You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

JOSE RIZAL MEMORIAL STATE UNIVERSITY


The Premier University in Zamboanga del Norte
Dipolog Campus, Dipolog City

Asasd COLLEGE OF EDUCATION________________________

MALA- MASUSING BANGHAY ARALIN

I.LAYUNIN
Sa katapusan ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang mga
sumusunod:
a. natutukoy ang tauhan bilang elemento ng kwento;
b.nakapaghahambing at nakapaghahalaw sa pagkakaiba at pagkakatulad ng iba’t ibang
uri ng tauhan gamit ang venn diagram;
c.nakalilikha ng tauhan batay sa iba’t ibang persona sa kwento sa pamamagitan ng
pagsasadula;at
d.nakakapagbahagi ng saloobin kung ano ang kahalagahan ng tauhan sa elemento ng
kwento.
II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: Aralin 3:Ang Tauhan
b. Sanggunian: SPEC ELEC 2 ( Malikhaing Pagsulat) Modyul pahina 35-39
III.KAGAMITAN
biswal na materyal, flashcards, cartolina,kahon at pentelpen
IV.PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain (5 minuto)
1. Panalangin
2. Pagtatala ng Liban
3. Kasunduan
b. Pagganyak (5 minuto)
-Magsasagawa ng pangkatang gawain. Hahatiin ang klase sa dalawang
grupo.Magpapabunot ang guro sa kahon ng mga kendi at kung sino ang magkapareha ng
nakuha ay siyang magiging ka-pangkat.
-Magtatagisan ng talino ang bawat grupo sa paraan ng larong “Pinoy Henyo”.
c. Paglalahad (5 minuto)
Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang paksang tatalakayin.
“Ang Tauhan”

Ipapabasa ng guro ang layunin.


Sa katapusan ng araling ito, ang mga mag-
aaral ay inaasahang makamit ang mga
sumusunod:
a. natutukoy ang tauhan bilang elemento
ng kwento;
b.nakapaghahambing at nakapaghahalaw
sa pagkakaiba at pagkakatulad ng iba’t ibang uri
ng tauhan gamit ang venn diagram;
c. nakalilikha ng tauhan batay sa iba’t
ibang persona sa kwento sa pamamagitan ng
pagsasadula;at
d.nakakapagbahagi ng saloobin kung ano
ang kahalagahan ng tauhan sa elemento ng
kwento.

d. Pagtatalakay (20 minuto)


Magsasagawa ng formative assessment ang guro.Habang tinatalakay ang tauhan
at ang mga tao o persona na nagpapagalaw sa kwento ay magbibigay ang guro ng
mga tanong upang lubos na maintindihan ng mga mag-aaral ang tinalakay.

Mga tatalakaying paksa sa Aralin 3:Ang Tauhan


 Protagonista/Bida vs. Antagonista/Kontrabida
 Paglalarawang Tauhan/Karakterisasyon
 Bilugang Tauhan vs. Tauhang Flat
 Paano napapalitaw ang karakterisasyon?
 Ang mahusay at epektibong karakterisasyon
 Pagbabago/Pag-unlad ng Tauhan (Character Change/ Development)

e. Paglalapat ( 10 minuto sa paghahanda, 5 minuto sa presentasyon )


-Bibigyan ng pangkatang gawain ang apat na grupo na kanilang ipagsasadula.
Unang Pangkat:
- Tumutukoy ng isang tauhang may mabubuting katangian. Siya ang
iyong protagonist. Ipakilala sa pamamagitan ng tuwiran o di tuwirang
paraan. (Halimbawa: taxi driver,nanay na OFW, at iba pa.)
Pangalawang Pangkat:
- Bigyan ng antagonista ang protagonista. Magbigay-ideya ng hidwaan
nilang dalawa (personal na magkakaharap sa pamamagitan ng
kamalayan sa isa’t isa.)
Pangatlong Pangkat:
- Magbigay-ideya para sa isang tauhang kontra-bayani (anti-hero) para
sa isang maikling kwento.
Pang-apat na Pangkat:
-Magbigay-ideya para sa isang tauhang abuhin (gray character) sa pisikal
at iba pang antas (halimbawa: maaaring tambay,basagulero pero may positibong
katangian;pilantropong hinahangaan pero siya pala ay may negatibong katangian.)
f. Paglalahat (5 minuto)
Magtatanong ang guro kung talagang naintindihan ng mga mag-aaral ang paksa.
 Sino ang makapagbubuod ng ating paksang tinalakay ngayong araw?
 Ano ang kahalagahan ng tauhan sa elemento ng kwento?
V.EBALWASYON (5 minuto)
Magkakaroon ng maikling pagsusulit tungkol sa paksa.
Panuto:Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa isang kapat ¼ na papel.
1.Siya ang gumagawa ng mga desisyon na nagpapatakbo sa salaysay ng mga desisyon na
nagpapatakbo sa kuwento. Ito ay maaaring tao mula sa totoong daigdig o lugar na likhang-isip
lamang, hayop, halaman, o mga bagay.
a. Ang tauhan c. Bilugang Tauhan vs. Tauhang Flat
b. Paglalarawang-tauhan/Karakterisasyon d.Protagonista/ Bida vs. Anatagonista/ Kontrabida
2. Binibigyang-diin dito na kinakailangang ang protagonist ay may gawin sa istorya na
magbubunga ng kaniyang pagpapasiya at aksiyon tungo sa kaligtasan o kapahamakan.
a. Ang tauhan c. Pagbabago/ Pag-unlad ng Tauhan
b. Paglalarawang-tauhan/ Karakterisasyon d. Bilugang Tauhan vs. Tauhang Flat
3. Ang husay o kahinaan sa paglalarawang-tauhan/karakterisasyon ay nagbubunga ng dalawang
tipo ng mga tauhan:
a.Ang tauhan c. Pagbabago/ Pag-unlad ng Tauhan
b. Paglalarawang-tauhan/ Karakterisasyon d. Bilugang Tauhan vs. Tauhang Flat
4. Kumakatawan sa mga totoong tao na tunay na buhay ang tauhan, kinakailangang sikapin ng
manunulat na kapani-paniwala ang kaniyang mga tauhan.Dapat ang mga tauhan ay nag-iisip,
nagsasalita, gumagala, nagpapasaya ayon sa identidad na ipinaaangkin sa kanila ng sumulat.
Ito ay?
a.Ang tauhan c. Pagbabago/ Pag-unlad ng Tauhan
b. Paglalarawang- tauhan/Karakterisasyon d. Bilugang Tauhan vs. Tauhang Flat
5. ___________ ang pangunahing tauhan na siyang dahilan kung bakit may maikling kuwento.
Sa kaniya nakapokus ang mas maraming bahagi ng akda.
_____________ ang kalaban ng protagonista. Tungkulin niya na guluhin ang buhay ng
protagonista sa maliit o malaking paraan.
a.Ang tauhan c. Pagbabago/ Pag-unlad ng Tauhan
b.Protagonista, Antagonista d. Bilugang Tauhan vs. Tauhang Flat
6-10.Ano ang mahusay at epektibong karakterisasyon?
VI.TAKDANG-ARALIN
Panuto: Sa isang kalahating papel ( ½ ), bigyang kahulugan ang Point of View o Ang
Pananaw.

Inihanda nina:
Alifonso, Ruby
Blando, Marilou
Gerudias, Romano Jayson
Guerrero, Reina Jane
Morgia, Mary Jane
Obordo, Vanissa
Tamparong, Analie

You might also like