You are on page 1of 5

DAILY LESSON SCHOOL Grade Level TWO

PLAN TEACHER Quarter


SUBJECT FILIPINO DATE

LAYUNIN
(OBJECTIVE)
A.PAMANTAYANG Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
PANGNILALAMAN
(CONTENT
STANDARDS)
B.PAMANTAYAN F2TA-0a-j-1 Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto
SA PAGGANAP
(PERFORMANCE
STANDARDS)
C.MGA F2PN-IVh-8.5
KASANAYAN SA Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan batay sa story grammar
PAGKATUTO
(LEARNING
COMPETENCIES)
II. NILALAMAN Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento
(CONTENT)
Pagpapahalaga: Pagiging laging handa at kasipagan.

III. KAGAMITANG
PANTURO
(LEARNING
RESOURCES)
A. SANGGUNIAN
(References)
1.Mga Pahina sa Mga pahina sa Gabay ng Guro Pahina 223 at MTB-MLE pahina 234-235
Gabay ng Guro Gabay ng kurikulum ng K-12 pahina
2.Mga Pahina sa pahina 223-225,454-455 at MTB-MLE panina 50-52, 220-221
Kagamitang
Pangmag-aaral
3.Mga Pahina sa
textbook
4.Karagdagang
kagamitan mula
sa postal ng
Learning
Resources
B. IBA PANG Kuwento “ Dyaryo, Dyaryo!”, Word Map,Prediction Chart, Realia (dyaryo), powerpoint
KAGAMITANG presentation Drill Board at task Card
PANTURO

A. BALIK-ARAL Itanong sa mga bata ang kanilang mga ginagawa bago matulog at bago pumasok sa
SA paaralan.
NAKARAANG
ARALIN AT/O
PAGSISIMULA
NG BAGONG
ARALIN.
(Reviewing
previous lesson/
presenting the
new lesson)
B. PAGHAHABI Paghahawan ng balakid
NG LAYUNIN anunsiyo- sa pamamagitan ng pangungusap
NG ARALIN. Ang anunsiyo ay balita na nais ipabatid sa lahat ng mambabasa ng dyaryo
(Establishing a at nakikinig sa radyo.
purpose for the
lesson)
namangha- sa pamamagitan ng pagsasakilos
troso- gamit ang larong 4pics
dyaryo- sa pamamagitan ng tunay na bagay

C. PAG- a. Pagpapakita ng dyaryo sa mga bata.


UUGNAY NG 1. Sino sa inyo ang mga nagbabasa ng dyaryo?
MGA 2. Ano ang kahalagahan ng pagbabasa ng dyaryo?
HALIMBAWA
SA BAGONG 3. Bakit maraming nagbabasa ng dyaryo.
ARALIN. 4. Kapag narinig ninyo ang salitang dyaryo ,ano ang salitang maiuugnay ninyo dito?
(Presenting (Tumawag ng bata upang isulat ang sagot sa word map.
examples/instance
s of
the new lesson)

b. Pagsagot sa Prediction Chart. Ipahula ang sagot sa tanong at isulat sa hanay ng


` Hulang Sagot.

D.  Pagbibigay ng pamantayan sa pagkikinig ng kuwento.


PAGTALAKAY  Pagbasa bg Kwento.
NG BAGONG Dyaryo, Dyaryo!
KONSEPTO AT
Akda ni Nida C. Santos
PAGLALAHAD
NG BAGONG
KASANAYAN #1 “Dyaryo! Dyaryo!” ang sigaw ng batang si Primo. Pagtitinda ng dyaryo ang hanapbuhay ni
(Discussing new Primo. Sa kanyang gulang na walo ay marunong na siyang tumulong sa kanyang nanay at tatay
concept and sa mga gawain. Kumikita siya ng halagang isang daang piso tuwing umaga sa pagtitinda ng
practicing new dyaryo. Dahil dito, hindi na siya humihingi ng baon sa kanyang mga magulang.
skills #1)
Isang umaga, maagang nagtinda ng dyaryo si Primo. Marami ang bumili sa kanya ng
dyaryo.Nagtataka si Primo kung bakit lahat ng taong makita niya ay nais bumili ng dyaryo. Pati
ang mga kapitbahay nila na sina Aling Gloria, Mang Placido, at Aling Trinidad ay bumili rin ng
dyaryo. Dumaan si Primo sa bahay ng kanyang mga kaibigan na sina Brix, Tricia, Troy, at
Brando. Nakita niya na ang tatlo ay nagbabasa na rin ng dyaryo. Pati ang dyanitor nila sa
paaralan na si Mang Bruno ay nagbabasa na rin ng dyaryo. Nagtataka si Primo kung bakit ang
lahat ng tao ay abala sa pagbabasa ng dyaryo. Bahagyang huminto si Primo sa paglalakad at
binasa niya ang nilalaman nito.

May anunsiyo sa dyaryo na masama ang klimang mararanasan, may mga paalala na
maghanda lalo na sa malaking pagbaha na may kasamang mga troso mula sa bulubundukin.
Namangha si Primo sa balita. Kaagad siyang umuwi ng bahay at ibinalita sa magulang ang
maaaring mangyari sa maghapon at magdamag. “Mabuti na lamang at naubos na ang tinda kong
dyaryo,” ang sambit ni Primo.

E. Pagsagot sa Prediction Chart.


PAGTALAKAY
NG BAGONG Prediction Chart
KONSEPTO AT Tanong Hulang Sagot Tunay na Nangyari
PAGALALAHAD Bakit abalang-abala sa
NG BAGONG pagbabasa ng dyaryo ang
KASANAYAN #2 mga tao?
(Discussing new 1. Ano ang pamagat ng kuwento?
concept and
practicing new 2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
skills #2) 3. Saan nagana pang kwento?
(EXPLORE)
4. Ano ang ginagawa ni Primo tuwing umaga?
5. Magkano ang kinikita ni Primo sa pagtitinda ng dyaryo tuwing umaga?
6. Kung siya ay magtitinda ng dyaryo sa loob ng isang Linggo magkano kaya ang kanyang
kikitain?
7. Ano ang napansin ni Primo sa mga tao?
8. Bakit abala ang mga tao sa pagbabasa ng dyaryo?
9. Ano ang anusiyo sa dyaryo?
10. Sa inyong palagay, dapat ba na maghanda ang tao kapag may ganitong anunsiyo?
11. Ano ang gagawin mong paghahanda kung ikaw mismo ang nakabasa ng ganitong
anunsiyo?
12. Bakit kailangan na paghandaan ang ganitong uri ng anunsiyo?
13. Ano ang masasabi mo kay Primo?
14. Kung ikaw si Primo ,tutularan mo ba siya sa kanyang pagiging masipag?
15. Ano ang mensahe ng kwento?
16. Anong bahagi ng kwento ang naibigan mo? Bakit?
17. Anong aral ang iyong natutunan?
18. Ano ang mahahalagang pangyayari ang naganap sa kwento?
(Hayaang ipahayag ng mga bata ang kanilang sagot sa tulong ni Dora the Explorer at
kaibigan niyang si Map.)

F. PAGLINANG  Pamantayan sa pangkatang Gawain


SA
 Pangkatang Gawain
KABIHASAAN
(Tungo sa
formative Pangkat ROB THE ROBOT
assessment) Panuto: Basahin ang kwentong Si Pagong at Si Matsing. Pagsunud-sunurin ang mga
Developing pangyayari sa kuwento gamit ang mga larawan.
mastery (Leads to
formative Pangkat STARSTRUCK
assessment) Panuto: Basahin ang kwentong “Puno ng Buhay” at isadula ang pagkakasunod-sunod
ng pangyayari nito.

Pangkat IDOL SA KUSINA


Panuto: Basahin ang paraan ng pagsasaing. Pagsusunod- sunurin ang mga ito gamit ang
bilang 1-5.
_____a. Hinaan ang apoy para ma-in-in ang kanin.
_____ b. Hugasan ang bigas nang mabuti.
_____ c. Kumuha ng tatlong takal na bigas.
_____ d. Hayaang kumulo ang tubig hanggang sa makati ito.
_____ e. Lagyan ang bigas ng tatlong takal na tubig.

G. Panuto: Ayusin ang larawan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Isulat sa drill
PAGLALAPAT board ang bilang 1-3
NG ARALIN SA
PANG-ARAW-
ARAW NA
BUHAY
(Finding
practical/applicati
on
of concepts and
skills in daily
living)
PAGLALAHAT Ano ang dapat isaalang-alang sa muling pagsasalaysay ng kuwento?
NG ARALIN
(Making
generalizations
and abstractions
about the lesson)
(ELABORATE)
H. PAGTATAYA Panuto: Basahin ang kuwento. Ayusin ang larawan batay sa tamang pagkasunod sunod ng
NG ARALIN pangyayari sa kuwento. Isulat sa patlang ang numero 1-5.
(Evaluating
Learning) Tuwing Linggo, nakaugalian na ng pamilyang Cruz ang pagsisimba. Sama-
(EVALUATION) sama silang pumupunta sa simbahan. Tahimik silang nakikinig sa sermon ng
pari. Pagkatapos ng misa, namasyal sila sa parke. Nang makaramdam ng gutom,
sila ay kumain sa labas. Tuwang tuwang umuwi ang mag-anak sa kanilang
tahanan.

I. Panuto: Basahin ang kwentong “Dakilang Tagapag-ingat nina Inay at Itay” Filipino pahina454-
KARAGDAGAN 455 . Gumawa ng timeline upang ipakita ang sunod-sunod nito.
G GAWAIN
PARA SA “Dakilang Tagapag-ingat nina Inay at Itay”
TAKDANG
ARALIN AT
REMEDIATION.
(Additional
activities for
application or
remediation)
(EXTEND)

V. REMARKS

You might also like