You are on page 1of 46

Mga Teorya sa Pagdadalumat

Ikalawang Modyul

DEAN B. LAPUZ
Associate Professor V
1. PAG-IIMBENTO,
PAGKATHA NG MGA
BAGONG SALITA /
KONSEPTO
Ang pagdadalumat na ito ay
bunga ng modernisasyon.
Nakalilikha ng bagong salita
dahil sa hinihingi ng panahon
nang may maitumbas sa isang
katawagan. Ito ay nagaganap
upang maipaliwanag ang nais na
ipabatid o ibahagi, bumuo ng
bagong salita, para madali itong
maiparating at maunawaan.
Ang pag-iimbento at pagkatha
ay nagsisimula sa isang maliit na
pangkat, kapag ito ay tinanggap
ng mga mamamayan sa lipunang
kanilang ginagalawan,
nadaragdagan ang gumagamit
nito hanggang sa ito ay ginagamit
na at yayakapin na ng
nakararami
Dalawang bagay ang
kahihinatnan ng teoryang ito,
ang huminto sa pangkat ng mga
lumikha nito o patuloy na
umunlad, hanggang sa lumawak
na ang gumagamit nito.
Maaaring gamitin na
pamantayang ito ang balanang
2. Pilipinohiya
ni Covar
binubuo ng dalawang salita: Pilipino at
lohiya (logos), na ang ibig sabihin ay pag-
aaral. Samakatuwid, ito ay isang
masistematikong pag-aaral: una, Pilipinong
kasipian at, ikalawa, Pilipinong kultura at
Pilipinong lipunan. Ang layunin nito ay
palabasin ang pagka-Pilipino ng bawat
larangan na meron ang kultura ng Pilipinas.
Ang kaisipan, kultura, at
lipunan ay nag-ugat sa mga
karanasan ng mga katutubong
Filipino – ito ang mga basihan
ng homonisasyon o pagkatao.
Maaaring ang mga ito ay hawig
sa iba pang lahi, ngunit ang
Pilipino, bilang isang pang-uri ng
iba’t ibang sangkap ay may
sariling hekusyon, estetika, at
kaayusan – ang mga ito ang
naging pananda ng pagiging
makabansa at isang lahi.
Ang relihiyon, wika, at
sambahayan ay ilan lamang
sa halimbawa ng bawat
larangan na meron ang mga
Pilipino.
Ang mga Kastila at Amerikano
ay may ambag sa akademikong
disiplina sa Pilipinas. Ito ang
dahilan kung bakit mayroong
maayos at magandang edukasyon
sa bansa.
Subalit, kabalikat nito,
naging isip-kolonyal ang mga
Filipino kung saan ang takbo
ng pag-iisip ng bawat isa ay
mala-kanluranin samantalang
taga-silangan sila.
Pinalaganap nila ang
unibersalismo kung saan
ang ethnic, parochial, at
provincial ng bansa ay
unti-unti nang nawawala o
napapalitan.
Subalit, kailangan din ng
Pilipinolohiya ang akademikong
disiplina upang mapalaya ang
Pilipinong kaisipan, kultura, at
lipunan at hindi ang kabaliktaran
nito.
Nag-ugat ang mga pananaw ng mga Pilipino
sa mga katutubong kamulatan at kamalayan
upang mabuo ang makabansang kabihasnan at
hindi lamang upang pag-aralan ang mga

nangyari sa mga Pilipino at Pilipinas.


3. Pantayong
Pananaw ni Zeus
Salazar
-isang konsepto at hinuha ng
historyador na si Dr. Zeus A. Salazar na
nag-aadhika ng isang nagsasariling
diskurso ng mga Pilipino sa wikang
pambansa para sa kasaysayan at agham
panlipunan.
Napapaloob ang kabuuan ng pantayong
pananaw sa pagkaugnay-ugnay ng mga
katangian, halagahin, kaalaman, karunungan,
hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng
isang kabuuang pangkalinangan—kabuuang
nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng
isang wika.
Dagdag pa ni Salazar, magkakaroon lamang ng
pantayong pananaw kapag gumagamit ang lipunan at
kalinangan ng Pilipinas ng mga konsepto at ugali na alam ng
lahat ang kahulugan na magiging talastasang bayan.
Tungkol naman sa wikang Filipino at
kaugnayan nito sa kasaysayan, pahayag ni Salazar na
hindi ito payak na tagapagpahiwatig,
tagapagpahayag at tagapag-ugnay ng kasaysayan.
○ Mabisa rin daw ito bilang imbakan o
pinagkukunan ng kasaysayan dahil dito
umaagos ang kalinangan at karanasan.

○ Sa pamamagitan daw ng wikang pambansa, nagkaroon


ang pag-iintindi sa kasaysayan bilang isang bukas at
lantad sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan,
kabuluhan, katuturan.

○ Maaaring tingnan ang wikang Filipino bilang isang


kapangyarihan ng nagpapalaya sa bayan at pagiging
Pilipino ng kasaysayan.
4. Sarilaysay
ni
Rosario Torres Yu
Hango ang teoryang ito sa
dalawang salita, sarili + salaysay.
Mula sa mga salitang nabanggit, ito
ay ang sariling paraan o estilo ng
manunulat na magsalaysay.

Ang pinakalayunin nito ay


mahikayat, mapukaw ang guni-guni,
maganyak, bigyang-pansin at pag-
aralan ng babasa ang kaniyang
isinulat.
Gumagamit ng mga orihinal na
estratehiya ang mga umaakda ng
SARILAYSAY dahil tinitiyak nilang ang
mga sinusulat nila ay nararapat
pagtuunan ng pagsusuri at kritikal na
pag-iisip dahil ito ay pagbubukalan ng
bagong kaalaman na maaaring magamit
sa iba’t ibang pagkakataon o disiplina.
Halimbawa nito ay ang Sarilaysay:
Tinig ng 20 Babae sa Sariling Danas Bilang
Manunulat. Isinalaysay ng mga manunulat
na ito na nabibilang sa tatlong henerasyon
ang mga kondisyong humubog sa kanilang
pagkamanunulat at pagka-babae. Sa tinig
na nagbubukas-loob ay inihahayag nila ang
kanilang pag-unawa sa mga kondisyon,
karanasan at kaisipang humubog sa
kanilang pagkilala sa sarili.
5. Pagsasalin at
Pagdadagdag ng
Kahulugan
Ang kaalamang taglay natin ngayon
ay ipinasa (isinalin) ng ating mga ninuno
01 na nagpalipat-lipat sa iba’t ibang
henerasyon.

Ang mga kaalamang ito ay maaaring


nabawasan o nadagdagan dahil hindi tayo
02 nakatitiyak na sadyang eksakto ang pagtanggap
ng mga impormasyon ng mga sinusundang
salinlahi.

Walang makapagsasabi na ang mga


03 detalyeng tinanggap nila ay kumpleto o
maaaring may nawawalang bahagi at
possible rin na noong ipinasa nila ito ay
may bawas o dagdag na.
Maraming mga salik ang maituturing sa
04 pagdadagdag ng kahulugan, isa rito ay
maaaring pinayaman na o kaya’y iniangkop sa
panahon nang ito ay ipasa nila sa sumunod na
lahi.

05 May kulang man o lumabis, ang mga ito ay


malaking ambag pa rin sa pagdadalumat-salita
dahil lumalawak ang katawagan o konseptong
pinag-aaralan.
6. Pag-aangkop /
Rekonstektwalisasyon
Pagpili ng salita na naayon sa mga
kasamang salita sa parirala, sugnay,
pangungusap o kaya’y talata dahil
hindi lahat ng salita ay
magkakaugnay, may mga salitang
sadyang “magkabagay” at mayroon
ding “hindi magkasundo”. Ang mga
ito ay isinasa-alang-alang kapag
gumagawa ng komposisyon,
samantalang ang
Rekonstektwalisasyon ay ang
muling pagbigay pagtingin sa
kahulugan o konsepto ng isang
akda. Magkaugnay ang mga ito
dahil kapag binalikang sinuri
(rekonstektwalisasyon) makikita
ang pagkakaugnay (pag-aangkop)
ng mga salita
Kapag nagbago ang mensaheng
nais iparating, piliin o gamitin ang
salitang nararapat upang mapanatili ang
kaisipang nais iwanan sa mga
mambabasa.
7. Kasaysayan bilang
Salaysay na may Saysay
01
Ayon kay Zeus, bagama’t
magkatumbas, hindi
magkasingkahulugan ang dalawang
salitang ito. Kung ang “History” ay
“written record,” ang salitang ugat
naman ng “Kasaysayan” ay “saysay”
na dalawa ang kahulugan: (1) isang
salaysay o kwento, at (2) kahulugan,
katuturan, kabuluhan at kahalagahan.
Samakatuwid, ang “Kasaysayan” ay
“mga salaysay na may saysay.”
02
Ngunit, kailangang tanungin ang
pulitikal na tanong: Kung ito ay may saysay,
may saysay para kanino? Siyempre para sa
sinasalaysayang grupo. Sa maikling salita,
para sa tao.
Kaya naman, sa matagal na panahon sa
Unibersidad ng Pilipinas, ito ang itinuring
na depinisyon sa “Kasaysayan” ng
maraming guro, “Mga salaysay na may
saysay para sa sinasalaysayang grupo ng
tao.”
03
Sa ganitong pakahulugan, mga kuwentong may
kuwenta para isang bayan, hindi na nalilimita sa mga
opisyal na dokumento ng makapangyarihan lamang. Ang
mga pasalitang tradisyon na tulad ng mga epiko, alamat,
mito, kwentong bayan at maging ang mga kanta at jokes,
bagama’t kathang isip ay maaaring maging batis ng
kaisipan at paniniwala ng mga tao na hindi nagsisulat ng
mga dokumento, lalo na ang mga lolo at lolang ninuno
natin.
04 Subalit, hindi basta-basta itinatapon ang kanluraning
tradisyon ng “History” na may establisado nang metodo
sa pagkritika ng mga batis upang malaman ang
katotohanan ng nakaraan sa isang dokumento o kuwento.
Ang tawag dito ay positibista—ang pagsasalysay batay sa
ebidensya. Kung paano makukuha ang saysay at kaisipan
ng tao kahit na sa isang kuwentong kumalat na kathang
isip lamang at hindi naman nangyari. Sa pagkakasali ng
depinisyong Pilipino ng “Kasaysayan” at ang
metodolohiyang positibista ng “History” nabuo ni Zeus

ang konseptong “Bagong Kasaysayan.”


05

Sa madaling salita, hindi lahat ng nasa


nakaraan ay kailangang igiit, kundi iyon lamang
“may saysay” sa bayan. Magagamit ng bayan
upang maintindihan ang kanyang sitwasyon at
sarili. Na magpapakita ng kaisipan at mga ugali ng
bayan.
8. Sangandiwa
01
Di nga ba’t walang bisa ang wika kung hindi nito
binibigyang buhay ang diskurso’t kultura ng bansa?
Sinasabing hindi pa sapat ang corpus ng wikang
Filipino upang pasiglahin ang intelektuwalismo sa
bansa. Maski nga mga intelektuwal, sila mismo ang
nagsasabing walang ganap na kapangyarihan ang
wikang Filipino para dalumatin ang kaganapan at
kaisipang “makabago” at “napapanahon.”
02
Sangandiwa ang diwa ng kaibahan at
paghiwalay sa bitag ng Eurosentrisismo na
sumasanga-sanga palayo nang palayo sa
“imperyalismo” ng mga “ismo.” “Ang
sangandiwa ang kaisahan ng pagkakaiba.
Kabuuan ito ng maramihang pakikisangkot.
Kinikilala nito ang kaisahan at kasarinlan
bago magsanga-sanga. May talastasan na
tayong Filipino dahil nagkamalay na tayo sa
sitwasyon ng sarili at bansa” (Nuncio at
Morales-Nuncio 2004).
03
Maramihang diwa, maraming bibig at
dila, isang damukal na satsat, ‘sang
katerbang problema, samutsaring opinyon,
walang katapusang talastasan. Ang anyo’t
nilalaman ng kaalamang Filipino’y
nabubuo sa paglinang ng diskursong
panloob at panlabas na may lalim at lawak.
Samakatuwid, sangandiwa ang labas, loob,
lalim at lawak ng lahat. Sa ganitong
bisyon, magsasanga-sanga ang diwa ng
sarili at bansa. Saan kaya ito paroroon?
Sanggunian
https://www.scribd.com/presentation/433477088/Dalumat
https://www.coursehero.com/file/37115153/Saysay-ng-sarili
ng-kasaysayan-Ang-Ambag-ni-Zeus-Salazar-sa-Bayan-Balitam
bayanpdf/
https://quizlet.com/241240714/filipino-flash-cards/
https://www.coursehero.com/file/54989772/INTRODUKSYO
N-SA-PAGDALUMAT-SA-WIKANG-FILIPINOdocx/
“Tayo ay may pagkakakilanlan,
May sariling tatak at kulturang
nakagisnan,
Hindi tayo alipin ng sinomang bayan,
Malaya tayo, pagiging Pilipino ay
paninindigan!”
Lapuz, 2020
Pasasalamat ay tanggapin,
Inyong pakikinig ay
napakahalaga sa akin…
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like