You are on page 1of 22

Mga

KONSEPTONG
WIKANG PAMBANSA

Ang Wikang Pambansa ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit


nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa. Ito ang
nag-iisang wikang ginagamit ng batay sa kultura ng lipunan.
Nagiging batayan din ito ng identidad o pagkakakilanlan ng grupo
ng taong gumagamit nito.

2
1
M De
a t ju
a t re de
ag s
pu ap ju
an ag re
sa kat
K A le
on rt g
sti iku al
tu lo at
sy X n a
on IV aa
g , S yo
19 e n
87 ks sa
. yo ba
pambansa

n ta

2
6- s.
9
ng

D
ef
a
tin cto
a t sa de
an pa
g g gk fa
a p at ct
sa a k o
m tu w
ay a
Pi or l n
lip ya a
in n ito
o. g
m ng
a m gi
am nag
Konsepto ng wikang

ay am
3

an it
g at

hi
n
M ih
na aaa ir
s e rin
an
nt g
ro ma
g
ng gi
na
ko n g do
ga m do m
w ers m
ai y in in
n g o, a n an
p a ed te
m uk an te
po a s g
l i t y o wi
ik n, k a
a. k sa
ul
tu p o
ra o k
,a
t
3
WIKANG panturo

Ang Wikang Panturo ay tumutukoy sa wikang ginagamit na


midyum o daluyan ng pagtuturo at pagkatuto sa sistema ng
edukasyon. Ito rin ang wikang ginagamit sa pagsulat ng mga aklat
at kagamitan sa pagtuturo.

4
Konsepto ng wikang panturo
✔ Sa pag-aaral na isinagawa ng ✔ Bilingual Education Policy
UNESCO (United Nations (BEP), 1987. Nilalaman ng
Educational, Scientific and polisiyang ito ang paggamit
Cultural Organization) ng Filipino at Ingles bilang
noong 2003. lumalabas na wikang panturo.
✔ Ang itinatag na pambansang
mahigit kalahati ng mga ✔ Mother Tongue-Based
Sistema ng edukasyon ng mg
mag-aaral sa buong mundo Multilingual Education
Amerikano sa umpisa ng ika-20
ay gumagamit ng wika sa (MTB-MLE). 2009.
siglo ay monolingual.
edukasyon na hindi nila Pagbibigay-diin sa paggamit
nakasanayang gamitin sa ng mga katutubong wika

1
kani-kanilang tahanan kung bilang unang wika ng mga

2 kaya’t nagiging sagabal ito


sa proseso ng pagkatuto.
3 mag-aaral na wikang panturo
sa Pilipinas.

5
WIKANG opisyal

Ang Wikang Opisyal, ito ang wikang itinadhana ng batas bilang


wikang gagamitin/ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon ng
gobyerno. Ito ang kadalasang ginagamit sa mga opisyal na
dokumento na may kinalaman sa korte, lehislatura at
pangkalahatang pamamahala sa gobyerno, maging sa Sistema ng
edukasyon.

6
Kasaysayan… Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, nilagdaan
ni Pangulong Corazon Aquino, na nagtatagubilin sa
lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan,
Batas Komonwelt Blg. 570, ahensya, at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa
nagtatadhana na bukod sa iba pa, ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit
ang Wikang Pambansa ng Pilipina ng wikang Fipilino sa mga opisyal na transaksyon,
ay magiging isa na sa mga wikang komunikasyon at korespondensya.
opisyal ng Pilipinas.

Hulyo 4, 1940 Agosto 6, 1968 Agosto 25, 1988 Setyembre 9, 1989

Pinalabas ng Kalihim Lourdes R.


Kautusang Tagapagpaganap Blg. Quisimbing ng Edukasyon, Kultura, at
187, ay nilagdaan ng Pangulo na Palakasan ang Kutusang
nag-aatas na lahat ng kagawaran, Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa
kawanihan, tanggapan, atbp. sangay lahat ng opisyal ng DECS na
ng pamahalaan ang Wikang Pilipino. isakatuparana ng utos Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335.

7
Sa Pilipinas, itinatakda ng Konstitusyong 1987, Artikulo

“ XIV ang Filipino at Ingles bilang mga wikang opisyal na


wika sa bansa.

Sek 7 – ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo,


ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang itinatadhana ang batas, Ingles.

Sek 8 – Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino


at Ingles; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic at Kastila.

8
Pangkatang
1 gawain
PAnuto 1 2
Panonood ng isang
1. Bumuo ng grupo na may 5-7
Pakikinig ng panayam programa sa
miyembro, pagkatapos ay pumili
sa radyo telebisyon (talkshow,
ng lider. variety show)
2. Suriin at sagutin ang mga
sumusunod na tanong batay sa
gawaing mapupunta sa grupo.

3. Ilagay sa powerpoint ang


ginawang pagsusuri para sa 3 4
presentasyon ng bawat grupo. Pagbabasa ng isang Pagbubuo ng rubriks
blog sa internet. at pagmamarka sa
presentasyon ng
grupo.

10
Mga
tanong:
1. Ano ang wikang ginamit sa inyong napakinggan, pinanood
o binasa?

2. Ano-anong katangian ng wika ang lumutang sa


pinakinggan, pinanood, o binasa? Ipaliwanag.

3. Ano-anong barayti ng wika ang ginamit sa inyong


napakinggan, pinanood, o binasa? Itala ang mga salitang
ginamit sa ilalim ng bawat barayting natuloy.

4. Ano-ano ang antas ng wikang ginamit sa inyong


pinakinggan, pinanood, o binasa? Itala ang mga salitang
ginamit sa bawat antas.

11
bilingguwalismo
Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong
makapagsalita ng dalawang wika. Maaari rig ilapat ang konsepto sa
isang buong komunidad kung san ginagamit ng mga mamamayan
ang dalawang magkaibang wika o kaya naman ay ang politikal o
institusyonal na pagkilala sa dalwang wika.

 Ang Bilingual Education Policy (BEP) ay ipinatupad sa Pilipinas sa pamamagitan ng


National Board of Education (NBE) Resolution No 73-7, s. 1973.
 Ipinatupad ang polisiya sa pamamagitan ng paglalabas ng DECS ng Department
Order No. 25, s. 1974 na may titulong Implementing Guidelines for the Policy on
Bilingual Education.

12
mga layunin ng bep
1. Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika,
2. Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi,
3. Mapaunlad ang Filipino bilang simbulo ng pambansang
identidad at pagkakaisa,
4. Malinang ang elaborasyon at intelektuwalisasyn ng Filipino
bilang wika ng akademikong diskurso, at
5. Mapanatili ang Ingles bilang internasyunal na wika para sa
Pilipinas at bilang wika ng syensya at teknolohiya.

13
multilingguwalismo

Ang multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang


taong makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika. Sa antas ng
lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t ibang
wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan
at rehiyon.

14
3 bahagi ng rasyunal na
sumusuporta sa
mtb-mle sa lahat ng antas ng
edukasyon
1. Tungo sa pagpapataas ng kalidad na edukasyon nakabatay sa
kaalaman at karanasan ng mga mag-aaral at guro;
2. Tungo sa promosyon ng pagkakapantay sa lipunang iba-iba ang
wika; at
3. Tungo sa pagpapalakas ng edukasyon multicultural at sa
pagkakaunawaan at paggalang sa batayang Karapatan sa pagitan
ng mga grupo sa lipunan.
15
Ipinatupad ang multilingguwal na edukasyon sa
pamamagitan ng deped order 16, s.2012 (guidelines on
the implementation of mtb-mle) na may layuning:

1. Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at habambuhay na


pagkatuto;
2. Kognitibong pag-unlad na may pokus higher order thinking skills (HOTS);
3. Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na pagkahusayin ang
kakayahan sa iba’t ibang larang gn pagkatuto;
4. Pag-unlad ng kamalayang sosyo-kultural na magpapayabong sa pagpapahalaga
at pagmamalaki ng mga mag-aaral sa kanyang pinagmulang kultura at wika.
16
Homogenous at heterogenous
na wika
Ang homogenous o heterogenous na wika ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng iisang porma o standard na anyo nito o kaya ay
pagkakaroon ng iba’t ibang porma o barayti.

Mula sa salitang Griyego na homogenes


 hom – uri o klase
 genos – kaangkan o kalahi

17
Lingguwistikong komunidad

Ang linguwistikong komunidad ay isang termino sa


sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong
gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa
mga espisipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.

18
Una at ikalawang wika
Ang unang wika ay tinatawag ding katutubong wika o sinusong
wika (mother tongue) ay ang wikang natutuhan at ginamit ng isang
tao simula pagkapanganak hanggang sa lubos nang nauunawaan at
nagagamit ng tao ang nasabing wika.

Ang ikalawang wika ay ang wikang natutuhan at ginagamit ng


isang tao labas pa sa kanyang unang wika. Ang wikang ito ay hindi
taal o katutubong wika para sa tagapagsalita ngunit isang wikang
ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita.

19
Second language acquisition
(sla)

Isa sa mga kinilala ni Krashen (1982) sa teorya ng Second


Language Acquisition (SLA) na nagpalawig sa pagkakaiba sa
acquiring (likas o natural na pagtatamo) at learning (pagkatuto) ng
wika.

20
Maraming
salamat sa
pakikinig!
21
Sanggunian:
⊹ Komunikasyon sa Makabagong Panahon, R. Bernales, M. Pascual, E.
Ravina et al., 2016
⊹ Komunikasyon sa Makabagong Panahon, Pinayamang Edisyon, 2011 R.
Bernales, et al., 2011
⊹ https://www.elcomblus.com/mga-konseptong-pangwika/ August 22,
2020

22

You might also like