Professional Documents
Culture Documents
Unang Yugt0
Unang Yugt0
Banghay Aralin
I. LAYUNIN (OBJECTIVES)
Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards): Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):
Amen….
Maraming Salamat.
Wala, mahusay! Kung ganon ay bigyan niyo ang inyong mga sarili ng tatlong bagsak!
Ano naman ang tinawag sa kontra-repormasyon na naitatag ng mga Pari ng Simbahang Katoliko?
Tama! Ito ang Counter Reformasyon
Talaga ngang kayo’y natututo na, kung kayat bigyan niyo ng palakpak ang inyong mga sarili.
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
D. Paglalahad ng Ngayong araw ano sa tingin niyo ang ating Pag aaralan, Base sa mga larawang inyong nakita?
Aralin (Presentation
& Development of the Tama, maaring ito ay may kaugnayan sa Eksplorasyon ng Europa
Lesson)
Nagsimula ito noong ika-15 na siglo ng kadakilaang Panahon ng Eksplorasyon o Paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang
Eksplorasyon ay ang pagbibigay daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng makapangyarihang bansa sa mahihinang bansa.
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
Noong ika 15 hanggang ika-17 na siglo nagsimula ang Unang Yugto ng Imperyong Kanluranin. Ang Imperyalismo ay ang Panghihimasok ng malakas na bansa
laban sa mahihinang bansa, na kanilang nagiging control.
Naging tanyag ang Imperyong Europeo ng dahil sa Panahon ng Eksplorasyon dahil Ito’y naging Daan upamg mas makilala ang Europeo.
Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar sa mata ng Europeo. Ang kaalaman nila tungkol sa Asya ay limitado lamang sapagkat ito ay hango lamang sa tala ng
mga manlalakbay tulad nina MARCO POLO at IBN BATTUTA, NAGING Interisado ang mga ito dahil sa paglalarawan dito na siang mayamang lugar.
Marco Polo (Merchant)
Ibn Battuta
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
Sumang-ayon ang Panahon sa kanilang paglalakabay na kung saan natuklasan nila ang Compass at Astrobe .
ASTROLABE (ARABO)
Ito ay ginagamit upang matukoy ang latitude ng barko gamit ang araw at bituin.
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
COMPASS (TSINA)
CARAVEL
Naging tanyag ang Spain at Portugal na bansa sa Europe na nanguna sa pagtuklas ng mga bagong lupain. Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo dahil
kay Prinsipe Henry.
PRINSIPE HENRY
(THE NAVIGATOR)
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
PAGHAHANAP NG SPICES
Ang spices ay ginamit upang pampalasa ng mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne. Ginamit din ito para sa kanilang pabango, kosmetiks at medisina.
Ang kalakand ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga Venice, Italy. Ang mga malalakal na Tsino at Indian ay bumibili ng
spices sa mga Arabe at Venetian. Dahil sa Ganitong kalakalan nag hangad ang Europeo na direkta mag karoon ng kalakalan sa Asya. Kaya’t labis ang
paghahangad ng Europeo sa mga tinatagong Yaman ng Asya, kung kaya’t gusto nila itong maangkin. At ang kanilang ginamit ang katubigan upang maka-iwas
sa kung ano mang pananambang at mas naisip nilang sila ay protektado.
Ang Portugal ang kauna-unanhang bansa sa Europeo na nagkaroon ng interes sa Pangagalugad sa karagatan ng Atlantic, upang makahanap ng mga spices at
ginto.
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
BARTHOLOMEU DIAZ
VASCO DA GAMA
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
Ang kanyang ekspidesyon ay umikot sa Cape of Good hangagang sa malagpasan niya ito at marating ang Silangang Africa, naging basehan niya ito
upang marating ang Calicut, India, dito na diskobre niya na mahusay makipagkalakalan ang Hindu at Muslim ng seda, porselana, at pampalasa na
pangunahing kailangan ng mga Portuges. Ito ang naging susi upang mahawakan ng mga Portuges ang kalakan at mas naging tanyag siya at kinilalang
bayani.
Nakamit ng mga Portuges ang Rurok ng kanilang pagpapalawak noong 1509, at nagpadala ng barkong pandigma sa Melaka sa Malay Peninsula at
kanilang sinira ang kontrol ng mga Arabo sa spice street, pagkatapos sila ay nagtatag ng trading post sa Mulukas, ang isla na kung saan inaasam ng
Europeong Bansa
Nagtapos ang pamumuno ng mga Portugal, sa kadahilanang sila ay kapos sa mga Sundalo at hindi nagawang sakopin ang mga isla at naging kontento
sa mga trading post
CHRISTOPHER COLUMBUS
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
AMERIGO VESPUCCI
Noong 1507 ipinaliwanag niya na nakatagpo ng BAGONG MUNDO si Columbus at naglaon ay isinunod sa Pangalan niya na kilala
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
bilang AMERIKA.
PAGHAHATI NG MUNDO
Dahil sa lumalalang paligsahan paligsahan ng mga ekspedisyon ng Portugal at Spain humingi ang mga bansang ito ng tulong sa Papa ng Rome upang
mamagitan sa kanilang paglalabanan. Si Pope Alexander VI
POPE ALEXANDER VI
Nag palabas ng Papa Bull na nag hahati sa lupaing maaring tuklasin ng Spain at Portugal.
Gumuhit ng Line of Demarcation noong 1493, ito ay isang linya mula sa gitnang Atlantiko sa Hilagang Pola hanggang sa Timog Pola,
lahat ng matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa Silangang bahagi ng linya ay para
naman sa Portugal.
Kasunduan ng Tordesillas – ay ang kasunduan na baguhin ang naunang linya noong 1494 nagkasundo ang Spain at Portugal na ilayo ang
Demarcation pakanluran.
Taong 1519 isang paglalayag muli ang pinunduhan ng Espanya, ito ang paglalayag ni Fernando Magallanes o kilala bilang Ferdinand Magellan
FERDINAND MAGELLAN
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
Isang Portuguese
Naglakbay ang kanyang Ekspedisyon sa rutang pakanluranin tungong Silangan
Nakatuklas ng Silangang baybayn ng South America o bansang Brazil sa kasalukuyan.
Nilakbay nila ang makitid na daanan ng tubig o ang Strait of Magellan ngayon
Pinasok ang malawak na katubigan ng Pasipiko hanggang marating ang Pilipinas.
1521 natagpuan niya ang Pilipinas particular sa Mactan.
Limang barko ni Magellan ito ang: TRINIDAD, SAN ANTONIO, CONCEPTION, VICTORIA at SANTIAGO.
Ang barkong Victoria lamang ang nakabalik sa Espanya, kahit pa napatay si Magellan ng tauhan ni Lapu-Lapu
Dito na nag-umpisa ang Circumnavigation o ang pag-ikot sa mundo, itinama nito ang lumanag kaalaman ng Europeo na ang mundo ay Patag sa pagkat
ito ay bilog.
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
Ang pagpasok ng ika-17 siglo, napalitan ng mga Dutch ang Portuguese bilang pangunahing kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal
at nagtatag ng bagong sistemang Plantasyon kung saan ang mga tanim ay pinatamnan ng mga tanim na mabili sa mga Pamilihan.
HENRY HUDSON
English Navigator
Naglakbay para sa mga mangangalakal na Dutch
Napasok niya ang New York Bay noong 1609 at pinangalanan niya itong New Netherlands
Noong 1624 isang trade post o himpilang pangkalakan ang itinatag sa Rehiyon na pinangalanang New Amsterdam, ito ngayon ay kilala bilang New
York City.
Itinanatag nila ang Dutch East India Company o Vereenidge Oostindische Compagnie o VOC noong 1602. Isa itong Pribadong kompanya na
pinahihintulutan na manakop ng teritiryo
Kinilala rin ito bilang kauna unahang kompanya na nag benta ng kanilang stocks at Transnational corporation sa daigdig.
Ang mga daungan nito ang nag bigay proteksyon sa monopoly ng Dutch sa Paminta at iba pang Rekado.
Nag bunga ng pagbabago ng ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag noong ika 15-16 siglo Nawala sa dating kinakalagyan ang Italya sa kanyang
pinamunuan na Medieval Period. Naging Sentro ng kalakalan ang mga pantalan ng baybayin ng Atlantic mula Spain, Portugal, France, Netherlands at England.
Sa North Amerika naman ay Kape, Ginto, at Pilak. Sa Soutj Amerika ay asukal, at molasses.
Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa salaping Ginto at Pilak na galing sa Mexico, Peru, at Chile. Dito nagsimula ang pagtatag ng mga bangko, sa
dami ng salaping ginto ng mga mangangalakal, kinailangan nilang may paglagyan ng kanilang salaping barya. Nagging tanyag ang salaping papel na
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
pinalaganap sa mga mangangalakal. Ang mga salaping ito ang nagging dahilan kung kayat naitatag ang KAPITALISMO.
Noong Medieval Period ay hindi alam ng mga tao ang pag-iipon ng salapi. Nasissiyahan na sila sa kung ano ang kanilang kita para sa mga
pangangailangan, Ngunit sa pag unlad ng kalakalan natuto at dumami ang kanilang salaping naipon. Hindi nila ito itinago kundi ginamit nila itong puhunan
para sa higit na lumago pa.
“CONCEPT MAPPING”
PANUTO: Gamit ang Concept Mapping, magbigay ng dalawang bansa na narrating mga sumusunod na manlalayag sa Unang Yugto ng Imperyong kanluranin
CHRISTOPHER COLUMBUS
A.
B.
HENRY HUDSON
A.
B.
PANUTO: Ilagay ang Happy Face (😃) kung ito ay Nakabuti at Sad Face(🙁) naman kung ito ay Nakasama sa epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo sa
Europe
V. PAGTATAYA (EVALUATION)
PANUTO: SURIING MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD NA PAHAYG. ISULAT ANG FACT KUNG ITO AY TAMA AT BLUFF NAMAN KUNG ITO MALI
1. Tinawag na Panahon ng Eksplorasyon ang mga panahon na nag simula ika-15 hanggang ika-17 na siglo.
2. Ang Portugal ang unang bansang naglungsad ng Eksplorasyon Pansilangan
3. Kabilang sa motibo ng kolonisasyon ang maipalaganap ang Relihiyong Islam
4. Dumami ang uri ng Pagkain at populasyon sa Europe dulot ng Imperyalismo
5. Hindi tumulong ang mga Hari sa Europe sa mga Ekspedisyon
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semestre, Taong Pang-akademiko 2023-2024
IDENTIFICATION
1. ITO AY ANG TINATAWAG NA 3’G
2. ITO ANG UNANG BANSANG NAGGALUGAD SA IMPERYONG EUROPEO
3. NAGBIBIGAY NG DIREKSYON HABANG NAGLALAKBAY
4. ITO AY ANG SASAKYANG PANDAGAT NG EUROPEO
5. ANONG BARKO NI MAGELLAN ANG NAKABALIK SA ESPANYA
SINO SIYA
RUBRIKS
NILALAMAN - 5PTS.
ORGANISASYON NG MGA SALITA - 5PTS.
DALOY NG IDEYA - 5PTS.