You are on page 1of 2

LUMINA PANDIT

Babasahin ng mga nakatakdang babasa habang nagsisindi ng kandila ang lahat.

Sa pasimula, ang sansinukob ay puno ng kadiliman -


at ang Espiritu ay humahalimhim na nagwika,
"Magkaroon ng buhay! Magkaroon ng liwanag!"

Ang Salita ay nagwika


at nagkaroon nga ng liwanag at buhay!
Ibinigay ng Diyos ang liwanag na ito sa sangkatauhan
at kanila itong ipinasa sa kanilang mga anak
na siya namang nagpasa ng liwanag sa mga naging anak nila.

Ang mga taong noo'y naglalakad sa kadiliman


ay nakakita ng dakilang liwanag;
silang mga namuhay sa karmlan -
Liwanag ng Diyos ang sa kanila'y sumikat.

Sa isang madilim na labangan sa Bethlehem,


isang bagong liwanag ang sumilang sa daigdig:
Siyang naroroon na sa pasimula pa lamang
Siya ang buhay - ang buhay na tanglaw ng sangkatauhan.
Ang Salita ay nagkatawang tao at nakipamayan sa atin.

Sa madilim na yugto sa kasaysayan ng kaligtasan


Nagbibigay-daan ang kadiliman sa isang bukang-liwayway,
Isang walang-maliw na bukang-liwayway:
Ang walang hanggang liwanag na tanglaw ng daigdig.

Ang liwanag ay pinaghati-hatian


at ang tao ay inangkin itong wari sa kanila.
Sa kabila nito, hindi nagpadaig ang liwanag.

Ipinasa ang liwanag na itosa mga maibigin sa Salita ng Diyos -


silang mga umunawa nito -
na isinalin din naman sa kamay ng mga nananalig dito.

Ang liwanag ay ipinasa


sa mga nagnanais na unawain ang tanang sangnilikha -
upang tuklasin ang kababalaghan nito.
Ang liwanag ay ibinahagi
sa kanilang mga nakamalas ng dangal ng sangkatauhan
mga nakibaka para sa katarungan ng mga dukha,
at sa mga nagdala ng kalayaan sa mga alipin.

Ang liwanag na ito ay nasumpungan ni Tarcisio


noong pinili niyang ibigay ang sariling buhay
kaysa malapastangan si Kristong taglay niya
sa anyo ng tinapay na katawan niyang tunay.

Ngayon ay hinihintay tayo ng liwanag -


Sino ang magpapanatili ng alab nito sa ating panahon?
Sino ang tatangan ng liwanag nito sa daigdig?
Sino ang magiging tagapagdala ng liwanag, kung hindi tayo?
Sino ang magiging tagapagdala ng liwanag? kung hindi ikaw?

Pari:

Minamahal na mga kapatid,


Tinanggap natin ang liwanag noong tayo'y binyagan
at ipinagkatiwala sa atin na higit pang pag-alabin ito.
Sa kumpil, tayo'y nangakong magiging tagapagpalaganap ng liwanag.

Sa pagtatapos nitong pamparokyang pagdiriwang


ng paggunita kay San Tarcisio
at pagtatalaga ng inyong sarili
sa paglilingkod sa Dambana ng Panginoon
ito ang inihahabilin ko sa inyo:
Panatilihin ninyo ang alab ng pananampalataya sa inyong mga puso.
Alab na siyang magniningas
ng inyong buhay sa paglilingkod sa parokya.
Tahakin ninyo ang landas bilang mga supling ng liwanag.

Sapagkat ito ang misyon ng bawat Kristiyano:


lumina pandere,
ipalaganap ang kaliwanagan
at ipahayag sa sandaigdigan ang pag-ibig ng Diyos.

Aawitin ang "Tell the World of His Love"

You might also like