Banghay Aralin

You might also like

You are on page 1of 6

Di-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 7

Inihanda ni: Ipinasa kay:

Esalyn O. Adona G. Garry Portillo


BSEd 3-8 TFri 9:00-10:30 Guro

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng masining na talakayan ang mga mag-aaral ng ika-pitong baitang ay


inaasahang magagawa ang mga sumusunod nang may 85% na kawastuhan.
a. naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari; (F7PS-Id-e-4)
b. nasusuri ang maikling kwento sa pamamagitan ng mga elemento nito; at
(F7PB-If-g-4)
c. naisusulat ang buod ng maikling kwento sa pamamagitan ng diagram at ladder
organizer.

II. Paksa at Kagamitan

a. Paksa: Maikling Kwento


b. Kagamitan: visul aids, kopya ng kwento, briefcase, pentel pen, bond papers, at
Flash cards
c. Sanggunian: K to 12 Gabay ng Kurikulum
Pinagyamang PLUMA 7 (K to 12) Karapatang-ari 2014
ng Phoenix Publishing House Inc. at nina Ailene Basa-Julian, Nestor S. Lontoc,
Carmela H. Esquerra, at Alma M. Dayag

III. Pamamaraan

A. Panlinang na Gawain

Unang Gawain
“Deal or No Deal”

 Papangkatin ang klase sa tatlo. Ipaalam sa mga mag-aaral ang larong


gagawin. Sabihin rin sa mga mga-aaral na ang bawat pangkat ay bibigyan
ng 50 pundong puntos na gagamitin sa laro. Ang pundong puntos ay
maaring madagdagan o mabawasan.

 Ipapaskil sa pisara ang limang briefcase na nagtataglay ng mga salita mula


sa kwento. Ang mga salita ay nakatago sa loob ng bawat briefcase. Taglay
rin sa ilalim ng salitang nakatago sa loob ng bawat briefcase ang dalawang
salitang pagpipilian ng bawat pangkat. Pipili ang bawat pangkat ng isang
salitang sa tingin nila ay tama ang sagot. Hindi sasabihin ng guro ang
tamang sagot ngunit sa halip ay ang guro ang maghihikayat sa bawat
pangkat na piliin ang salitang gusto niyang piliin ng bawat pangkat
katumbas ang ibibigay na puntos. Itatanong ng guro ang “Deal or No Deal”
sa bawat pangkat. Deal ang isasagot ng pangkat kapag hindi na ito
magbabalak na baguhin ang sagot at No Deal naman kapag ang pangkat
ay nagbabalak na baguhin ang napiling sagot. Dalawang beses lamang
maaring itanong ng guro ang DEAL OR NO DEAL. Makukuha ng pangkat
ang puntos na itinaas kapag mali ang napiling sagot, ibabawas ang itinaas
na puntos sa pundong puntos ng pangkat.

 Pagkatapos maibigay ang tamang kahulugan ng mga salitang napulot sa


kwento, ipabasa ang mga salita at kahulugan nito nang sabay-sabay. Para
sa lubusang pagkaunawa sa mga salita, tumawag ng mga mag-aaral at
ipagamit ang mga salita sa makabuluhang pangungusap.

(Halimbawa: Hindi namalayan ng matanda na sinakmal na pala siya ng


nagngingitngit sa galit na aso.)

KIPKIP
PANDITA
a. DALA a. ALAHAS
b. PANIBUGHO b. GURO

KALONG
NAKAPIPIHO
BANG
a. KARGA
a. NAKASISILAW
a. DASAL b. YAPAK
b. NAKASISIGURADO
b. HIYAW
Pangalawang Gawain

- Ang guro ay magpapakita ng dalawang larawan at magtatanong ng mga


sumusunod:

 Anong seremonya ito?


 Saan karaniwang ginaganap ang seremonya ito?
 Kailan ito karaniwang isinasagawa?
 Naranasan mo na ba ito?
 Ano ang kahulugan ng seremonyang ito sa buhay ng isang sanggol?

B. Paghahalaw

 Ang guro ay magbibigay ng kopya ng Maikling Kwento na pinamagatang


“Pagislam” at magkakaroon ng dugtungang pagbasa ang mga mag-aaral.

 Pagkatapos basahin ang kwento ay magtatanong ang guro


ng mga sumusunod na mga katanungan sa mga mag-aaral:

1. Ano ang isang pangyayaring pinakahihintay ni Ibrah na


naganap sa kanyang buhay? Ilarawan ang kanyang
reaksyon
2. Paano niya ipinakitang nagpapasalamat siya kay Allah sa
biyayang natanggap?
3. Anong tradisyon o seremonya ang nakita mo sa akda?
Isa-isahin ang mga ito.
4. Ano kaya ang kahulugan ng bang na ibinulong ng Imam
sa sanggol sa unang araw ng kapanganakan nito? May
kabuluhan at kahulugan na kaya ito sa kanyang buhay
kahit halos wala pa siyang muwang sa mundo? Ipaliwanag
ang iyong sagot?
5. Sa iyong palagay, dapat bang manatili o isabuhay
hanggang sa kasalukuyan ang mga ganitong uri ng
paniniwala?
C. Pagsusuri

 Tatalakayin ng guro ang Maikling Kwento at ang mga


elemento nito.

1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang ating binasa?


2. Ano ang Maikling Kwento?
3. Anu-ano ang makikita sa isang maikling kwento?

D. Paglalapat

- Pagkatapos talakayin ang kwento, ay papangkatin ng guro ang


klase sa tatlong pangkat. Gagawin ito ng bawat pangkat sa
loob ng sampung (10) minuto.

Panuto: Punan ang ladder organizer sa ibaba upang


maisalaysay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng
pangyayaring naganap sa seremonya ng Pag-islam sa anak ni
Ibrah.

Ang Pag-islam sa Buhay ni Abdulah

Huling Yugto ng Pag-islam

Pagsasagawa ng Paggunting

Pagsasagawa ng Bang
Panuto: Sa isang buong papel buuin ang diagram sa ibaba
upang masuri ang kwentong “Pag-islam” batay sa mga
elementong napag-aralan natin.

Mga
Tagpuan
Tauhan Banghay

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

E. Gawaing Bahay

Panuto: Mag-isip bilang isang mananaliksik. Magsaliksik at sumuri ng isang


maikling kwentung nagmula o may kinalaman sa mga tradisyon at
pagpapahalagang makikita sa Mindanao. Gamitin ang diyagram na ginamit
sa pagsusulit. Ipapasa sa susunod na pagkikita.

Approach: Constructivist, Collaborative and Developmentally Appropriate


Method: Indirect Strategy: Ugnayang Tanong-Sagot, Pinatnubayang Pagbabasa-Pag-
iisip, at Pinatnubayang Pagbasa

You might also like