You are on page 1of 23

PAGSUSURI NG

MAIKLING KUWENTO
Ang maikling kuwento ay isa sa mga anyo
ng panitikan. Ito ay maikling salaysay na
naglalaman ng isang kuwentong may
mahalagang pangyayari. Taglay ng
maikling kuwento ang lahat ng elemento.
Kadalasan, ito ay mapupulutan ng
magandang aral at nag-iiwan ng
panibagong karunungan.
Bahagi ng Maikling Kuwento
1. Simula
– Sa bahaging ito ipinakikilala ang mga
tauhan at tagpuan ng mga gumaganap sa
kuwento. Dagdag pa rito, mababasa o
inilahahad na rin sa bahaging ito ang
magiging suliranin sa kuwento.
2. Gitna
– Sa bahaging ito ng kuwento, lubusan ang
pagtalakay sa suliranin ng mga tauhan.
Inilalahad na rin ang tunggalian at kasukdulan.
3. Ang mga pangyayari ay unti-unting
bababa patungo sa wakas na siyang
katapusan.
Narito ang balangkas/banghay ng maikling kuwento:

I. Simula – Ang bahaging inilalahad o


ipinakikilala ang tauhan, tagpuan, o maaaring
ilahad ang suliranin.
II. Suliranin – Sinasabing ang bahaging ito ay
nagsisilbing dugo ng bawat kuwento. Ito rin ang
bahaging nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa
istorya.
III. Papataas na Aksiyon – Dito nagaganap ang
paglalahad sa suliranin. Isinasaad ang mga
nagiging reaksiyon o hakbang ng mga tauhan sa
inilahad na suliranin.
IV. Kasukdulan – Ito ay ang pinakamataas na
bahagi ng kuwento. Masasabing ito ang bahagi na
pinakakapana-panabik. May mga kuwentong ang
kasukdulan ang nagiging wakas ng kuwento.
V. Pababang Aksiyon – Dito makikita ang
kakalasan. Sa kakalasan, sa mga tradisyonal na
kuwento madalas maglagay ang mga
manunulat. Dito binibigyang-kasagutan ang
suliraning inilahad sa kuwento. Maaaring
masagot sa bahaging ito ang lahat ng tanong na
nasa isip ng mga mambabasa.
VI. Wakas – Maaaring ang wakas ay
masaya, malungkot, o nagbubukas sa
iba pang ideya o tinatawag na open-
ended.
Basahin ang isang pagsusuri gamit ang
balangkas at banghay ng maikling
kuwento:
Pagsusuri sa Maikling Kuwento
“Anim na Sabado ng Beyblade”
A. Pamagat Ang maikling kuwentong pinamagatang
“Anim na Sabado ng Beyblade” ay sumasalamin sa pagiging
isang bata. Pinamagatan itong “Anim na Sabado ng
Beyblade sapagkat mahilig itong laruin ng batang si Rebo.
Ito ang tanging nagpapagaan ng pakiramdam niya sa kabila
ng sakit na kanyang dinaranas. Dahil sa kanyang
karamdaman, ang ikaanim na Sabado mula sa taning ng
kanyang buhay ay huling Sabado na kung saan ay wala nang
Rebong maglalaro ng isang beyblade.
B. Paksa Ang paksa ng kuwentong ito ay tungkol sa isang
batang maysakit na si Rebo at kung paano niya dinanas ang
hirap at sakit hanggang sa huling Sabado ng kanyang buhay.
C. Tagpuan/Tauhan
Tagpuan – Sa bahay nina Rebo
Tauhan
• Rebo – Isang batang dumanas ng sakit hanggang sa
mamatay
• Ama – (Ferdinand Pisigan Jarin) ama ni Rebo na nag-
alaga hangang sa huling hininga nito.
D. Banghay
1. Simula/Panimula Unang Sabado mula
sa pagkakaroon ng sakit ni Rebo ay
nagdiwang siya ng kanyang kaarawan kahit
pa hindi totoong kaarawan nito.
Nangumbida ng maraming bisita ang
kanyang ama. Pinagdala ng ama ang mga
bisita ng regalong mga laruan at huwag
kakalimutan ang laruang beyblade.
2. Suliranin Tatlong araw bago sumapit ang ikatlong Sabado,
unti –unti na siyang nanghihina, bihira na siyang ngumiti. Hindi
na niya magawang makapaglaro ng beyblade. Sa kabila ng
lahat, pilit pa ring lumalaban si Rebo. Hanggang sa naglambing
ang kanyang anak at tinanong siya kung may pera ito. At
ipinakita ng ama na may laman ang wallet nito, agad niyang
tinanong kung ano ang gusto nito. Sabay turo ng bata sa isang
kalapit na tindahan at pinabibili ito ng kendi. Napakabilis
niyang bumili at bumalik buhat sa tindahan sa kagustuhang
maibigay ang hiling ng anak. Subalit pumasok sila sa tahanan
ng naiwang nilalanggam at nabuksan ang kendi.
3. Tunggalian/Papataas na Aksiyon
Ang tunggalian sa kuwento ay tao
laban sa sarili sapagkat dumanas ang
bata ng kanyang sariling hamon ng
pakikilaban sa sarili. Patuloy niyang
ipinaglalaban ang sarili sa kabila ng
sakit na kanyang nararanasan upang
mabuhay.
4. Kasukdulan Tuluyan nang nakalbo si Rebo pagsapit
ng ikatlong Sabado. Subalit, di kusang nalagas ang mga
buhok nito. Dahil sa kanyang pagkairita, sinabunutan
niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang
mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng
kasamahan ng ama sa trabaho ang isang mascot upang
bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang
bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagama’t di man lang
siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kanyang mata
ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at
nawala.
5. Pababang Aksiyon Di na maikakaila ang mabilis na
pagkapawi ng lakas ni Rebo pagsapit ng ikaapat na Sabado.
Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang
mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kanyang
pagsasalita. Kaya nang dinala siya sa isang karnabal, isa
lamang ang ninais niyang sakyan. Ang maliliit na helicopter
na tumataas at bumababa, ang tila oktupos na galamay na
bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ang ama ng tingin sa
baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa nito ay mabilis
na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga nang
humiga at paulitulit na tumingin sa kawalan.
6. Wakas Sa huling Sabado ng Pebrero, ikalimang Sabado, eksaktong
katapusan ay pumanaw na si Rebo. Kasabay ng pagluha ng kanyang mga
mata at pagtirik ng mata ay ang pagbuga ng kanyang huling hininga.
Namatay ito habang tangan ng ama sa kanyang bisig. Hinintay lamang ni
Rebo na dumating ang kanyang ama bago ito lagutan ng hininga. Di na
man lamang sila nakapag-uasap sapagkat pagdating ng ama ay pinakawalan
na nito ang sunod-sunod na palahaw ng tindi ng sakit.
Sa ikaanim na Sabado, lumabas si Rebo sa ospital. Huling Sabado na
masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-
ari nito.Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang
tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang
magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang ang mga naiwan
ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.
Gawin 1
Panuto. Batay sa binasang kwento, sagutin ang mga
sumusunod na tanong hinggil sa iyong nauunawaan. Ilahad
ang sagot sa loob ng isa o dalawang pangungusap lamang.
1.Saan ang tagpuan ng kwento?
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
__
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
______
3. Anoang paksa o tema ng akda?
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
______
4. Anong pangyayarisakuwento na kaugnay sa
ating lipunan sapamamagitanng tauhan?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
__________________________________
5. Ano angaral na taglay nito?
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
Gawin 2

Suriing ang akdang “Ang Ama,”


Gamitin ang sumusunod na
balangkas o pormat ng pagsusuri ng
maikling kuwento.
Pamagat
Paksa
Tagpuan
Tauhan
Banghay
a. Panimula
b. Suliranin
c. Papataas na aksiyon
d. kasukdulan
e. Pababang aksiyon
f. wakas

You might also like