You are on page 1of 9

Ika – 23 - 24 ng Setyembre 2013

Suspendido ang klase dahil sa malakas na pag – ulan at pagbaha dulot ng


Habagat.

Ikalawang Markahan
Aralin 5
Unang Araw Ika–25 ng Setyembre 2013

Lingguhang Tunguhin
a. Natutukoy ang mga napapanahong isyu mula sa narinig at nakapagbibigay ng
pananaw tungkol dito (PN2Ae).

I. Paksa
Nagkakaiba, Nagkakaisa – Lunsarang Teksto: “Ang Duwende”
(Kuwentong Bayan mula sa Bikol)

II. Kagamitan
 Diyaryo na naglalaman ng balita tungkol sa sunog
 Kopya ng tekstong “Ang Duwende”

III. Pamamaraan
A. Panimulang Pagtataya
Hihimukin ang klase na magbahagi ng mga nabalitaan nilang mga
trahedya o aksidente. Maaaring ang mga aksidenteng ito ay nabalita sa
radyo o telebisyon, o di kaya ay nangyari lang sa kanilang lugar. Sa bawat
pagbabahagi, maaaring tanungin ang mga mag – aaral ng mga
sumusunod:

 Ayon sa inyong nabalitaan, ano ang naging sanhi ng aksidente o


trahedyang iyon?
 Maaari kayang iba ang naging sanhi ng aksidente o trahedya? Ano
kaya iyon?
B. Pagganyak
Magbabahagi ang guro ng isang balita tungkol sa sunog.

Sunog!
Alvin Madan

Aabot sa tinatayang P3 milyong ha;aga ng ari – arian ang


natupok sa naganap na sunog sa halos 50 – kabahayan at pumatay
ng isang katao sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Patay na nang matagpuan ng mga rumespondeng tauhan ng
Quezon City – Bureau of Fire Protection si Romulo Francia, habang
isinugod naman sa ospital si Danilo Lariosa, kapwa nasa hustong
gulang.
Ayon kay Senior Fire Officer 2 Fortunato Alde, dakong alas –
10:00 ng gabi nang unang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang
Richard Velasco na matatagpuan sa Barangay Apolonio Samson ng
nasabing Lungsod.
Dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan ay mabilis
na kumalat ang apoy na tumupok sa limampung bahay.
Kaugnay nito, pansamantala naming dinala sa barangay
covered court ang mga naapektuhang residente na aabot sa 100
pamilya.
Sa inisyal na imbestigasyon, posible umanong sa faulty
electrical wiring nagsimula ang sunog.

Gagamitin ang mga sumusunod na tanong upang magabayan ang


talakayan:
 Ano ang nagyari ayon sa balita?
 Saan naganap ang trahedyang ito?
 Kailan naganap ang sunog?
 Sino – sino ang naging biktima ng sunog?
 Bakit raw nagkaroon ng sunog?
 Kunwari ay hindi natin alam kung ano ang naging sanhi ng sunog,
ano – ano kaya ang magiging hinala ninyo sa pinagmulan ng
trahedyang ito? Pangatwiranan.

C. Presentasyon
Ikukuwento sa klase ang tekstong “Ang Duwende”. Hihimukin ang
mga mag – aaral na tingnan ang pagkakaiba ng balitang ibinahagi at ang
kuwentong babasahin ngayon.
D. Pagpapayaman
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I: Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
 Ano raw ang itsura ng duwende? Iguhit ito sa isang papel ayon
sa inyong pagkakaunawa sa nabasang teksto.
 Ayon sa kuwento, ano raw ang mga ugali at gawain ng
duwende? Bakit sila kinatatakutan?
PANGKAT II: Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
 Ano raw ang itsura ng duwende? Iguhit ito sa isang papel ayon
sa inyong pagkakaunawa sa nabasang teksto.
 Pagkumparahin ang dalawang salaysay tungkol sa sunog na
narinig ninyo ngayong umaga. Anong pinagkaiba ng sunog na
nasa balita at ng sunog na nangyari doon sa kuwentong –
bayan?
PANGKAT III: Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
 Ano raw ang itsura ng duwende? Iguhit ito sa isang papel ayon
sa inyong pagkakaunawa sa nabasang teksto.
 Posible kayang hindi duwende ang naging sanhi ng sunog sa
kuwento? Ano – ano kaya ang posibleng naging sanhi?
PANGKAT IV: Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
 Ano raw ang itsura ng duwende? Iguhit ito sa isang papel ayon
sa inyong pagkakaunawa sa nabasang teksto.
 Kung hindi duwende ang totoong naging sanhi ng sunog sa
kuwento, ano kaya ang naging dahilan kung bakit ito kumalat
na kuwento sa Legaspi?
2. Pag – uulat ng pangkat
3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral
4. Pagbibigay input ng guro

E. Sintesis
Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga kuwentong kababalaghan,
mga kakaibang nilalang, o mga pamahiin. Ibigay ang inyong pananaw
tungkol dito.

IV. Takdang Aralin


1. Magsaliksik ng iba pang alamat at kuwentong bayan tungkol sa iba’t ibang
kakaibang nilalang.
2. Muling basahin ang tekstong “Ang Duwende”.
Aralin 5
Ikalawang Araw Ika–26 ng Setyembre 2013

Lingguhang Tunguhin
a. Nailalarawan ang karaniwang katangian ng mga tauhan ng mga alamat at
kuwentong bayan (PB2Ab).
b. Nasisinsin ang mga pangyayari upang makuha ang nilalaman nito (PA2Ba).

I. Paksa
Nagkakaiba, Nagkakaisa – Lunsarang Teksto: “Ang Duwende”
(Kuwentong Bayan mula sa Bikol)

II. Balik - Aral


Pag – uulat ng mga tinalakay sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng isang
“radio broadcasting”.

III. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng duwende at larawan ng isang superhero.

 Ano ang mga katangian ng isang duwende? ng isang superhero?


 Saan ninyo kadalasang naririnig o nababasa ang mga kuwento tungkol
sa mga ganitong klaseng tauhan?

IV. Presentasyon
Muling pagpapabasa ng akdang “Ang Duwende”. Mula rito ay ilalarawan ng
mga mag – aaral kung ano – anong mga katangian ang ibinigay ng akda sa
isang duwende.
V. Pagpapayaman
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I: Magbigay ng dalawang (2) pangyayari sa akdang “Ang
Duwende”. Mula rito ilahad ang maaaring mga karaniwang
PANGKAT II: katangian ng mga tauhan sa mga alamat at kuwentong bayan.
Gumamit ng isang salita sa pagkategorya ng mga katangian
PANGKAT III: bago ito ipaliwanag.

PANGKAT IV:

2. Pag – uulat ng pangkat


3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral
4. Pagbibigay input ng guro

VI. Sintesis
Sa inyong palagay, ano – ano ang mga karaniwang katangian ang tinataglay
ng mga tauhan sa mga alamat at kuwentong bayan bukod sa ating mga
natalakay?

VII. Takdang Aralin


1. Ano ang balita?
2. Gumupit ng isang artikulo/balita ng mga napapanahong isyu at maghanda
sa pagbabahagi nito sa klase.
Aralin 5
Ikatlong Araw Ika–27 ng Setyembre 2013

Lingguhang Tunguhin
a. Natutukoy ang mga katangian ng balita (PU2Ad).
b. Nakasusulat ng balita tungkol sa mga piling pangyayari sa mga tekstong binasa
(PU2Af).

I. Paksa
Nagkakaiba, Nagkakaisa – Lunsarang Teksto: “Ang Duwende”
(Kuwentong Bayan mula sa Bikol)

II. Balik - Aral


Pagpapakita ng ilang larawan ng mga superhero at ilang “mythical creatures”
sa Pilipinas. Mula rito sasagutin ang tanong na: Ano ang mga karaniwang
katangian ng mga tauhan ng mga alamat at kuwentong bayan?

III. Pagganyak
Pagpaparinig ng isang recording ng isang balita habang nakapaskil ang kopya
nito sa pisara. Matapos nito, itatanong ang mga sumusunod:
 Paano nagsimula ang balita? Paano ito nagpatuloy? Paano ito
natapos?
 Ano – anong mga tanong ang sinasagot ng balita?
 Ano – anong impormasyon ang isinama sa balita?
 Ano – anong mga impormasyon ang sa tingin mo ay hindi isinama sa
balita?
 Paano ibinigay ng balita ang impormasyong ito sa iyo? Mayroon bang
boses o opinyon ang balita?

IV. Presentasyon
Pagpapanood at pagtalakay ng isang PowerPoint Presentation tungkol sa
balita (kahulugan, mahahalagang salik, mga sangkap, mga katangian, mga uri).

V. Pagpapayaman
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I: Sumulat ng isang balita gamit ang mga sangkap at
katangian na tinalakay. Umisip ng isang karaniwang pangyayari
PANGKAT II: na maaaring maging paksa ng isang balita (hindi kailangang
totoong pangyayari). Subalit sa halip na makatotohanan ang
PANGKAT III: balitang isusulat, gawing kakaiba ang pangyayari sa
pamamagitan ng pagpasok ng mga elemento ng kababalaghan,
PANGKAT IV: mga kakaibang nilalang, o mga pamahiin.

2. Pag – uulat ng pangkat


3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral
4. Pagbibigay input ng guro
VI. Sintesis
Bigyan ng kahulugan ang bawat titik ng salitang “balita” na nagpapaliwanag
ng katangian nito.

B - ______________
A - ______________
L - ______________
I - ______________
T - ______________
A - ______________

VII. Kasunduan
Humanda sa pagsulat ng lingguhang output.
Aralin 5
Ikalapat na Araw Ika–27 ng Setyembre 2013

Lingguhang Tunguhin
a. Nakasusulat ng balita tungkol sa mga piling pangyayari sa mga tekstong binasa
(PU2Af).

I. Paksa
Nagkakaiba, Nagkakaisa – Lunsarang Teksto: “Ang Duwende”
(Kuwentong Bayan mula sa Bikol)

II. Balik - Aral


Pagbasa ng ilang ginawang balita ng bawat grupo. Mula rito tatanungin ang
klase kung ano – anong mga katangian ng balita ang tinaglay ng ginawa ng
bawat grupo.

III. Pagganyak
Pagpapanood ng isang video tungkol sa isang balitang kababalaghan.

IV. Presentasyon
Pagpapakita ng isang halimbawa ng balita na nakalimbag o nakasulat sa
pahayagan tungkol sa kababalaghan. Mula rito pasasagutan sa mga mag – aaral
ang mga sumusunod na tanong:
 Nasagot ba nito ang mga tanong na hinihingi ng isang balita? (Sino, Ano,
Saan, Kailan, Bakit, Paano)
 Maayos ba ang naging daloy nito? Kung hindi, paano kaya ito maaayos?
 Kakikitaan ba ito ng boses o opinyon?
 Malinaw ba kung ano ang totoong nangyari? Kung hindi, paano ito
mapapalinaw?

V. Pagtataya sa Pagtataya
Sumulat ng isang balita tungkol sa nabasang teksto (Ang Duwende).
Maaaring gamitin ang mga pangyayari upang makabuo ng balita. Maaari din mag
– imbento ng mga detalyeng hindi naibigay o nailahad sa akda upang mabuo
ang iyong balita. Sundin ang mga sangkap at katangian ng balita na ating
tinalakay upang hindi maligaw sa pagsulat.

VI. Rubriks
 Wasto ang gamit ng mga salita 20%
 Isinaalang – alang ang pamantayan sa pagsulat ng balita 30%
 May organisasyon 20%
 Makatotohanan 20%
 Orihinal 10%
Kabuuan 100%
VII. Takdang Aralin
1. Gumupit ng balita sa pahayagan tungkol sa showbiz.
2. Magsaliksik tungkol sa komiks na “Trese”.

You might also like