You are on page 1of 16

MAAGHAM NA PAG-AARAL SA PAGBASA BILANG MAKRONG KASANAYAN SA

PAGKATUTO NG BATA
Dana Mae Gomez

Jenuine Limon

Kevin Christler Dalinoc

A. Panimula

Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at

kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Isa ito sa mga

makrong kasanayang pangwika at isa sa mga pinakagamitin sa

lahat.Ito ay proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais

iparating ng may-akda sa mambabasa.

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang kahalagahan ng pagbasa bilang makrong kasanayan sa

pagkatuto ng bata.

C. Kaugnay na Pag-aaral

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa pag-aaral at mga

babasahin na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito.

Ayon kay Goodman (1967, 1971, 1973) ang pagbasa ay isang

"saykolinggwistiks na paghinuha (guessing game) kung saan

ang nagbabasa ay bumubuong ng isang mensahe o kaisipang

hango sa tekstong binasa. Isang prosesong sibikal buhat sa


teksto na nagpapakahulugan o nagbibigay ng prediksyon."

Pinaunlad ni Coady (1979) ang kaisipang inihayag ni Goodman

at sinabing ang dating kaalaman ng tagabasa ay kailangang

maiugnay niya sa kanyang binubuong konsepto/kaisipan at

kasanayan sa pagproproseso ng mga impormasyon na mababasa

sa teksto. Binaggit din niya na ang kakayahang pangkaisipan

ay panlahat na kakayahang intelektwal ng isang mambabasa.

Ang mga istratehiya sa pagproproseso ng impormasyon ayon

kay Badayos (1999) ay iyong mga impormasyong nasa isipan ng

mambabasa (kaalamang semantika, kaalamang sintaktika,

kaalaman sa ugnayang graphophonic (halimbawa: pagpapantig,

pagbaybay, atbp.)). Ang dating kaalaman ay binubuo ng lahat

ng karanasan at impormasyong nasa isipan ng tagabasa na

pantulong sa kahinaang sintaktik ng mambabasa. Ang pagbasa

ang pinakapagkain ng ating utak (mental food) sabi ni James

Dee Valentine (2000). Sa maraming pagkakataon ay

napatunayan na natin na marami sa mga matatagumpay na tao

ang mahilig sa pagbabasa. Ang pagkahilig sa pagbabasa ay

nadedebelop kung nagbibigay ang tao ng humigit-kumulang na

tatlumpung minuto araw-araw para sa gawaing pagbasa. Sa mga

aklat at iba pang babasahin nakakukuha ng mga ideya at mga

salitang iniimbak sa utak. Nagbibigay-liwanag ang mga ito

sa mga bagay na di natin batid. Ang pagiging ignorante

natin sa maraming bagay ay nabibigyang katugunan ng


maraming aklat at babasahin. Sa aklat nina Austero,

Banadril at De Castro na Filipino sa Iba't Ibang Disiplina

(1999) binanggit ang ilang rason kung bakit tayo

nagbabasa. Nagbababasa tayo upangmakakuha ng impormasyon,

mapag-isipan nang malalim ukol sa pansariling ideya at

karanasan, mapagkuro ang ideya at karanasan ng iba

makatiyak sa pansariling paniniwala.

Para sakasiyahan ng sarili, pampalipas-oras at maiwasan ang

pagkainip, lalong paghahasa ng kaisipanpagsusuri ng

emosyon.Sapagkat gusto natinglumikha ng mga

ideyamakapaghambing at magsuri ng iba't ibang

pananawmakapaghambing at magsuri ng iba't ibang pananaw.

Sapagkat tayo ay isang partikular na sabjek/paksa

interesado saisang partikular na istilo at ideya ng awtor.

Sa aklat naman ni Austero na Komunikasyon sa Akademikong

Filipino, inilahad ang mga benepisyo ng pagbabasa at ito

ay ang mga sumusunod:

✔Kaalaman/Karunungan

✔Pagpapaunlad ng kmprehensyon

✔Pagpapagaling ng memorya o pag-alala

✔Pagpaparami ng bokabularyo/talasalitaan

✔Paghuhusay ng pakikipag-usap

✔Pagbibigay ng kompiyansa sa sarili (self-confidence)


✔Pagtataas ng pagtingin s sarili (self-esteem)

✔Kaunlaran at tagumpay sa buhay12

Sa Teoryang ito ay mahalaga ang larangan ngMetakognisyon na

nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na

kaalaman, gayon din sa angking kasanayan at ang paghahatid

sa mga kasanayang ito. May dalawang paraan naman ng pagbasa

ayon sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino ni

Austero. Ito ay ang malakas at tahimik na pagbasa.

 Malakas - kung ang mga inihanda o hinalaw na diskurso

ay binabasa sa harapan ng mga tagapakinig. Sa pagbasa

ng malakas ay dapat na isaalang-alang ng nagbabasa

ang mga sumusunod:

ang tindig, tamang pagbigkas ng mga salita, kontak sa mga

tagapakinig, at tamang paghawak ng aklat o anumang

babasahin

 Tahimik - ito ang anyo ng pagbasa na ang tuon ay sa

sarili lamang. Mata lamang ang ginagamit. Sa ganitong

paraan ng pagbasa ay dapat ding isaalang-alang ang

mga sumusunod:

tamang posisyon ng katawan at ang pook kung saan isinagawa

ang pagbasa.
Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Leo Fay, isang edukador mula

sa Reading Center ng Indiana University ay mayroong anim na

bahagdan ang kasanayan sa pagbasa, ngunit ang huling dalawa

ay maaaring pangalawang bahagdan.

Pagkilala o (Perception)– Ito’y nangangailangan ng

pagkilala sa salita kasama ang

kahulugan nito. Mahalagang nabibigkas, nababasa at

nauunawaan ang mga salita para masabing may persepsyon.

Pag-unawa o (Comprehension)– Ito ay higit pa sa pag-unawa

ng salita, pangungusap o talata, nangangahulugan ito ng

pagkilala sa pagkakaugnay ng salita sa kapwa salita sa

isang pangungusap, mga pangungusap sa talata at ng talata

sa isang pahayag, kasama rito ang pagkuha ng larawang diwa

hindi lamang literal kundi ang implied o realidad. 3.

Reaksyon (Reaction) –Maisasagawa ito sa dalawang paraan.

Una ay sa intelektwal, kung saan ang bumabasa ay

nagpapasiya sa kawastuhan at lohika ng binabasa. Ang

ikalawa ay emosyonal, kung saan ang mababasa ay humahanga

sa istilo at nilalaman ng nabasa. 4.


Asimilasyon (Assimilation)– Sa hakbanging ito, ang nakuhang

kaalaman ay iniuugnay o isinasama sa katipunan ng mga

kaisipang inimbak para sa kanyang kapakinabangan o

paggamit.

Panahon/Reyt sa pagbasa (Rate in Reading) – Ito ay may

kinalaman sa panahon o oras sa pagbasa: kabagalan o

kabilisan batay sa dahilan at layunin, material na

babasahin, kahirapan o kadalian ng babasahin, lengguwahe at

kasanayan, kalagayan at lawak ng kaalaman ng babasa.

Mabilis o iskiming ng pahayagan, katamtamang bilis sa mga

diksyon at kabagalan sa mgamathematical problem.

Kasanayan at Kaugalian sa Pagbasa (Reading habit and

skills)– Ang mambabasa na may mabuting sistema ng pag-aaral

at consistent, mahihinuha natin na ang limang hakbangin ay

mahabang panahong nag-ugat sa tahanan, sa kanyang mga

naririnig sa kasambahay na kanyang ginagamit sa

pagsasalita. Sa kabuuan, ang daloy ng bahagdan ay

nakasalalay sa kasanayan, kaugalian at panahon ng

bumabasa.
Ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ni William S. Gray

binanggit ang mga hakbang sa pagbasa at ito ay ang mga

sumusunod:

Persepsyon o Pagkilala– Ito ay ang pagkilala sa mga

nakalimbag na simbolo at kakayahang mabigkas ang salita

bilang isang makahulugang yunit. 2.

Pag-unawa– Ito ay ang pag-unawa sa mga ideya at kaisipang

ipinahahayag ng mga simbolo o salitang nakalimbag. 3.

Reaksyon– Ito ay ang pagpapasya sa kawastuhan, kahusayan at

pagpapahalaga sa mga isinulat ng awtor. 4.

Integrasyon– Ito ay ang paguugnay-ugnay o pagsasama-sama

ng mga nakaraan at bagong karanasan.

Kalikasan ng Pagbasa

Ang pagunawa sa kanyang binasa ay pagunawa sa kaisipang

nakapaloob sa mga simbolong nakalimbag. Ang reaksyon ng pagbasa

ay paghatol sa kawastuhan ng mga detalye

Prosesong Sikolohikal
Pagbasa - ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais

ibahagi ng may-akda sa babasahing kanyang isinulat.

Pagbasa- ito ay bahagi ng komunikasyon.Ito ay haluang pag-unawa

ng mga salita at ng diwang nais ipahayag ng nagsulat.

Ang pagbasa ay isang proseso ng pagdedekowd ng mga salitang

binubuo ng mga salitang nakalimbag.

Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-unawa sa kahulugan ng mga

konseptong inihatid ng mga nakalimbag na salita. Sa madaling

sabi, ang pagbasa ay hindi lamang sumasaklaw sa kakayahang

kumilala sa mga titik, salita at pangungusap a bumubuo sa

tekstong binabasa kundi sumasaklaw din sa pag-unawa sa mensaheng

nakapaloob sa teksto s atulong ng dating kaalaman at karanasan

ng bumabasa.

Ang pagbasa ay walang iba kundi ang pag-unawa. Kung hindi

nauwaan ang binasa ay walang naganap na pagbasa.

Ayon kay Villamin (1999) ang pagbasa ay isang susuing nagbubukas

ng pintuan tungo sa pagtatamo ng kaalaman tungkol sa iba't ibang

larangan bukod sa ito'y nagbibigay din ng kasiyahan.

Ang pagbasa ay may kahalagahang pang ekonomikal, panlipunan,

pampulitikal at maging pampersonal.

D. Mga Uri ng Pagbasa ayon sa layunin


Skimming

-pinaparaang pagbasa ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng

isang tao. Ginagamit ito sa:

pagpili ng aklat o magasin.

pagtingin ng mga kabanata ng aklat bago ito basahin nang

tuluyan.

reaksyon o paghatol ng kawastuhan,kahusayan at halaga ng

tekstong binasa

asimilasyon at integrasyon ng binasang teksto sa mga karanasan

ng mambabasa.

Scanning

-tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang

pahina. Sa uring ito ng pagbasa, hindi na hinahangad na makuha

nang kaisipan ng sumulat dahil ang mahalaga ritoýmakita ang

hinahanap sa madali at mabilis na paraan.

Limang antas ng pagbasa

Pag-unawang literal

Pagbibigay ng Interpretasyon

Mapanuri o Kritikal na Pagbasa


Paglalapat o Aplikasyon

Pagpapahalaga

Pagkuha ng Kahulugan ng mga Salita

Pagpapahiwatig

-isang paraan sa pagkuha ng kahulugan ng mga salitang hindi pa

kilala. Upang madaling maintindihan ang binabasa. Makukuha ito

sa pamamagitan ng mga pahiwatig na taglay ng mga salitang kasama

nitong bumubuo sa pangungusap.

C. MGA PATNUBAY SA PAGBASA

A.Tahimik na Pagbasa

MGA PATNUBAY/ GABAY SA PAGBASA NANG TAHIMIK:

1. Tamang lugar

2. Tamang ayos o posisyon

3. Mata lamang ang gamitin sa pagbabasa ng tahimik

4. Huwag gagamitin ang daliri na pantulong sa pagbabasa at

maging ang pagsunod ng ulo ay iwasan

5. Bumasa nang mabilis subalit may pag-unawa sa nilalaman ng

binabasa

B. Malakas na Pagbasa
MGA PATNUBAY/GABAY SA PAGBASA NANG MALAKAS:

1. Tayo o tindig

2. Bolyum/Lakas ng tinig

3. Tamang paraan ng pagbigkas

4. Tamang paghawak sa aklat

D. Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa

Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto Pagkilala sa

pagkakaiba ng Opinyon at Katotohanan Pagsusuri kung Valid o

Hindi ang Ideya o Pananaw Sa pamamagitan ng mga tiyak na

salitang ginamit ng awtor, maaaring matiyak kung ano ang

damdamin, tono at pananaw ng teksto Mahalagang makilatis ng

sinumang mambabasa ang opinyon at katotohanan *Kailangan lagi

nating kinikilatis ang anumang ideya o pananaw kung iyon ay

valid o hindi. Samakatwid, hindi lahat ng ideya o pananaw ng

ating mambabasa ay dapat tanggapin agad. - ito ay isang makrong

kasanayan na binubuo

ng mga maykrong kasanayan. Ysabelle Beatrice F. Umayam

1SLP PAGBASA - sa akademikong pagbasa, may mga ispesipik na

kasanayang kailangan malinang upang ang pagbabasa ay maging

higit na kawili-wili at prodaktib na karanasan para sa sinuman.

Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa - isa sa mga ispesipik na

kasanayan ay ang pagtukoy sa hulwaran ng organisasyon ng teksto.


Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye

Pagtukoy sa Layunin ng Teksto

Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto

Pagkilala sa Pagkakaiba ng Opinyon at Katotohanan

Pagsusuri kung Valid o Hindi ang Ideya o Pananaw

Paghihinuha at Paghula

Pagbuo ng Lagom at Konklusyon

Pagbibigay-interpretasyon sa Mapa, Tsart, Grap at Talahanayan

Pag-uuri ng mga Ideya

at Detalye Sa pag-uuri ng mga ideya at detalye ng isang teksto,

makakatulong ng malaki ang kaalaman sa:

1. Paksang pangungusap

2. Mga suportang detalye Paksang Pangungusap Pantulong o

Suportang Detalye sentro o pangunahing tema/pokus sa

pagpapalawak ng ideya ito ang batayan ng mga detalyeng

inilalahad sa isang teksto kadalasa'y makikita ito sa unang

talata (implayd o ekspresd) at huling talata (kongklusyon)

ng tekstong ekspositori mga mahahalagang kaisipan o susing-

salita na may kaugnayan sa paksang pangungusap tumutulong,

nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang pangungusap ito

ang batayan ng paksang pangungusap batay sa kung ano ang

layunin ng teksto Pagtukoy sa Layunin ng Teksto tumutukoy

ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng


isang awtor sa kanyang mambabasa. makikita ito sa mga

salitang ginagamit sa teksto at sa paraan ng

pagkakaorganisa nito may mga tekstong may layuning

manlibang, manghikayat, mang-aliw, magbigay ng opinyon,

magpaliwanag o magbigay ng impormasyon, magtanggol,

mangaral at iba pa. *Tandaan lamang na may ma tekstong may

dalawa o higit pa ang layunin Tono ng Teksto Damdamin ng

Teksto Pananaw ng Teksto tumutukoy sa kung ano ang naging

saloobin ng mambabasa sa binasang teksto *maaaring

saya/tuwa, lungkot, takot, galit, pagkabahala at iba pa

tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang

tinatalakay *maaaring ito ay masaya, malungkoy, seryoso,

mapagbiro, mapangutya at iba pa tumutukoy sa punto de

bistang ginamit ng awtor sa teksto ito ay makikita sa

pamamagitan ng mga panghalip Unang Panauhan * Ako, Ko,

Akin, Kita, Tayo, Natin, Atin, Kami, Namin at Amin

Ikalawang Panauhan * Ikaw, Ka, Mo, Iyo, Kayo, Inyo at Ninyo

Ikatlong Panauhan * Siya, Niya, Kanya, Sila, Nila at Kanila

Katotohanan Opinyon - ito ay ang mga paktwal na kaisipan o

pahayag na hindi na mapasusubalian at samakatwid ay

tinatanggap na ng lahat - ito ay pahayag ng isang tao

hinggil sa isang paksa batay sa kanyang paniniwala at

prinsipyo Ideya o Pananaw - tumutukoy ito sa pansariling

opinyon o kaisipan ng isang indibidwal ukol sa isang paksa


- maari din isang paraan ng pagkakaintindi o pagkakaunawang

isang tao sa isang ideyang pinag-uusapan Mga Batayan (1)

Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?

(2) Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang

tinatalakay?

(3) Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o

pananaw?

(4) Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan? Mapapanaligan

ba iyon? Paghihinuha at Paghula - ang isang mahusay na

mambabasa ay may binubuong mga tanong sa kanyang isipan

bago magbasa, habang nagbabasa at maging matapos magbasa,

mga katanungan iyong kanya ring sinasagot at bine-verify sa

kanyang pagbabasa. Paghihinuha Paghula - ito ay tinatawag

ding inferencing - ito ay tumutukoy sa kakayahang tukuyin

ang isang bagay na hindi pa alam batay sa ilang clues. *

ang pamagat ng isang teksto ay maaaring maging clue sa

paghihinuha kung tungkol sa anong paksa ang teksto - ito ay

tinatawag ding prediksyon - ito ay angkop na gamitin sa

pagbabasa ng mga kwento at nobela Pagbuo ng Lagom at

Konklusyon Lagom - ang pinakapayak at pinakamaikling anyo


ng diskurso batay sa binasang teksto taglay ang pinakadiwa

ng binasa Konklusyon - tumutukoy sa mga implikasyong

hinango sa binasa o kaya ay mga bagay na napatunayan

Pagbibigay-interpretasyon sa Mapa. Tsart, Grap at

Talahanayan - ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga

presentasyong biswal na kadalasang ginagamit bilang

pantulong sa isang teksto - nanganagilangan ito ng

puspusang mental at konsiderableng antas ng kaalamang

teknikal at pagkamalikhain (Bernales, et al., 2002) -

nakapagpapadali ito sa pag-unawa ng mga datos Ilang mga

mungkahi: (1) Pansinin ang mga legyenda. Malaki ang

maitutulong nito sa pagbibigay ng wastong interpretasyon

(2) Pansinin din ang iskeyl na ginamit. Sa pamamagitan

nito, malalaman mo kung ano ang tumbasang ginamit para sa

isang partikular na sukat (3) Pansinin kung may talababang

ginamit. Maaari itong maging hanguan ng dagdag-impormasyon

na kailangan sa pagbibigay-interpretasyon (4) Pag-aralang

mabuti ang bawat bahagi. Bawat bahagi ay madalas na

kinapapalooban ng mga datos na kaiba o kaya'y kaugnay sa

iba. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa bawat bahagi,

makikilala ang kaibahan o ugnayan ng mga bahagi nito.

F. Bibliography

www.scribd.com/doc/76700188/Mga-Kasanayan-Sa-Akademikong-Pagbasa
www.slideshare.net/ex_lanz/mga-kasanayan-sa-akademikong-pagbasa

https://prezi.com/wbekc7g3h75a/kalikasan-ng-pagbasa/

https://prezi.com/7rp2xvm9uh26/mga-uri-ng-pagbasa-ayon-sa-

layunin/

http://educationaltechnology2-

filipino.blogspot.com/2012/02/utos-ng-hari.html

http://www.academia.edu/5874956/Tesis_9_9

You might also like