You are on page 1of 10

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN

Paaralan: Southern Masbate Roosevelt College Antas: Grade – 9


Guro: Mark Kevin B. Damayo Asignatura: Araling Panlipunan
Petsa & Oras Oktobre 10, 2023 Markahan: Unang Markahan
I – LAYUNIN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
A. Pamantayang Pangnilalaman batayan ng matalino at maunlad na pang araw-araw na pamumuhay.

Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng


B. Pamantayan sa Pagganap Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang araw-araw na pamumuhay.

 Nasusuri ang mga salik na nakakaimpluwensya sa pangangailangan at kagustuhan


(AP9MKE-le-11)
 Nabibigyang halaga ang mga salik na nakakaimpluwensya sa pangangailangan at
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
kagustuhan.
 Nakakabuo ng matalinong pagpapasya sa pagpili ng pangangailangan at kagustuhan.

II – NILALAMAN
Yunit 1: Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks: Batayan ng Matalinong Paggamit ng
Pinagkukunang Yaman sa Pagkamit ng Kaunlaran.
A. Nilalaman
Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan

III – KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Pahina: 28-32
Guro
2. Mga pahina sa kagamitang
Pahina: 37 - 49
Pang-aaral
3. Mga Pahina ng
Pahina: 37- 49
Teksbuk
K-12 Gabay Pangkurikulum, Araling Panlipunan 1- 10, P188
4. Karagdagang Kagamitan
https://sites.goggle.com/site/kahuluganngekonomiks/services/mga-salik-na-
mula sa portal ng Learning
nakakaimpluwensiya-sa-pangangailangan-at-kagustuhan
Resources
B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, Monitor, Powerpoint Presentation, Manila Paper, Marker, Tarpapel at Scotch Tape
IV - PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Balik-aral sa nakaraang A. Panalangin Panalangin:
aralin at / o pagsisimula ng  Ang guro ay tatawag ng estudyante Ama naming…………
bagong aralin para pangunahan ang panalangin
B. Pagbati
 Magandang araw mga mag-aaral!  Magandang araw po sir!
C. Pagtala ng Lumiban
 May lumiban ba sa araw na ito?  Wala po sir!
D. Panuntunan sa Silid-Aralan:
 I-off o ilagay sa “silent mode” ang
cellphone.
 Maging masigasig at makilahok sa
talakayan sa silid-aralan.
 Makinig at sumunod sa mga panuto.
 Respetuhin ang guro at mga kaklase.
 Umupo ng maayos.
E. Pagbabalik Aral:
Sagot:
 Ano nga ba ang tinalakay natin
kahapon?  Ang ating tinalakay kahapon ay
tungkol sa kakapusan at
Magaling! kakulangan.

 Ano nga ulit ang kakapusan at


kakulangan?
 Ang kakapusan ay hindi kasapatan
ng pinagkukunang-yaman upang
mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao samantala ang
kakulangan ay isang kaganapan
kung saan nagkakaroon ng
pansamantalang pagkukulang sa
suplay ng isang produkto.
Tama!

 Bakit tayo nakakaranas ng kakapusan  Nakakaranas tayo ng kakapusan


at kakulangan? dahil sa walang katapusan ng
pangngangailangan at kagustuhan
ng tao samantalang ang
pinagkukunang yaman ay kapos o
Magaling! may limitasyon.

B. Paghahabi sa layunin ng Bago tayo tumungo sa ating panibagong


aralin talakayan ay magkakaroon muna tayo ng
unang Gawain na konektado sa ating aralin sa
araw na ito.

Gawain 1: BAGAY MO! CHOICE MO!


Panuntunan:
 Hahatiin ang klase sa tatlong (3)
pangkat. Tingnan ang ilalim ng iyong
upuan upang malaman kung saang
pangkat ka nabibilang.
Unang Pangkat (Blue)
Pangalawang Pangkat
(Orange)
Pangatlong Pangkat (Red)
 Ikaw ay nasa tindahan o sa mall.
Magsulat ng mga bagay na iyong
nakikita o nais bilhin o ang iyong
binibili sa araw-araw mong
pamumuhay.
 Isulat ang iyong sagot sa pisara sa
itinakdang espasyo ng iyong pangkat.
 Bibigyan lamang ang mga mag-aaral
ng dalawang (2) minute upang gawin
ang gawain.
 Pagkatapos ay, gamit ang graphic
organizer, tukuyin ang mga ito kung it
oba ay pangangangailangan o
kagustuhan.
 Bigyan lamang ng karagdagang
dalawang (2) minute ang bawat
pangkat upang gawin ang gawain.

C. Pag-uugnay ng mga Pamprosesong Tanong: Maaaring Sagot:


halimbawa sa bagong aralin
(Tatawag ng isang mag-aaral mula sa klase)

 Maaari mo bang isalaysay ang mga  Ang mga bagay na nais kong bilhin
bahay ma iyong nakikita o nais bilhin ay ang mga sumusunod:
sa mall o ang binili mo sa pang araw-
araw? PANGANGAILANGAN KAGUSTUHAN
 Toothbrush  Cellphone
 Biscuits  Milktea
 Prutas  Mamahaling Damit
 Gulay  Mamahaling
Sapatos
 Victoria’s Secret
Cologne
 Ang nais kong bilhin ay ang mga
sumusunod:

PANGANGAILANGAN KAGUSTUHAN
 Pagkain  Stuff Toy’s
 Damit  Cellphone
 Sanitary napkin  Mamahaling Laptop
 Tubig  Bike
 Gamot  Mga nakakalasing
na inumin
 Sa iyong palagay, ang mga bagay ba
na iyong isinulat ay naipangkat mo ng  Opo Sir.
tama?
 Batay sa iyong obserbasyon sa mga
salaysay ng iyong kaklase, magkaiba
ba ang kanyang pangangailangan at  Opo Sir.
kagustuhan?
 Para sa iyong sariling pananaw, ano
ang ibig sabihin ng pangangailangan
at kagustuhan?  Para sa aking sariling pananaw, ang
pangangaillangan ay ang mga
bagay na ating kailangan at ang
kagustuhan naman ay ang mga
bagay na na ating gusto.

 Batay sa aking sariling pananaw


ang pangangailangan ay ang mga
bagay na kailangan upang mabuhay
ang tao samantala ang kagustuhan
Mahusay! naman ay ang mga bagay na
(Magpakita ng depenisyon para magkaroon ng maaring wala ang isang tao subalit
isang pagpapakahulugan sa Pangangailangan maaari pa rin siyang mabuhay.
at Kagustuhan)
 Kung ganun, sa tingin ninyo, ano kaya
ang ating magiging pagksang aralin?
 Pangangailangan at Kagustuhan.
Tama!

D. Pagtatalakay Ng Bagong Upang mas maunawaan pa ang ating aralin,


Konsepto at Paglalahad Ng magkakaroon tayo ng isang gawaing
Bagong Kasanayan #1 tatawaging:

GAWAIN 2: TANGING LARAWAN MO!

(Tatawag ng isang mag-aaral mula sa klase)


Buuin lamang ang mga letrang palaisipan.

Maaaring Sagot:

DAED  Edad

 Anong salik ang ipinapakita ng  Nakakaapekto ang edad sapagkat


larawan? habang mas tumatanda ay lumalaki
ang pangangailangan.

 Ang pangangailangan at
kagustuhan ay nagbabago ayon sa
 Sa iyong palagay, paano edad ng tao. Sapagkat ang
nakakaapekto ang edad sa kabataan ay nasisiyahan kung ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga bagay na mayroon siya ay
tao? naayon sa kanyang panlasa. Sa
pagtanda ng tao, mas mamarapatin
niya na magkaroon ng mga bagay
na mananatiling malusong ang
pangangatawan.
Tama!

 Antas ng Edukasyon

ATNAS N G E U D K SAOYN  Nakakaapekto ito dahil mas masilan


sa pagbili ng produkto ang may mga
 Anong salik ang ipinahihiwatig ng kaalaman.
larawan?
 Ang pangangailangan ng tao ay
may pagkakaiba rin batay sa antas
 Paano nakakaapekto ang antas ng ng pinag-aralan. Ang taong may
edukasyon sa pangangailangan at mataas na pinag-aralan ay
kagustuhan ng tao? karaniwang mas Malaki ang
posibilidad na maging mas
Magaling! mapanuri sa kanyang
pangangailangan at kagustuhan.

K TAAYAU N S A L P I U N A
 Katayuan sa Lipunan
 Anong salik ang ipinahihiwatig ng
larawan?  Nakakaapekto ito sapagkat ang
mga taong may katayuan ay may
kakayahang bumili ng mga bagay
nagdudulot ng kasiyahan na
itunuturing kagustuhan.
 Sa iyong sariling opiniyon, paano
nakakaapekto ang katayuan sa  Nakakaapekto ito sapagkat ang
Lipunan sa pangangailangan at taong mataas ang posisyon ay
kagustuhan ng tao? maghahangad ng sasakyan
sapagkat Malaki ang maitutulong
Mahusay! nito upang siya ay maging
produktibo sa kanyang mga gawain.

P N AAL S A
 Panlasa
 Anong salik ang ipinahihiwatig ng
larawan?  Nakakaapekto ang panlasa
sapagkat tayo ay may iba’t-ibang
 Sa iyong palagay, paano panlasa na naaayon sa edad.
nakakaapekto ang panlasa sa
pangangailangan at kagustuhan ng  Ang panlasa ng kabataan ay
tao? naaayon sa uso sa pananamit, gupit
Tama! ng buhok at sa pagkain.

K IAT
 Anong salik ang ipinahihiwatig ng  Kita
larawan?
 Nakakaapekto ang kita dahil ang
taong may mataas n akita ay
nakakabili ng mga bagay nga sobra
 Paano nakakaapekto ang kita sa sa kanyang pangangailangan.
pangangalangan at kagustuhan ng
tao?  Nakakaapekto ito sapagkat
nakakabili ng mga bagay na
Magaling! itinuturing na kagustuhan at mas
Malaki rin ang konsumo.

K PAAL I I G R N A AT K I LAM

 Anong salik ang ipinapakita ng  Kapaligiran at Klima


larawan?
 Nakakaapekto ito sapagkat ang tao
ay mas bibili ng mga bagay na na
naayon sa kanyang kapaligiran at
ang klima ng lugar kung saan siya
 Paano nakakaapekto ang kapaligiran nabibilang.
at klima sa pangangailangan at
kagustuhan ng tao?  Nakakaapekto sapagkat kung ang
paligid mo ay malapit sa dagat,
kalimitan ng hanapbuhay ng mga
tao rito ay pangingisda kaya Malaki
ang pangangailangan sa mga
produktong pangisda. Kung
malamig ang panahon ay mas
nangangailangan ang tao ng jacket
Mahusay! at sweater. Kung mainit naman ang
panahon ay nangangailangan ang
tao ng pangsangga sa init tulad ng
Gabay na Katanungan: electric fan.
 Ano-ano ang mga salik na
nakakaimpluwensiya sa Sagot:
pangangailangan at kagustuhan ng  Ang mga salik na nakakaapekto sa
tao? pangangailangan at kagustuhan ng
tao ay edad, antas ng edukasyon,
Mahusay! katayuan sa Lipunan, panlasa, kita,
kapaligiran at klima.
 Bakit nagkakaiba-iba din ang mga
salik na mayroon ang bawat Maaaring Sagot:
indibidwal?  Nagkakaiba-iba din ang mga salik
na mayroon ang bawat indibidwal
sapagkat tayo ay magkaiba-iba ng
kailangan at gusto.

 Nagkakaiba-iba din ang mga salik


na mayroon ang bawat indibidwal
sapagkat tayo ay iba-iba may
mahirap at may mayaman.

 Nagkakaiba-iba din ang mga salik


na mayroon ang bawat indibidwal
sapagkat hindi magkapareho ang
Mahusay! halaga ng perang kinikita ng baawat
isa.

E. Pagtatalakay ng bagong Gawain 3: Gaga-When?


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 Panuntunan:
 Sa parehong pangkatan, gumawa ng
dula-dulaan na magpapakita ng
sumusunod ng tema “Ang Matalinong
Pagpapasya”.
 Ipakita ang pagkakaroon ng
matalinong pagpapasya sa pagpili ng
pangangailangan at kagustuhan
gayundin ang mga salik na
nakakaimpluwensya sa
pangangailangan at kagustuhan ng
tao.

Unang Pangkat – Edad at Antas ng Edukasyon


Pangalawang Pangkat – Katayuan sa Lipunan
at Panlasa
Pangatlong Pangkat – Kita at Kapaligiran at
Klima
 Bibigyan lamang ang bawat pangkat
ng limang (5) minute upang
makapaghanda sa gawain.

 Bawat pangkat ay may tatlong (3)


minute para ibahagi at ipaliwanag sa
klase ang nagawang gawain.

Rubrik sa Dula-Dulaan:
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nagpapakita ng
Pagpapalabas 5
pagkamalikhain
Makatotohanang
Tauhan 5
Pagganap
May kaisahan at
Paksa organisado ang 5
diwa
Maaaring gamitin
ang sitwasyon sa
Relevance 5
pang araw-araw na
pamumuhay
Maayos at malinaw
Iskrip ang pagkakasunod- 5
sunod ng mga ideya
Kabuuan 25

Pamprosesong Tanong: Maaaring Sagot:


1. Batay sa inyong pinakitang gawain,  Ang naging basehan ko pag sagot
ano-ano ang mga nagging basehan
ay nagbibigay ng pansin kung saan
ninyo upang magkaroon ng
nakalaan ang pera na base sa aking
matalinong magpapasya sa pagpili ng
pangangailangan.
inyong pangangailangan at
kagustuhan?
 And naging basehan ko sa pag
sagot ay ang mga salik na
nakakaimpluwensiya sa
pangangailangan at kagustuhan ng
tao.

 Nagbigay daan ang mga salik na


2. Paano nagbigay daan ang mga salik
na nakakaimpluwensiya sa nakakaimpluwensiya sa
pangangailangan at kagustuhan ng pangangailangan at kagustuhan ng
tao batay sa inyong ginawang tao sa pamamagitan ng pagsisilbing
gawain? gabay nito tungo sa pagkakaroon ng
karapat-dapat na desisyon.

 Nagbigay daan ang mga salik na


nakakaimpluwensiya sa
pangangailangan at kagustuhan ng
tao sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng prinsipyo na kung
ano ang mas kailangan na mas
makakatulong sa aking pang araw-
araw na buhay ay yun ang uunahin.
 Nagbigay daan ang mga salik na
nakakaimpluwensiya sa
pangangailangan at kagustuhan ng
tao sa aking pagpili tungo sa
pagkakaroon ng matalinong
Magaling! pagpapasya.

F. Paglinang sa Kabihasaan Itanong: Maaaring Sagot:


(Tungo sa Formative
Assessment)  Bakit ba mahalaga na ating isaalang-  Mahalaga na ating isaalang-alang at
alang at pahalagahan ang mga salik pahalagahan ang mga salik
na nakakaimpluwensiya sa sapagkat nagbibigay ito sa atin ng
pangangailangan at kagustuhan ng kaalaman,
tao?
 Mahalaga na ating isaalang-alang at
pahalagahan ang mga salik
sapagkat ito ang magsisilbing gabay
natin sa pagpili ng ating
Magaling! pangangailangan at kagustuhan.

Maaaring Sagot:
 Sa paanong paraan nakakaapekto  Sa pamamagitan ng mga salik na
ang mga salik na nakakaimpluwensya binanggit ay nagkaroon ako ng
sa pangangailangan at kagustuhan ng realisasyon na pumili ng
tao? pangangailangan at kagustuhan sa
isang sitwasyon na kinalalagyan ko
ngayon.

 Sa pagdedesisyon sapagkat may


mga bagay na dapat isaalang-alang
bago matugunan ang ating
pangangailangan at kagustuhan.

 Sa pananaw ng tao at sa
pagkakaroon ng pagnilay-nilay kung
ang mga bagay ba nan ais bilhin ay
pangangailangan o kagustuhan niya
lamang.

G. Paglalapat ng aralin sa pang Tanong: Maaaring Sagot:


Araw-araw na buhay.  Ano-ano ang dapat taglayin ng isang  Dapat ay mayroon ang isang tao ng
tao upang magkaroon ng matalinong kaalaman.
pagpapasya sa pagtamo ng kanyang
mga pangangailangan?  Itinutuon sa pang araw-araw ang
mga bagay na kailangan dahil
kapag alam mo kung ano ang mga
gusto mo at kailangan ay mas
Madali mong malaman kung anong
bagay ang dapat bigyan mo ng
prayoridad at halaga.

 Pag-alam ang mga uri ng bibilhin


 Pagkakaroon ng bukas nap ag-iisip
Magaling! sa mga bagay-bagay.

 Alin sa mga salik na  Lahat ng mga salik ay naranasan ko


nakakaimpluwensiya sa na. Halimbawa dito sa Pilipinas ang
pangangailangan at kagustuhan ang klima natin ngayon ay mainit. Ito
naranasan mo? Sa papaanong ang nagbigay daan sa akin upang
pagkakataon mo ito naranasan? bumili ng electric fan at air condition
unit.

 Ang naranasan kong salik ay edad


at panlasa. Nung bata pa ako
gusting-gusto kong kumain ng mga
chichirya o “junk foods” pero ngayon
na

Magaling! nagkakaedad na ako ay mas gusto


ko na ang mga masustansyang
pagkain.

H. Paglalahat ng Aralin Tanong: Sagot:


 Ano-ano ba ang mga salik na  Ang mga salik na
nakakaimpluwensya sa nakakaimpluwensiya sa
pangangailangan at kagustuhan ng pangangailangan at kagustuhan ng
tao? tao ay edad, antas ng edukasyon,
katayuan sa Lipunan, panlasa, kita,
Magaling! kapaligiran at klima.

Maaaring Sagot:
 Paano natin malalaman kung ang  Ang bagay ay isang
isang bagay ay isang pangangailangan kung kailangan
pangangailangan o kagustuhan? niya ito upang mabuhay araw-araw.
Ang isang bagay ay kagustuhan
kung ito ay nagdudulot ng
kasiyahan.

 Ang bagay ay isang


pangangailangan kung ito ay
Mahusay! nakakatulong upang maging
produktibo at ang isang bagay ay
kagustuhan kung ito ay hindi
nakakadagdag sa pagiging
produktibo ng isang tao.
 Sa simpleng paraan, paano mo
maipapamalas ang iyong  Sa paglalapat nito sa aking pang
pagpapahalaga sa mga salik sa araw-araw na buhay sa paggawa ng
nakakaimpluwensiya sa mga desisyon tungkol sa aking
pangangailangan at kagustuhan ng pangangailangan at kagustuhan.
tao?
 Sa pamamagitan ng pagsasabuhay
ng konsepto nito.
Magaling!
 Sa pamamagitan ng pag-iisip ng
tama at pagiging masinop sa pagpili
ng mga bagay na mas kailangan.

I. Pagtataya ng Aralin A. Punan ang Patlang:


Panuto: Pumili ng kasagutan sa loob ng kahon.
Tukuyin kung anong salik na
nakakaimpluwensiya ito sa kagustuhan at
pangangailangan ng tao.

Edad Antas ng Edukasyon


Katayuan sa Lipunan Panlasa
Kita Kapaligiran Klima
A. Sagot:

______ 1. Gusto nang magkapatid na Jean at 1. Edad


Jen na mamasyal sa park, ngunit mas
kailangan ng kanilang lol ana magpahinga sa
bahay.
2. Panlasa
______ 2. Ang istilo ng pananamit ng mga
kabataan ngayon ay ibang-iba sa istilo ng mga
pananamit ng mga nakatatanda. 3. Katayuan sa Lipunan

______ 3. Kagalang-galang ang mga pulis at


guro sa suot nilang uniporme. 4. Klima

______ 4. Mabili ang heater, sweater at jacket


sa baguio.
5. Kita
______ 5. Nakabili ng magarang bahay si Carlo
na isang president ng pribadong kompanya,
malayo sa buhay niya dati noong siya ay
empleyado pa lamang.

B. TAMA o MALI
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag at tama
at M naman kung mali.
B. Sagot:
_____ 6. Ang kagustuhan ay ang mga bagay
na hinahangad ng tao na mas mataas sa 6. T
kaniyang mga batayang pangangailangan.

_____ 7. Ang pangangailangan ay ang mga


bagay na dapat wala ang tao sapagkat hindi 7. M
niya ito kailangan sa pang araw-araw na
gawain.

______ 8. Ang kabataan ay nasisiyahang 8. T


kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang
panlasa.

______ 9. Maaaring ang taong nasa mataas na 9. T


posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad
ng sasakyan sapagkat Malaki ang maitutulong
nito upang lalo siyang maging produktibo sa
kaniyang mga obligasyon at gawain. 10. M

_____ 10. Ang salik na nagpapaliwanag ng


pagbabago ng pangangailangan ng tao sa
paglipas ng panahon ay kita.

J. Karagdagang Gawain para Takdang Aralin:


sa Takdang-Aralin at
Remediation Tanungin ang iyong magulang o nakatatandang kamag-anak kung ano-anong bagay ang
pinaglalaanan nila ng malaking halaga sa araw-araw. Ito ba ay pangangailangan o kagustuhan?
Itala ang mga bagay na ito sa inyong kwaderno at iulat ang natuklasan sa klase.
V – MGA TALA

VI – PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation.
C. Nakatutulong ba ang remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punongguro
at propesor?
G.Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho
nan ais kong ibahagi sa mga kapwa kong
guro?

Inihanda ni:
MARK KEVIN B. DAMAYO
BSED – Social Studies IIIA

You might also like