng isang tao tungkol sa kanyang paniniwala at prinsipyo.
20. Katotohanan- Mayroong basehan at dumaan sa proseso at pag-aaral.
21. Broadcast Media- Ito ay paghahatid ng impormasyon audio o biswal man, sa
pamamagitan ng midyang pangmasa tulad ng radio, telebisyon, internet o iba pang
bagay sa tulong ng network.
22. Radyo- isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga
kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito.
23. Komentaryong Panradyo- ito ay pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na
maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong
isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.
24. Konsepto ng Pananaw- ito ay mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng
pananaw o "point of view”.
25. Telebisyon- itinuturing na isa sa pangunahing midyum ng telekomunikasyon ang
telebisyon sa Pilipinas.
26. Dokumentaryong Pantelebisyon- ito ay isang programa o palabas na naglalayong
maghatid ng komprehensibo, mapanuri at masusing pinag-aralang proyekto o palabas
na sumasalamin sa katotohanan ng buhay na kalimitang tumatalakay sa isyu,
problema, kontrobersiyal na balita.
27. 1953- Anong taon naitayo sa bansa ang kauna-unahang istasyon sa telebisyon?
28. James Lidenberg – sino ang tinaguriang “Ama ng Telebisyon sa Pilipinas” na
siyang may-ari ng Bolinao Electronics Corporation.
29. Alto Broadcasting System o ABS – Ano ang kahulugan ng acronym na ABS?
30. ABS/ ABS-CBN –Anong istasyon sa telebisyon ang unang naitayo sa bansang
Pilipinas?

You might also like