You are on page 1of 10

Manuel V. Gallego Foundation Colleges Inc.

Cabanatuan City
High School Department

UNIT PLAN

GURO: BB.WENDY M. TABABA ANTAS: 10


ASIGNATURA: FILIPINO MARKAHAN: IKA-APAT MARKAHAN

I.INAASAHANG BUNGA

Pamantayang Pangnilalaman:
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo
bilang isang obra maestrang pampanitikan
Pamantayan sa Paggawa:
 Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na
magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan

A. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

LEARNING COMPETENCIES
Naipamamalas ang kahusayang magtala ng mahahalagang impormasyon mula sa iba’t F10WG-IVa-b-78
ibang pinagkukunang sanggunian
Nagagamit ang iba-ibang reperensya/ batis ng impormasyon sa pananaliksik F10EP-IIf-33
Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang F10PN-IVa-b-83
pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El F10PS-IVa-b-85
Filibusterismo
Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang F10PN-IVa-b-83
pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit sa biansang F10PT-IVb-c-83
kabanata ng nobela
Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at iba F10WG-IVb-c-79
pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/ talata
Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata F10PU-IVb-c-86
Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa mga kaisipang F10PS-IVd-e-87
namayani sa akda
Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang) F10PB-IVd-e-88
Natutukoy ang papel na ginam-panan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan F10PB-IVb-c-87
ng:pagtunton sa mga pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap,pagtiyak sa
tagpuan, pagtukoy sa wakas
Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa mga F10PD-IVd-e-83
kaisipang namayani sa binasang akda

M: MAKABULUHANG PANG-UNAWA

 Ang mga mag-aaral ay nuunawaan na ang pagbuo ng isa epektibong video documentary at
kaalaman at pag-unawa sa panitikan katulad ng El Filibusterismo at tulay upang maibahagi ang
kasaysayan ng Pilipinas at maipakita ang mga isyung panlipunan.

MAKABULUHANG KATANUNGAN

 Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino ,panitikan at kasaysayan na


sumasalamin sa mga isyung panlipunan

T: TRANSFER GOAL
 Ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang kaalaman ay makabubuo ng isang epektibong
Video documentary patungkol sa mga isyung panlipunan.
I: ASSESSMENT EVIDENCE

LEVEL OF ASSESSMENT SUMMATIVE FORMATIVE


KNOWLEDGE Maikling Pagsusulit (Objective type of Pagbibigay kahulugan sa mga
test/simple recall) salitang may malalim na kahulugan

PROCESS Pagbubuod ng mahahalagang konsepto Gawaing Pampisara


Maikling Pagsusulit
UNDERSTANDING Presentasyon Pagsasanay
Pangyunit na Pagsusulit Pagsulat ng Mahahalagang
Impormasyon
Pagsusuri ng akda
Pananaliksik
PERFORMANCE GRASPS Pagsasanay
Pag-uulat
(GRASPS): Mahalagang mabatid ang kultura ng ibang bansa nang sa gayon ay maihambing natin ito sa mga
nakasanayan na natin. Hindi kaila na nahaluan na tayo ng iba’t ibang kulturang dinala rito ng mga dayuhan o hiniram
natin mula sa kanilang bansa na siyang tumutugon sa sinasabing ang panitikan ang salamin ng buhay maging ang
kultura’t kaugalian ng bawat isang mamamayan na kabilang sa isang partikular na bansa, subalit sa paglipas ng panahon
unti-unti na itong nawawala o nabubura sa isipan at sa pagkatao ng bawat isa. Ikaw sampu ng iyong pangkat bilang
dokumentarista/tagapag-ulat ay inatasang bumuo ng isang napapanahong video documentary na pumapaksa sa isyung
panlipunan. Nais na Makita iyong nakatataas na pinuno kung ano-ano ang mga pangunahing paksa sa isyu patungkol sa
hakbang ng pamahalaan tungo sa pagtulong sa iba’t ibang sektor ng ekonomiya at kung paano ito bibigyan ng solusyon.
Ito’y ipalalabas sa harap ng kamag-aral at mamarkahan sa pamamagitan ng rubric. Ang pamantayan ng pagmamarka na
dapat mong isaalang-alang ay ang mga sumusunod: kahalagahan at napapanahon ang paksa o isyu, Linaw ng mga
impormasyon at batay sa katotohanan at pananaliksik, Sapat ng footage at/ o larawan sa pagpapatunay ng isyu,malinaw
at lohikal ang presentasyon at paglalahad ng dokumentaryo, pagpukaw ng interes sa manonood na tumugon at gumawa
ng pagwawastong panlipunan.

III.LEARNING ACTIVITIES

Day 1
Topic: Video Documentation (Kahulugan, Kahalagahan at Elemento)
LC: Nakapapagpalabas ng isang makabuluhang Photo/Video documentary na nagmumungkahi ng
solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

Instruction:
 Panimulang Gawain: Panuto: Ang guro ay magpapakita ng iba’t ibang titulo ng mga television
show. Kailangan tukuyin ng mga bata kung anong estasyon at kung sa paanong paraa inihahatid
ng mga tagapagbalitaang kanilang mga paksa.
 Masusing talakayan sa Kahulugan, Kahalagahan at Elemento ng isang Video Documentation
gamit ang PPT.
 Magpapanood ang guro ng iba’t ibang halimbawa ng video documentation na pumapaksa sa mga
suliranin ng lipunan.
 Kambas ng Lipunan ni Joey Velasco – https://www.youtube.com/watch?v=oZ9ocK4gdNs
 Sa Ngalan ng Tubo - https://www.youtube.com/watch?v=2JHvudP6DhU&spfreload=10
 Ulilang Lubos - https://www.youtube.com/watch?v=vXLLm03bVDs&spfreload=10
Gawain:
 Pagsagot sa pagsasanay
 Pangkatang Gawain:
 Hatiin ang klase sa anim na pangkat.
 Ang bawat pangkat ay kailangan makapag-usap at makapagbigay ng napiling isyung
panlipunan na gagawan ng video documentation.
 Mula sa isyung panlipunang pinili ng pangkat, pag-usapan kung ano-anong pagwawastong
panlipunan ang maaring gawin upang mabago ang mga mali at masasamang gawa at
gawi ng mga tao sa lipunan
 Pag-usapan din kung paano ito ipakikita sa dokumentaryo na magiging daan upang
makibahagi sa aksyong iminumungkahi.
Gabay na tanong:
 Paano napananatili ng Video Documentation ang katotohanan sa likod ng kanilang paksa?
 Ano ang pagkakaiba ng dokumentaryo sa ibang paghahatid ng impormasyon tulad ng balita?
 Nakatutulong ba ang element ng video documentary sa pagpapalutang ng paksa?
Takdang Aralin:
 Pananaliksik sa hakbangin sa paggawa ng dokumentaryo. Isulat ang lahat ng impormasyong
nakalap sa isang malinis na papel at ipapasa sa guro pagkatapos ng masusing talakayan.
 Ilagay ang link na pinagkuhan kung gumamit ng internet at Ngalan ng libro’t sumulat naman kung
gumamit ng aklat.

Day 2
Topic: Video Documentation (Hakbang sa Paggawa ng Dokumentaryo)
LC: Nakapapagpalabas ng isang makabuluhang Photo/Video documentary na nagmumungkahi ng
solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

Instruction:
 Balik-aral sa nakalipas na talakayan
 Masusing talakayan sa Kakbangin sa Paggawa ng Dokumentrayo gamit ang PPT
 Hakbang sa Pagbuo ng Dokumentaryo – http://www.wikihow.com/Create-a-Good-Documentary-
Film)
 Pagpapanood ng isang Video Documentation na nagtamo ng maraming karangalan dahil angking
husay nito sa lahat ng aspeto ng dokumentaryo.
 Ang Huling Mambabatok ni Kara David - https://www.youtube.com/watch?
v=jfe2dvVW6qk&spfreload=10
Gawain:
 Maikling Pagsusulit
 Pangkatang Gawain:
 Mula sa mga pangkat na nabuo sa unang pangkatang gawain. Magsama-sama para sa
susunod na gawain.
 Tiyakin ang paksang panlipunang igagawaa ninyo ng dokumentaryo.
 Gumawa ng isang balangkas kungpaano tatakbo ang inyong istorya.
 Itakda ang papel na gagampanan ng bawat miyembro. Maaaring magtakda n glider,
mananaliksik, tagakuha ng larawan, tagapagsulat ng istorya, director, actor, taga-layout at
iba pa.
Gabay na tanong:
 Ano ang kubuluhan ng pagkatuto sa hakbangin sa paggawa ng dokumentaryo?
 Paano maisasakatuparan ang mga hakbangin mula sa inyong mga pangkat?
 Ano ang kahalagahan ng dokumentaryo sa lipunan?
Takdang-aralin:
 Indibidwal na Gawain:Pananaliksik sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Obra Maestrang isinulat ng
ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na pinamagatang “EL FILIBUSTERISMO”. Isulat
sa isang malinis na papel at ipapasa sa guro pagkatapos ng masusing talakayan sa paksang ito.
Pipili ang guro ng isang pares na mag-uulat sa harapan kung kaya’t kailangan ang bawat pares ay
kinakailngan ding maghanda ng PPT. Gamiting gabay ang link na ito kaligirang Pangkasaysayan
ng El Filibusterismo – http://prezi.com/thqfwoua2jcz/kaligirang-pangkasaysayan -ng-noli-at-el-fili/

Day 3
Topic: El Filibusterismo (Kaligirang Pangkasaysayan)
LC: Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo F10PN-IVa-b-83
Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo F10PS-IVa-b-
85
Instruction:
 Panimulang gawain: Panuto: Ang guro ay magpapakita ng mga kilalang karakter sa nakalipas na
Obrang tinalakay at ito’y ang “Noli Me Tangere”. Kikilalanin ng mga mag-aaral kung sino-sino ang
mga tauhan at isasalaysay ang karakter na kanilang ginampanan.
 Paglalahad ng guro ang mahalagang pang-unawa mula sa tatalakayin
 Pagpapayaman ng talasalitaan
 Presentasyon ng mag-aaral na napili ng guro patungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo gamit ang ginawang PPT.
 Pagbibigay ng wasto sa ginawang presentasyon at karagdaganng impormasyon ng guro patungkol
sa paksang tinalakay
 Pagpapanood ng Video Clip ng guro tungkol sa Kasaysayan ng El Filibusterismo -
https://www.youtube.com/watch?v=Q2_3dXkKT6w
Gawain:
 Pagsagot sa pagsasanay
 Basahing muli ang “Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.” Gamitin ang Pamaraang
SQ3R sa pagkuha ng mahahalagang tala tungkol sa pagkakabuo ng nobela.
 Ibahagi sa harap ng klase ang mga talang isinulat gamit ang pamaraang SQ3R.
Gabay na Tanong:
 Ano-ano ang nakaimpluwensya kay Rizal habang isinusulat niya ang kanyang ikalawang nobela?
 Paano napaglabanan ni Rizal ang mga pagkakataong nais niyang isuko ang pagsulat at
pagpapalimbag sa nobela?Ipaliwanag.
 Bakit inialay ni Rizal ang El Filibusterismo sa Gomburza?
Takdang-aralin
 Dalawahing gawain:Pananaliksik sa Elemento at Uri ng Nobela .Isulat sa isang malinis na papel at
ipapasa sa guro pagkatapos ng masusing talakayan sa paksang ito.

Day 4
Topic: Nobela(Emento at Uri)
LC: Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo F10PN-IVa-b-83

Instruction:
 Balik- aral sa nakalipas na talakayan
 Panimulang Gawain
 Presentasyon ng pares na napili ng guro gamit ang PPT
 Paglilinaw at pagdaragdag ng guro ng kaalaman mula sa inulat ng pares sa harap ng klase
 Pagpapanood ng guro sa mga mag-aaral ng isang video clip patungkol sa Elemento ng Nobela
 Elemento at Uri ng Nobela - https://www.youtube.com/watch?v=R4Gb3zWz6R4
Gawain:
 Pag-usapan sa klase kung anong uri ng nobela ang Noli Me Tangere at El filibusterismo.
Magpalitan ng pananaw at pangangatwiran tungkol sa layunin ng dalawang nobela.
 Panoorin ang video clip upang lalong makatulong sa pagbibigay ng kasagutan.
 Kasaysayan ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere - https://www.youtube.com/watch?v=E3-
A06LFdBY&spfreload=10
Gabay na tanong:
 Paano nakatutulong ang elemento sa pagbuo ng Nobela?
 Ano ang kahalagahan ng element maikling kwento sa pagkatuto sa panitikan?
E.Q
 Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino ,panitikan at kasaysayan na
sumasalamin sa mga isyung panlipunan.
Takdang aralin:
 Basahin ang kabanata I-X ng El Filibusterismo
 Itala ang mahahalagang impormasyon nakapaloob sa akda
 Isulat ang mga malalalim na salitang nangangailangan ng kahulugan.

Day 5-7
Topic: Kabanata I-X (Himagsik ng Katauhan at Kapangyarihan ng Sariling Pagbabangon)
LC: Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit sa biansang kabanata ng nobela
F10PT-IVb-c-83
Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at iba pa), gayundin ang
wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/ talata F10WG-IVb-c-79
Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata F10PU-IVb-c-86
Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa mga kaisipang namayani sa akda
F10PS-IVd-e-87
Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang) F10PB-IVd-e-88
Natutukoy ang papel na ginam-panan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:pagtunton sa mga
pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap,pagtiyak sa tagpuan, pagtukoy sa wakas F10PB-IVb-c-
87

Instruction:
 Balik-aral sa nakalipas na talakayan
 Panimulang Gawain ng bawat pangkat
 Pagpapayaman ng Talasalitaan
 Presentasyon ng paksang-iuulat ng pares na nakaatang upang iabahagi ang impormasyong
nakalap
 Pagpapanood nila ng video clip o ng guro kung sakaling walang naihanda ang bawat pares
 Paglilinaw at pagdaragdag ng guro ng kaalaman mula sa inulat ng pares sa harap ng klase
Gawain:
 Pagsagot sa mga tanong ng kamag-aral
 Pagsagot ng tanong ng guro
 Pagtatanong ng tagapag-ulat sa mga kaklase bilang paglilinaw kung naunawaan ang iniulat
 Maikling Pagsusulit na ibibigay ng tagapag-ulat
 Pangkatang Gawain na ibibigay ng guro at nasa ibaba ang mga sumusunod na panuto:
 Hatiin ang klase sa apat na pangkat
 Gumawa ng isang maskara
 Bigyan ng pagkakataon ang bawat miyembro na makapagsalita habang nakasuot ang
maskara sa kanila.
 Ang nilalaman ng pagbabahagi ng bawat miyembro ay pagbabahagi tungkol sa personal
na karanasan tungkol sa mga pagkakataong hindi nila maipakita ang tunay na pagkatao
sa iba. Halimbawa : ang kanilang kalagayan sa buhay, sitwasyon sa pamilya, ang tunay na
ugali, ang kanilang nararamdaman, sariling pananaw at opinion sa iba.
 Pagkatapos ng pagbabahagi ay sagutin ang ibibigay ng gurong mahalagang tanong
Gabay na tanong:
 Bakit kung minsan kailangan ng bawat isang magsuot ng maskara? Kapag ganito ang nangyayari,
ano ang iyong pakiramdam?
 Ano sa palagay mo ang pinakamabuting gawin upang matanggap ng iba ang iyong tunay na sarili?

E.Q.
 Paano makatutulong ang pag-aaral ng unang hati ng nobela sa pagsusuri sa mga pagbabagong
nagaganap sa sarili.

Takdang-aralin:
 Basahin ang kabanata XI-XX ng El Filibusterismo
 Itala ang mahahalagang impormasyon nakapaloob sa akda
 Isulat ang mga malalalim na salitang nangangailangan ng kahulugan

Day 9
Topic: Video Documentation
LC: Nakapapagpalabas ng isang makabuluhang Photo/Video documentary na nagmumungkahi ng
solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

Instruction:
 Gumawa ng balangkas patungkol sa gagawing dokumentaryo.linawing mabuti ang suliraning
panlipunang napili na makikita sa akdang tinatalakay natin na pinamagatang El Filibusterismo
 Pangkatang Gawain:
 Tapusin ang mga paghahandang ginawa para sa dokumentaryo
 Maaring ipakita ang balangkas sa guro para sa mga puna at mungkahi
 Manood ng mga dokumentaryong ginawa ng mga propesyunal upang maging mabuting
halimbawa
 Makiisa sa pangkat at maging aktibong miyemro o lider
Takdang-aralin
 Basahin ang kabanata XI-XX ng El Filibusterismo
 Magtala ng katanunganm na sasagutin ng mga tagapag-ulat
 Itala ang mahahalagang impormasyon nakapaloob sa akda
 Isulat ang mga malalalim na salitang nangangailangan ng kahulugan

Day 10- 12
Topic: Kabanata XI-XX (Himagsik ng isip at kapangyarihan ng Global ng Pagwawastong Panlipunan)
LC: Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit sa biansang kabanata ng nobela
F10PT-IVb-c-83
Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at iba pa), gayundin ang
wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/ talata F10WG-IVb-c-79
Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata F10PU-IVb-c-86
Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa mga kaisipang namayani sa akda
F10PS-IVd-e-87
Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang) F10PB-IVd-e-88
Natutukoy ang papel na ginam-panan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:pagtunton sa mga
pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap,pagtiyak sa tagpuan, pagtukoy sa wakas F10PB-IVb-c-
87
Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa mga kaisipang namayani
sa binasang akda F10PD-IVd-e-83

Instruction:
 Balik-aral sa nakalipas na talakayan
 Panimulang Gawain ng bawat pangkat
 Pagpapayaman ng Talasalitaan
 Presentasyon ng paksang-iuulat ng pares na nakaatang upang iabahagi ang impormasyong
nakalap
 Pagpapanood nila ng video clip o ng guro kung sakaling walang naihanda ang bawat pares
 Paglilinaw at pagdaragdag ng guro ng kaalaman mula sa inulat ng pares sa harap ng klase
Gawain:
 Pagsagot sa mga tanong ng kamag-aral
 Pagsagot ng tanong ng guro
 Pagtatanong ng tagapag-ulat sa mga kaklase bilang paglilinaw kung naunawaan ang iniulat
 Maikling Pagsusulit na ibibigay ng tagapag-ulat
 Pangkatang Gawain na ibibigay ng guro: Panuto: Hatiin ang kalse sa apat na pangkat. Ibigay ang
iyong sariling pananaw at saloobin tungkol sa sumusunod na paksa. Pimili ng isang paksa ang
bawat pangkat.
 Ang pasyang suspendihin ang guro dagil sa hiling niyang ayusin ang bubong ng paaralan
 Ang pagnanais ng mga estudyanteng magtatag ng akademya ng wikang kastila
 Ang pagsama ni Placido Penitente kay Simoun sa balak nitong paghihimagsik
 Ang paghihigpit ni Simoun para pumayag si Quiroga na magtago ng mga armas
 Ang pagsasalaysay ni Imuthis ng kanyang buhay at pagkatakot ni Pari Salvi
Gabay na tanong:
 Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang maging bahagi ng solusyon sa suliraning
paglabag sa karapatang pantao? Ano-ano ang maaari mong iambag bilang estudyante ng
kasalukuyang panahon?
 Bakit ganoon na lamang ang pagnanais ng mga estudyante na magkaroon ng Akademya ng
Wikang Kastila? Ano-ano ang maidudulot nito kung sakaling maaprubahan? Mababago kaya nito
ang kalagayan nila noong panahong iyon?
 Sa kasalukuyang panahon, paano gumagawa ng hakbang mga mag-aaral upang mailunsad ang
kani-kanilang hangarin bilang estudyante?
E.Q
 Ang ikalawang bahagi ng nobela ay magbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na bumuo at
magpahaayag ng sariling saloobin.Bakit mahalagang pag-aralan ang ikalawang hati ng nobela?
Takdang-aralin:
 Basahin ang kabanata XXI-XXX ng El Filibusterismo
 Itala ang mahahalagang impormasyon nakapaloob sa akda
 Isulat ang mga malalalim na salitang nangangailangan ng kahulugan

Day 13
Topic: Video Documentation
LC: Nakapapagpalabas ng isang makabuluhang Photo/Video documentary na nagmumungkahi ng
solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

Instruction:
 Magsimula na ang bawat pangkat sa pangangalap ng impormasyon, datos at pagkuha ng video sa
mga mahahalagang nais maipakita sa dokumentaryo.
 Ang editos at director ay kailangan na ding magsimula ng kanilang gawain upang matapos at
maipasa na sa guro ang gawain.
Takdang-aralin
 Basahin ang kabanata XXI-XXX ng El Filibusterismo
 Magtala ng katanunganm na sasagutin ng mga tagapag-ulat
 Itala ang mahahalagang impormasyon nakapaloob sa akda
 Isulat ang mga malalalim na salitang nangangailangan ng kahulugan

Day 14-16
Topic: Kabanata XXI-XXX (Himagsik ng Pag-ibig at Kapangyarihan ng Pananalig)
LC: Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit sa biansang kabanata ng nobela
F10PT-IVb-c-83
Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at iba pa), gayundin ang
wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/ talata F10WG-IVb-c-79
Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata F10PU-IVb-c-86
Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa mga kaisipang namayani sa akda
F10PS-IVd-e-87
Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang) F10PB-IVd-e-88
Natutukoy ang papel na ginam-panan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:pagtunton sa mga
pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap,pagtiyak sa tagpuan, pagtukoy sa wakas F10PB-IVb-c-
87

Instruction:
 Balik-aral sa nakalipas na talakayan
 Panimulang Gawain na ibibigay ng guro:Panuto: Pakinggan ang awit na “What Matters Most” sa
https://www.youtube.com/watch?vBOGPoScj-Qs
 Pagpapayaman ng Talasalitaan
 Presentasyon ng paksang-iuulat ng pares na nakaatang upang iabahagi ang impormasyong
nakalap
 Pagpapanood nila ng video clip o ng guro kung sakaling walang naihanda ang bawat pares
 Paglilinaw at pagdaragdag ng guro ng kaalaman mula sa inulat ng pares sa harap ng klase
Gawain:
 Pagsagot sa mga tanong ng kamag-aral
 Pagsagot ng tanong ng guro
 Pagtatanong ng tagapag-ulat sa mga kaklase bilang paglilinaw kung naunawaan ang iniulat
 Maikling Pagsusulit na ibibigay ng tagapag-ulat
 Indibidwal na gawain na ibibigay ng guro: Panuto: Sundan ang bakas ni Simoun. Isulat ang mga
nawawalang kilos niya sa detective organizer. Punan ang bawat kulang na impormasyon
Gabay na tanong:
 Anong mensahe ang ipinahihiwatig ng katauhan ni Simoun sa sandaigdigan?
 Paano nakaaapekto ang karakter ni Simoun sa iba pang mga tauhan sa nobela? Magbigay ng
isang tiyak na pangyayari batay sa binsang teksto.
E.Q.
 Paano makatutulong ang pag-aaral ng nobela sa pagkakaroon ng matibay na pananalig sa
Dakilang lumikha .
Takdang-aralin:
 Dalawahang Gawain: Pagpaplano sa gagawing dokumentaryo.

Day 17-19
Topic: Kabanata XXXI-XXXIX (Himagsik ng Diwa at ang kapangyarihan ng Kaliwanagang Espiritwal)
LC: Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit sa biansang kabanata ng nobela
F10PT-IVb-c-83
Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at iba pa), gayundin ang
wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/ talata F10WG-IVb-c-79
Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata F10PU-IVb-c-86
Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa mga kaisipang namayani sa akda
F10PS-IVd-e-87
Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang) F10PB-IVd-e-88
Natutukoy ang papel na ginam-panan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:pagtunton sa mga
pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap,pagtiyak sa tagpuan, pagtukoy sa wakas F10PB-IVb-c-
87

Instruction:
 Balik-aral sa nakalipas na talakayan
 Panimulang Gawain ng bawat pangkat
 Pagpapayaman ng Talasalitaan
 Presentasyon ng paksang-iuulat ng pares na nakaatang upang iabahagi ang impormasyong
nakalap
 Pagpapanood nila ng video clip o ng guro kung sakaling walang naihanda ang bawat pares
 Paglilinaw at pagdaragdag ng guro ng kaalaman mula sa inulat ng pares sa harap ng klase
Gawain:
 Pagsagot sa mga tanong ng kamag-aral
 Pagsagot ng tanong ng guro
 Pagtatanong ng tagapag-ulat sa mga kaklase bilang paglilinaw kung naunawaan ang iniulat
 Maikling Pagsusulit na ibibigay ng tagapag-ulat
Gabay na tanong:
 Ipaliwanag ang dalawang mukha ng pagkatuto na tinalakay sa mga kabanata.
 Paano naging kasangkapan sa pananakop ng mga Espanyol ang relihiyon? Ano ang naidulot nito
sa sambayanang Pilipino?
 Bakit kaya may mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon kung ihahambing noong panahon ng
mga kastila?
 Ipaliwanag ang tunay na kahulugan ng paglilingkod. Paano ito magagawa ng bawat Pilipino?

E.Q.
 Ano ang kaugnayan ng El Fili sa pagkakaroon at pagsasabuhay ng kaliwanagang espiritwal.

Takdang-aralin:
 Indibidwal na Gawain: Gumawa ng repleksiyon Patungkol sa lahat ng natutunan sa El
Filibusterismo. Ibahagi lahat ng karanasan sa pagbuo ng video documentary at ang kahalagahan
ng pag-aaral sa Obrang din a mabubura sa kasaysayan nating mga Pilipino.
 Isulat sa isang malinis na papel ang gagawing repleksiyon
 Ibabahagi ito sa harap ng klase. Kasabay ng pagtatapos ng talakayan at ng markahan sa taong
pampaaralan 2017-2018

Day 20-25
Topic: Video Documentary Patungkol sa Isyung Panlipunan (GRASPS)
LC: Nakapapagpalabas ng isang makabuluhang Photo/Video documentary na nagmumungkahi ng
solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

Instruction:
 (GRASPS): Mahalagang mabatid ang kultura ng ibang bansa nang sa gayon ay maihambing natin
ito sa mga nakasanayan na natin. Hindi kaila na nahaluan na tayo ng iba’t ibang kulturang dinala
rito ng mga dayuhan o hiniram natin mula sa kanilang bansa na siyang tumutugon sa sinasabing
ang panitikan ang salamin ng buhay maging ang kultura’t kaugalian ng bawat isang mamamayan
na kabilang sa isang partikular na bansa,subalit sa paglipas ng panahon unti-unti na itong
nawawala o nabubura sa isipan at sa pagkatao ng bawat isa. Ikaw sampu ng iyong pangkat bilang
dokumentarista/tagapag-ulat ay inatasang bumuo ng isang napapanahong video documentary na
pumapaksa sa isyung panlipunan. Nais na Makita iyong nakatataas na pinuno kung ano-ano ang
mga pangunahing paksa sa isyu patungkol sa hakbang ng pamahalaan tungo sa pagtulong sa iba’t
ibang sektor ng ekonomiya at kung paano ito bibigyan ng solusyon. Ito’y ipalalabas sa isang tiyak
na programa at mamarkahan sa pamamagitan ng rubric. Ang pamantayan ng pagmamarka na
dapat mong isaalang-alang ay ang mga sumusunod: kahalagahan at napapanahon ang paksa o
isyu, Linaw ng mga impormasyon at batay sa katotohanan at pananaliksik, Sapat ng footage at/ o
larawan sa pagpapatunay ng isyu,malinaw at lohikal ang presentasyon at paglalahad ng
dokumentaryo, pagpukaw ng interes sa manonood na tumugon at gumawa ng pagwawastong
panlipunan.

Day 26-27
 Pangyunit na Pagsusulit

IV.RESOURCES/MATERIALS/REFERENCES

PRINT:
 Baybayin (Paglalayag sa Wika at Panitikan) nina Remedios Infantado, Crizel Sicat, Maria Wevenia
Ricohermoso, Moreal Camba at Ramilito Correa
AUDIO-VISUAL:
 Powerpoint Presentation
 Video Clip presentation
INTERNET:
 Kambas ng Lipunan ni Joey Velasco – https://www.youtube.com/watch?v=oZ9ocK4gdNs
 Sa Ngalan ng Tubo - https://www.youtube.com/watch?v=2JHvudP6DhU&spfreload=10
 Ulilang Lubos - https://www.youtube.com/watch?v=vXLLm03bVDs&spfreload=10
 Hakbang sa Pagbuo ng Dokumentaryo – http://www.wikihow.com/Create-a-Good-Documentary-
Film)
 Ang Huling Mambabatok ni Kara David - https://www.youtube.com/watch?
v=jfe2dvVW6qk&spfreload=10
 Pagtatala ng Mahahalagang Impormasyon – http://edutechwiki.unige.ch/en/Note_taking
 Buhay ng Isang Bayani - https://www.youtube.com/watch?v=3YinuF_Qggs
 Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo – http://prezi.com/thqfwoua2jcz/kaligirang-
pangkasaysayan -ng-noli-at-el-fili/
 Kasaysayan ng El Filibusterismo - https://www.youtube.com/watch?v=Q2_3dXkKT6w
 Elemento at Uri ng Nobela - https://www.youtube.com/watch?v=R4Gb3zWz6R4
 Kasaysayan ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere - https://www.youtube.com/watch?v=E3-
A06LFdBY&spfreload=10
 What Matters Most - https://www.youtube.com/watch?vBOGPoScj-Qs

Binago ni :

BB. WENDY M. TABABA


Guro sa Filipino

Inihanda ni :

G.JOMAR CARDENAS
Guro ng Filipino

Itinama ni:

G.LESTER A. CAOILE
Language Teacher
Sinuri ni:

GNG. JENELYN Z. DIONISIO


Coordinator ng JuniorHigh School

Pagrekomenda ng Pag-apruba sa pamamagitan ng:

GNG. RACHELLE P. MUSNGI


Principal, Basic Education Department

Inaprobahan ni:

DR. CORAZON QUINTANA


Executive Vice-President

You might also like