You are on page 1of 2

Introduksivon:

Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa

Alam mo ba na ang wika ay integral na bahagi ng tao pagkapanganak niya? Integral dahil
kakamhal niya ito noong nasilayan niya ang liwanag sa mundong ating ginagalawan.

Ang wika ay sadyang napakahalaga sa buhay ng tao. Ito ang kaniyang instrumento o
kasangkapan sa pagbabahagi ng kaniyang nadarama at opinyon_ Sa pamamagitan din ng wika ay
nasasalamin ang kultura ng mga tao na gumagamit nito. Kaya, mapalad tayo dahil may sariii tayong
Wikang Pambansa na daluyan ng karunungan daan tungo sa pag-unlad ng bayan.

Sa araling ito, layunin ng pag-aaral na:

Pangkaalaman:

l. Maipaliwanag ang kabuluhan ng Wikang Filipino bilang mabisang wika kontekstwalisadong


komunikasyon sa mga komunidad at s. buong bansa.

2. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnüyan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng


kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.

Pangkasanayan:

1. Magamit ang wikang Filipino sa iba't ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang
Filipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong
midyang akma sa kontekstong Filipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at anahsis na
akma sa iba 't ibang konteksto.

Halagahan:

l. Mapalalim ang sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino SA iba't ibang antas at larangan.

2, Maisaalang-alang ang •kultura at pangaspektong panlipunan sa pakikipagpalitang idea.

Paunang Gawain: Panoorin ang dokumentaryong may pamagat na “Sulong Wikang Filipino: Edukasyon
Pilipino, Para Kanino?” ni Det Neri

https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM

Talakayan:
1. Ano ang darndaming nasa likod ng dokumetarvo?Ipaliwanag sa pamamagitan ng pagIilimi/pag-
aanalisa sa kahulugan ng pamagat.
2. Itala ang kahalagahan ng wikang pambansä bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong
komunikasvon sa mga komunidad at buong bansa, ayon sa dokumentaryong pinanood.
3. Sino si Dr. Patricia Licuanan?
4. Ano ang tinatayuan ng akronim na CHED at CMO?
5. Ano ang CHED•Memo ang itinuturing na Anti-FiIipino at bakit?

Alamin

Ang Wikang Pambansa

Ang Filipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa mundo na binubuo ng mga
mamamayang may iba-ibang nasyonalidad at iba’t ibang wikang katutubo. Itinuturing ang wika na isang
mabisang bigkis pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa, sa
gayon, ay sa pambansang pagkakaunawaan. Sa wikang ito sumisibol ang damdamin pagkakaisa ng mga
mamamayang may iba-ibang wikang katutubo. Katulong ito ng pambansang watawat, pambansang awit,
at iba pang pambansang sagisag sa pagtatag ng isang pambansang pamahalaan (Almario, 2014).

Dagdag pa ni Dr. Virgilio S. Almario, Alagäd ng Sining sa Literatura at Tagåpangulo ng


Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), malimit na hinihirang na wikang pambansa ang sinasälita ng
dominante o pinakamaraming pangkat. Maaaring maging dominante ang wika ng isang pangkat na
gumanap ng pangunahing tungkuiin sa kasaysayan ng paglava ng bansa. Maaari ding maging dominante
ang wika sa pook sentro ng komersiyo, edukasyon, kultura, at gawaing pampolitika. Sa ganitong paraän
lumitaw na wikang pambansa ng Pransya ang wika ng Paris, ng Great Britain ang wika ng London, ng
Tsina ang wika ng Beijing, ng Espanya ang wika ng Castilla, ng Rusya ang wika ng Moskba, at ng
marami pang bansa.

Maraming bansa sa Aprika at Timog Amerika ang nagpapanatili sa wika ng kanilang mananakop
bilang wikang pambansa.. Espanyol ang wikang pambansa ng Mexico. Argentina. Chile, at iba pang
bansa kahit nagrebolusyon ang mga ito laban sa sumakop na Espanya. Portuges ang wikang pambansa ng
Brazil pagkatapos patayin ng Portugal. Pranses ang wika ng Angola. Sa kabilang dako, hindi pinapanatili
ng Indonesia ang Dutch katulad ng hindi pagpapanatili ng Malaysia sa Ingles at tulad ng Filipinas na
pinili ang pagbuo ng katutubong wikang pambansa (Almario, 2014).

Ang wikang Pambansang Filipino ay dumaan sa hindi mabilang na kontrobersya at nagpapatuloy


pa ito hanggang sa kanalukuyan. Hindi na ito bago sa atin, alma na natin ito. Dapat nating maintidihan
na habang nagdaraan ang Filipino sa samo’t saring mga pagsubok ay lalong tumatatag ang pundasyon
para lalo pa itong malinang at magamit sa mahusay at malawakang pamamaraan.

You might also like