You are on page 1of 38

Araling

Panlipunan
Kagamitan ng Mag-aaral
Yunit
Tagalog3

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon
na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at
mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

i
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral: Tagalog
Unang Edisyon, 2012
ISBN: 978-971-9981-51-0
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda
ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan
o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin
ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. Quijano
Kawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar


Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili
Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang, Minda
Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas
Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David,
Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus
Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at
Jayson R. Gaduena
Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro
Encoder: Earl John V. Lee

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex,
Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054, 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

ii
TALAAN NG MGA NILALAMAN

YUNIT 3: Ang Aking Paaralan


Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking
109
Kinabibilangan ...……
Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa Aking
110
Paaralan .......................
Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa
Aking Buhay ……………………………………..……….. 113
……
Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan
116
……………………...
Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Di Nagbago
sa Aking 117
Paaralan ..................................................................
Aralin 3: Ang mga Gawaing Dapat Kong Gawin
Habang nasa Paaralan 120
……………………………………………...……
Aralin 3.1: Ang Aking mga Gawain sa Paaralan
121
………….
Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa
124
Paaralan .............
Aralin 4: Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa
Aking Silid-
131
Aralan .............................................................
........................
Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan .
132
……
Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking
136
Paaralan ........
Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan …..
137
……

iii
Yunit 3: ANG AKING PAARALAN
Panimula

Mga Layunin:

Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3, inaasahang


magagawa mo ang sumusunod:
1. naipakikilala ang iyong paaralan;
2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng
paaralan;
3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng
paaralan para sa iyo;
4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at
pagpapatuloy batay sa kuwento ng
paaralan;
5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang
mag-aaral;
6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid-
aralan; at
7. napahahalagahan ang iyong paaralan.
Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking
Kinabibilangan
4
Panimula

Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa Aking


Paaralan

Pag-isipan
5
Anong mahahalagang impormasyon
ang masasabi mo sa iyong paaralan?

Gawain 1
Itanong sa inyong punong-guro ang
sumusunod:

1. Ano ang pangalan ng ating paaralan?

2. Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan?

3. Kailan itinayo ang ating paaralan?

4. Saan ito matatagpuan?

5. Sino-sino ang bumubuo sa ating


paaralan?

Gawain 2

Iguhit ang iyong paaralan sa loob ng kahon sa


ibaba. Gawing makulay ang iyong iginuhit.
6
Taon ng
Pagkakatatag

Lokasyon ng
Paaralan

Paaralan

Gawain 3
Mga Taong Bumubuo
Buuin ang graphic organizer saPangalan
ibaba upang
ng
sa Paaralan
maipakita ang mga batayang impormasyon
Paaralan
tungkol sa iyong paaralan.

7
Tandaan:

Mahalagang makilala mo ang paaralang


iyong pinapasukan. Ito ang nagsisilbing
pangalawa mong tahanan.

Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan


ng Paaralan sa Aking Buhay
Pag-isipan

Ano ang mabuting nagagawa


ng paaralan para sa iyo?

8
Gawain 1
Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong
guro na pinamagatang Celia Studious and
Conrad Cat ni Regina S. Fernandez.

Saan pumupunta si Celia araw-araw?

Ano-ano ang ginagawa ni Conrad para


hikayatin si Celia na huwag nang pumasok sa
paaralan?

Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia na


lumiban sa pagpasok sa paaralan?
Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan ni
Celia?
Ano-ano ang masayang karanasan ni Celia sa
kaniyang paaralan?

Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noong


siya ay napasama sa paaralan ni Celia? Bakit ito
ang kaniyang naramdaman?

9
Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kay
Celia sa paaralan? Bakit?

Gawain 2

Ano ang iyong masasayang karanasan sa


paaralan? Pumili ng tatlong masayang karanasan
at iguhit ito sa loob ng mga bilog.

Ang Masasayang Karanasan ko sa


Paaralan

Gawain 3
Nakaguhit dito ang mga ginagawa at
natutuhan ni Celia sa paaralan. Subukin mong
iguhit sa kabilang kahon ang mga ginagawa at
natututuhan mo sa iyong paaralan.

10
Tandaan:

Ang paaralan ay isang lugar na


marami kang makikilalang bagong kaibigan
na iyong makakalaro, makakasama sa
pagbabasa,
pagsusulat, pagguhit, at iba pang mga gawain para
matuto. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng
paaralan sa iyong buhay.
Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking
Paaralan

Panimula

11
Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago
at Di Nagbago sa Aking
Paaralan

Pag-isipan

Ano ang mga bagay na


nagbago at di nagbago sa
aking paaralan?

Gawain 1

12
Tanungin ang bisitang inanyayahan ng iyong
guro tungkol sa pinagmulan ng iyong paaralan.

Narito ang maaaring itanong sa inyong bisita:

Ano po ba ang hitsura ng aming paaralan


noong itinatag ito?

Nagbago po ba ang laki o sukat nito?

Mas marami po ba ang mga mag-aaral na


unang pumasok sa aming paaralan kung
ikukumpara sa bilang ng mga mag-aaral sa aming
paaralan ngayon?

May uniporme po ba sila?

Ano po ang mga itinuturo ng mga guro?

Ano-ano pa po ang nagbago rito?

Gawain 2

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.


Subukin ninyo ng iyong mga kapangkat na punan
ng impormasyon ang tsart na makikita sa ibaba.

Ngayon Noon
Pangalan ng paaralan

Lokasyon ng paaralan

13
Laki o lawak ng paaralan

Mga kasapi ng paaralan

Bilang ng mga mag-aaral


Uniporme ng mga mag-
aaral na pumapasok sa
paaralan
Mga itinuturo sa paaralan

Batay sa mga impormasyong inyong nakuha


at naisulat, ano ang mga bagay na nagbago at di
nagbago.

Gawain 3

Iguhit ang iyong paaralan noon at ngayon sa


mga kahong nasa ibaba.

Ang Aking Paaralan Ang Aking


Noon Paaralan Ngayon

14
Tandaan:

May mga bagay na nagbabago at


may mga bagay na nagpatuloy o
hindi nagbago sa iyong paaralan.
Ang mga desiyon o pagpapasya ng mga
kasapi ng isang paaralan ang nagdudulot ng
mga pagbabago o pagpapatuloy.

Aralin 3: Ang mga Gawaing Dapat


Kong Gawin Habang Nasa
Paaralan
Panimula

15
Aralin 3.1: Ang Aking mga Gawain sa
Paaralan

Pag-isipan

Ano-ano ang iyong ginagawa sa


paaralan?

Gawain 1

16
Pagsunod-sunurin ang mga larawan ng mga
gawain ng mga mag-aaral sa paaralan. Isulat ang
bilang 1 sa loob ng bilog para sa pinakaunang
gawain at 5 naman sa pinakahuling gawain.

Ang Aking mga Gawain sa Paaralan sa


Loob ng Isang Araw

Gawain
Bago
2 Habang Oras ng Bago
magsimul nagtutur pagkain mag-
aGumawa
ang ng timeline na nagpapakita ng
o ang o recess uwian
klase
iyong gawain saaking ang klase
iyong paaralan sa loob
Guro
ng isang
araw. Iguhit ang mga ito sa loob ng kahon. Kulayan
ang iyong ginawa.

17
Gawain 3

Tingnan mo ang mga larawan. Kulayan ang


mga larawan na nagpapakita ng mga itinuturo ng
iyong guro at natututuhan mo sa iyong paaralan.

18
Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa
Paaralan
Pag-isipan

Ano ang mga dapat mong


gawin sa paaralan bilang
isang mag-aaral?

Gawain 1
Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1.
Ano sa palagay mo ang mga dapat gawin ni Len sa
paaralang kaniyang pinapasukan.

19
Suriin ang mga larawan at bilugan ang
nagpapakita ng mga tungkulin o mga dapat gawin
ni Len bilang isang mag-aaral.

20
Bakit ito ang mga larawang iyong binilugan?

Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang


mga gawaing iyong binilugan?

Ano naman ang mangyayari kapag ginawa ni


Len ang mga gawaing hindi mo binilugan?

21
Gawain 2

Makikita sa tsart ang iba’t ibang tungkulin ng


mag-aaral sa paaralan. Alin sa mga ito ang
ginagawa mo sa bawat araw? Lagyan ito ng
tsek ().

22
Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart?
Ano ang iyong naramdaman matapos mong
malagyan ng tsek ang mga tungkuling nagagawa
mo bilang mag-aaral?

Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin mo


ang iyong mga tungkulin sa paaralan?

Gawain 3

Tingnan at suriin ang mga larawan sa letrang


A at letrang B. Subukin mong iguhit sa loob ng
kahon kung ano ang posibleng mangyari sa huling
bahagi ng ipinakikitang sitwasyon.
A

23
24
Alin sa dalawang pangkat ng mga larawan ang
nagpapakita ng paggawa sa tungkulin ng isang
mag-aaral, letrang A o letrang B?

Bakit ang iyong iginuhit ang napili mong


huling pangyayari sa ipinakitang sitwasyon?

25
Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaral
ang kanilang mga tungkulin?

Tandaan:

Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa


paaralan. Mahalagang gawin mo ang
iyong mga tungkulin bilang mag-aaral
upang mapanatili ang kaayusan sa
iyong paaralan. Makatutulong din ito upang
mapabuti ang iyong pag-aaral.

Aralin 4: Ang Pagsunod sa mga


Alituntunin sa Aking Silid-Aralan

Panimula

26
Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa
Aking
Silid-Aralan

Pag-isipan

Anong mga alituntunin ang


ipinatutupad sa inyong silid-
aralan?

27
Gawain 1

Bilang isang klase, bumuo ng isang graphic


organizer na nagpapakita ng iba’t ibang
alituntunin na ipinatutupad sa loob ng inyong silid-
aralan.

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T
U V W X Y Z

Bago Habang Tuwing Bago mag-


magsimula nagkaklas recess uwian
ang klase e

Gawain 2

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano


kaya ang mangyayari o magiging bunga kapag
ginawa mo ang mga ito? Isulat sa nakalaang
bahagi ng graphic organizer ang iyong sagot sa
bawat sitwasyon.

28
Gawain 3

Balikan ang inyong ginawang graphic


organizer. Sa iyong palagay, alin sa mga
sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa mga
alituntunin ng inyong silid-aralan? Alin naman sa
mga ito ang nagpapakita ng hindi pagsunod sa
mga alituntunin? Isulat ang letra ng sitwasyon sa
loob ng angkop na kahon.

29
CPagsunod sa DHindi Pagsunod
sa Alituntunin
Alituntunin

Ano ang nagiging bunga ng pagsunod sa


alituntunin?

Ano naman ang naging bunga ng hindi


pagsunod sa alituntunin?

Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin


ang mga alituntunin?

May iba ka pa bang naiisip na alituntunin na


maipatutupad para sa ikabubuti ng inyong
samahan sa silid-aralan?

Tandaan:

May iba’t ibang alituntuning


ipinatutupad sa inyong silid-aralan.

Mahalagang sumunod sa mga alituntunin


upang mapanatili ang kaayusan at
30 Makabubuti rin ang
katahimikan sa paaralan.
mga ito sa pagpapanatili ng mabuting
samahan ninyo ng iyong mga kamag-aral at
Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga
sa Aking Paaralan

Panimula

31
Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking
Bata Pa Ako
Paaralan
Di ka ba nagtataka
Ako'y nasa lansangan
Pag-isipan
At ikaw ay nasa sasakyan
Papuntang
Bakitpaaralan
mahalaga ang iyong paaralan?

Makatapos kaya ako


Kahit
Gawain 1 mga libro'y pinaglumaan mo
Pangarap lang ba
Sabay-sabay ninyong
Pagka't mahirap langawitin
ako o bigkasin ang
“Bata pa Ako” na sinulat ni Julia Abueva.
Pwede bang sumali sa inyong laro
Kahit kunwa-kunwaring nag-aaral din
ako
Dala ba ng tadhana na tayo'y magkaiba
Sana balang araw maging tulad din kita
32
Paano bang sumulat, magbasa ng gaya
mo
Bata alam mo ba, na bata rin ako?

Musmos pa rin ako,


Di lang napapansin
Magulang at kapatid,
Nakaasa sa akin

Bata sino ba
Ang nagtuturo't gumagabay sa'yo
May pag-asa pa bang
Maturuan din nya ako
Sa lahat ng inaasam
Isa ang pinakagusto
Na sana'y pagtanda natin
Wala ng batang tulad ko
Mula sa : http://www.elyrics.net/read/j/julia-abueva-lyrics/bata-pa-ako-lyrics.html
33
Ano ang nararamdaman mo habang inaawit o
binibigkas ninyo ang nilalaman ng “Bata pa Ako”?
Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sa
inyong inawit o binasa? Nag-aaral kaya siya?
Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na wala
siya?

Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto


rin niyang magawa o maranasan?

Gawain 2
Ano kaya ang mangyayari sa isang bata sa
kaniyang pagtanda kung hindi man lamang siya
makapag-aral sa isang paaralan?
Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita
ng maaaring mangyari sa mga taong nakapag-
aral? Alin naman ang nagpapakita ng maaaring
mangyari sa mga taong hindi nakapag-aral?
Lagyan ng arrow ( ) papunta sa
larawan ng paaralan ang mga larawang
nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong
nakapag-aral.

34
Tingnan mo ang halimbawa. Nilagyan ng
arrow ang larawan ng guro papunta sa larawan ng
paaralan.

Gawain 3
Sa loob ng kahon, gumuhit ng isang larawan
na nagpapakita ng kahalagahan ng iyong paaralan.

Sa tulong ng guro o magulang o tagapag-


alaga, punan ang patlang na nagpapahayag kung
bakit mahalaga sa iyo ang iyong paaralan.

35
Mahalaga ang aking paaralan dahil _________
______________________________________________
______________________________________________

Tandaan:
Mahalaga ang paaralan sa buhay
ng batang tulad mo. Sa tulong ng
paaralan,
mapapaunlad mo ang iyong mga angking
kakayahan at mga kaalaman.
Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang
iyong buhay kung pumapasok ka at nag-aaral
nang mabuti sa isang paaralan.

Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan


Panuto. Makinig sa babasahin ng guro.
Lagyan ng tsek() ang angkop na kahon sa iyong
sagot.

Mag-aaral Guro
Nagamit ko ang mga kasanayang ito:

1. Nasunod ko ang mga


panuto.
2. Nagamit ko ang aking mga
kasanayan sa sining.
3. Nagbahagi ako ng aking
kuwento sa aking kamag-aral.
4. Nakinig ako sa kuwento ng
aking guro.
5. Nakinig ako sa kuwento ng
aking kaklase.
6. Nasuri ko ang iba’t ibang

36
bagay.
7. Nakapaghambing ako ng iba’t
ibang bagay.
8.
1. Natukoy
Nasabi ko
ko ang
ang mga
mga bagay na
batayang
nanatili at nagbago
impormasyon tungkol sasa
aking
aking
paaralan.
paaralan.
9. Nakapag-isip ako ng maaaring
2. Natukoy
mangyari kosa
ang iba’t
isang ibang kasapi
sitwasyon .
10. ng paaralan.
Napahalagahan ko ang aking
paaralang ako
3. Nakagawa kinabibilangan.
ng isang
panayam.
4. Nakaguhit ako ng iba’t ibang
larawan.
5. Nakabuo ako ng timeline.
6. Nakagawa ako ng graphic
organizer.
7. Nakaawit ako ng isang awitin.
8. Nakabigkas ako ng isang tula.
9. Nasuri ko ang isang awit o tula.
10. Naipagmalaki ko ang aking
paaralan.

Nagawa ko ang mga bagay na ito:


Mag-aaral Guro

37
Naipahahayag ko ang mga ito: Mag-aaral Guro

1. Natutuhan ko ang mga batayang


impormasyon tungkol sa aking
paaralan.
2. Natutuhan ko ang mga batayang
impormasyon tungkol sa aking
paaralan.
3. Natutuhan ko na may iba’t ibang
kasapi na bumubuo sa aking
paaralan .
4. Natutuhan ko na may mga bagay
na nanatili at nagbago sa aking
paaralan.
5. Natutuhan ko ang kahalagahan
ng mga alituntuning ipinatutupad
sa aking paaralan.
6. Natutuhan ko ang kahalagahan
ng pagtupad sa mga tungkulin
bilang mag-aaral.
7. Natutuhan kong pahalagahan ang
aking pag-aaral at paaralan.

Komento ng iyong guro


___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
____________________________________________ .

38

You might also like