You are on page 1of 2

ANG MODELONG BATA

Isang hapon nang papauwi si Danilo galing sa


paaralan, siya’y hinarang ng limang batang lalaki. Ang mga ito ay naghahanap ng basag-ulo.
Pinatigil si Danilo sa paglakad at pinagsalitaan ng isa, “Kung talagang matapang ka ay lumaban ka.
Pumili ka ng isa sa amin na kasinlaki mo,” ang hamon.
Malumanay na sumagot si Danilo, “Ayaw ko ng away.
Bakit ako lalaban sa inyo? Hindi naman tayo nagkagalit!”
“Umiiwas ang Boy Scout sa away.”
“Lumaban ka!” at dinuraan ang mukha ni Danilo. Ang
lumait na bata ay maliit kaysa kay Danilo. Siya’y
mayabang at nagmamagaling. Muling hinamon si Danilo,
“Ikaw ay isang duwag!”
“Kaibigan ako ng sinuman. Ang sabi ng titser ay dapat akong magpaumanhin sa umaaglahi sa akin!”
“Totoong maraming dahilan! Lumaban ka kung lalaban.
Isa kang duwag!” at sinipa si Danilo.
Nakiusap si Danilo, “Ako’y aalis na. Hinihintay ako ng aking ina. Ayaw niyang ako’y gabihin sa pag-uwi!”
Lumakad nang paunti-unti si Danilo. Siya’y sinundan ng mga batang mapanudyo. Sila’y nakarating sa
puno ng tulay.
Sa ilalim ng tulay ay may narinig silang pagibik, “Sag… gi… pin… ninyo ako! Tulong!” Isang bata ang
nalulunod!
Walang kumilos sa mga batang nagmamatapang. Mabilis na lumusong si Danilo sa pampang ng ilog.
Ibinaba niya ang mga aklat at naghubad na dali-dali. Lumukso at nilangoy ang batang sisingab-singab.
Nang mga unang sandali’y nahirapan si Danilo sa
pagkawit at pagsakbibi sa bata ng kanyang kaliwang
kamay. Ikinaway niya ang kanan sa paglangoy. Ang
dalawa’y dinala ng mabilis na agos. Malayo sila sa
pampang subalit sa katagala’y nakaahon.
Ang mga batang iba ay nakapanood lamang. Nakita
ng pinakalider ng gang na ang bata palang sinagip ni
Danilo ay kanyang kapatid. Siya’y nagpasalamat kay
Danilo at humingi ng tawad, “Maraming salamat sa iyo.
Patawarin mo ako sa aking ginawa kanina. Ngayon ko
nabatid na ang katapangan ay hindi nasusukat sa salita kundi sa gawa at tibay ng loob!”
Mga Tanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Ayon sa kuwento ano ang ginawa nila kay Danilo?
3. Kung ikaw si Danilo, ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan?
4. Dapat mo bang tularan si Danilo?Bakit?
5. Anong aral ang natutuhan mo sa kwento na maari mong isabuhay?

Journal Writing
Panuto: Sumulat ng iyong pangako.

Nauunawaan ko ngayon na ang kahulugan ng


negatibong pangkapayapaan ay tumutukoy sa
kawalan ng digmaan, karahasan at sigalot sa
loob ng isang estado o sa pagitan ng dalawang
estado.
Ako si (pangalan) ________________________bilang
mag-aaral, ay magiging kabahagi ako upang
makagawa ng mga bagay tungkol sa
pagkakasundo-sundo ng aking kapwa kung
mayroong di- pagkakaunawaan at mga alitan.
Ako ay pumapanig sa pagkakaroon ng
kapayapaan para sa lahat.

You might also like