You are on page 1of 16

MGA URI NG TEKSTO, PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T

IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Senior High School Department


TEKSTONG PERSUWEYSIB
PAGKATAPOS NG ARALING ITO, DAPAT NA:

1. nakikilala mo ang mga tekstong nasa uring


persuweysib;
2. nabubuo mo ang halimbawang pangungusap na
nagtataglay ng katangian ng tekstong persuweysib;
at
3. naisasabuhay mo ang mga paraan ng panghihikayat.
SAGUTIN

Kung bibigyan ka ng pagkakataong maging pinuno ng


inyong bayan, anong plataporma ang pagtutuunan mo
ng pansin?

Paano mo mahihikayat ang mga tao na maniwala sa


iyong mga adbokasiya bilang isang kandidato?
TEKSTONG IMPORMATIBO AT
DESKRIPTIBO
Tekstong Impormatibo at Deskriptibo
Sa naunang aralin ay tinalakay ang kahulugan at
katangian ng mga
tekstong Impormatibo at Deskriptibo. Layunin ng
tekstong impormatibo ang magbigay ng bagong
impormasyon samantalang paglalarawan o pagbuo
ng imahe sa isip ng mga mambabasa o nakikinig
ang layunin ng tekstong deskriptibo.
TEKSTONG IMPORMATIBO AT
DESKRIPTIBO
Halimbawa:
Ang kasaysayan at balita ay ilan lamang sa mga
halimbawa ng tekstong impormatibo.
Ang mga lathalain at mga akdang pampanitikan
naman ay ilan lamang din sa mga halimbawa ng
tekstong deskriptibo.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Naglalayon itong manghikayat ng mga
mambabasa o tagapakinig.
Ito ay isa sa mahahalagang uri ng tekstong
ginagamit sa radyo at telebisyon.
Ito rin ay isang mahalagang kasanayang dapat
matutunan ng tao.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Nararapat na maging maganda ang
nilalaman nito upang makuha ang interes ng mga
mambabasa, manonood, at tagapakinig.
Ito ay dapat ginagamitan ng mga salitang
nakagaganyak, tulad na lamang ng mga dahilan
kung bakit dapat iboto ang isang kandidato o kung
bakit dapat bilhin ang isang produkto.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Halimbawa:
Mga advertisement sa radyo at telebisyon
Talumpati sa pangangampanya at rally
PALIWANAG:
Ang mga advertisement ay naglalayong hikayatin ang
mga mamimili na tangkilikin ang kanilang iniindorsong
produkto o serbisyo.
Tuwing panahon ng eleksyon, nanghihikayat ang
nilalaman ng mga talumpating binibigkas ng mga
kandidato upang hingin ang boto ng mga mamamayan.
Ang mga talumpati sa rally ay naglalayong hikayatin
ang mga nakikinig.
TATLONG PARAAN NG PANGHIHIKAYAT
AYON KAY ARISTOTLE
Ayon kay Aristotle, may tatlong paraan para mahikayat
mo ang iyong mga mambabasa.
Ethos
naiimpluwensyahan ng karakter at kredibilidad ng
tagapagsalita ang paniniwala ng mga tagapakinig. Sa
ganitong paraan, kailangang nagtataglay ng sapat na
kasanayan sa pamamahayag ang isang manunulat o
tagapagsalita.
PATHOS
pag-apila sa damdamin ng mga tagapakinig. Ito marahil
ang pinakamahalagang paraan upang makahikayat.
Madaling naaakit ang isang tao kapag naantig ang
kanyang damdamin kaugnay ng paksang tinatalakay.
Logos
paraan ng paghikayat na umaapila sa isip. Ang
paglalahad ng sapat na katibayan kaugnay ng paksa ay
labis na nakakaapekto sa panghihikayat.
HALIMBAWA NG TEKSTONG
PERSUWEYSIB
Panahon na naman ng eleksyon. Kailangan nating pumili
ng bagong lider na magtataguyod ng mabubuting serbisyo
para sa taumbayan. Napakaraming pulitikong
nangangakong pagsisilbihan nila ang bayan subalit paano
tayo nakasisiguro sa kanilang mga binibitiwang salita?
Naririto ako ngayon sa inyong harapan upang buksan ang
inyong isip kung sino nga ba ang nararapat na maging
bagong lider.
HALIMBAWA NG TEKSTONG
PERSUWEYSIB
Ang inyo pong lingkod ang magdudulot ng bagong pag-
asa sa ating lipunan. Ang kailangan natin ngayon ay isang
pinunong tapat, may malinis na puso, at may takot sa Diyos,
mga katangiang tinataglay ng inyong lingkod.
Kaya panahon na upang maitama ang nasira nating landas
sa mga nagdaang liderato. Nangangako akong hindi kayo
magsisisi kung bibigyan ninyo ako ng pagkakataong
mahalal. Maraming salamat po. Mabuhay tayong lahat!
HALIMBAWA NG TEKSTONG
PERSUWEYSIB
Paliwanag:
Hinihikayat nito ang mga mamamayan upang siya ay
iboto. Binigyang-pansin niya ang kaniyang mga
katangian. Sa pamamagitan nito, mabubuksan ang isip ng
mga mamamayan tungo sa pagpili ng tamang pinuno.
MGA PAALALA
Ang tekstong Persuweysib ay iba sa
tekstong Argumentatibo. Sa persuweysib, hinihikayat ng
manunulat o tagapagsalita ang mga mambabasa at
tagapakinig na maniwala sa kanilang mga inihahayag na
prinsipyo, samantalang sa argumentatibo ay naghahain
ng isang proposisyon na maaaring tutulan o sang-ayunan
ng manunulat o tagapagsalita.
MAHAHALAGANG KAALAMAN
Ang tekstong Persuweysib ay isang uri ng sulatin kung saan
ang manunulat ay gumagamit ng mga pananalitang
tumutulong upang mahikayat ang mga mambabasa at
tagapakinig na paniwalaan ang inihahayag nitong ideya o
paniniwala.
Ang halimbawa nito ay ang mga advertisement at mga
talumpating nanghihikayat.
May tatlong paraan ng paghikayat ayon kay
Aristotle: Ethos, Pathos, at Logos.

You might also like