You are on page 1of 2

Ang ekonomiks ay agham na tumatalakay produksyon at distribusyon ng yaman ng

bansa.
Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa kung paano maaaring
maipluwensyiyahan ang isang tao dahil sa sistema ng ekonomiya.
Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa pagpili ng likas na yaman
kung saaan sagana ang isang pamahalaan.
Ang ekonomiks ay isang agham na nag-aaral sa gawi ng taong may kinalaman sa
ugnayan ng pangangailangan at kakapusang may alternatibong gamit.
Ang ekonomiks ay pag-aaral ng sangkatauhan sa pangkakaraniwang pang-arawaraw na buhay. Sinusuri nito ang bahagi ng kilos ng tao at pangkahalatang
iniuugnay sa pagkakamit at paggamit ng pangunahing pangangailangang materyal
ng tao.
Ang ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano tinustustusan ng tao o lipinan ang
walang hanggang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mahusay na
alokasyon o pagbabaha-bahagi ng pinagkukunang-yaman.

Ang maikling kwento o katha ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling
guni-guni ng may-akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling
karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa onakikinig. Ito
ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan lamang ang
mga tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa
pagkasunod-sunod nito.
Ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin sa
isang upuan lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng
araw para matapos.

Kuwentong Nagsasalaysay - masaklaw, timbang na timbang ang mga bahagi,


maluwag at hindi apurahan ang paglalahad.
Kuwentong Tauhan- binibigayng diin nito ang tauhan ng mga tauhang gumagalaw
sa kuwento.
Kuwentong Katutubong Kulay - binibigyang diin nito ang tagpuan at kapaligiran ng
isang pook. Masusing inilalarawan ang mga tao sa isang pook, pamumuhay nila,
ang kanilang mga kaugalian at gawi na napapaloob sa kuwento.

Kuwentong Sikolohiko - nilalarawang mabuti nito ang mga tauhan sa isipan ng mga
mambabasa upang maipadama ang damdamin at nararanasan ng isang tao sa
harap ng isang pangyayari o sitawasyon.
Kuwentong Talino - mahusay ang pagkakabuo ng balangkas nito. Kailangang
lumikha ang may akda ng makasuliraning kalagayan upang mamahay sa pagaalinlangan hanggang ang takdang oras ay sumapit ang paglalahad ng kalutasan

Kuwento ng Katatawanan- ang takbo ng pangyayari ay may kabagalan at


may mangilan-ngilang paglihis sa balangkas at galaw ng mga pangyayari.
Kuwento ng Katatakutan - pinupukaw nito ang kawilihan ng mambabasa sa halip na
ang kilos sa kuwento. Binibigyang diin ang mga simulaing kaisahan at bias.
Kuwento ng kababalaghan - binibigyang diin nito amg mga bagay na kapanapanabik, hindi kapani-paniwala at salungat sa hustong bait, kaisipan at karanasan
ng tao. Kataka-taka ang mga pangyayari subalit magbibigay ito ng kasiyahan sa
mambabasa.
Kuwento ng Madulang Pangyayari - ang mga pang-yayari ay kapansin-pansin,
lubahang mahalaga, nagbunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran
ng mga tauhan.
Kuwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa - nasa balangkas ang kawilihan sa
halip na sa mga tauhan ang kawilihan, sa mga kawil ng mga pangyayari ang siyang
bumabalot sa pangunahing tauhan.

You might also like