You are on page 1of 4

Tabaco City Division

TABACO NATIONAL HIGH SCHOOL


Tabaco City
SENIOR HIGH SCHOOLT
PANIMULANG PAGSUSULI
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Pangkalahatang Panuto. Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa
sagutang papel.

PAGBASA
1. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong nakakoda sa anyo
ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum.
A. Panonood B. Pagbasa C. Pagsulat D. Pakikinig
2. Habang naghihintay sa pila sa isang Dental Clinic ay binuklat mo ang magasin na nakalagay sa gilid ng
upuan kung saan ka nakapwesto. Anong teknik sa pagbasa ito?
A. Iskaning B. Iskiming C. Kaswal D. Pagtatala
3. Kayo ay pinasulat ng isang sanaysay tungkol sa paksang "Kahinaan at Kalakasan ng K-12 na
Kurikulum". Anong teknik sa pagbasa ang dapat mong gamitin?
A. Kritikal B. Kaswal C. Iskaning D. Iskiming
4. Nais mong bumili ng nobela para sa gagawing book review sa asignaturang Reading and Writing Skills.
Upang makatiyak na maiibigan mo ang iyong bibilhin ay binasa mo muna ang sinopsis nito na makikita
sa likod ng bawat sipi. Anong teknik sa pagbasa ang iyong ginawa?
A. Iskaning B. Iskiming C. Pre- reading D. Matiim na Pagbasa
5. Upang munawaan mo ang mga paksa sa Microbiology, mahalagang may sapat kang kaalaman sa
Biology. Anong antas ng Pagbasa ang ipinapakita dito?
A. Batayang Antas C. Inspeksyunal na Antas
B. Mapanuring Antas D. Sintopikal na Antas
6. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat at ilang artikulo ay lumawak ang iyong pag-unawa sa
paksang Pananaliksik. Anong kahalagahan ng pagbasa ang ipinapahiwatig dito?
A. Pangkasiyahan B. Pangmoral C. Pangkaalaman D. Pangkapakinabangan
7. Nakikilala na ng iyong apat na taong gulang na pamangkin kung ano ang tunog ng letrang "A". Ayon kay
Gray, anong proseso ng pagbasa ang ipinapakita ng iyong pamagkin?
A. Persepsyon B. Reaksyon C. Komprehensyon D. Integrasyon
8. Nakita ni Mauen na Espanyol ang teksto kung kaya hindi na niya ipinagpatuloy ang pabasa.
A. Primarya B. Analitikal C. Mapagsiyasat D. Sintopikal
9. Natuklasan ni Jonathan sa kaniyang pananaliksik na may isang mahalagang suliranin sa paksa ang hindi
pa gaanong napagtutuunan ng pansin.
A. Primarya B. Analitikal C. Mapagsiyasat D. Sintopikal
10. Anong teorya ng pagbasa na tumutukoy sa proseso nang pag-unawa ay nagsisimula sa teksto patungo
sa mambabasa?
A. Top Down B. Interaktib C. Bottom- Up D. Iskema

URI NG TEKSTO

11. Naglalayon itong maglahad ng impormasyon, kabatiran at kapaliwanagan kaugnay ng paksa


A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Argyumentatibo
12. Layunin nitong manghikayat at papaniwalain ang mambabasa.
A. Prosidyural B. Deskriptibo C. Persweysib D. Argyumentatibo
13. Tekstong nagsasalaysay o nag-uugnay-ugnay ng mga pangyayari.
A. Argyumentatibo B. Deskriptibo C. Naratibo D. Impormatibo
14. Naglalahad ng simulain o proposisyon upang mapangatwiran ang nais iparating na kaalaman sa mambabasa.
A. Prosidyural B. Argyumentatibo C. Persweysib D. Deskriptibo
15. Layunin nitong maipakita o mailarawan ang paksa sa mambabasa.
A. Prosidyural B.Deskriptibo C. Persweysib D. Impormatibo
16. Naglalahad ito ng magkakasunod na hakbang upang maisagawa ang isang proyekto.
A. Persweysib B. Prosidyural C. Impormatibo D. Argyumentatibo
17. Ang paksa ng teksto ay _________
A. ang salitang paulit-ulit na ginagamit sa kabuuan ng teksto
B. ang pamaksang pangungusap sa isang teksto
C. ang kaisipang paulit-ulit at binibigyang-pokus
D. ang mga inihanay na suportang detalye na nagpapalawak sa teksto

18. ”Kahit anong tamis ng dila, nakapapatay pa rin ito ng kaluluwa”. Anong kasabihan ang kahalintulad
nito?
A. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape. C. Ang taong tahimik, nasa loob ang kulo.

B. Matalino man ang Matsing, naiisahan din. D. Wala sa nabanggit


19. “Para kang isang talong tahimik, di kita maarok”, ang sambit ng kanyang kaibigan. Ano ang ibig sabihin
ng salitang “maarok” sa pangungusap?
A. Masalok B. Makuha C. Matiis D. Maunawaan
20. Ano ang tono ng pahayag na ito? “Meron ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng
ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamamagitan ng dyaryong ito? Ipadala lamang sa email
address na ito: abante_editor@yahoo.com.”
A. Nang-aakit B. Nagtatanong C. Nanghihikayat D. Lahat ay tama
“Sana ay patuloy na ngang masupil ang masasamang gawain ng Abu Sayyaf. Sila kasi ay malaking banta
sa ating national security.“
21. Ang pag-ibig ay di pawang hardin ng mga bulaklak. Nangangahulugan itong:
A. Ang pag-ibig ay di sinusukat C. Ang pag-ibig ay pagsasakripisyo
B. Ang pag-ibig ay di pulos kaligayahan D. Ang pag-ibig ay di bulag
22. Ito ang uri ng teksto na tumutukoy sa pagsasalaysay ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan.
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Prosidyural
23. Ito ang uri ng pananaw o panauhan na ang nagsasalaysay ay walang kinalaman sa mga pangyayari o
walang relasyon sa mga tauhan.
A. Unang Panauhan B. Ikalawang Panauhan C. Ikatlong Panauhan D. A at B
24. Ano ang pagkakapareho ng mga uri ng naratibo na mitolohiya,dula,nobela at pabula na sila’y kabilang
sa mga tekstong naratibo?
A. naglalarawan B. nagsasalaysay C. nagpapabatid D. nakikipagtalo
25. Alin ang naglalarawan sa tekstong argumentatibo?
A. naglalahad ng posisyon ng may-akda na suportado ng mga ebidensiya
B. mahalagang malinaw ang pagkakalahad ng mga impormasyon
C. kailangang inilalahad nito ang serye ng mga gawain
D. naglalayong maialok nito ang produktong itinitinda
26. Naratibo: Pagkukwento; Persweysib: ______________________
A. Pagbibigay- impormasyon C. Pangangatwiran
B. Paglalarawan D. Panghihikayat

Para sa aytem blg.27-29

Namumutla,nangangatog ang buong katawan,at nanginginig ang boses,si Pak Idjo ay walang iniwan
sa isang taong inaatake ng malaria.Ang totoo’y may sakit nga siyang talaga.Parang nakasabit na lang
ang tagpi-tagpi at maruming damit sa napakanipis niyang katawan,at nakalubog sa humpak niyang
mga pisngi ang namumula at naluluhang mata.

“ Takipsilim sa Dyakarta” ni Mochtar Lubis

27. Ano ang inilalarawan sa teksto?


A. Damdamin B. Pangyayari C. Tauhan D. Tagpuan
28. Bakit sinasabing si Pak Idjo ay parang inaatake ng malaria?
A. Dahil humpak ang kanyang mga pisngi C. Dahil siya’y nangangatog at nanginginig
B. Dahil nangngayayat na siya D. Dahil namumula at naluluha na siya
29. Sa ikatlong pangungusap,masasabing ang tauhan ay:
A. Payat na payat na B. Naghihirap na C. Nagugutom na D. Lahat ng nabanggit

Para sa bilang 30- 32


Sa tuwing itatayo ko ang kristmas tri kapag nalalapit na ang kapaskuhan ay parang laging may
kulang, pilit kong dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta- basta palamuti, yung mamahalin.
Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod na taon ay magagandang bulaklak naman ang binili ko.
Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa kristmas tri. “Ang ganda!” ang may pagkamanghang sabi ng
bawat nakakikita. Malalaki at makikintab na pulang bola, malalaki at magagandang pulang poinsettia… ah!
Pero bakit tila may kulang pa rin?
Mula sa “Ang Aking Kristmas Tri”
Ni Mary Grace del Rosario

30. Anong uri ng teksto kabilang ang sipi ng “Ang Aking Kristmas Tri”?
A. Naratibo B. Persweysib C. Impormatibo D. Deskriptibo

31. Ano ang inilalarawan sipi?


A. Paglalarawan ng tauhan C. Paglalarawan ng tagpuan
B. Paglalarawan ng emosyon D. Paglalarawan ng mahalagang bagay
32. Anong pananaw o panauhan ang ginamit sa sipi?
A. Unang Panauhan B. Ikalawang Panauhan C. Tauhang Bilog D. Tauhang Lapad
33-34. “Maaari po naman tayong kumuha ng mangangasiwa sa ating bahay-kalakal,” ang tugon ni Carding sa
kanyang ama.
33. Ano ang layunin ni Carding sa kanyang pahayag?
A. Magpaliwanag B. Magmarunong C. Mangatwiran D. Magbabala
34. Anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa itaas?
A. Tuwirang Pagpapahayag C. Di- tuwirang Pagpapahayag
B. Pagkukuwento D. Pangangatwiran

Para sa bilang 35- 40

Noo’y nasa katamtamang gulang na si Ineng na wika nga sa mga nayon ay ”pinamimitakan na ng
araw”. Ang gulang na iyan ay lalong kilala sa tawag na ”dalaginding” ng ating matatanda. Bagama’t hindi
gaanong kagandahan, si Ineng ay kinagigiliwan namang lubos, palibhasa’y nakatatawag ng loob sa lahat
ang pungay ng kaniyang mata, ang kulay na kayumangging kaligatan, ang magagandang tabas ng
mukha, na nasa bilugang pisngi’y may biloy na sa kanyang pagngiti’y binubukalan mandin ng pag-ibig,
ang malagong buhok na sa karaniwang pusod na pahulog sa batok, na sa kinis ay nakikipag-agawan sa
nagmamanibalang na mangga, saka ang mga labi’t ngiping nagkakatugunan sa pag-aalay ng luwalhati’t
pangarap.
Mula sa ”Ang Dalaginding”
Ni Iňigo Ed. Regalado

35. Bakit kinagigiliwan ng mga taga- nayon si Ineng?


A. Dahil sa kanyang kabaitan C. Dahil sa kanyang angking taas
B. Dahil sa kanyang kaputian D. Dahil sa kanyang kaaya- ayang mukha
36. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap? ”Lubos na kinagigiliwan ng mga
taga- nayon ang kulay kayumangging kaligatan ni Ineng.”
A. Mapula- pula C. Maputing- maputi
B. Moreno o Morena D. Malasutlang- kulay
37. Sa pahayag na ”sa bilugang pisngi’y may biloy na sa kanyang pagngiti’y binubukalan mandin ng pag-
ibig”, ano ang ibig sabihin ng may salungguhit?
A. Nakaaakit B. Nakatutuwa C. Nakakainggit D. Nakahahawa
38. Anong uri ng teksto ang ibinigay na halimbawa?
A. Impormatibo B. Deskriptibo C. Persweysiv D. Naratibo
39. Ano ang kasingkahulugan ng dalaginding na makikita sa teksto?
A. Nagdadalaga B. Bagong usbong C. Pinamimitakan ng araw D. A at D
40. Ano ang paraan ng paglalarawan na ginamit sa teksto?
A. Paglalarawan ng tauhan C. Paglalarawan ng tagpuan
B. Paglalarawan ng emosyon D. Paglalarawan ng mahalagang bagay

KOHESYONG GRAMATIKAL
“Sana ay patuloy na ngang masupil ang masasamang gawain ng Abu Sayyaf. Sila kasi ay malaking banta
sa ating national security.“
41. Anong uri ng kohesyong gramatikal ang binigyang- pansin sa pahayag sa itaas?
A. Anapora B. Ellipsis C. Kolokasyon D. Substitusyon
42. Alin sa mga gamit ng kohesyong gramatikal ang may binabawas na bahagi o salita sa pangungusap
subalit naiintindihan o malinaw pa rin sa mambabasa ang mensahe ng pangungusap?
A. Ellipsis B. Pang- ugnay C. Reperensiya D. Kolokasyon
43. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng anapora?
A. Bumili si Rina ng apat na aklat at si Gina nama’y tatlo.
B. Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
C. Ang Pilipinas ay bansang matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Ito ay napapaligiran ng iba't
ibang anyong tubig.
D. Nagtatanim ng sila ng mga gulay. Ang mga ito ay talong, sitaw, at ampalaya.
44. Kaaya-ayang tingnan ang mga bulaklak, tunay ngang kahali-halina ang mga ito.. Anong uri ng
cohessive device ang pangungusap?
A. Ellipsis B. Pag-u ugnay C. Reperensiya D. Substitusyon
45. Ito ang mga salitang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag
nabanggit naiisip din ang isa.
A. Ellipsis B. Kolokasyon C. Reperensiya D. Substitusyon
46. “Lubhang nabahala ang lahat ng tao sa mundo dahil sa dalang panganib sa kalusugan ng Covid 19.
Ang sakit na ito ay tunay na nakaapekto sa kilos, pamumuhay at katahimikan ng daigdig”. Anong
kohesyong gramatikal ang litaw dito?
A. Anapora B. Kolokasyon C. Substitusyon D. Ellipsis
47. Kanila: Reperensiya; Habang: ___________
A. Pang-ugnay B. Katapora C. Ellipsis D. Substitusyon
48. Malaking karangalan ang hatid ni Haidilyn sa kanyang pagkapanalo sa Tokyo Olympics 2020. Ang
galing ng Pilipino!
A. Reperensiya B. Substitusyon C. Pang-ugnay D. Kolokasyon
49. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng ellipsis?
A. Hindi kita mapapatawad!
B. Sa luneta tayo nagkita, dito kita unang nakilala.
C. Ang mabait na anak ay may disiplina sa sarili kaya siya ay kahanga-hanga.
D. Ito ang isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan.
50. “Lahat ng tao ay nararanasan ngayon ang paghihirap. Paghihirap sa pananalapi, paghihirap sa
pagkilos at paghihirap sa iba’t ibang emosyong umiiral.” Ano ang kohesyong leksikal ang ginamit sa
pangungusap?
A. Pag-iisa-isa B. Repetisyon C. Kolokasyon D. Pagpapakahulugan

Pananaliksik

51. Ito ang kabanata ng pananaliksik na tumutukoy sa detalyadong paraan kung paano isasagawa ang
imbestigasyon.
A. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral C. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
B. Teoritikal na Gabay at Konseptwal na Balangkas D. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
52. Aling bahagi ng pananaliksik ang naglalaman ng iyong pahapyaw na pagtalakay ng paksa?
A. Saklaw at Delimitasyon B. Panimula C. Bibliyograpiya D. Pahayag ng Tesis
53. Ano ang ibig sabihin ng APA Style?
A. American Psychology Association C. American Psychologist Association
B. American Physiological Association D. American Psychological Association
54. Alin sa mga pagpipilian ang WASTONG pagkakasulat ng bibliyograpiya na ang sanggunian ay
magasin?
A. Llames, T. (2013, April 3). Classroom management: 21st century teachers.
Modern Teacher.
B. Llames, T. (2013, April 3). Classroom management: 21st century teachers.
Modern Teacher,7(23), 6-8.
C. Llames, T. (2013, April 3). Classroom management: 21st century teachers.
Modern Teacher,7(23), 6-8.
D. Llames, T. (2013, April 3). Classroom Management: 21st Century Teachers.
Modern Teacher.
55. Alin ang wastong pagkakasulat ng Pamagat ng Aklat sa bibliyograpiya?
A. Sandigan ng pamahayagang pangkampus. C. Sandigan ng Pamahayagang Pangkampus.
B. Sandigan ng pamahayagang Pangkampus. D. Sandigan ng Pamahayagang Pangkampus.

Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng pananaliksik nakapaloob ang bawat datos o gawain. Isulat ang titik ng
wastong sagot sa sagutang papel.

56. Pagbanggit ng sakop o lawak at limitasyon ng pananaliksik


A. Panimula B. Paglalahad ng Suliranin C. Saklaw at Delimitasyon D. Natuklasan
57. Pagtukoy sa bahagi o impormasyong pupunuan na hindi pa napag-aralan ng mga naisagawang
pananaliksik
A. Rekomendasyon B. Natuklasan C. Katuturan ng Talakay D. Gap
58. Pagpapakita ng kaugnayan ng input, proseso at awtput ng pananaliksik gamit ang ilustrasyon o
dayagram
A. Paradaym ng Balangkas Konseptwal C. Balangkas Teoritikal
B. Paradaym ng Balangkas Teoritikal D. Balangkas Konseptwal
59. Pagtalakay ng napiling pinakamalapit na teorya o pananaw hinggil sa paksa ng pag-aaral
A. Panimula B. Balangkas Teoritikal C. Balangkas konseptwal D. Tala
60. Pangkalahatang pagtalakay sa paksa at paglalahad ng naobserbahan at layunin ng pag-aaral
A. Abstrak B. Natuklasan C. Panimula D. Katuturan ng Talakay

You might also like