You are on page 1of 2

Ang mga Learning Styles ng mga Mag-aaral ng Accountancy

Kaugnay ng mga Piling Baryabol

Isang Pag-aaral Na Iniharap sa:

School of Arts and Sciences


Languages Department
Saint Marys University
Bayombong, Nueva Vizcaya

Nina:

Kenneth Paolo Agacer


Josephine Aguilar
Nicole Alonzo
Louise Aldeim T. Burgos
Katrina Claudine Maribbay
Joshua R. Mabborang
Kristine Dianne Sampaga

March 2013
ABSTRAK

Nais matuklasan ng mga mananaliksik ang mga learning styles ng mga mag-aaral sa
seksyon A at B ng ikalawang taon ng School of Accountancy. Kaugnay dito, nais din malaman
ng mga mananaliksik kung anu-ano ang kanilang mga learning styles batay sa kanilang
kasarian at academic performance o standing.
Ang resulta ay ang mga sumusunod: ang mga mag-aaral ng BSA2A ay mas nakapag-
aaral kapag sila ay nag-iisa; kapag sila lamang ang gumagawa ng paraan upang makapag-aral
nang mabuti ngunit kulang sila sa istilong ginagamitan ng mga aksyon o galaw at ang paggamit
ng sense of touch. Sa BSA2B naman, sila ay mas nakapag-aaral gaya ng BSA2A, nang mag-
isa at hindi nakadepende sa iba; hindi rin sila gaanong nakapag-aaral kung gagamit ng mga
aksyon o galaw.
Batay sa kasarian, ang kababaihan naman ng BSA2A ay mas nakapag-aaral gamit ang
mga biswal; sa kalalakihan, nakapag-aaral din sila kapag nasusuportahan ang kanilang pag-
aaral ng mga biswal, sila rin ay nakapag-aaral nang mag-isa. Ang mga kababaihan at
kalalakihan naman sa BSA2B ay mas nakapag-aaral nang mag-isa at hindi nakakapokus sa
grupo.
Batay naman sa academic performance, ang academic scholars ng BSA2A ay nakapag-
aaral gamit ang mga biswal; ang non-academic scholars naman ay nakapag-aaral nang mag-
isa at sa tahimik na kapaligiran. Ang nag-iisang academic scholar naman sa BSA2B ay
nakapag-aaral gamit ang mga biswal at nakakapokus sa kaniyang pag-aaral knug siya ay mag-
isang nagsisipag; ang mga non-academic scholars naman ay nakapag-aaral nang mag-isa na
walang tulong sa iba.

You might also like