You are on page 1of 13

Paglalahad ng Resulta ng

Pananaliksik
Aralin 13
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

• Matutuhan ang paglalahad ng resulta ng pananaliksik


• Matutuhan ang tamang presentasyon ng datos
• Matutuhan ang pagsusuri at pagbibigay-interpretasyon sa datos
Daloy ng Talakayan

• Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik


• Presentasyon ng Datos
• Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos
Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik
• Ayon kina Catherine Marshall at
Gretchen Rossman (1990) sa aklat na
“Designing Qualitative Research,” ang
pagsusuri ng datos ay binubuo ng
pagsasaayos, kategorisasyon, at
pagsisiyasat ng mga ebidensiya upang
mapatunayan o mapasubalian ang
inisyal na mga proposisyon ng pag-
aaral. Ito ay proseso ng pagbibigay ng
kaayusan o estruktura sa napakaraming
datos na nakolekta sa mga naunang
bahagi ng pananaliksik.
Kuwalitatibo at Kuwantitatibong Pananaliksik
Kuwantitatibo Kuwalitatibo
• Ang kuwantitatibong pananaliksik ay • Ang kuwalitatibong pananaliksik naman
tumutukoy sa sistematiko at empirikal na ay kinapapalooban ng mga uri ng
imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at
pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang
penomenong panlipunan sa pamamagitan ng
matematikal, estadistikal, at mga teknik na unawain ang pag-uugali at ugnayan ng
pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon. mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.
Kadalasang ginagamitan din ito ng mga Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng
nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay
pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyon, laging nakabatay sa mas malawak na
at pagsusuring estadistikal. Kapaki-pakinabang
kontekstong pinangyayarihan nito at ang
ang kuwantitatibong pananaliksik sa mga
mananaliksik na nais mag-aral at mag-imbestiga mga panlipunang realidad gaya ng kultura,
ng mga malakihan at pangkalahatang padron ng institusyon, at ugnayang pantao na hindi
pagkilos at pag-uugali ng tao. maaaring mabilang o masukat.
Presentasyon ng Datos
• Pangunahing hakbang dito ang paglikom at pagbilang ng mga bumalik na
datos mula sa ipinamahaging talatanungan, transkripsiyon ng naganap na
pakikipanayam, o pag-aayos ng mga tala mula sa obserbasyon.
• Mula sa pag-aayos, kailangang alisin ang mga talatanungan na hindi maayos
o may kulang na sagot ng kalahok. Sa mga tala at transkripsiyon, maaari nang
alisin ang mga tugon na walang kabuluhan sa magiging pagsusuri.
Kailangang itala ng mananaliksik ang mga hakbang na ito.
• Kapag nasala na, maaari nang simulan ang tallying sa pamamagitan ng
paglalapat ng datos sa working tables o iba pang paraan ng organisasyon
batay sa pagsusuring gagawin. Pagkatapos nito ay ginagawa ang pinal na
talahanayan, chart o anomang uri ng presentasyon ng datos.
Presentasyon ng Datos
• Ang talahanayan ay ang pinakasimpleng paraan ng pagbubuod ng mga obserbasyon.
Naglalaman ito ng mga tiyak na datos gaya ng mga numero, bahagdan, at iba pa na maaaring
pagmulan ng kalakaran o paghahambing. Narito ang isang halimbawa ng talahanayan:
Presentasyon ng Datos
• Ang mga graph at chart
naman ay biswal na
presentasyon ng mga
numero o bahagdan na
maaaring magpakita ng
kabuuang padron,
ugnayan, o kalakaran
batay sa uri nito. Ang bar
graph ay kadalasang
nagpapakita ng mga datos
na nasa iba’t ibang
kategorya o kaya ay
paghahambing.
Presentasyon ng Datos
• Ang mga graph at chart
naman ay biswal na
presentasyon ng mga
numero o bahagdan na
maaaring magpakita ng
kabuuang padron,
ugnayan, o kalakaran
batay sa uri nito. Ang bar
graph ay kadalasang
nagpapakita ng mga datos
na nasa iba’t ibang
kategorya o kaya ay
paghahambing.
Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos

Pagtukoy sa mahahalagang datos sa talahanayan


• Hindi kailangang basahin ang lahat ng value o numero na makikita sa
talahanayan. Ilagay lang ang pokus ng mambabasa sa mahahalagang
resulta.
• Halimbawa, ano ang pinakamataas o pinakamababang ranggo sa mga
aytem o kaya ay mahahalagang punto ng paghahambing sa dalawang
grupo ng kalahok. Mula sa mahahalagang value na ito, nagsisimula
ang pagsusuri.
Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos

Pagpapaliwanag ng mga posibleng dahilan mula sa lokal na


konteksto ng mga kinalabasan sa talahanayan
• Sinasagot ng mananaliksik kung ano ang mga posibleng dahilan
kung bakit mababa o mataas ang mga value sa talahanayan o
graph.
• Inilarawan ang institusyonal na konteksto na nagbunsod sa
kinalabasan ng pananaliksik.
Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos

Pagsusog o pagpapasubali sa haypotesis batay sa kinalabasan ng


pagaaral
• Ipinapaliwanag ng mananaliksik na hindi nag-iiba ang datos na
nakuha mula sa mga naunang pagpapalagay ng pananaliksik.
Pag-uugnay ng mga impormasyon sa iba pang bahagi ng resulta at
pagtalakay o cross-referencing
• Iniuugnay ng mananaliksik ang pagsusuri sa mga impormasyong
nakalap sa ibang bahagi ng pagtalakay ng resulta na lalong
nagpatibay sa interpretasyon.
Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos

Pag-uugnay ng kinalabasan sa iba pang pag-aaral o literature


• Kaugnay ng datos, tinatalakay ng mananaliksik ang
mahahalagang konsepto ng ibang pagaaral o literatura upang
maging gabay kung paanong tatasahin ang kasapatan at maging
kritikal sa umiiral na praktika.
• Sa pamamagitan din ng kaugnay na literatura, nakapagbibigay
ng angkop na rekomendasyon ang mananaliksik.

You might also like