You are on page 1of 8

BARAYTI NG WIKA

Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa


pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo,
maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain,
pinag-aralan at iba pa. Samakatwid, may
dalawang dimension ang baryalidad ng wika –
ang dimensyong heograpiko at dimensyong
soyal ( Constantino, 2006).
Dayalekto. Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong
heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa iba pang aklat.
Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit.

Ayon sa pag-aaral ni Ernesto Constantino, mayroong higit sa


apat na raan ( 400 ) ang dayalek na ginagamit sa kapuluan ng ating
bansa. Sa Luzon, ilan sa mga halimbawa nito ay ang Ibanag ng
Isabela at Cagayan, Ilocano ng Ilocos, Pampango ng Pampanga,
Pangasinan ng Pangasinan at Bicolano ng Kabikulan. Sa Visayas ay
mababanggit ang Aklanon ng Aklan, Kiniray-a ng Iloilo, Antique at
Kanlurang Panay, Capiznon ng Hilaga-Silangang Panay at ang
Cebuano ng Negros, Cebu, Bohol at iba pa. Samantala ilan sa mga
dayalek sa Mindanao ay ang Surigaonon ng Surigao, Tausug ng Jolo
at Sulu, Chavacano ng Zamboanga, Davaoeno ng Davao at T’boli ng
Cotabato.
 
Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa
pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na
bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa
istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin
ang pananagalog ng mga naninirahan sa iba’t ibang
lugar na gumagamit ng isang wika:
 
Maynila – Aba, ang ganda!
Batangas – Aba, ang ganda eh!
Bataan – Ka ganda ah!
Rizal – Ka ganda, hane!
Maynila Ang layo naman!
Batangas Ala, ang layo eh!
Bataan Ang layo ah!

Cavite Sir, ano po ang bug-ong ninyo ngay-on?


Mangyari po kasi, ako’y namaraka kahapon. Kayo po
ba’y nakain ng tinumis na baboy?

Maynila Sir, ano po ba ang baon ninyo ngayon?


Namalengke po kasi ako kahapon. Kumakain po ba
kayo ng dinuguang baboy?
Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa
dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika
dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay
ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng
kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang
pangkat. Makikilala ang iba’t ibang barayti nito sa pagkakaroon ng
kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika.
Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod na
pahayag ang pinagmulan ng mga ito:
 Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
 Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
 Kosa, pupuga na tayo mamaya.
 Girl, bukas nga lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon.
 Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.
Ang mga salitang nakatala sa itaas ay may legal jargon.
Ang jargon ang mga tanging bokabularyo ng isang
partikular na pangkat ng gawain.
 
Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang
barayti ng wikang ginagamit batay dimensyong heograpikal at sosyal,
indibidwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa
sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na
katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng
wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal.
Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika.
Tinatawag itong idyolek. Pansinin kung paano nagkakaiba-iba ang
idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang lahat ay
gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang larangan at naninirahan
marahil lahat sa Metro Manila.

Mike Enriquez
Noli de Castro
Mon Tulfo
Idyolek. Ang pinakaliberal na barayti! Umaayon
ang barayting ito ayon sa personal o indibidwal na
gamit ng wika.
Mare, natikman mo na ba siya? Masarap pala siya!
Tikman mo rin siya.

Tingnan mo siya. Mukhang mahirap siyang isuot.


Pero di bale, bibilhin ko pa rin siya.

You might also like