You are on page 1of 23

Jumbled LETTERS

ABAL

Isang uri ng gawain upang linisin ang


maruruming damit.

LABA
GANGRU

Salitang sinasabi sa isang tao kapag


matanda na.

GURANG
WARTAKU
Iba pang tawag sa salapi o pera.

KUWARTA
WAGOP

Tawag sa magandang lalaki

GWAPO
SALEMA

Patungan ng mga pagkain.

LAMESA
Ang Magkakapatid na
mga Wika sa Filipinas
Susana Claire C. Rimas
Marissa M. Pascasio
Joan Aurelyn A. Valdenarro
Sa iyong palagay, bakit sinasabing
magkakapatid ang mga
wika sa Filipinas?

Ano ano ang mga wika na magkakamag-anak o


magkakapatid sa Filipinas?
Isa sa mga paraan ng pagpapaunlad ng wika na
lumitaw sa bokabularyong panggramatika na binuo ni
Lope K. Santos ay ang paghalaw sa bokabularyo ng
iba’t-ibang wikang katutubo sa Filipinas
Halimbawa:
Sa talakayan ng Pangkalahatang Lupon sa Kabanata tungkol sa “ Ang
Pangalan,” nabanggit ni LKS na hiniram mula sa Sebwano ang
salitang “lunan” sa halip na gamitin ang salitang “lugar”,
( 31 Hulyo 1939).
Sa “Makabagong Balarila” ni LKS, inilahad niya ang Kagawad ng
Sebwano na si Isidro Abad ang nagmungkahi ng salitang “luna” na
dinugtungan ng hulaping –an: “lunaan” ay naging “lunan” na
maaaring ihalili sa salitang Espanyol na lugar (Santos 1951).
Ganito ring taktika ang pinairal sa mas naunang salitang
“katarungan” na hango sa salitang Bisaya na “katadongan” na
may kahulugang justicia, equidad, balanza
Hindi lamang bilang hanguan ng mga salita para
mapaunlad ang wikang pambansa ang nakikita ni LKS
na ugnayan ng Tagalog at ng iba-ibang wika sa
Filipinas.
Pinatunayan din ni LKS na magkakamag-anak ang mga
katutubong wika.

May panayam si LKS na binasa sa Academia de Artes y


Letras sa UP noon pangDisyembre 17, 1925 na may
pamagat na “Analogia Estructural entre los
Dialectos Filipinos”
 Ang isa pang panayam ay ibinahagi naman niya sa
Congress of Independence noong March 9, 1930 sa
Columbian Club at sa Opera House (Santos 1951, 9).
 Sa panayam noong 1925, iniulat ni LKS ang tiyak na
bahagdan ng mga pagkakatulad o pagkakaiba ng mga
wika sa Filipinas.
Natuklasan niya na ang apat na malalaking pangkat ng
wikang Bisaya----Sebwano, Panayano, Leyte-
Samarenyo at Aklanon ay nagkakaiba-iba lamang sa
isa’t isa nang 20 bahagdan.
Ibig sabihin, sa bawat salita ng isa sa nabanggit na
wika, mga 20 salita lamang ang di-nauunawaan ng
tatlong ibang wika.
Ang Tagalog naman ay 30% na naiiba sa apat na wika.
Bahagdan ng Pagkakaiba ng ibang Wika sa Tagalog

30% 30% 30% 20%

Iluko Ibanag Pangasinan Kapampangan

20% 30% 30%

Bikol. Magindanaw Ifugaw-Igorot.


.
Kongklusyon ni LKS:
Ang 80%, samakatuwid ng mga salita, kataga, panlapi,
pang-angkop, parirala at mga paraan ng pangungusap ng
Bisaya, Iluko at iba pang kapatid na lipi, ay
nasasatalatinigan na rin at balarila ng wikang Tagalog.
Noon pa man, nasa kamalayan na ng tulad ni LKS ang
kahalagahang mapatunayan na magkakamag-anak ang
mga wika sa Filipinas.
Ang pagkakatulad na ito ng mga wika sa bansa,
halimbawa, ang isa sa ginamit na katwiran ni LKS nang
tuligsain niya ang nagpapahiwatig noon na wala pang
wikang pambansa ang Filipinas.
May pananaw noon na ang Tagalog ay saligan lamang ng
wikang pambansa at kailangan pang hintayin ang “isang
wikang pinagkahalu-haluan ng malalaking wikain
(dialects) sa Pilipinas (Santos 1951, 2)
Ipinaliwanag ni LKS sa mga kritiko ng Tagalog na ang pagsanib ng
iba’t ibang wikang katutubo sa Filipinas ay nangyayari.
Aniya:
Subalit sa kanila’y hindi kalabisang ipagunita na ang mithi nila’y
talaga at katutubo namang nagaganap na at nakikita sa wikang
tagalog maging sa kasalukuyan.
Anu-ano nga at gaano na lamang ang mga salitang mayroon sa Iluko,
sa Bisaya, sa Bikol at sa iba pang wikang kapatid, na wala sa
tagalog? Maging sa talanitigan o talasalitaan at maging sa balarila o
mga tuntuninng pananalita ay walang gaanong ipinagkakaiba o
ipinagkakalayo ang may apatnapung wika at wikaing umiiral sa
Kapuluan. Ito ang katotohanang natuklasan sa mga pagsusuri at
pinagbatayan sa pagpapasya ng mga pantas-wikang kauna-unahang
bumuo ng Lupon ng SWP (1937-1938) na di mga taal na Tagalog
ngunit kinatawan ng kani-kanilang wika ng Pilipinas. (Santos 1951, 8-
9)
Sa sinipi, Idiniin ni LKS na hindi na dapat hintayin pa ang
paglalangkap ng mga katangian ng iba’t-ibang wikang
Tagalog. Likas na ito sa mga wika sa Filipinas dahil sa
pagiging magkakamag-anak ng mga wika. Bagaman
ginawang batayan ng wikang pambansa ang Tagalog,
ipinahihiwatig ni LKS na dala-dala na rin ng Tagalog ang
katangian ng ibang wikang katutubo—ang bokabularyo at
gramatika ng mga ito.
Ipinaliwanag din ni LKS ang pananaw niya hinggil sa likas
na proseso ng pag-unlad ng wika:
Ayon kay LKS, ang paghahalo ng mga ibang salita sa isang
wikang buo na at umiiral ay gawain ng panahon at ng mga
pangangailangan. Hindi gawain ng mga batas ni ng mga
pantas.
Ang pagpapaunlad ng isang wikang pambansa sa
pamamagitan ng panghihiram o paghango sa mga iba
ay hindi naipipilit ng may-ibig kundi kusang
nangyayari, ayon sa mga pagkakataon ng wikang ibig
paunlarin ( Santos 1951, 7).

Naniniwala si LKS sa likas na proseso ng pag-unlad ng


wika.

Tutol naman siya sa paraan na pagpapaunlad ng wika


na pinilit o sinadyang pagsama-samahin ang mga
elemento ng mga katutubong wika para mabuo ang
wikang pambansa.
Isa pang pahayag ni LKS:
“Ang mga katutubong wika ay hindi gawa ng mga
pantas kundi ng bibig at isip ng bayan.”
Yumayaman ang wika habang ang madla ay nakatutuklas
ng mga bago at bagong bagay at dunong na panumbas o
panakip sa mga kasalukuyang pangangailangan ng buhay
at ng kabihasnan”.
 Sa dalawang siniping pahayag, ang pangunahing batayan ng
paglago ng wika para kay LKS ay ang pangangailangan.

 Ang mga panukalang mga salita ni LKS sa balarila ay


maaaring ituring na taliwas sa mga ideyang ito ni LKS tungkol
sa likas na pag-unlad ng wika.

 Idinidiin din ni LKS na, anumang interbensyon sa wika ay


itatakda ng pangangailangan, at ang paglaganap nito ay
nakasalalay pa rin sa pagtanggap ng madla.
Sanggunian:

BALARILA NG WIKANG PAMBANSA


Lope K. Santos
Salamat sa Pakikinig!

You might also like