You are on page 1of 4

DENOSTA, JEANELLE M.

IKA-13 NG NOBYEMBRE 2019

STEM 12-1 FILIPINO SA PILING LARANG

TAKDANG ARALIN # 3

SINOPSIS/BUOD

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa sa mga akdang nasa tekstong naratibo
tulad ng kwento, salaysay, nobela dula, parabola, talumapati at iba pang anyo ng panitikan. Ang buod ay
maaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Sa pagsulat ng sinopsis ay
naglalayong makatulong sa medaling pag-unawa sa diwa ng ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na
maging payak ang mga salitang gagamitin. Layunun din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay sa
akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis mo.

Sa pagkuha ng mahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa mga sumusunod:

 Ano?
 Kailan?
 Saan?
 Bakit?
 Paano?

Mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng
pagbanggit sa pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda. Iwasan din ang magbibigay ng iyong sariling
pananaw o paliwanang tungkol sa akda. Maging obhetibo sa pagsulat nito.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod

1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.


2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Isaalang-alang ang damdaming nakapaloob sa
akda.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga
suliraning kanilang kinakaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung
ang sinopsis na ginawa ay binunuo ng dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbaybay at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis/Buod

1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha sa buong kaisipan o paksa ng
diwa nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa, magtala at kung maari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong
magiging mabisa ang isinulat na buod.
7.

Bahagi ng isang Sinopsis o Buod

1. Ang Opening Hook


Page 1 of 4
Dapat kang magsimula ng malakas sa mga nobelang synopsis dahil kung hindi nila gusto ang pagbubukas, hindi nila
magugustuhang basahin ang natitirang bahagi nito.

2. Mga Sketch ng Karakter

Kailangan mong magbigay ng isang kahulugan ng mga pangunahing motibasyon ng iyong mga character, lalo na sa mga
magdadala sa mga karakter na magkaroon ng isang tunggalian laban sa isa pa. "Ang mga pisikal na paglalarawan ng mga
character ay hindi mahalaga, ngunit ang kanilang mga motibasyon," sabi ni Marilyn Campbell.

3. Mga Highlight ng Plot

"Alamin ang simula at pagtatapos ng mga eksena at isa o dalawa sa gitna na nagbibigay ng isang indikasyon ng uri ng
matinding emosyon o uri ng pagkilos na inaasahan," sabi ni Campbell. Kaya ano ang bumubuo ng isang pangunahing
eksena na nagkakahalaga ng pagpuna? Isaalang-alang:

• Kailangan ko ba ang eksenang ito upang magkasama ang pangunahing balangkas?

• Kailangan ko ba ang eksenang ito para magkaroon ng kahulugan ang pagtatapos? Dapat ipakita ng iyong
synopsis kung magkano at anong uri ng pag-aalala ang iyong mahihirap na kalaban.

4. Pangunahing Salungatan

Kung ang iyong salungatan ay hindi implisit sa iyong unang ilang mga pangungusap (isang "hook"), baybayin ito. Ang
iyong pangunahing salungatan ay maaaring, siyempre, magkaroon ng sapawan sa mga kategorya at maaaring hawakan
ang maraming uri ng salungatan.

5. Ang Konklusyon

Huwag magsara sa isang talampas. Ang pagbubunyag ng pagtatapos sa iyong nobela ay hindi makakasira ng kwento para
sa editor o ahente. Ipapakita nito na matagumpay mong natapos ang iyong nobela. "Tiyakin na ang bawat maluwag na
thread ay nakatali at hindi kailanman mag-iiwan ng isang editor na humuhula tungkol sa anumang bagay," sabi ni
Campbell. Kung ang iyong nobela ay isa sa isang serye, ang iyong pagtatapos ay maaaring ituro sa pagkakasunod-sunod

Halimbawa ng Sinopsis/Buod:

Bunga ng Kasalanan
Ni Cirio H. Panganiban

Sampung taon. At sa ganyang kahaba ng panahong kanilang ipinagsama nang buong tahimik at pagsusunuran, nang
buong pag-ibig at katapatang loob ay hindi man lamang nag-ugat sa tigang na halaman ni Virginia ang masaganang
punla ng sangkatauhan.

Wala silang anak. Si Virginia ay hindi man lamang nakaramdam kahit minsan ng matamis na kaligayahan ng
pagiging ina.

Nasusunod nila ang lahat ng layaaw sa daigdig: mayaman si Virginia, may pangalan si Rodin, at silang dalawa ay
nabubuhay sa kasaganaan. Subali't katanghalian na ng kanilang pag-ibig ay hindi pa dumadalaw sa kanilang tahanan at
ang magmamana ng dakilang pangalan ni Rodin.

Ang panalangin ni Virginia sa Mahal na Berhin na sinasalitaan ni Rodin na taimtin na pagtawag sa Diyos, ang
kanilang ginawang pamimintaksi sa Ubando alang-alang sa kamahal-mahalang San Pascual at sa kapinu-pinuhang
Santa Klara ay hindi rin nagbigay sa kanila ng minimithing anak.

At sa puso ng nalulungkot na mag-asawa ay nawala na ang pananalig sa huling kaligayahan.

Nguni't... ang malaking pagkasulong ng matandang karunungan sa panggagamot, ay nagbigay ng panibagong pag-
asa.

Nahuhulog na ang araw ng kanilang pagmamahalan sa kanluran at ang mga ulap sa dapit-hapon ng buhay unti-unti
nang nagpalamlam sa ilaw ng kanilang pag-ibig. Higit kailanaman ay noon naramdaman ng ulilang mag-asawa ang
lalong malaking pananabik na magbunga ang kanilang malinis at kabanal-banalang pagsisintahan.

Page 2 of 4
Parang hiwaga, matapos ang matiyagang pagpapagamot ang karunungan ng isang doktor ay lumunas sa sala ng
katagalan. Si Virginia ay nagdalang-tao at pagkaraan ng mahabang buwan ng kanyang paghihirap, ay sumilang sa
liwanag ang isang maliit na kaluluwang wagas na supling ng kalikasan, isang walang malay na sanggol na nagtataglay
ng pangalan ni Rodin at ang pangalan ng kanilang angkan.

O, ang tuwa ni Rodin! Nang sabihin sa kanya na siya ay ama ng isang batang lalaki ay napalundag siya sa malaking
kagalakan; tuloy-tuloy siya sa silid ng mag-ina at dala palibhasa ng malaking uhaw sa kaluwalhatian matapos
mapangbalingan ng isang tinging punong-puno ng paggiliw ang lanta at maputlang mukha ni Virginia, ay nilapitan ang
kanyang panganay na anak at sa noo ng walang malay na sanggol ay ikinintal ang kauna-unahang halik ng kanyang
pangalawang pag-ibig.

Si Virginia palibhasa'y madasalin, marupok ang puso at natatakot sa Diyos; palibhasa'y mahinang-mahina noon ang
kataawan ay mahina rin ang pag-iisip ay unti-unti nang nag-aalinlangan sa kalinisan ng kanyang pagiging Ina.

Ibig na niyang maniwala na siya'y makasalanan, na ang lalong mabigat na parusa ng langit ay lalagpak sa kanya,
sapagkat nilabag niya ang katalagahan at ang kalooban ng Diyos. Sampung taong singkad ang katalagahan ay nagkait sa
kanila ng anak at sampung taon ding inibig nang Diyos na siya'y huwag maging ina. At sa harap ng Diyos at ng
katalagahan para kay Virginia ay kasalanang mabigat ng dahil sa kasakiman nila sa kaligayahan, dahilan sa
panghihinayang nila sa kanilang kayamanang walang magmamana, ay papangyarihin pa ng karunungan ng isang hamak
na doktor.

Dahil sa ganyang paniniwala ay hinawai na ni Virginia ang pag-ibig sa kanyang anak. Ang maliit na kaluluwang
yaon na larawang ganap ng kanyang kaluluwa at palilas ng kanyang puso ay minsan na niyang puinagkaitan ng matamis
na katas ng kanyang dibdib,piunagtiklupan ng duyan sa bisig ng kanyang mga kamay at kusang pinagdamutan ng
kanyang mga labi.

At hindi riyan lamang humanggang ang kalupitan ng pag-iisip ni Virginia nang ganap na siyang nahuhulog sa
paniniwalang ang kanilang anak ay hindi laman ng kanilang laman,kundi bula lamang ng kanilang mga gamot ng
pinaghalu-halo ng karunungan ay nilimot niyang siya ay Ina at at wala nang ginawa kundi manalangin na lamang sa
altar ng Berhin at humingi ng tawad sa Diyos. At minsan, nang makita niyang iniiwi ni Rodin ang kanilang anak, pinag-
apuyan siya ng mata, umigting ang kanyang mga bagang at matapos sabukayin ang kanyang nalugay na buhok ay
pasisid na inagaw sa mga bisig ni Rodin ang bungang yaon ng kanilang pag-ibig at ang sabing sinundan ng isang
mahabang halakhak na tumataginting.

Bunga ng kasalanan! Ito ay hindi natin anak......

Hindi nila anak ang pinaglalaanan ni Rodin ng lahat ng paggiliw, ang hindi miminsang pinaghele nito sa kanyang
sariling kandungan at inawitan ng matam,is na kundiman ng kabataan, ang halos gabi-gabi ay pinagpuyatan sa pag-
alaga at inalo niya maraming halik!.....

Iyan ang sabi ng baliw.... ni Virginia

BUOD NG BUNGA NG KASALANAN:

Si Virginia ay isang babaing mayaman, madasalin at palasimba samantalang, ang kanyang asawang si Rodin ay may
pangalan at silang dalawa ay nabubuhay sa kasaganahan. Sa loob ng sampung taon nilang pagsasama bilang mag-asawa
ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Ang anak na magiging mutya ng kanilang tahanan at magmamana ng dakilang
pangalan ni Rodin.
Sa tindi ng pananalig at pananampalataya nina Virginia at Rodin sa Diyos at Mahal na Birhen. Ang mag-kabiyak
ay taimtim na nananalangin sa Ubando alang-alang sa kamahal-mahalang San Pascual at kapinu-pinuhang Santa Klara.
Ngunit hindi pa rin sila nabigyan ng minimithing anak.
Pagdating sa larangan ng medisina, ang malaking pagkasulong ng matandang karunungan sa paggamot ay
nagbigay ng panibagong pag-asa kay Virginia at pati na rin kay Rodin. Sa pag-asang kanilang muling naramdaman, mas
lalong nanabik ang mag-asawa na magbunga ang kanilang malinis at kabanal-banalang pagsisintahan.
Matapos ang matiyagang pagpapagamot sa isang doctor, Si Virginia ay nagdalang-tao. Pagkaraan ng mahabang
buwan ng kanyang paghihirap ay iniluwal na niya ang isang lalaking sanggol na nagtataglay ng pangal ni Rodin at ng
pangalan ng kanilang angkan. Napalundag sa labis na kaligayahan si Rodin nang sabihin sa kanya na siya ay isang ganap
ng ama na. Dali-dali niyang tinahak ang silid ng kanyang mag-ina, isang tinging punung-puno ng paggiliw ang inilay
niya para kay Virginia at isang matamis naman ang ikinital niya sa kanyang pangalawang pag-ibig, ang kanyang anak.
Si Virginia palibhasa’y madasalin, marupok ang puso at natatakot sa Diyos, palibhasa’y mahinang-mahina noon
ang katawan at pag-iisip ay unti-unting nag-alinlangan sa kalinisan ang kanyang pagiging ina. Ibig niyang maniwalang

Page 3 of 4
siya’y makasalanan sapagkat nilabag niya ang katalagahan at ang kalooban ng Diyos para sa kanya. Dahil sa paniniwalang
ito ay hindi niya pinag-tuusan ng pansin ang kanyang munting anghel.
Unti-unting nabaliw si Virginia sa paniniwalang hindi laman ng kanilang laman ang kanilang supling kung hindi
isang bula lamang ng mga pinaghalu-halong karunungan. Wala nang ginawa si Virginia kundi manalangin na lamang sa
altar ng Birhen at humingi ng tawad sa Diyos.
Habang karga-karga ni Rodin ang kanilang anak ay inagaw ito ni Virginia at biglang bumulalas ng “Bunga ng
kasalanan! Ito ay hindi natin anak … “
Kinaumagahan noon, si Rodin ay dumanas ng isang gabing walang tulog at pagod sa pag-aalaga ng kanilang
anak. Samantalang si Virginia ay nasa higaan pa at sa mga sandaling iyon ay nakita niya ang asawang si Rodin na
sinasaktan ang anak. Agad na nagising si Virginia sa napakasamang panaginip na kanyang nakita. Mabilis na pinuntahan
ni Virginia ang kanyang mag-ama sabay kandong sa kanyang anak at iniyapos sa kanyang dibdib saka pinupog ng
maraming halik.

Yaong sa kabaliwan ni Virginia ay tinawag na bunga ng kasalanan.

Sanggunian:

Lontoc, et. al. Pinagyamang Pluma. Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House Inc, 2016.

Page 4 of 4

You might also like