You are on page 1of 12

Instructional Planning (iPlan)

(With inclusion of the provisions of D.O. No. 8, s. 2015 and D.O. 42, s. 2016)

Detailed Lesson Plan (DLP) Format


DLP No: Asignatura : FILIPINO Baitang: 3 Kwarter: 4 Oras: 60 mins
Gabayan ng Code:
Pagkatuto :  Napagsasama ang mga katinig at patinig upang F3KP-IVi-11
(Taken from the Curriculum Guide) makabuo ng salitang may diptonggo

Susi ng Konsepto ng Pag-unawa Ang pagtukoy sa mga diptonggo ay isang kasanayang kailangang linangin upang
magkaroon ng mahusay na kaalaman sa wastong pagbigkas ng mga salitang Filipino,
na makatutulong upang higit nating maunawaan at maipahayag nang wasto ang mga
ideya at kaisipan sa usapan.
Domain Adapted Cognitive 1. MGA LAYUNIN
Process Dimensions
Categories:
Remembering:
Knowledge
(Pag-alala)
Understanding: Nababasa ng may pang – unawa ang mga salitang may diptonggo.
(Pag-unawa)
Applying:
(Pag-aaplay)
Analyzing:
(Pagsusuri)
Skills Evaluating:
(Pagtataya)
Creating:
(Paglikha) Nakabubuo ng mga salitang may diptonggo gamit ang larawan.

Attitude
Categories:
1. Receiving Phenomena
Nagpapakita ng kasiyahan sa pakikilahok sa talakayan sa klase at pangkatang
2. Responding to Phenomena
gawain.
3. Valuing
Values
4. Organization

5. Internalizing values
2. Content (Nilalaman) Mga Salitang may diptonggo

3. Learning Resources
(Mga Kagamitan)

4. P r o c e d u r e ( Pamamaraan)
Preliminary Activity Teacher’s Activity Pupils’ Activity
(Panimulang Gawain) 10 minutes
 Greetings (Pangomusta)

- Magandang Araw mga Bata, - Magandang Araw po, Titser


ako nga pala si Binibining Sabado!
Sabado!
- Kumusta naman kayo? - Ayos lang po Titser.

 Prayer (Panalangin)

- Inaanyayahan ko ang lahat na - (Nanalangin)


tumayo para manalangin sa
araw na ito.

- Maaari ng maupo ang lahat.

 Attendance
- Ngayon, nais kong tingnan nyo - Wala po, Titser.
ang inyong mga katabi, sa
harap, sa gilid, at sa likod. Sino
ba ang wala ngayong araw na
ito? May nag-absent ba?

- Kung gayon ay magaling, dahil


kumpleto kayo ngayong araw na
ito.
(Ibigay sa mga mag-aaral ang mga
tuntunin habang nagtuturo ang guro.)

- Paalala lang, habang tayo ay


nagkaklase ay nais ko na kayo ay:
1.) Makikinig ng mabuti.
2.) Huwag makipagdaldalan sa kaklase.
3.) Umupo ng maayos.
4.) Itaas ang kamay kung gustong
sumagot o may gustong ibahagi.
5.) Respetuhin ang bawat isa.
6.) Makilahok sa oras ng talakayan.

- Nagkakaintindihan ba tayo, mga - Naiintindihan po namin, Titser!


bata?

 Review (Balik Aral)


- Bago tayo magsimula sa ating
panibagong talakayan sa araw
na ito ay mag balik-aral muna
tayo. Noong nakaraang
pagkikita ay nagkaroon tayo ng
talakayan tungkol sa klaster o
kambal katinig. Naaalala nyo pa
ba kung ano ang klaster? - Opo, titser!

- Magaling! Pero sa mga nakalimot


na kung ano ang klaster, ito ay
magkasunod na ponemang katinig
na matatagpuan sa isang pantig.
Ito’y maaaring makita sa unahan,
gitna, at huling pantig ng salita.
- Ang halimbawa nito ay makikita sa
mga larawan na nasa inyong
harapan ngayon.

(Ipinakita ang mga larawan)

- Maari ninyo bang basahin ang - Opo, nars at gyera!


nakasulat sa ibaba ng bawat
larawan?

- Ngayon, mapapansin natin na


nakasalungguhit ang huling pantig
ng "nars" at unang pantig ng
"gyera". Ang tawag sa
magkasunod na ponemang katinig
na ito ay klaster.

- Ngayon, sino pa ang - (Iba’t iba ang tugon)


makapagbibigay ng iba pang
halimbawa ng klaster na makikita
sa unahan, gitna, at huling pantig
ng salita?

- Salamat sa lahat ng sumagot. - (Pumalakpak)


Palakpakan natin ang ating mga
sarili sapagkat nakikita kong
napakahusay na ninyo!

 Energizer ( Pangganyak)

- Ngayon, nakikita kong handa na


kayo sa ating susunod na
tatalakayin. Ngunit bago tayo
magpatuloy ay nais kong lahat ay
tumayo para sa ating pangganyak.

- Nakatayo na ba ang lahat? - Opo, Titser!

- Sa ating pangganyak ngayong - Ako po!/Si ___ po!


araw ay sasayaw tayo. Sino ba dito
ang mahilig sumayaw?
- May ipapakita ako na video. - Opo, Titser!
Sabaysabay natin itong sasayawin.
Nagkakaintindihan ba tayo mga
bata?

(nagplay ng video sa screen ng tv) - Lulalulalulalulalulaley (action)


Itaas ang kamay iwagayway (action)
Umindak ng umindak at umikot ikot pa
Gumiling ng gumiling (action)
Hanggang mapagod ka (action)
- https://www.youtube.com/watch? At tayo'y kumanta (action)
v=ZB2fLcoF1rs Lulalulalulalulalulaley (action)
Itaas ang kamay iwagayway (action)
Umindak ng umindak at umikot ikot pa
Gumiling ng gumiling (action)
Hanggang mapagod ka (action)
At tayo'y kumanta (action)
Lulalulalulalulalulaley (action)

(Mga katanungan pagkatapos sumayaw)

- Sumayaw ba ang lahat? - Opo, Titser!

- Magaling! Palakpakan ninyo ang - (Nagpalakpakan)


inyong mga sarili.

- Ngayon, maaari na kayong umupo. - (Umupo)

- Magpahinga muna kayo dahil - Opo, Titser!


maglalaro naman tayo ngayon,
ayos ba yun sa inyu mga bata?

4.1 Activity (Gawain) 10 minutes - Ngayon, handa naba ulit kayo, - Handang – handa na po, Titser!
mga bata?

- Ang larong ating lalaruin ay - Hindi po, Titser!/Opo, Titser!


tinatawag na "2 pics 1 word”
pamilyar ba kayo sa laro?

- Madali lang naman ito,


papangkatin ko kayo sa dalawa.
Sa bawat grupo ay may
ipapakita ako na dalawang
larawan na may magkahalo-
halong titik ng salita. Ang
gagawin ninyo ay huhulaan nyo
kung ano ito at bibilang ako ng
tatlo para pumunta ang isang
myembro ng grupo sa harap at
isusulat sa pisara ang kanilang - Opo, Titser!
sagot, Naiintindihan nyo ba mga
bata?

(Nagsimula na ang pagpapangkat)


- Sa linyang ito ang pangkat 1 at
dito naman ang pangkat 2.

- Magsisimula tayo sa group 1.

A S W Y A

- Okay, bibilang ako ng tatlo para


pumunta ang isang myembro ng
grupo sa harap at isulat ang
kanilang sagot sa pisara.
- (Pumunta sa pisara)
- Isa, dalawa, tatlo!

- Magaling group 1, ngayon ang


pangalawang pangkat naman.

H B A A Y

- Isa, dalawa, tatlo!


- (Pumunta sa pisara)
- Magaling, balik ulet tayo sa
group 1.

B B A O Y

- Isa, dalawa, tatlo!


- (Pumunta sa pisara)
- Magaling! Balik ulet tayo sa
pangalawang pangkat.
I S W S I

- Isa, dalawa, tatlo! - (Pumunta sa pisara)

- Magaling palakpakan ninyo ang - (Pumalakpak)


inyong mga sarili!

- Ngayon iwawasto natin ang


inyong mga sagot.

(Tamang Sagot)

Unang Pangkat: SAYAW AT BABOY


Pangalawang Pangkat: BAHAY AT SISIW

- Mahusay, bigyan natin ng “very - 1 , 2 , 3, 1, 2, 3, very good, very


good clap” ang ating mga sarili. good, very good!

- Ngayon, may napapansin ba - Opo, Titser!


kayo sa bawat hulihan ng mga
salitang hinulaan ninyo?

- Ano ang dalawang huling titik sa - Aw po, Titser!


salitang sayaw?

- Sa baboy? - Oy po, Titser!

- Ano naman sa salitang bahay? - Ay po, Titser!

- At panghuli, ang sisiw? - Iw po, Titser!

- Magaling! Ngayon ang mga - Handa na po, Titser.


salitang ito ay may kinalaman sa
aralin na tatalakayin natin
ngayon, handa na ba kayong
makinig?
4.2 Analysis (Pagsusuri) 10 minutes

- Nakikita kong handang – handa


na ang lahat na matuto, kaya
naman sisimulan na natin ang
ating talakayan ngayong araw
na ito.

- Ang ating talakayan ngayon ay


patungkol sa diptonggo.

(Naglagay ng mga visual aid sa pisara)

- Mga bata, maaari ninyo bang


basahin ng sabay - sabay kung
ano ang nakasulat? - Opo, Titser!

- (Sabay sabay na binasa ang


Ang diptonggo ay tumutukoy sa
pinagsamang tunog ng isang patinig at nasa pisara)
isang malapatinig (w, y) sa loob ng isang
pantig.

- Magaling! Maraming Salamat. - Opo, Titser!


Ngayon, naaalala nyo pa ba mga
bata kung ano ang mga patinig?

- Ano – ano nga ba ang mga ito? - a, e, i, o, u

- Magaling dahil naaalala nyo pa


ang limang patinig.

- Ibig sabihin, base sa inyung


binasa ;

(Binasa ang nasa pisara)

Ang diptonggo ay alinman sa mga


tunog na aw, ay, ew,ey,iw,iy,oy at uy
sa isang pantig ng salita.

- Ang halimbawa ng salitang may - Sumayaw po, Titser!


diptonggo ay yung ginawa ninyo
kanena, kayo ay?

- Yung mga hinulaan nyong salita


sa laro gaya ng sayaw, bahay,
baboy at sisiw ay mga
halimbawa ng salitang may
diptonggo.

- Anong diptonggo ang makikita - Aw po, Titser!


natin sa salitang sayaw?

- Sa bahay? - Ay po, Titser!


- Magaling!

(Binasa ang nasa biswal aids)

Ngunit, mahalagang tandaan na


kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan
sa dalawang pantig, ito ay
napapasama na sa sumusunod na
pantig, hindi ito maituturing na
diptonggo.

- Halimbawa:
- Ang salitang aliw ay may
diptonggo na “iw”, ngunit ang
salitang aliwan kung saan ang
malapatinig na “w” ay
napagitan sa dalawang patinig
ang “i” at “a” ibig sabihin ay
wala itong diptonggo.

- Ang magiging pagpapantig sa


salitang aliwan ay a – li – wan.

- Klaro ba sa inyo, mga bata? - Opo, Titser!

- Ngayon mga bata, magdidikit


ako ng mga hindi pa kompletong
mga salita sa pisara at susuriin
ninyo ang angkop na diptonggo
para mabuo ang mga salita.
Ibibigay ko ang kahulugan ng
salita bilang clue.

- Handa na ba kayo mga bata? - Handa na po, Titser!

1. Sukl _ _ - pang ayos ng buhok


2. Kah_ _ - ginagamit sa pagpapatayo
ng bahay
3. Tul _ _ - tawiran sa ibabaw ng ilog
4. Ar _ _ - sumisikat tuwing umaga
5. Bugh _ _ - isang kulay

- Ano ang diptonggo na - Ay po


nawawala sa number 1?

- Magaling! Kaya pagdinagdagan - Suklay po, Titser!


natin ng “ay” ang salita ay
magiging?

(Nagpatuloy hanggang sa ikalimang


numero)
4.Generalization (Pagbubuod)
5 minutes

- Ano nga ulit ang ating pinag- - Diptonggo/mga halimbawa ng


aralan ngayong araw? diptonggo.

- Paano natin matutukoy ang - Ito ay matutukoy sa pagsasama ng


salita na may diptonggo? alin man sa limang patinig na
a,e,i,o,u at ng malapatinig na w o
y. Ang diptonggo ay alin mn sa
mga tunog na /aw/, /ay/, /ey/,
/iw/, /iy/, /oy/, o /uy/, sa isang
pantig ng salita.

- Kailan natin masasabing hindi - Kapag ang malapatinig na /y/ o


diptonggo ang isang salita? /w/ ay napapagitan sa
dalawang patinig.
- Magaling, talaga naman ay
nakinig kayo ng mabuti sa ating
talakayan!
4.4 Application (Paglalapat )
10 minutes - Ngayong may kaalaman na kayo
tungkol sa diptonggo, subukan
natin ang inyong natutunan sa
pangkatang gawain. Hahatiin ko (Panuto: Pitasin ang mga bunga ng puno
kayo sa dalawang pangkat. na may salitang may diptonggo, at
ilagay ito sa basket.)
- May inihanda akong dalawang
klase ng puno. Bawat puno ay may ➢ Group 1 (Puno ng Mansanas)
mga bunga na mayroong mga
salita. Pitasin ninyo ang mga
salitang may diptonggo lamang at
ilagay ito sa basket.

- Bibigyan ko kayo ng limang minute


para makapag usap usap sa inyong
grupo, pagkatapos ay magsisimula
na tayo. Mauuna ang group 1
pagkatapos naman ay ang group
2.

➢ Group 2 (Puno ng Mangga)

Rubriks:
Wastong Sagot- 15
Kooperasyon- 5
TOTAL- 20
5. Assessment (Pagtataya )
10 minutes
Pagsusulit :

Panuto: Suriin ng mabuti ang mga katanungan at bilogan ang titik sa tamang sagot.

1. Ang magkasamang tunog ng isang patinig at isang malapatinig (semi-vowel) na nasa


isang pantig.

a.Digrapo b. Diptonggo c. Klaster

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi diptonggo?


a. iw b. oy c. ba

3. Alin sa mga salita ang hindi diptonggo?


a. tuloy b. bataw c. puno

4. Ang salitang "suyo" ay diptonggo ba?


a. Oo b. Hindi c. Pwde

5. Ano ang diptonggong matatagpuan sa salitang "galaw"?


a. iy b. aw c. uy
6. Alin sa mga salita ang may diptonggo?
a. sayaw b. bato c. puno

7. Ano ang diptonggong matatagpuan sa salitang "bahay"?


a. ay b. aw c. oy

8. Alin sa mga sumusunod na salita ang may diptonggo?


a. layon b. kaibigan c. tuloy

9. Si Anna ay mahilig sumayaw sa bakuran. Anong ang salitang diptonggo na ginamit?


a. Anna b. Bakuran c. Sumayaw

10. Ang bahay ni Erika ay maganda. Sa salitang "bahay" anong diptonggo ang ginagamit?
a. aw b. ey c. ay

Tamang Sagot: 1.)B 2.)C 3.)C 4.)A 5.)B 6.)A 7.)A 8.)C 9.)C 10.)C

4.7 Assignment (Takdang Aralin):

 Reinforcing / strengthening Panuto: Basahin ang maikling kwento. Isulat ang mga salitang may diptonggo sa
the day’s lesson maikling kwento na iyong binasa.

Ang Palayan ni Patpat

Papuntang bukid si Patpat sakay ang kanyang


pinakamamahal na kalabaw para puntahan ang kanyang
palayan. Nang makarating ay nakita niya na mataba na
ang kanyang mga tanim at hinog na ang mga ito. Nagtayo
din si Patpat ng maliit na bahay upang mabantayan niya
ang kanyang palayan. Yari ito sa kahoy at kawayan.
Mayroon ding kasuy sa gilid sa bahay na maliit ni Patpat

Tamang Sagot: Kalabaw, bahay, kahoy at kasuy.


 Enriching / inspiring the day’s
lesson
 Enhancing / improving the
day’s lesson
 Preparing for the new lesson

4.8 Panapos na Gawain (2 minutes). Ang mga bata ay bubuo ng pila at isa-isang bubunot sa kahon ng lapis. Bawat lapis ay may
nakadikit na mga salitang may diptonggo. Babasahin nang malakas ang mga salita at
sasabihin kung anong diptonggo ang mayroon ito, kapag tama ang kanilang sagot ay
mapapasa kanila ang lapis.

Mga salitang nakadikit sa lapis:

• Baboy
• Ilaw
• Sabaw
• Apoy
• Aliw
• Paksiw
• Palay
• Bahay
• Hikaw
• Daloy
1. Remarks Indicate below special cases including but not limited to continuation of lesson plan to the following day in case of re-
teaching or lack of time, transfer of lesson to the following day, in cases of class suspension, etc.

Reflect on your teaching and assess yourself as a teacher. Think about your student’s progress this week. What works?
2. Reflections What else needs to be done to help the students learn? Identify what help your instructional supervisors can provide for
you so when you meet them, you can ask them relevant questions. Indicate below whichever is/are appropriate.
A. No. of learners who earned 80% in the
evaluation.

B. No. of learners who require additional


activities for remediation.
C. Did the remedial lessons work? No. of
learners who have caught up with the lesson.

D. No. of learners who continue to require


remediation.

E. Which of my learning strategies worked well?


Why did these work?

F. What difficulties did I encounter which my


principal or supervisor can help me solve?

G. What innovation or localized materials did I


use/discover which I wish to share with other
teachers?
Prepared by: Fuentes, Cindy Bryll Luna, Frances Camille
Sabado, Cara Kathlen Relacion, Erika Marie
Enricoso, Clarice Romanos, Graciela
Lataza, Kritzel James Guyha, Shanthal Mae
Position/Designation:
Contact Number:
School: Cebu Technological University – Argao Campus
Division:
Email Address:
Reviewed By:

Remarks/ comments:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Strong points:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
For improvements:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Other Suggestions:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

You might also like