Professional Documents
Culture Documents
Ilk Week 7 10 2 Kulturang Popular
Ilk Week 7 10 2 Kulturang Popular
WEEK 7-10
KULTURANG POPULAR: KOLONYALISMO, KOMERSYALISMO, AT MASA
Intentions
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Matalakay ang mga naging bakas o palatandaan ng kolonyalismo sa bansa na
naging tulay upang magkaroon ng popular na mga kultura.
2. Mailahad ang paglaganap ng pagkakaroon o paggamit ng telebisyon at radyo sa
komersyalismo.
3. Maipahayag ang mga naging epekto ng mass media sa masa o sa buhay ng
komukunsumo nito.
4. Maibigay ang mga bagong imbensyon o mga kagamitan na napabilang sa
naging popular o palasak sa panahon noon magpahanggang ngayon.
5. Matukoy ang mga katangian ng isang 100 % na Pinoy.
Introduction
Natalakay at nalaman na ninyo ang ukol sa pinagmulan o pinanggalingan ng
pagkakaroon ng kulturang popular at kung paano nakatutulong ang popularisasyon sa
pagpapalaganap ng kulturang ito. Ngayon naman ay ating bibigyang pansin natin ang
tungkol sa mga bakas ng kolonyalismo, komersyalismo at ang gumagamit na masa sa
pagkakaroon ng kulturang popular sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya o
inobasyon namalasak sa ating lipunan o sa bansa. Tatalakayin din natin ang mga
katangian na maaaring matawag ka na isang 100% na Pinoy. Tara na! Sabay-sabay
nating tuklasin.
Inputs
May posibilidad na hindi sana sumiklab ang Rebolusyong 1896 kung naging
malawakan sa simula pa ang pagtuturo ng Espanyol sa mga mamamayan sa kolonya.
Repormista ang kamalayan ng mga edukadong nanguna sa kampanya para sa
pagtuturo ng Espanyol. Kung may pagbabago mang ibubunsod ang pagkakamit ng
wika ng kolonyalista, iyon ay tungo marahil sa pagpapatibay pang lalo sa paghahari ng
Espanya sa Pilipinas. Naganap ang radikalisasyon ng kamalayan ng mga edukadong
Filipino sa panahon ng kanilang pakikibaka para sa karapatan ng mga Filipinong
matuto ng Espanyol. Sa pagtatanggi ng mga kolonyalista na ibigay ang wika nila sa
mga Filipino, naliwanagan ang mga ilustrado na layunin ng mga kolonyalista na
panatilihing mangmang ang nasasakupan upang ang mga ito’y manatiling
alipin (Lumbera 2000: 91).
Kung kaya’t ang maskara ay gumamit ng wika mismo ng mga Filipino; ito ang wikang
nagbigay ng sariling anyo sa dulang naging kasangkapan dapat sa programang
kolonyal. Dito naisafilipino at naging komedya at sarswela ang mga dulang ito.
Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan ang mga Filipino noon sa ilalim ng
Espanya. Subalit ang pagsasabansa ng lahing Filipino kabilang ang mga Muslim, Intsik
at iba pang lahi ay isang implikasyon ng pagbabago o pag-aaklas laban sa mga Kastila.
…[It] inculcate a spirit of hatred and enmity against the American people and the
Government of the United States in the Philippines, and…to incite the people of the
Philippine Islands to open and armed resistance to the constituted authorities, and to
induce them to conspire together for the secret organization of armed forces, to be used
when the opportunity presented itself, for the purpose of overthrowing the present
Government and setting up another in its stead. (sinipi mula kay Arsenio Manuel ni
Doreen Fernandez, 377).
Ang kulturang popular ay realidad ng tao; inaangkin ito bago ang lahat at
pinapalaganap mula sa sensibilidad ng tao dahil sa kanyang pagnanasa sa buhay
patungo sa kamalayang naghahari ang makabago, mapusok, marangya at
makapangyarihan. Ang kulturang popular ay pagsasabuhay ng bagay, imahe, simbulo,
pananda, paninda at komoditi sa karanasan ng tao na namulat sa mabilisang
pagbabago sa isang sibilisasyon. Tinatangkilik ito dahil sa popular at higit sa lahat
tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at huling puntirya. Paano? Dapat munang isaalang-
alang ang kahalagahan ng teknolohiya at inobasyon sa isang bansa. Sinabi ni Tolentino
na:
Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay isang
pang-uri na nangangahulugang “kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakararaming tao.”
(1983: 87, salin). Numerikal din ang isang pakahulugan ng popular. Popular ang isang
bagay o tao kung maraming tumatangkilik. Ang afirmatibong aksyon na pagtangkilik ang
lumilikha ng bilang. Sa isang banda, ang salitang popular ay tuwirang tumutukoy sa tao
mula sa salitang populus (“people” sa Ingles) sa wikang Latin.
May tatlong kategorya ang paggamit ng mga katagang ito. Ang kulturang popular
ay isang pag-aangkin sa puntodebista ng gumagamit o komukonsumo nito. Ito ay
kultura ng tao, ng masa at masasabing dikta ng komukonsumo. Paanong mangyayaring
dikta ito ng masa? Ang mga produkto ng kulturang popular ay ginagawa kasa-kasama
ang masa sa isipan ng mga kapitalista. Hindi ba’t bago lumustay ng malaking puhunan
sa isang produkto ang isang negosyante, tinitingnan at sinusuri muna kung
magugustuhan ba ito ng konsumer? “Judgments about popular culture are concerned
with question not of cultural or aesthetic value (good or bad taste) but of power and the
place of popular culture within the wider social formation” (Barker, 2000: 48). Ang
produksyon sa kalakaran ng kulturang popular ay nasasapawan. Ang mga kapitalista ay
dapat na sumunod at mamalagi sa paggawa ng may matataas na serbisyo at produkto.
Sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan sa produksyon at paggamit ng
teknolohiya napapanatili ang kalidad at kahusayan. Ang produksyon sa kulturang
popular ay maramihan sapagkat inaabot nito ang masa. Subalit ang ganitong takbo o
kalakaran ay naglalagay ng alanganin sa mga kapitalista. Sapagkat gamit din ng
nasabing teknolohiya at pananaw sa maramihang produksyon, nasasapawan sila ng
mga maliliit ngunit makapangyarihang retailer o negosyante. Dito pumapasok ang mga
imitasyon ng mga produkto sa merkado, halimbawa ang mga pekeng pantalon, damit,
bag; payrited na tape, cd, at dvd; suplus na appliances tulad ng computer, tv, radio, cd
player, kotse at marami pang iba. Sa ganitong tunggalian ang may matataas na kalidad
na produkto ay binibigyan ng proteksyon ng batas. Ngunit ang kalaban nito ay ang
puwersa ng mamimili na siyang nagpapasya sa pagkonsumo kahit na ang produkto ay
peke, payrited o imiteyted. Isang kasagutan kung bakit mataas ang pagtangkilik dito ay
ang presyo ng serbisyo at produkto—lahat ito ay mura kumpara sa orihinal, awtentik at
patented. Hindi rin natin masasabing labas ito sa kalakaran ng kulturang popular. Hindi
ang isyu ng legalidad ang punto rito, kundi ang tunggalian at tensyon sa espasyo ng
paggamit ng kapangyarihang pumili at bumili. Ang boses ng masa bilang konsumer ang
gumagawa sa malaking bahagdan ng pagkilos ng produkto at serbisyo sa merkado at
sa lipunan sa kabuuan. Inululugar ang kapangyarihan ng masa bilang espasyo ng
tunggalian at pag-aaklas sa merkado o lipunan. Babagsak ang isang kapitalista kung
hindi patok sa masa ang kanyang produkto. Sapagkat ang pag-aangkin ng
kapangyarihan ng masa ay nakatutok sa kalayaan ng konsumer na mamili sa produkto
o serbisyong kanyang bibilhin. May kalayaan sa pagpili ang konsumer, samantalang
ang kapitalista ay nakakulong sa produksyong walang katiyakan at katatagan pagdating
sa merkado.
Ang lugar ng elit, aristokrat at burgis ay yaong gamitin ang kanilang salapi para
sa produksyon at wala ng iba pa. Samantalang ang masa mismo ang tuwirang may
kapangyarihan upang buhayin, ipagpatuloy at buuin ang kulturang popular. Maling
sabihin na ang kulturang popular ang namamayaning kaayusan na binuo ng mga elit.
Sa bahagdan ng pagbubuo ng kulturang ito maliit na porsyento lamang sila bilang
prodyuser-konsumer. Ang punto ng kulturang ito ay wala sa produksyon kundi nasa
pagkonsumo. Ang trending kung anong palabas o produkto ang dapat pamalagiin ay
dapat na nakasunod sa kagustuhan, desisyon at pagtangkilik ng mga komukonsumo;
kung hindi, ang palabas at produktong ito ay mauuwi sa pagkalimot at pagkalugi. Kung
kaya’t nawawala sa ere ang isang palabas sa telebisyon kung hindi ito nagustuhan ng
manonood. Nalalaos ang isang usong damit kung wala nang nagsusuot. Nalalaos din
ang mga artista o aktor kung lumipat sa iba ang kanilang dating fans. Sa katapusan,
nagsasara ang isang kompanya kung ang kanilang pananatili ay wala ng saysay sa
mga tao.
Kakaiba nga daw ang lahing Pinoy kumpara sa ibang mga lahi sa buong mundo.
Ito ay sapagkat meron tayong mga ugali, kultura, mga katangian, mga ginagawa at
sinasabi na sa atin lang nakikita. Kaya naman kapag nasa ibang bansa ang mga Pinoy
talaga namang masasabi mong 100% Pinoy siya makita mo lang ang isa sa mga
maraming katangiang ito. Narito ang ‘Top 50 Pinoy ka kung” ng mga pinoy.
PINOY KA KUNG…
Activity 2
Panuto: Punan ang bawat puwang ng angkop na salita. Isulat ang tamang sagot.
1. Babagsak ang isang kapitalista kung hindi _________ ang kanyang produkto.
2. Ang _______ ang siyang may tuwirang kapangyarihan upang buhayin,
ipagpatuloy at buuin ang kulturang popular.
3. Sa mga ____________ ang kulturang popular ay lugar ng pakikipagbuno o
pakikipagsapalaran.
4. Nagiging lugi at nasasapawan ang ilang mga negosyante sa kadahilanang
nagkakaroon ng __________ ang ilang mga produkto sa merkado.
5. Ayon kay ___________ ang salitang popular ay isang pang-uring
nangangahulugang nagugustuhan o kinagigiliwan ng maraming tao.
Student’s Exam
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong.
1. Anu-ano ang naging impluwensya o naging epekto ng mass midya sa buhay ng isang
tao o ng masa sa pagkakaroon ng kulturang popular?
B.
Sa pamamagitan ng chart sa ibaba ay magtala ng mga kagamitan, bagay, tao, o
pangyayari na popular o kinikilala sa kasalukuyan.
Kagamitan Tao Pangyayari Panoorin
C.
Magtala sa ibaba ng mga katangian na siyang popular sa kasalukuyan.
Intervention
Pag-aralan ng mabuti ang topiko nating ito sapagkat makatutulong ito sa inyong pag-
unawa sa kung bakit may mga kulturang popular tayong nararanasan.
References:
http:/rolandotolentino.blogspot.com/2006/05/kulturang-popular-buhay-at-karanasan.btml