You are on page 1of 3

Ang Laing ay isang uri ng Pagkaing Pilipino na

kinasasangkapan ng pinatuyong mga Dahon ng Gabi,


Karne at Gata sa Niyog. Tinitimplahan ito ng mga
pampalasa tulad ng siling labuyo, tanglad, bawang, luya,
at bagoong. Nagmula ito sa lalawigan ng BICOL, kung
saan kilala ito bilang Pinangat. Ang Laing ay uri rin
ng ginataan (pagkaing Pilipino na niluluto sa gata), kaya
maaari itong tukuyin bilang Ginataang Laing.
Ang Bicol Express ay isang Pagkaing Pilipino na maanghang, Ito ay

puno ng sili. Dahil sa marami ang niyog sa Bicol at hindi mawawala


ang Sili sa bawat pagkaing Bicolano, ang dalawang ito ang
pangunahing sangkap sa pagluto ng Bicol Express. Galing ang Bicol
Express sa salitang "Gulay na may Lada" o ang ibig sabihin ay
"Gulay na may Sili". Dahil halos Sili lng ang sangkap at kaunting
Baboy ang sinaunang sangkap nito. Ayon sa mga Bicolano ito ang
pagkain kung saan masusubok kung isa kang “Uragon” o “Matapang”.
Ang Bibingka (Ingles: Rice Cake) ay isang uri ng mamon na gawa mula sa
malagkit na bigas o galapong at gata ng niyog. Isa rin itong pagkaing
meryenda sa Goa, Indiya - ang Bebinca - na ang ginagamit na mga
sangkap ay harina, langis na ghee, asukal, at gata. Sikat itong pagkain
tuwing sumasapit ang kapaskuhan sa Pilipinas. Niluluto ito sa isang
palayok, pinaiinitan ng nagbabagang uling na nakapatong sa ibabaw.
Bilang tanyag na pagkain sa Pilipinas, karaniwan naman itong ginagamitan
ng galapong, at ang pagluto sa oven ay katulad ng sa pagluluto
ng bebinca ng Indiya, ngunit bago ihain ay pinapahiran muna ito ng
mantekilya o margarina at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito na may
kasamang ginadgad na niyog.
Ang pangalang Bebinca ay ginamit ring pangalan para sa isang bagyo ng
Sistema ng Pandaigdigang Panahon (International Weather System).

You might also like