You are on page 1of 15

Kabanata 1

Kaligiran ng Pag-aaral
Ang kabalisaan sa wika ay maaaring matukoy na pagkatakot o pangamba sa
paggamit ng kanilang pangalawang wika, maging ito man ay sa paraang salita,
pakikinig at maging sa pagkatuto (Gardner, Maclntyre 1994). Sa mga nakaraang
taon, ang pananaliksik ay nagpapakita na ang kabalisaan sa wika ay isang tiyak na
kabalisaan kaugnay sa pangalawang wika (Horwitz, Horwitz & Cope 1986; Maclntyre
Gardner, 1989, 1999b).Dagdag pa na ang kabalisaan sa wika ay pagkatakot at
pangamba kung ang mag-aaral ay inaasahang magsalita o gumanap gamit ang
pangalawang wika o gamit ang wikang pangdayuhan (Gardner, Maclntyre 1993). Ito
rin ay pangamba at negatibong reaksyong emosyunal kung ang isang mag-aaral ay
gumagamit ng kanilang npangalawang wika (Maclntyr 1999)
Sa buong mundo, halos lahat ng mag-aaral ay dumanas ng kabalisaan sa
wika maging ito man ay sa paraang pasulat o sa pasalita (Agbones et al 2011). Ang
mga mag-aaral ay nahihirapang ipadama ang kanilang saloobin o nararamdam kung
kayat ang Language Anxiety ang kanilang nagiging problema at ito ang nagiging
sagabal sa kanilang nararamdaman na nais sana nilang ipahayag (Agbones et al,
2011).
Sa Pilipinas na bansa, napag-alaman na ang mga mag-aaral ay pinapawisan,
nanginginig o kinakabahan at namumutla kapag silay pinapatayo at pinapasalita ng
Ingles, ito ay hahantong sa pagpapahayag nila sa kanilang mga ideya sa wikang

Filipino. (Gido et al, 2008). Ngunit papano kung ang mga mag-aaral ay nakakaranas
din ng pagkabalisa sa wikang ito?
Sa Unibersidad ng Mindanao, napag-alaman na ang kabalisaan ang
nangunguna na nakaapekto para sa pag-aaral na wika (Anino, Madelo, 2007).
Kung kayat ang mga mananaliksik hinggil sa kabalisaan sa wika at
kasanayang pagsasalita sa asignaturang Filipino 1A.

Paglalahad ng Suliranin
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang kabalisaan sa wika at
kasanayang pagsasalita sa asignaturang Filipino 1A.
Sa katiyakan, ang pag-aaral na ito ay sasagot sa mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsasalita kung :
1.1 Input Stage
1.2 Processing Stage
1.3 Output Stage
2. Ano ang antas ng kabalisaan sa ng mga mag-aaaral ayon sa:
2.1 Kaalaman
2.2 Kasanayan
2.3 Tiwala sa sarili
3. Ano ang kaugnayan ng kabalisaan sa wika sa kasanayang pagsasalita?

Haypotesis sa Pag-aaral
Walang makabuluhang ugnayan ang kabalisaan sa wika at kasanayang
pagsasalita sa mga mag-aaral sa asignaturang Filipino 1A sa Unibersidad ng
Mindanao.

Review of Related Literature


Kabalisaan sa Wika
Sa buong mundo particular sa kanlurang bansa, sa Mainland China, base sa
pananaliksik na ginawa ni Zhoa Na (2007) nakita nya na halo lahat ng mag-aaral ay
nakakaranas ng kabalisaan sa Ingles nila na klase, lalong lalo na sa pagkatakot sa
negatibong kalalabasan. Kaugnay nito, ay halos lahat din ng mag-aaral sa
asignaturang Filipino 1a ay nakakaranas din ng pagkabalisa sa pagsasalita sa
wikang tagalog bilang pangalawang wika nila.

Ayon sa mga pag-aaral, peoples number one fear is public speaking. Number
two is death. Death is number two. Does that sound right? This means to the
average person, if you go to a funeral, youre better off in the casket than doing the
eulogy. Jerry Seinfeld (2014)

Input Stage
Processing Stage
Ang Kabalisaan sa processing stage, ay tinatawag na Processing Anxiety
na binigyang kahulugan ni Onwuegbizie et. al., (2000) na ang pangamba na
nararanasan ng mga mag-aaral kapag sila ay gumagawa ng pangkaisipang
oprasyon sa bagong natutunan: (p.476). Itong pangkaisipang pag-iral ay pinalawak
sa Information Processing Model sa panahon kung papaano sila kumikilos sa utak
ng tao, at napag alaman rin kung papaano na hindi maiproseso ng mag-aaral at

magagamit ang lahat nilang nalalaman tungkol sa wika sa ibinigay na oras


(Segalowitz, 2003, cited in Lightbown at Spada, 2006,p.29)
Ang mga psikologo ay naniniwalang ang magiging resulta ng anumang
pangwikang

tuntunin

ay

nangangailangan

ng

prosesong

impormasyon

at

pagpapakita ng atensyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pangkaisipan na


batayan (Nefti 2012, 2013). Gayunpaman, inihayag nila na mayroong limitasyon
(Lightbown & Spada, 2006).
Ang pinakamahalagang kasanayan ay ang kasanayan sa pagsasalita, lalong
lalo na sa mga banyagang wika sapagkat nangangailangan ito ng pangkaisipang
gawain sa magkaparehong pagkakataon kagaya ng pagpili ng mga salita sa
magkaparehong pagkakataon kagaya ng pagpili ng mga salita pagbigkas ng mga
ito, at pagdugtong dugtong ng mga ito na may wastong gramatika at iba pa
( Lightbown at Spada,2006)
Napag-alaman ni Chen (2005) na ang mag-aaral ay nakakaranas ng
kahirapan sa pagkilala at pag uugnay sa mga binibigkas na mga salita, naririnig nila
ito dahil sa mahinang mental na kakayahan sa iilang mag-aaral batay sa sinasabi
nila sa kanilang isang asignaturang na ang tamang bigkas ay pamilyar sa akin
ngunit nalilimutan ko kung ano ang salita.
Ayon pa kay Tobias (1986) ang pagkabalisa ay maaaring limitahan ang
kognitibong proseso sa gawain ng mas mahirap at ang bawat isa ay magkakaroon
ng makasira na gawain. (MacIntyre at Gardner 1995).
Output Stage

Ang kabalisaan sa output stage ay hadlang sa dating kaalaman na


natutunan at maaring maging sagabal sa kakayahan
Kasanayang Pagsasalita
Kaalaman
Kasanayan
Tiwala sa sarili

Konseptwal na paradym ng mga baryabol


Ang teorya na pinagbatayan sa pag-aaral na ito ay ang (DECS) o (DEPED
Order No. 54 Seksyon 1987 Implementing Guidelines for Policy on Bilingual
Education):
1. Filipino ang ginagamit ng mga guro sa asignaturang Sibika at Kultura,
Kasaysayang Heograpiya at Sibika, Musika/Sining at Edukasyong Pampalakasan,
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan at Edukasyon sa Kagandahang Asal at
Pag-uugali:
2. Ang panukalang Konstitusyon ng 1986 tungkol sa Wikang Pambansa ay
nagsasaad ng Kaukulang Tadhana. Artikulo XIV Seksyon 7 ukol sa Wikang Layunin
ng Komunikasyon at Pagtuturo. Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hanggang walang itinatadhana ang batas, Ingles. Sa kasalukuyang patakaran ng
edukasyon, ang mga wikang ito ay binibigyang-diin sapagkat ito ang ating wikang
panlahat na nagbubuklod at nag-ugnay sa mga mamamayan. Upang maging
matagumpay ang paglaganap ng wika, kailangan itong maibatay sa layunin ng isang

malayang bansa. Ang ginawa ng lingguwaheng konstitusyonal ay binibigyan ng


bagong pangalan ang wikang matagal ng nasa dila ng sambayanan. Samakatuwid.
Filipino rin sa Pilipino.
Sa teyoryang ito malinaw na sinasabi na dapat lahat ng Pilipino ay dapat
maging hasa sa kanilang pangalawang wika o ang wikang Filipino. Ngunit hindi
maikakaila na kahit ngayon ay nakakaranas ang mga kabataan ng kabalisaan sa
wika.
Ayon kay Zhao Na, 2007, napag-alaman na ang kabalisaan sa wika ay
tumutukoy

sa pangamba na nararanasan sa tuwing ang isang sitwasyon ay

kinakailangan gumamit ng pangalawang wika na kung saan ang sarili ay hindi pa


gaanong matatas para dito. Dagdag pa, na ang mag-aaral na may mataas na
pagkabalisa ay nahihirapang maipahayag ang sariling

ideya at sinusubukang

maliitin ang kanilang sariling kakayahan (Gardner & MacIntyre, 1993 halaw nina
Gido, Loquias, Sinining, 2008)
Sinupurtahan naman ito ni Curtis Suebert ang kabalisaan sa wika ay
tumutukoy sa isang pakiramdam ng pagkatakot, pagkabalisa at tenyon sa taong
nag-aaral ng ibang wika bukod sa kanyang katutubong wika (Agbones, Lagarta,
Dagatan, 2011).
Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng dalawang baryabol. Ang mga ito ay
malayang baryabol at di-malayang baryabol. Ang malayang baryabol ay ang
kabalisaan sa wika na may tatlong batayan: Input Stage, Processing Stage, at
Output Stage. Ang di-malayang baryabol ay ang kasanayan sa pagsasalita na may
tatlong batayan: kaalaman, kasanayan, at tiwala sa sarili.

Konseptwal na Balangkas
Malayang Baryabol

Di-malayang Baryabol

Kabalisaan sa Wika

Kasanayang Pagsasalita

Input Stage

Kaalaman

Processing Stage

Kasanayan

Output Stage

Tiwala sa sarili

Kahalagahan sa Pag-aaral
Aming natuklasan na ang pag-aaral na ito ay mahalaga ayon sa aming
palagay sapagkat upang masolusyunan ang kabalisaan sa wika ng mga mag-aaral.
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:
Administrasyon. Sa pamamagitan ng magiging resulta sa pag-aaral na ito, ang
paaralan ay makakagawa o makakabuo ng isang programa upang masolusyunan
ang pagkabalisa ng mga mag-aaral sa wika, at mapalinang ang kanilang : kaalaman,
kasanayan, at tiwala sa sarili.
Guro. Upang malaman ng guro ang kanilang nararapat gawin sa kanilang mga magaaral na may pagkabalisa sa wika na natatamasa sa kanilang sarili.
Mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay makakakuha ng
impormasyon ang mga mag-aaral patungkol sa isyung ito. Sa paraamg ito ay
maiiwasan na ang pagkabalisa nila sa wika at malinang nila ang mga kasanayang
pagsasalita na walang nararanasang pagkabalisa sa wika.

Definition of Terms

Kabisaan sa Wika (o xenoglossophobia) - ay ang pakiramdam ng pagkapangamba


at pagkabahala na nararanasan kapag ginagamit ang panglawang wika o ang
wikang pangdayuhan.

Wika - ay isang masistemang balangkas ngsinasalitang tunog na pinipili at


isinasaayos sa paraangarbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang saisang
kultura. (Henry Gleason)
Pagsasalita - Ito ay ang pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa
pamamagitan ng verbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong tunog,
tamang gramatika, upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.
Filipino 1A - ay isang metalinggwistik na pag-aaral ng wikang Filipino. Nakatuon ito
sa istruktura, gamit, katangian, at kahalagahan ng wikang Filipino sa akademikong
larangan. Sa lapit multidisiplinaryo at paraang interaktibo, inaasahang matutukoy at
matatalakay ang mga pangunahing kaalaman sa wikang ito. Malilinang dito ang mga
kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino tungo sa lalong mataas na komunikasyon
sa kritikal na pagdidiskurso.

Kabanata 2
Metodolohiya
PAMAMARAAN
Inilahad sa kabanatang ito ang disento ng pag-aaral, pagpili ng kalahok,
instrument ng pananaliksik, hakbang sa pangangalap ng mga datos at naging
resulta nito, istadistikang ginamit upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.
Disenyo ng Pananaliksik
Ginamit ng mga mananaliksik ang deskriptib korelesyunal na pamamaraan
dahil pinag-aralan ditto ang kaugnayan ng dalawang baryabol: ang kabalisaan sa
wika at kasanayang pagsasalita sa asignaturang Filipino 1A.
Ang disenyong ito ang ginamit sa paglalahad ng mga kaugnayan ng magaaral kung paano susukatin ang kanilang kakayahan (Gonzaga, 2005). Dagdag pa ni
Padua (2000) ang koreleysyunal na pag-aaral ay idinisenyo upang malaman kung
hanggang saan ang dalawang magkaibang baryabol ay magkaugnay sa isat isa.

Kalahok sa Pag-aaral
Ang mga mag-aaral sa Unibersidad ng Mindanao na kumukuha ng
asignaturang Filipino 1a at nasa unang taon sa kolehiyo ay ang ginawang kalahok
sa pananaliksik na ito. May bilang na isang daan (100) na mga kalahok, 50 na mga
babae at 50 na mga lalaki. Makikita sa Talahanayan 1 na sa isang daang kabuuan
ng mga kalahok, limampu o 50 ang bahagdan ng babae at limampu o 50 rin ang
lalaki.

Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Kalahok sa Pag-aaal

Kasarian
Lalaki
Babae
Kabuuan

Bilang

Bahagdan

Instrumento ng Pananaliksik

Ang ginamit na instrument sa pananaliksik na ito ay isang talatanungan sa


kabalisaan sa wika. Ibinigay ito sa mga napiling kalahok na kumuha ng asignaturang
Filipino 1A. Ito ay binubuo ng labinlimang aytem sa pagpipilian ng mga kalahok.
Binubuo ito ng tatlong bahagi, una ay limang aytem para sa Input stage, ikalawa ay
ang processing stage at ang pangatlo ay ang output stage. Makikita sa ibaba ang
naging batayan at kriterya ng pagwawasto.
Kabalisaan sa Wika

Iskor
4.1-5.0
3.1-4.0
2.1-3.0
1.1-2.0
1.0-pababa

Deskripsyon

Interpretasyon

Kasanayan sa Pagsasalita

Paglikom ng mga Datos


Upang malaman ang magiging resulta sa isinigawang pananaliksik na ito ay
kinakailangan ng mga mananaliksik na kumalap ng mga datos. Nilikom ng mga
mananaliksik ang mga talatanungan ng mga kalahok sa naturang araw, kinuha ang
mga naging resulta o ang kanilang mga sagot bilang pagkuha ng antas nito. Ang
kani-kanilang mga kasagutan sa inihandang sarbey ay itatala at gagawan ng
interpretasyon basi sa magiging resulta.

Istatistikang Ginamit

Mean. Ginamit ito sa pagkuha ng antas ng istilo ng pagkatuto at istilo sa


pagtuturo.
Pearson R. Ginamit sa pagkilala ng makabuluhang kaugnayan ng kabalisaan
sa wika at ng kasanayang pagsasalita.

Kabalisaan sa Wika
Input Stage
1.Hindi ko naiintindihan ang mga katanungan ng guro o
mga komento
Did not understand teachers question or comment

2. Hindi ko nauunawaan ang katanungan ng guro


Misunderstood teachers question

3. Hindi ko naiintindihan ang iba kung kaklase


Did not understand other students

4. Hindi ko masyadong naiintindihan ang salitang Tagalog


Did not understand spoken Tagalog

5. Hindi ko naiintindihan ang isinulat mahahabang


pangungusap
Did not understand long written sentences

Processing Stage
6. Nangangamba ako sa aking gramatika na pagkakamali
Worried about grammatical mistakes

7. Nahihiya akong gumamit ng mga simpeng Tagalog


Embarrassed to use simple or broken Tagalog

8. Natatakot akong ikumpara sa iba

Worried about ones ability level compared to others

9. hindi ko alam kung papaano ko sasagutin ang tanong


ng guro
Did not know how to respond to the teachers question

10. Wala akong ideya o opinyon tungkol sa paksa


Had no idea or opinion about the topic

Output Stage
11. Pagsasalita sa harapan ng iba
Speaking in front of others

12. Hindi ako makasagot ng agaran o nang maayos


Could not respond quickly or smoothly

13. Nangangamba ako sa aking pagbigkas


Worried about pronunciation

14. Nangangamba ako kung ang aking sinasalitang


tagalog ba ay naiintindihan o hindi
Worried if my English is understood or not

15. Pakikipag-usap sa hindinko gaanong kilalang kaklase


Talking with unfamiliar classmates

You might also like