You are on page 1of 1

Christian S.

Sebastian BSBA-MM 1-1

Prof. Babylyn Felix

1. Ano ang batas na nagsasabi na dapat pag-aralan ang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik o Filipino 102 sa kolehiyo? CHED Memorandum Order no. 30 s. 2004 ukol sa New General Education Curriculum ( NGEC)

2. Paano makakatulong ang Filipino 102 o Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik sa aking kurso. Bilang isa akong mag-aaral ng Marketing masasabi kong makakatulong sa aking kurso ang Filipino 102 sa pamamagitan ng pagtuturo nito sa akin ng paraan kung paano ko mas malilinang ang aking kasanayan sa pagsulat gayundin ang pagsusuri at pagpapabuti nito. Dahil alam naman natin na madalas gumawa ng Bussiness Plan o Feasibility study ang mga katulad kong kumukuha ng ganitong kurso. Isa pa ay mas malilinang ko ang aking kasanayan sa pagbabasa at pagsusuri ng mga ito. 3. Ano ang kahalagahan ng kasanayang pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik? Bilang isang studyante mas kakailanganin namin ang mga bagong kasangkapan upang matugunan ang ibat ibang akademikong pangangailangan namin. Sa pagbasa at pagsulat mas mapapaunlad naming ang wikang Filipino na siyang tutugon sa aming mga pangangailangan upang makagawa ng mas maayos na pananaliksik.

4. Ano ang katuturan ng pagbasa , pagsulat at pananaliksik?

- Pagbasa
ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. ay nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito din ay isang aliwan, kasiyahan pakikipagsapalaran , paglutas sa mga suliranin at nagbibigay ito ng ibat-ibang karanasan sa buhay. (Toze)
ang pagbasa ay isang proseso o paraan ng pagkuha ng ideya, inpormasyon o kahulugan sa mga simbulong nakalimbag. ito ay nkktulong rin sa ating kaalaman upang lumawak ang ating isipan.

You might also like