Tekstong Impormatib

You might also like

You are on page 1of 26

ANG TEKSTONG

IMPORMATIBO
LEARNING
COMPETENCIES
a. Natutukoy ang paksang tinalakay sa
tekstong nakikita.

b. Naiuugnay ang mga kaisipang


nakapaloob sa nakikitang teksto sa pamilya
at komunidad.

c. Nakasusulat ng isang halimbawa ng


tekstong Impormatibo batay sa ibinibigay
na paksa. (PU)
SPECIFIC LEARNING
OUTCOMES
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

Nakasusulat ng isang impormatibong teksto sa


pamamagitan ng isang lakbay sanaysay tungkol sa iba't
ibang tanawing panturismo na napuntahan sa buong
Rehiyong Caraga. Pagtuunan ng pansin ang kultura,
tradisyon at paniniwala ng mga tao sa pagpapahalaga
ng nasabing tanawing panturismo.
Motivation (Activity)
Magpakita ng Video

★Surigao del Sur - Britania Islets Tinuyan Fal s Enchanted River.mp4


Cooperative Learning
(Oral Recitation)

magbibigay paliwanag/
reaksyon hinggil
sa bidyong nakikita.
Pormal na Talakayan:
”Ang Tekstong
Impormatibo”
Tumutukoy ang TEKSTO sa
anumang uri ng sulating mababasa
ninuman. Mahalaga ang mga teksto
sa isang mananaliksik dahil ang
mga ito ang nagiging batayan niya
ng mga datos ng kanilang isusulat.
Anumang tekstong mababasa
ay may layunin. may mga
tekstong ang layon ay
magbigay ng impormasyon,
direksyon, o paglalarawan.
Ang pagkakabuo ng isang
teksto ay naayon sa layunin
nito.
Mahalagang IDEYA

kinilala ng isang matalinong mambabasa ang layunin


ng tekstong kanilang binabasa. sa pamamagitan ng
pagkilala sa layunin ng teksto, nahihimimay niya ang
mga impormasyong makukuha mula rito; bukod pa sa
matataya niya ang epekto ng nilalaman nito sa
kaniya, halimbawa ay kung magtitiwala ba siya sa
impormasyong makukuha mula rito
”Ang Tekstong
Impormatibo”
isa sa mga uri ng tekstong nagagamit bilang
pangunahing sanggunian ng isang mananaliksik ay ang
tinatawag na tekstong impormatibo.Naglalahad ito ng
mga bagong puntos o kaalaman tungkol sa isang paksa.
Puno ito ng mga impormasyong bago sa kaalaman ng
bumabasa. karaniwan, nagsasaad ito ng mga bagong
pangyayari, datos, at iba pang kaalamang makatutulong
sa isang mananaliksik upang mapagyaman ang kanilang
isinusulat na papel.
kadalasan, ang sumusulat ng isang impormatibo ay
iyong may sapat na kaalaman tungkol sa paksa. Ito ay
dahil layunin ng ganitong uri ng teksto na pataasin ang
kaalaman ng mambabasa tungkol sa isang paksa o
konsepto at tulungan siyang mauunawaan ito.
ang tekstong Impormatibo ay tekstong di-piksyon o
hindi kathang-isip lamang. Ang nilalaman nito ay mula
sa mga aktuwal na datos, katotohanan, o pangyayari.
kadalasan, gumagamit ang tekstong impormatibo ng
wikang pormal ng mga pangngalang pambalana (general
nouns), at mga pandiwang hindi nalilimitahan ng panahon
(timeless verbs.)
Naglalaman din ito kadalasan ng mga
pagpapakahulugan at pagpapaliwanag. Dahil dito,
inaasahang ang isang tekstong impormatibo ay may
tumpak, wasto, napapanahon, at makatotohanang
nilalaman o impormasyon na batay sa mga tunay na
datos at ipinapahayag sa malinaw na pamamaraan.
”IBA'T IBANG
IMPORMASYONG NAKUKUHA
MULA SA ISANG TEKSTONG
IMPORMATIBO TULAD NG MGA
SUMUSUNOD:”
1. Impormasyong hango sa isang sangguniang
nasaliksik
-tinutukoy nito ang mga kaalamang mula sa nasaliksik ng
sumulat ng tekstong impormatibo.
2. Impormasyong natuklasan buhat sa tekstong
binabasa.
- nakukuha ang ang mga ito dahil ginagamit sa
pagtalakay ng mga paksa sa isang teksto at malaon ay
natutuklasan at nagagamit sa iba pang pama
pamamaraan ng pagsulat.
3. Impormasyong nauugnay sa isang realidad na
naging impormatibo
- may mga impormasyong nahango sa isang teksto
at nauugnay sa kasalukuyang estado ng buhay na
malaon ay nagagamit sa realidad.
4. Impormasyong bago buhat sa mas malalim pang
pananaliksik ng sumulat.
natutulungan ng pagbasa at lubos na pananaliksik ang
pagtuklas ng mga kaalamang buhat sa kakayahan ng
isang manunulat.
”Mga Bahagi ng Tekstong
Impormatibo”
1. Panimula - panimula o background
- ito ang nagsisilbing hudyat ng pagpapakita sa
paksang mayroon ang isang tekstong impormatibo.
2. Pamungad ng pagtalakay sa paksa- dito nakasaad
ang buwelo ng pagtalakay sa
paksa. Maaaring karugtong ito ng panimula
hanggang sa unti-unti nang nasisimulan ang
paghahain ng mahahalagang datos na mayroon sa
isang tekstong impormatibo.
3. Graphical representation - mas mainam na
maintindihan ang isang pagtalakay ng kahit na
anong paksa kung lalagyan ng graphical
representation ang pagtalakay. sa puntong ito,
maaring gumamit ng kahit na alin sa mga
sumusunod: matrix, mapa, kolum, graph. Wag
kalimutan ng lagyan ng label ang binubuong graph.
4. Aktuwal na pagtalakay sa paksa - dito nabubuo
ang komprehensibong pagtalakay sa paksa.
karaniwan sa mga paksa, nangangailanagn ng
sanggunian upang masabing may sapat itong bisa
upang maging batayan sa pagbuo ng isang
pananaliksik.
5. Mahahalagang datos - hindi masasabing kompleto
ang isang pagtalakay ng isang tekstong impormatibo
kungwalang sapat na datos na magpapatunay kung
ano ang kahalagahan ng tinatalakay na paksa.
6. Pagbanggit sa mga sangguniang ginagamit-
bahagi ng etika ng pagsusulat, lalo't higit sa
larangan ng pananaliksik, ang pagbanggitsa mga
sanggunian ng isinusulat. May mga formal o anyong
dapat sundin bilang pagsasaalang-alang sa mga
taong sumulat at nakapag-isip ng mga ideyang
ginagamit partikular sa teksto.
7. Paglalagom -upang magkaroon ng sapat na
pagkapit o pagkakaayon (consistency).
8. Pagsulat ng Sanggunian - sa bahaging ito inililista
o isinusulat ang lahat kompleto.
Paraan ng Pagpapahayag
ng Impormasyon sa
Tekstong Impormatibo

1. Pagbibigay - depinisyon ng mga salitang bago sa


mambabasa
2. Pagbibigay-diin (Hal., paggamit ng boldface o italic)
sa ilang salita upang makita ito nang mabilis
3. paglalagay ng talaan ng nilalaman, glosari, at
indeks.
4. paggamit ng mga grapikong pantulong, ilustrasyon,
tsart, at larawan.
Practice (Analysis)

Sa parehong pangkat, gagawa ng isang graphic organizer


ang bawat pangkat hinggil sa tekstong Impormatibo na
nakikita.
Bilang myembro
Ano- ng pamilya sa
anon komunidad, ano-
ano ang iyong
g maiambag o
Mga di-
mga kontribusyon sa
kanais nais pangangalaga sa
impor tanawing
na panturismo ng
masy
katangian iyong lugar?ilang
on myembro ng
ng mga pamilya sa
ang
Pilipino na komunidad, ano-
ibinah ano ang iyong
di dapat maiambag o
agi kontribusyon sa
tularan at
ng pangangalaga sa
di dapat tanawing
Enrichment (Abstraction)

P1- Batay sa inyong nakikita,


paano isusulat ang isang
impormatibong teksto?
P2-Bumuo ng isang islogan na
nagbibigay-impormasyon
tungkol sa kahalagahan ng
tourist spot sa isang komunidad.
Evaluation ( Application)
Indibidwal na gawain: Isang buong papel, mukhang
pahina lamang.
Nakasusulat ng isang impormatibong teksto sa
pamamagitan ng isang lakbay sanaysay tungkol sa
iba't ibang tanawing panturismo na napuntahan sa
buong Rehiyong Caraga. Pagtuunan ng pansin ang
kultura, tradisyon at paniniwala ng mga tao sa
pagpapahalaga ng nasabing tanawing panturismo.
KRITERYA
Nilalam......................................................50
Pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya......40
Pamagat (1-3 salita) ................................10
KABUUAN ...............................................100
Takdang -Aralin
a. Magrisert tungkol sa "
Paglalakbay sa Sariling Bansa" ni
Rufino Alejandro
TANAWIN EKONOMIKONG MGA SALIK NA
PANTURISMO ESTADO MAIAMBAG NG
PAMILYA AT
KOMUNIDAD SA
PANGANGALAG
A NG TURISMO.
MARAMING SALAMAT!

You might also like