You are on page 1of 5

AGUSAN DEL SUR COLLEGE, INC.

Bayugan City, 8502 CARAGA Philippines


Telefax (085) 231-2150
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Mala Masusing Banghay Aralin


sa Pagtuturo ng Filipino sa
Junior High

Inihanda ni:
Mary Grace Revil
Guro

Ipinasa kay:
KEVIN JOHN A. MONTALBAN
Asst. Head for Academics
Mala Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino
sa Junior High

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang;


a. Natutukoy at naipaliliwanag ang mahalagang kaisipan sa binasang akda
b. Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa
paggamit ng mga hayop bilang mga tauhang nagsasalita at kumikilos na
parang tao o vice versa.
c. Nagagamit ang ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maaari, baka, at
iba pa)

II. Paksang Aralin: Pabula


Lunsaran: Si Pilandok sa Kaharian sa Ilalim ng Dagat
Sanggunian: Baybayin Paglalayag sa Wika at Panitikan
Kagamitan: Fill tip pen, cartolina, chalk at board
Wika: Ang Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad
Istratehiya: KWL Strategy

III. Pamamaraan
A. Tuklasin
 Panimulang Gawain
-panalangin
-pag tsek ng attendance

B. Linangin

1. Pagganyak
“Hanapin mo ako!”
Panuto:Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat at bawat pangkat ay
magkakaroon ng representante Batay sa mga naka-ramble na mga salita ay
hanapin ang mga salitang may kaugnay sa pabula na Si Pilandok sa Kaharian
sa Ilalim ng Dagat at isulat ito ito sa pisara, paramihan lamang ng mga
naisulat na mga salita.
D A T U P A N D I W A A W A S P
A F R T J A C K S A W A N A F I
T O M A N G A A G A W E R S T L
U R M J L P R I N S E S A E W A
U E S C A M F R W I K A G S W N
S X M A N L O L O K O K A G R D
M V S A D H A W L A S A T A B O
A K G R A C E R E V I L F D S K
N A K A H A R I A N G W A P A
O P Q D D E S R B A T A D A W D
P A O P C S S S C W A B A S D Z
F D T A N G A K A S E A T A A M
F A B A B O Y K A D A G A T G O
2. Paglalahad
Base sa gawain, tungkol saan kaya ang ating tatalakayin sa araw na
ito?

PABULA

3. Pagpresenta sa KWL Chart


-pagsagot sa ‘’Ano ang nalalaman tungkol sa paksa’’
-pagsagot sa ‘’Ano pa ang gusting matutunan’’

KNOW WHAT LEARN

4. Presentasyon
a. Gabay na tanong
1. Makabuluhan ba ang pag-aralan ang mga pabula? Bakit?
2. Ano ang magiging epekto para sa iyo kung pag-aaralan mo ang
mga pabula?
3. Sa iyong palagay,nararapat bang panatilihing pag-aralan ang mga
pabulang akda?
4. Paano mo mapapanatiling buhay ang mga pabulang akda?

b. Pagtatalakay

PABULA
(Si Pilandok sa Kaharian sa Ilalim ng
Dagat)
Ang mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad
Sa ating mga pakikipag-usap, sa ating pagsang-ayon o pagsalungat sa iba’t
ibang palagay o opinion, nagpapahayag tayo ng mga posibilidad. Posibilidad ang tawag
sa mga pahayag na naglalahad ng isang pangayayaring maaaring mangyari o
magkatotoo ngunit walang katiyakan o kasiguraduhan, ito ay mga pahayag na
nababanaagan ang agam-agam ng nagsasalita.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang katulad, baka, puwede, sa palagay
ko, maaari, siguro, marahil, may posibilad bang, possible kayang at iba pa.
Dahil posibilidad ang inilalahad ng mga salitang ito, maaaring negatibo o
positibo ang sagot depende sa kung gaano kataas ang posibilidad na magkatotoo o
hindi ang pahayag.
Halimbawa:
1. BAKA
"Baka magkaroon ng strike ang mga pampublikong sasakyan dahil sa maling hataw ng
gobyerno sa pagtataas ng presyo ng langis."
2. PWEDE
"Pwedeng magkaroon ng rally dahil hindi pa rin tapos ang usapin sa paglilibing kay
Marcos sa Libingan ng mga Bayani."
3. MAAARI
"Maaaring sumama ako sa pride march sa susunod na taon."
4. SIGURO
"Siguro naunawaan na ng mga tao ang mga nagpo-protesta dahil hindi sila nabwisit sa
trapik."

5. MALAMANG
"Malamang na kasama siya sa Pride March sa Marikina dahil may dala-dala siyang
rainbow flag ng LGBT."
6. MARAHIL
"Marahil matalino't maraming alam sa batas ang batang iyon kaya kasama siya sa nag-
aaklas."
7. Tila
"Tila maraming sumali sa strike ng mga pampublikong sasakyan dahil wala pa ring
dumarating na jeep."
8. SA PALAGAY
"Sa palagay ko ay masyado lamang priviledged ang taong hindi nakakaunawa sa mga
nagpo-protesta dahil hindi sila naiipit ng mga hindi makatuwirang hatol ng gobyerno."
9. POSIBLE
"Magkakaroon ng rally sa karaniwan nating sakayan kaya posible nating lakarin ang
kahabaan ng Edsa."
10. MAY POSIBILIDAD
"May posibilidad na gamitin ko ang aking sasakyan para mag-carpool papuntang
Marikina para sa Pride March."

C. Pagnilayan
-pagsagot sa ‘’Ano ang mga natutunan
-paano mapapahalagahan ang mga pabulang akda?
IV.Ilipat
Panuto: Sumulat ng isang reaksyong papel tungkol sa inyong saloobin
bilang paggamit ng mga hayop bilang tauhang nagsasalita at kumikilos
na parang tao at isaalang-alang ang paggamit ng mga ekspresyong
naghahayag ng posibilidad.

Pamantayan:
Kaangkupan -5
Wastong gamit na ekspresyong naghahayag- 10
Kaayusan ng mga ideya -5

V. Kasunduan
Panuto: Basahin ang epikong Indarapatra at Sulayman .

You might also like