You are on page 1of 2

SY 2023-2024

Pinagyamang Pluma

Mala-masusing Banghay sa Grade 7

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, 95% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakakakatalakay ng mga pangyayari sa kwentong pinanood.
B. Nahihinuha ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa kuwento.
C. Nasusuri ang mensahe ng awit sa akdang tinalakay

II. PAKSANG ARALIN:

A. PAKSA: Akda tungkol sa Yumayapos Ang Takipsilim

B. KAGAMITAN: Aklat, Laptop,TV, Chalk, Pisara

C. SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma

Nina Ailene G. Baisa, Mary Grace G. Del Rosario, Alma M.


Dayag

D. PAGPAPAHALAGA: Pagpapahalaga at paggalang sa matatanda, Panatilihin


at patibayin sa ating kultura.

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
 Pagbati
 Panalangin
 Pagsasaayos ng silid
 Pagtala ng liban
 Pagbabalik-Aral
- Magtatanong sa mga mag-aaral at saka ibubuod ang paksang
tinalakay noong nakaraang talakayan.
B. PORMAL NA ARALIN

a.) Pagganyak

 Magtanong ng mahahalagang tanong tungkol pagmamahal at pag-aaruga


sa magulang kung saan ito ay tungkol sa akdang panonoorin.

b.) Paglalahad

 Magpapaliwanag tungkol sa akdang pinanood.


 Ibabahagi ang kantang handog ni Florante at pakantahin ang mga mag-
aaral pagkatapos nila itong mapakinggan.

c.) Pagtatalakay

 Magkakaroon ng malalimang talakayan tungkol sa akdang pinanoodat


tungkol sa pahiwatig nag kanta.
 Magbibigay ng halimbawa at magtatanong upang masuri ang pagkaunawa
ng mga mag-aaral sa pinanood na akda at pahiwatig sa kanta na
pinakinggan.

d.) Pormatib tsek

 Tatanonging ang mga mag-aaral upang masukat ang kaalaman ng mga


mag-aaral sa akdang pinanood at tungkol sa pahiwatig ng kanta.

e.) Paglalapat

 Bibigyan ng mga aktibidad kung saan magagamit ng mga mag-aaral ang


kanilang natutuhan sa pinanood na akda.

f.) Paglalahat

 Magbibigay ng buod o pangkalahatang ideya sa mga natutuhan sa araling


ito.

g.) Pagtataya

 Isasagawa ang mga pagsusulit o pagtataya upang suriin ang natutuhan at


naabot na layunin ng mga mag-aaral.

IV. TAKDANG ARALIN:

 Gumawa ng liham para sa mga magulang at hindi bababa sa 50 na salita.


Upang patunayan na ito’y naibigay sa magulang kinakailangang pumirma
ang magulang sa ibaba ng ginawang liham.

You might also like