You are on page 1of 10

1

LESSON PLAN for DEMONSTRATION TEACHING

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7


Ikaapat na Markahan
Trixie H. Ursua
Complete header:
● subject
● grade level
● quarter
● name
● picture

Content Standard/ Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa papel ng ASEAN sa pagtugon sa


Pamantayang mga hamon at pagkakamit ng likas-kayang pag-unlad ng mga bansa sa Timog Silangang
Pangnilalaman Asya
Performance Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong sa pagpapahalaga sa papel ng ASEAN tungo
Standard/ sa pagkakaisa at pagharap sa hamon ng likas-kayang pag-unlad at karapatang pantao sa
Pamantayan sa Timog Silangang Asya
Pagganap

Learning Naiuugnay ang papel ng Pilipinas bilang aktibong kasapi ng ASEAN


Competency/
Kasanayang
Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Cognitive/Pangkabatiran:
Objectives/
Nakakakilala sa papel ng Pilipinas bilang aktibong kasapi ng ASEAN;
Mga Layunin

Paste DLC No. __ b. Affective/Pandamdamin:


& Statement below: nakapagpapalakas nang pagtutulungan sa kapuwa; at

c. Psychomotor/Saykomotor:
nakabubuo ng adbokasiya na mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa ASEAN
2

Topic/Paksa
Ugnayan ng Pilipinas sa ASEAN
Paste DLC No. __
& Statement below:

Naiuugnay ang
papel ng Pilipinas
bilang aktibong
kasapi ng ASEAN

Value/ Pagtutulungan
Pagpapahalaga (Economic)
Paste Affective
objective below:

nakapagpapalakas
nang
pagtutulungan sa
kapuwa

Value Concept: Ang kaugnayan ng pagpapahalaga na pagtutulungan sa aralin na ito ay ang mga
(Explain in 2 to sumusunod:
3 short sentences 1. Isa sa mga layunin ng organisasyong ASEAN ay ang makamit ang kaunlaran ng
to answer the rehiyon sa pamamagitan ng pagtutulungan.
question: How is
2. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakipagtulungan upang maitatag ang
this value related
to the topic?)
organisasyong ASEAN.
3. Ang Pilipinas bilang aktibong kasapi ng ASEAN ay nakikipagtulungan sa bawat
proyekto at hangarin ng rehiyon pagdating sa ekonomiko at politikal na usapin.
Values Pagsusuri sa bidyo
Integration
Strategy

Phase of the LP Paglinang ng Aralin


for the actual
values integration

1. ASEAN. (2007, November 7). ANG SALIGANG BATAS NG ASEAN [Review of


Six (6)
RELATED ANG SALIGANG BATAS NG ASEAN].
References/
Sanggunian https://www.asean.org/wp-content/uploads/images/archive/AC-Philippines.pdf
(in APA 7th edition
format, INDENT 2. ASEAN. (2017). ASEAN Free Trade Area Agreements | ASEAN Investment.
please)
Investasean.asean.org.
3

https://investasean.asean.org/asean-free-trade-area-agreements/view/757/newsid/

872/asean-trade-in-goods-agreement.html

3. Kumar, Y. (2018.). The Philippines and ASEAN- Building Synergies.

https://jgu-dev.s3.ap-south-1.amazonaws.com/Article-3-The-Philippines-and-AS

EAN-Building-Synergies-by-Yogendra-Kumar.pdf

4. Lim, H., & Hoi, J. (2022).

https://asean.org/wp-content/uploads/2022/12/AEIB_No.12_9Dec2022.pdf

5. Modyul 21 pakikipag-ugnayang asyano. (2015, June 19). SlideShare.

https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-21-pakikipagugnayang-asyano

6. Sta. Maria, R., Urata, S., & Intal, Jr., P. (2017). The ASEAN Economic Community

Into 2025 and Beyond [Review of The ASEAN Economic Community Into 2025

and Beyond]. Economic Research Institute for ASEAN and East Asia.

https://asean.org/wp-content/uploads/2021/08/the-asean-economic-community-in

to-2025-and-beyond.pdf

Traditional Materials:
Laptop
Smart TV
Tape
Kartolina
Illustration board
Materials/ Balloon stick
Mga Kagamitan Whiteboard marker

Digital Materials:
Ludus
Visme
Genially
4

PHASES OF THE
LESSON PLAN
based on the subject
assigned to you

Pagbati
- Magandang umaga Baitang 7!
- Magandang umaga rin po Teacher Trixie!
Panalangin
- Pangulo ng klase maaari ka ba na pumarito sa unahan at pangunahan ang
panalangin?
- Opo
- (panalangin)

- Maraming salamat, pangulo ng klase. Bago umupo ang bawat isa ay


Panimulang
mangyaring silipin ang ilalim ng inyong upuan at kunin ang basura kung
Gawain
mayroon at isaayos ang linya ng inyong upuan bago umupo. Nagkakaintindihan
ba klase?
- Opo
Kamustahan
- Kamusta naman ang bawat isa? May nais ba na magbahagi? Nagtataas ng
kamay si Ana, sige kamusta ka Ana?
- Mabuti po teacher…..

- Nawa’y ang bawat isa sa inyo ay nasa maayos na kalagayan kaya naman bago natin
simulan ang ating talakayan ay may gagawin tayong isang maikling gawain.
Pagpapahalaga: Pagtutulungan
Pandamdamin: nakapagpapalakas nang pagtutulungan sa kapuwa;

Ludus: https://app.ludus.one/f79aa2d6-7db3-42b9-bf03-f0fa7b53bff1
Stratehiya: Pagsusuri sa bidyo
***Paglinang
ng Aralin Panuto: Susuriin ng mga mag-aaral ang maikling bidyo ng ASEAN anthem na ipapakita
ng guro.

Maikling pangkalahatang-ideya:

Video link: https://youtu.be/sk6CAGa_RTU?feature=shared


5

Mga katanungan:

C-A-B Processing Questions Expected Answers

C 1. Ano ang iyong Iba’t ibang bansa po


naobserbahan sa na magkakaugnay.
bidyo?
Iba’t ibang kultura
po ng iba’t ibang
bansa.

C 2. Anong Organisasyong
organisasyon ang ASEAN po.
tinutukoy sa bidyo?

C 3. Anong mensahe ang Ipinapahiwatig po


ipinapahiwatig ng ng bidyo na
bidyo? magtulungan o
tumulong po tayo sa
ating kapuwa sa
kabila po ng ating
pagkakaiba-iba.

A 4. Sa iyong palagay, Dahil po may iisa


bakit nais ng bawat po silang layunin at
bansang kasapi ng ito po ay ang
ASEAN na magtulungan at
magtulungan? palakasin ang
ugnayan ng bawat
kasaping bansa.
6

A 5. Bakit mahalaga na Mahalaga po na


isaalang-alang ang tumulong sa ating
pagtulong sa ating kapuwa sa kabila ng
kapuwa sa kabila ng pagkakaiba sapagkat
pagkakaiba? ito po ay isa sa mga
paraan upang tayo
ay umunlad at
magkaisa.

A 6. Anong sitwasyon Tinulungan ko po


ang iyong ang isang matanda
naranasan na na tumawid sa
tumulong ka sa kalsada.
iyong kapuwa?

B 7. Paano mo Sa pagsunod po sa
naisasabuhay ang mga alituntunin ng
pagtulong sa komunidad at
lipunan na iyong pagsuporta po sa
kinabibilangan? iba’t ibang proyekto
ng aming barangay.

Outline:
● Pagsapi ng Pilipinas sa ASEAN
● Papel ng Pilipinas sa ASEAN
● ASEAN bilang isa sa mga batayan ng patakarang panlabas at pangkalakalan ng
Pilipinas

Nilalaman:

● Pagsapi ng Pilipinas sa ASEAN


Pagtatalakay
Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa na nagtatag ng “Association of Southeast Asian
Nations” “Samahan ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya” o ASEAN. Ito ay itinatag
noong ika-8 ng Agosto taong 1967. Kabilang ang mga bansang Indonesia, Malaysia,
Singapore, Thailand at Pilipinas ang orihinal na miyembro ng organisasyon na ito.

● Papel ng Pilipinas sa ASEAN

Sa Artikulo 2 ng Saligang Batas ng ASEAN, nakasaad ang mga tungkulin ng mga


kasaping bansa. Ang ASEAN at mga kasaping bansa nito ay kikilos alinsunod sa mga
sumusunod na simulain:
7

a. paggalang sa kalayaan, kapangyarihan, pagkapantay-pantay, pananatiling buo ng


mga teritoryo at pagkakakilanlang pambansa ng lahat ng mga kasaping bansa ng
ASEAN;
b. Pagkakaroon ng iisang pangako at pananagutan ng lahat sa pagkakaroon ng higit
na kapayapaan, kaligtasan, at kaunlaran sa rehiyon;
c. pagtatakwil sa anumang uri ng pagsalakay, pananakot o paggamit ng lakas o
anumang gawaing hindi naaayon sa batas internasyonal;
d. pag-asa sa mapayapang paglutas ng alitan;
e. pagsunod sa tuntunin ng batas, mabuting pamamahala, mga simulain ng
demokrasya at pamahalaang konstitusyonal;
f. paggalang sa mga pangunahing kalayaan , pagtataguyod, at pagtanggol sa mga
karapatang pantao at katarungang panlipunan;
g. paggalang sa iba’t ibang kultura, wika at relihiyon ng mga mamamayan ng
ASEAN, habang binibigyang diin ang mga pinapahalagahan nila alang-alang sa
diwa ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba;
h. ang pagiging sentro ng ASEAN sa mga panlabas na ugnayang pulitikal,
pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura, habang nananatiling isang aktibong
kalahok, nagmamasid sa labas, masaklaw at walang itinatanggi; at

● Pilipinas bilang aktibong kasapi ng ASEAN

1. Pagdalo ng Pilipinas sa mga kapulungang ASEAN

Ang Pilipinas ay aktibong nakikilahok sa mga pagpupulong ng organisasyong


ASEAN. Isa sa mga nagtatag ng samahan na ito ay isang Pilipino na si Narciso
R. Ramos.

2. 30th ASEAN SUMMIT


8

Ang Pilipinas ang nanguna sa ika 30 anibersaryo ng ASEAN na ginanap sa


Philippine International Convention Center (PICC) noong ika 29 ng Nobyembre
taong 2017. Ito ay pinangunahan ni dating pangulo Rodrigo Roa Duterte.
Dinaraos ang ASEAN SUMMIT upang mapalakas ang pagkakaisa at
pagtutulungan ng bawat bansa na matupad ang Vision 2025 na kung saan ang
layunin ay mapagbuklod ang bawat rehiyon ng ASEAN sa mas inklusibo,
pakikiisa, matatag at marami pang iba upang mapaunlad ang ekonomiya.

3. Pakikipagkalakalan sa mga rehiyon ng ASEAN.

Ang Pilipinas ay aktibong nakikilahok sa pakikipagkalakalan sa mga kasaping


bansa ng ASEAN. Ito rin ay paraan upang ang bawat bansang ASEAN ay
mapaunlad ang ugnayan at ang kanilang sariling ekonomiya. Ang mga
pangunahing produkto na iniluluwas sa ASEAN ay kinabibilangan ng
electronics, resource-based na mga produkto (coconut, mineral products) habang
ang mga pangunahing import ay electronics, chemicals, machinery at transport
equipment at petroleum products.

● ASEAN bilang isa sa mga batayan ng patakarang panlabas at


pangkalakalan ng Pilipinas
9

1. ASEAN FREE TRADE AREA (AFTA)


Ang kasunduan na ito ay binuo upang mapadali ang kalakalan ng mga kasaping
bansa ng ASEAN. Layunin nito na mapababa ang mga taripa ng mga produkto
ng mga bansang ASEAN. Ang bansang Pilipinas ay aktibong nakikilahok sa
patakaran na ito upang mapalawak ang pakikipagkalakalan ng malaya kasama ng
mga kasaping bansa ng ASEAN.

Stratehiya: Pagbuo ng islogan

Panuto: Papangkatin ng guro ang klase sa dalawa, ang bawat pangkat ay bubuo ng
islogan o sawikain na nagpapakita ng maunlad na ugnayan ng Pilipinas at ASEAN.

Rubrik:

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS

Paglalapat Kaangkupan Tugma at angkop ang mensahe ng 50%


islogan sa paksa.

Orihinalidad Bagong ideya at orihinal na 25%


pagkalikha ng islogan

Presentasyon Malinaw na naipaliwanag ang 25%


mensahe ng ginawang islogan sa
klase.

Kabuuang Puntos 100%

Panuto: Uunawain ng mga mag-aaral ang mga tanong at isusulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

_____1. Ano ang kahulugan ng salitang ASEAN?


a. Association Southeast Asian Nations
b. Association of Southeast Asian Nations
c. Alliances of the Southeast Asian Nations
Pagtataya d. Affiliation of the Southeast Asian Nations
_____2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA.
a. Ang mga bansang Indonesia, Malaysia, at Singapore ang orihinal na miyembro
ng ASEAN.
b. Ang Artikulo 5 sa Saligang Batas ng ASEAN ay tungkol sa sa layunin ng bawat
kasaping bansa.
c. Ang ASEAN Economic Community (AEC) ang pangunahing patakaran na
integrasyon ng ASEAN sa Pilipinas.
10

d. Ang pagsapi ng Pilipinas sa ASEAN ay may kaukulang dahilan katulad ng


ekonomikong benepisyo, pampulitikong pagkakaisa at kapayapaan sa mga
kasaping karatig bansa.
_____3. Ang mga kasaping bansa kagaya ng Pilipinas ay may kasunduang nilagdaan at
ito’y tinatawag na ____________.
a. ASEAN Framework
b. Saligang Batas ng ASEAN
c. ASEAN Building Synergies
d. Saligang Batas ng ASEAN Contract
_____4. Kailan itinatag ng Pilipinas kasama ang Indonesia, Malaysia, Singapore, at
Thailand ang ASEAN?
a. Hunyo 8, 1989
b. Agosto 8, 1967
c. Oktubre 10, 2000
d. Disyembre 12, 2000
_____5. Ito ay patakaran na naglalayong palakasin ang kalakalan at pababain ang taripa
sa pagitan ng mga kasapi ng ASEAN.
a. ASEAN Investment Area (AIA)
b. ASEAN Free Trade Area (AFTA)
c. ASEAN Economic Community (AEC)
d. ASEAN Trade in Goods Agreement (ATIGA)

- Bago matapos ang ating klase ngayong araw ay makinig at isulat ang inyong
takdang aralin sa inyong kuwaderno.

Visme: https://my.visme.co/view/01ew067r-takdang-aralin
Takdang Aralin
Panuto: Magsasaliksik ang mga mag-aaral ng tatlong programa ng ASEAN na
nakatulong sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas at ipapaliwanag kung paano ito
nakatulong sa bansa.

You might also like