Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere Deciphered Kab031
Noli Me Tangere Deciphered Kab031
ANG SERMON
MGA PALIWANAG
1 Maging sa pagpili ni Rizal sa talata ng Biblia para sa sermon ni Pray
Damaso ay hindi mai-aalis ang pagiging satiriko.
381
isinara nila ang mga pintuan;8 ang alperes ay naligalig at nag-
alinlagan, sa kung nararapat ang umalis o maiwan,9 nguni’t ang
predicador ay nagsisimula na sa pagsasalita na ang tinig ay
malakas, buo at matunog:10 tunay ngang ang “ama” ay matalino
sa panggagamot.
“Maliwanag at nagniningning ang altar, malapad ang pintong
malaki, ang hangin ay siyang sasakyan ng banal na salitang Diyos
na lumalabas sa aking bibig, pakinggan nga ninyo sa tulong ng
tainga ng kaluluwa at ng puso upang ang mga salita ng Poong
Diyos ay huwag mahulog sa lupang mabato at kainin sila ng mga
ibon ng impiyerno, kundi ang kayo ay tumubo at lumago, na
parang isang banal na binhi sa bukirin ng ating kagalang-galang
at mala-serafikong si San Francisco! Kayo, mga malalaking
makasalanan, na nakabilanggo sa mga moro ng mga kaluluwa, na
kumakalat sa mga dagat ng buhay na walang katapusan at
nakasakay sa malalaking sasakyan ng katawang tao at mga bisyo
ng buhay na ito, kayong nagagapos ng mga salang kalibugan at
pakiki-apid at sumusunod kayo sa mga bangka ng taga-
impyernong si Satanas, pagmasdan ninyo nang magalang na
pagpapakumbaba ang nanunubos ng mga kaluluwa sa kamay ng
demonyo, ang mapusok na Gideon,11 ang bayaning David, ang
mapagtagumpay na Roldan ng Sangka-kristiyanuhan, ang
guwardiya sibil ng langit, na matapang pa kaysa lahat ng
guwardiya sibil, kahit na pagsama-samahin,” (Ikinunot ng alperes
ang noo)12 “opo, ginoong alperes, lalo pang matapang at
makapangyarihan, na walang baril kundi isang krus na kahoy, at
tumatalo sa walang kapagurang tulisan ng kadiliman at sa lahat
12 Ginamit ni Pray Damaso ang pulpito upang maliitin hindi lamang ang
mga Pilipino, kundi maging ang mga kinatawan ng kolonyal na
pamahalaan. Sa pamamagitan ng mga sermon ay naipapakita ng mga
prayle sa mga Pilipino ang kanilang kapangyarihan dahilan sa maari
nilang lapastanganin sa pulpito ang mga kinatawan ng kolonyal na
pamahalaan.
382
ng kampon ni Lucifer at inutas sana silang lahat, kundi lamang
walang kamatayan ang mga espiritu! Ang mga kahanga-hangang
ito na nilikha ng Diyos, itong dakilang bagay na hindi mangyayari
ay ang pinagpalang si Diego sa Alcala, na kung gagamitan ko ng
pagpaparis, sapagka’t ang pamamaris ay nakatutulong na mabuti
sa pagkakaunawa ng mga bagay na hindi maunawaan, gaya ng
sinabi noong isang tao, ay sinasabi ko nga na ang dakilang banal
na ito ay isa lamang na pinakadukhang kawal, isang tagapagkain
lamang sa aming makapangyarihang corporacion, na mula sa
langit ay pinamamahalaan ng aming mabait na San Francisco,
corporacion na ikinararangal kong kaaniban, na bilang kabo o
sarhento, sa awa ng Diyos.”13
Ang mga hangalan na indio ayon sa tagapagbalita ay walang
nauunawaan sa salaysay na iyon, maliban sa mga salitang
guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San Francisco;14 napuna nila
ay sa Latin.
23 MATINDING PALIWANAG
“Aming ikinalat ang iyong banal na lipi sa buong mundo, sa lahat ng
sulok, sa mga siyudad, sa mga bayan, na hindi tinatangi ang maputi sa
itim”
Grabe si Rizal, kahit ang sermon ni Padre Damaso ay ginamit niya upang
tudyuhin ang mga prayle. Ibig sabihin ay wala silang piniling lugar at
kulay ng tao ang mga prayle sa pagkakalat ng kanilang banal na lipi.
Maging si Padre Damaso ay nagkalat ng kaniyang banal na lipi kay
Donya Pia Alba.
386
Ang mga nakikinig, pati na si Kapitan Tiyago, ay unti-unti
nang naghihikab. Hindi iniintindi ni Maria Clara ang sermon;
batid niyang si Ibarra ay kalapit at ito ang nasa isip,
samantalang tinatanaw na kasabay ang pamamaypay ang baka
ng isa sa mga evangelista na ang anyo ay waring isang munting
kalabaw.25
“Dapat masaulo nating lahat ang mga Banal na
Kasulatan,26 ang buhay ng mga banal,27 at sa gayong paraan ay
hindi ko na kailangan ang pangaralan kayo, mga makasalanan;
dapat ninyong matanto ang mga bagay na lubhang mahahalaga at
kailangan na gaya ng Ama Namin, kahi’t na ang marami sa inyo ay
nakalimot sa gayon dahil sa pamumuhay ninyong parang
protestante o erehe, na hindi gumagalang sa mga kahalili ng
Diyos, gaya ng mga Insik, ngunit kayo ay mahuhulog sa
impiyerno, lalong kasakit-sakit ang kahihinatnan ninyo, mga
condenado!”
“Aba, cosa ese pale Lamaso, ese (Aba, ano iyan Padre
Damaso, ano iyan)!” ang bulong ni Insik Carlos na tiningnang
pagalit ang nagsesermon, na patuloy rin sa pagbanggit ng mga
salitang na noon din lamang na inisip at nagpapasambulat ng
katakut-takot na sumpa at pagtutungayaw.
“Mamamatay kayo sa loob ng pagkakasala, mga liping
erehe! Kayo ay pinarurusahan na ng Maykapal sa lupa pang ito sa
pamamagitan ng mga kulungan at bilangguan!28 Ang mga
magkakaanak, ang mga babae ay dapat lumayo
sa inyo, dapat kayong ipabitay ng lahat ng
maykapangyarihan upang huwag dumami ang
binhi ni Satanas sa halamanan ng
387
Maykapal!29 Sinabi ni Jesucristo: Kung mayroon kayong isang
masamang bahagi sa katawan na nag-uudyok sa pagkakasala, ay
putulin ninyo, inyong itapon sa apoy…” Hilakbot na si Padre
Damaso, nalimot na ang kanyang talumpati at kanyang
retorika.30
“Naririnig mo ba?” ang tanong ng isang nag-aaral na taga-
Maynila sa kanyang kasama, “magpuputol ka ba?”
“Ha! Magputol muna siya!” ang sagot ng isa na itinuro
ang nagsesermon.31
Si Ibarra ay di-mapalagay; tumingin sa kanyang paligid at
humanap ng isang sulok, ngunit ang simbahan ay punung-puno.
Walang naririnig ni napapakinggan si Maria
Clara, na nalilibang sa pagsisiyasat sa kuwadro
ng mga kaluluwa sa purgatoryo, mga
kaluluwang anyong babae at lalake na pawang
hubad, nangakamitra, capelo o toca, na nasusunog sa apoy32
at nangungunyapit sa cordon ni San Francisco na hindi mapatid
kahi’t na gayong karami ang nakakapit.33
29 Nagpaparinig kay Maria Clara na dapat na lumayo ito kay kay Ibarra.
“upang huwag dumami ang binhi ni Satanas sa halamanan ng
Maykapal!”
Saan kaya naroon ang halamanan ng maykapal? Paumanhing muli
dahilan sa ang tamang kasagutan ay dapat na sa Latin.
388
Ang Espiritu Santong prayle (paring tagadikta ni Padre
Damaso), dahil sa pagsambit na iyon ng mga salitang wala sa
aklat, ay nalito at tumalon ng tatlong salaysay, at diniktahan nang
mali si Padre Damaso na humintong humihingal dahil sa sinabing
mga tungayaw.34 “Sino sa inyo mga makasalanang dumidinig sa
akin ang makahihimod sa isang maralita at dungis-dungisang
pulubi? Sino? Sumagot at itaas ang kamay! Wala! Batid ko
na: tangi ang isang banal na kagaya ni Diego sa Alcala ang
makagagawa noon; kanyang hinimod ang lahat ng kabulukan,35
samantalang sinasabi sa isang nahahangang kapatid na: Ganito
ang panggagamot sa maysakit na ito! O, paglingap Kristiyano! O,
pagkahabag na walang katulad! O, kabaitan ng mga kabaitan! O,
huwarang hindi mapaparisan! O, panghalinang walang dungis…”
At isinunod ang isang mahabang tala na pawang pahanga,
sabay sa paghalukipkip, pagtataas at pagbababa ng mga bisig na
waring may nasang lumipad o makagulat sa mga ibon.
“Bago namatay ay nagsalita siya ng wikang Latin kahit hindi
marunong ng Latin!36 Mangagulat kayo mga makasalanan! Kayo,
kahit na ninyo pinag-aaralan ang Latin at kayo ay nagyayabang sa
pinag-aralan, ay hindi kayo makapagsasalita ng Latin,
mamamatay kayong hindi ninyo masasalita! Ang pagsasalita ng
wikang Latin ay isang biyaya ng Maykapal, kayat ang Iglesia ay
nagsasalita ng wikang Latin! Ako man ay nagsasalita rin ng
wikang Latin. At ano? Maikakait ba ng Diyos sa kanyang ginigiliw
na si Diego ang gayong kaaliwan? Maaari ba siyang mamatay
nang hindi nagsasalita ng Latin? Hindi mangyayari! Kung gayo’y
hindi magiging matapat ang Diyos, hindi siya Diyos! Nagsalita nga
ng Latin at ang bagay na ito ay pinatutunayan ng mga manunulat
ng kapanahunang iyon!
35 “Batid ko na: tangi ang isang banal na kagaya ni Diego sa Alcala ang
makagagawa noon; kanyang hinimod ang lahat ng kabulukan” Dito
talagang nakatago ang malupit na pag-alimura ni Rizal sa mga prayle.
isang banal na kagaya ni Diego sa Alcala ang makagagawa noon – isang
gaya niyang Pransiskano ang makagagawa noon. kanyang hinimod ang
lahat ng kabulukan – bahala na kayong mag-isip ng lahat ng
nilalabasan ng kabulukan.
389
At tinapos ang kanyang pasimulang banggit sa bahaging lalo
niyang pinaghirapan na sinipi sa isang dakilang kinopya kay
Ginoong Sinibaldo de Mas.37 “Binabati nga kita, pinagpipitagang
Diego, na kapurihan ng ating corporacion! Ikaw ay huwaran sa
kabaitan, maamo na may dangal; mapagpakumbabang dakila;
masunuring may may kalakasan, mahinahong may hangarin,
kalabang may pagtatapat, mahabaging nagpapatawad; kabanalang
may budhi; puno ng pananampalataya at panata; mapaniwalaing
may tapat na loob; mapagtimping may pag-ibig; walang kibong
may lihim; nagbabatang may pagtitiis; matapang na may takot;
mapagpigil na may loob; pangahas na may buo ang loob;
masunuring nagpapasailaim; mahiyaing may pagmamataas;
masinop sa kanyang ari, na may pagkamapawalang-halaga; sanay
na may kasapatan; maayos na may pinag-aralan; matalinong may
katalasan; mahabaging may awa; maingat na may kahihiyan;
mapaghiganting may katapangan; maralita dahil sa kasipagan na
may pagsang-ayon; bulagsak na may pagtitipid; masipag na may
pagkapabaya; matipid na mapagbigay; walang malay na may
pagkaalam; mapagbago na may panuntunan; mapagwalang-
bahala na may nasang matuto, nilikha ka ng Maykapal upang
makadama ng mga tibok ng malinis na pag-ibig… Tulungan mo
ako sa pag-awit ng iyong mga kadakilaan at pagtatampok sa
pangalan mo na mataas pa kaysa mga bituin at lalo pang
maliwanag kaysa tunay na araw na umiikit sa iyong paanan.
Tulungan ninyo ako, hingin ninyo sa Diyos ang sapat na
inspirasyon sa pagdarasal ng Aba Ginoong Maria!”
Ang lahat ay nagsiluhod at nadinig ang alingawngaw na
parang haging ng isang libong bubuyog. Hirap na ibinaluktot ng
alkalde ang isang tuhod, samantalang masama ang loob na
iginagalaw ang ulo at ang alperes ay namumutla at waring
nagsisisi.
“Putris na pari!” ang bulong ng isa sa mga binatang galing
sa Maynila.
390
“Huwag kang maingay,” ang sagot ng isa, “madinig tayo ng
kanyang babae.”38
Samantala naman ay hindi ang pagdarasal ng Aba Ginoong
Maria ang ginagawa ni Padre Damaso, kundi kinagagalitan ang
kanyang tagadiktang espiritu santo dahil sa nalampasan ang tatlo
hanay ng kaniyang pinakamahusay na sermon;39 kumain ng
dalawang merengge at uminom ng isang basong alak-Malaga,
sapagkat nananalig siya na ito ay nagbibigay inspirasyon na
nararapat sabihin kaysa lahat ng espiritu santo, kahoy mang
anyong kalapati o laman na nasa anyo ng ng isang tatanga-
tangang prayle.40
Sisimulan na niya ang sermon sa wikang Tagalog.
Binigyan ng isa pang kutos ng matandang babaeng
mapanata ang kanyang apo, na nagising, na masama ang loob at
tumanong nang: “Iiyak na ba?”41
“Hindi pa, huwag kang matulog, condenada!” ang sagot ng
mabait na lola.
Ukol sa ikalawang bahagi ng sermon, na wikang Tagalog, ay
wala kami kundi kaunting tala. Si Padre Damaso ay
nagtatalumpati nang biglaan sa wikang ito, hindi dahil sa lalo
siyang matatas dito, kundi sa dahilang ipinalalagay niyang ang
mga Pilipinong taga-lalawigan ay walang muwang sa retorika, at
hindi siya nangangamba na makapagsalita ng mali sa harap nila.
Sa Kastila ay iba: nakadinig siya ng usapang tungkol sa mga
tuntunin ng pananalumpati, at sa mga dumidinig sa kanya ay
mangyayaring magkaroon ng isang nakapag-aral, marahil ang
alkalde mayor; kayat isinusulat niya ang kanyang mga sermon,
392
na ang kaugalian ng marami kapag inuuyam ang kanilang mga
kalaban: ang lahat ng banggit ay kinakabitan ng illo, sa dahilang
parang wala nang lumabas sa isip kundi iyon na lamang, at sa
gayong paraan ay nasisiyahan na sila.
Ang lahat ng iyon ay naririnig ni Ibarra at nararamdaman
ang mga parunggit.45 Siya ay nagwawalang-bahala at hinahanap
ng tingin ang Diyos at ang mga maykapangyarihan, ngunit doon
ay wala kundi larawan ng mga santo,46 at ang alkalde ay nag-
aantok.47
Samantala ay higit na nag-uulol ang init ng kalooban ng
nagsesermon. Tinutukoy ang matatandang kapanahunan, noon
kapag nakasalubong ng isang pari ang sinumang Pilipino ay nag-
aalis ng sumbrero, iniluluhod sa lupa ang isang paa at humahalik
ng kamay. “Datapwa’t ngayon,” ang dugtong niya, “ay nag-aalis na
lamang kayo ng salakot o ng sumbrerong kastorilyo, na inilalagay
ninyong pakiling sa ulo, upang huwag magusot ang buhok!
Nasisiyahan na kayo sa pagsasabi ng: magandang araw po
among! At may mga mapalalong estudiantillos de poco latin,48
na sa dahilang nakapag-aral sa Maynila o sa Europa ay nag-
aakalang nararapat nang kami’y kanilang kamayan at huwag
halikan ng kamay…”
“Ah…ang araw ng paghuhukom ay nalalapit na, ang
mundo’y natatapos na; maraming banal ang humula ng gayon,
393
uulan ng apoy, bato at abo upang parusahan ang inyong
kapalaluan!”
At pinangaralan ang bayan upang huwag gumaya sa mga
salbaheng iyon, kundi bagkus pa ngang sila’y layuan at kamuhian
sapagka’t silay mga excomulgado.
“Pakinggan ninyo ang sinasabi ng mga santong concilio!”
anya, “kapag natagpuan ng isang Indio sa lansangan ang isang
kura ay iyuyuko ang ulo at ihahain ang leeg upang ang among ay
makapangalalay; kung ang kura at ang Indio ay kapwa
nangangabayo, ang Indio ay titigil, magalang na mag-aalis ng
salakot o sumbrero; sa kahuli-hulihan, kung ang Indio ay
nangangabayo at ang kura ay naglalakad, ang Indio ay lulunsad sa
kabayo at hindi sasakay na muli hanggang hindi siya
pinagsasabihan ng: sulong ng kura, o kaya’y malayung-malayo na
ito. Ito ang sinasabi ng mga banal na konsilyo at ang hindi
sumunod ay eskomulgado.”
“Paano kung ang sinasakyan ng isang tao ay kalabaw?”
tanong ng tagabukid sa kanyang tabi.
“Kung gayon ay… tuloy tayo at huwag pansinin!” sagot ng
tinanong na isa namang mapanuri.49
Datapwa’t kahi’t na anong sigaw at kumpay ng
nagtatalumpati ay marami ang nangakakatulog o nalilibang, sa
dahilang ang mga pangaral na iyon ay ang dati ring ginagamit
sa lahat ng pagsesermon:50 tinangka ng ilang mapanatang babae
ang magbubuntung-hininga at humikbi-hikbi dahil sa kasalanan
ng mga walang pananampalataya, ngunit naghinto rin sila sa
gayon sapagkat walang gumaya. Sampung si Manang Puti ay iba
rin ang iniisip. Isang lalakeng nakaupo sa kanyang tabi ay
nahimbing at nabuwal sa ibabaw niya at nilukot ang kanyang
abito: sinunggaban ng mabait na manang ang kanyang bakya at
ginising sa palo ang lalake, na kasabay ang sigaw na:
“Ay! Layo, salbahe, hayop, damunyo, kalabaw, aso,
condenado!”
Nagkaroon ng kaguluhan dahil. Tumigil ang nagsesermon,
itinaas ang kilay na nagtataka sa gayong malaking pagkakaingay.
Nalunod ng galit ang kaniyang lalamunan dahil sa galit, wala
siyang nagawa kundi umungal at sinuntok ang gabay ng pulpito.
Nagkaroon ng resulta, ang bagay na iyon: binitiwang bumubulong
394
ng matandang babae ang bakya at matapos makapag-antanda
nang makailan ay lumuhod nang taimtim.51
“Aaa! Aaa!” ang sa huli ay naisigaw ng napopoot na pari na
nakahalukipkip at pinatatangu-tango ang ulo. “Kaya ko ba ako
nangangaral dito sa inyo sa buong umaga ay upang umasal nang
ganyan, mga salbahe! Sa bahay ng Diyos ay nag-aaway kayo at
nagsasalita ng masasama, mga walang-hiya! Aaaa! Wala na
kayong iginagalang…! Ito ang nagagawa ng kalibugan at
kalaswaan sa kasalukuyan! Sinasabi ko na, aaa!”52
At nagpatuloy ang pagsesermon tungkol sa bagay na iyon sa
loob ng kalahating oras pa. Naghihilik na alkalde, si Maria Clara
ay nagyuyukayok: hindi mapigil ang pag-aantok dahil sa wala
nang larawang masuri ni sukat mapaglibangan.53 Hindi na
pinupuna ni Ibarra ang mga salita at mga pasaring;54 ang nasa
isip niya ay isang munting bahay sa taluktok ng isang bundok
at namamalas si Maria Clara sa halamanan.55 Ano kung ang tao
ay gumagapang sa kanilang mga karima-rimarim na bayang nasa
kapatagan!
395
Dalawang ulit na ipinatugtog ni Padre Salvi ang
kampanilya, nguni’t ito ay parang kahoy na dumadagdag pa ng
gatong: matigas ang ulo ni Padre Damaso at hinabaan pa ang
sermon.56 Si Pray Sibyla ay nakakagat-labi at makailang inayos
ang kanyang salamin sa mata na may kulob na ginto:57 si Pray
Manuel Martin ang tanging parang nasarapan sa pakikinig
sapagkat nakangiti.58
Sa huli ay sinabi ng Diyos na husto na, napagod din ang
mananalumpati at pumanaog sa pulpito.
Nangagsiluhod na ang lahat ng tao upang magpasalamat
sa Diyos.59 Kinuskos ng alkalde ang kanyang mga mata, iniunat
ang isang kamay upang mag-inat at bumitiw ng isang ah! na
lubhang malalim na kasabay ang paghihikab.
Ipinatuloy ang misa.
Nang inaawit ni Balbino at ni Chananay ang Incarnatus est,
samantalang ang lahat ng tao ay lumuluhod at itinutungo ng mga
pari ang kanilang mga ulo, ay isang lalake ang bumulong sa tainga
ni Ibarra: “Sa pagbabasbas ay huwag kayong lalayo sa kura,
huwag kayong papanaog sa hukay, huwag kayong lalapit sa
bato, nakasalalay ang inyong buhay!”
Nakita ni Ibarra si Elias, na matapos masabi ang gayon ay
nawala sa gitna ng karamihan ng tao.
396