You are on page 1of 18

Ang Pagtuturo at Pagkatuto ng wika

 1. Ano ang wika? 

           Maraming depinisyon ang maikakapit sa wika. Bibigyang kahulugan natin


ito bilang sining ng komunikasyon. Sa malawak na pagtanaw rito, ang wika ay
hindi lamang nakatuon sa anyo nitong pasalita o pasulat. Ayon kina Sampson et
al. (1995:4) ang wika ay isang obra maestra ni Picasso, isang komposisyon ni
Beethoven, o di kaya'y ang kahanga-hangang pagtatanghal ng mga dyimnast sa
Olimpyada. Totoong ang wika  ay  "makikita" sa mga produktong pagsulat ng
mga mag-aaral o maririnig sa kanilang pagsasalita, ngunit higit pa rito ang
nasasaklawan ng wika.

       Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang mag-aaral na may sapat na


kabatiran sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging
matatas sa paglalahad ng kanyang mga ideya o kaisipan tungkol sa kapaligirag ito.
Kaya sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang na ihantad ang mga mag-aaral sa
iba't ibang makatotohanang gawain upang "iparanas"sa kanila ang tunay na gamit
ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat at mga magasin,
palikhain ng tula na malalapatan ng himig, pasulatin ng isang maikling dula ,
paguhitin ng magagadang tanawin, pasalihin sa mga interaktibong talakayan -
lahat ng mga karanasang ito'y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon
ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.

2. Ang mga batang mag-aaral at ang pagtuturo ng wika

       Sa mga talakayan sa larangan ng pagtuturo ng wika, maging Filipino o Ingles


man, palagi ng nakasentro ang usapan sa mga guro ng wika at kung paano sila
nagtuturo. Mayroon nga ang banggit tungkol sa mga mag-aaral, subalit mga
palipad hangin lamang. Sa katunayan, mas mahalagang isipin muna natin ang
tungkol sa mga batang ating tinuturuan:

1. Sino Sila?
2. Saan sila galing?
3. Ano ang alam nila?
4. Anu-anong mga motibasyon nila sa pag-aaral ng wika?
5. Ano ang palagay nila sa wikang Filipino?
6. Paano sila natuto ng wika?

       Samakatuwid, ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino sa


ating mga paaralan ay ang pag-unawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga bata
sa paaralan, pati na ang pagkakaroon ng kaalaman at lubusang pang-unawa kung
paano natutuhan ang wika , una o pangalawang wika man, at ang mga proseso sa
pagkatuto nito.
      Napaniwala tayo ng popular na kaalaman na mas madaling matuto ng
pangalawang wika ang mga bata kaysa may edad nang mag-aaral. Sa mga
ganitong paniniwala, nararapat lamang ang ilang kwalipikasyon.

       Una. hindi totoong mas madaling matutuo ng pangalawang wika ang


mga bata. May mga patunay na marami rin silang mga pagsisikap at ginagawa
upang matutuhan ang kanilang una at pangalwang wika (Brown, 1994). Ang
kaibhan sa pagkatuto ng wika sa pagitan ng mga bata at may edad na mag-aaral ay
nakabatay sa likas at natural na paraan ng pagsasalita ng mga bata at kalimitang
hindi nila binibigyang pansin ang anyo ng wikang sasabihin. Samantalang sa
isang may edad na nag-aaral ng wika, tahasang binibigyan niya ng pokus ang
salitang bibigkasin at pinag-iisipang mabuti ang anyo ng wikang kanyang
sasalitain.

       Ikalawa, may mga pag-aaral na nagsasabi na ang may edad ay may higit
na kakayahan sa pagtatamo ng pangalawang wika. Magagawa nilang
makapagsaulo ng higit na maraming talasalitaan kaysa mga bata. Maaari silang
gumamit ng mga prosesong deduktibo at abstraksyon sa pag-aaral ng balarila at
iba pang konseptong panlinggwistika kaya sa kabila ng otomatikong
pagpoprosesong ginagamit ng mga bata sa pagtatamo ng wika, maaaring
magkaroon sila ng problema sa pag-aaral ng pangalawang wika.

       Ikatlo, hindi maliwanag ang hangganan ng edad ng mga batang bago pa


lamang nag-aaral magsalita sa mga batang pre-pubescent. Lumilitaw sa
maraming pagkakataon  na may mga batang totoong hirap sa pagtamo ng
pangalawang wika  sa maraming kadahilanan. Pangunahin sa mga kadahilanan ay
may kinalaman sa mga salik na personal, sosyal, kultural, at politikal.

       Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi basta nagaganap sa pamamagitan


ng pagbibigay ng maraming karanasang pangwika sa loob ng klasrum. Kailangan
ng guro ng tanging kasanayan at intwisyon na kaiba kung may edad na mga mag-
aaral ang tuturuan niya.

       Inilahad sa ibaba ang limang kategorya na may kinalaman sa paglaki at pag-


unlad ng mga mag-aaral na maaaring makatulong sa guro sa pagpili ng mga
praktikal na teknik at istratehiya sa pagtuturo ng wika.

1. Intelektwal na Pag-unlad-  Dahil sa ang mga bata (humigit kumulang hanggang edad


labinsiyam) sa ganitong edad ay  nasa yugto pa rin ng tinatawagg ni Piaget na conrete
operations, dapat lamang na isaalang-alang ang kanilang mga limitasyon. Ang mga
tuntunin at mga paliwanag tungkol sa wika ay kailangang gamitin nang may ibayong pag-
iingat. Hindi masyadong pinahahalagahan ng mga bata sa ganitong yugto ng paglaki ang
nosyon ng mga edad ng "kawastuhan " at lalong higit na hindi nila mauunawaan ang
mga pagpapaliwanag ng tungkol sa mga konseptong panlinggwistika. Ilang mga tuntunin
para sa mabisang pagkaklase:

> Iwasan ang paggamit ng mga teknikal na salita sa pagpapaliwanag ng isang kaalamang
pambalarila. (e.g ponolohiya, morpema, at iba pa).

> Iwasan ang pagbibigay ng mga tuntunin na makalilito sa mga nag-aaral.


2. Tagal ng Pagkawili (Attention Span) - Isang kapansin-pansing kaibahan ng mga may
edad sa mga bata ay ang tagal ng panahon ng kanilang pagkawili.. Mahalagang
maunawaan ng guro ang kahulugan ng tagal ng panahan ng pagkawili: Paupuin mo ang
mga bata sa harapan ng TV na ang palabas ay ang paborito nilang cartoons at asahan
walang tatayo ni isa man sa kanila hanggang hindi natatapos ang palabas. Kaya't hindi ka
maaaring magbigay ng isang paglalahat na maikli lamang ang tagal ng panahon ng
pagkawili ng mga bata. Mangyayari lamang ang maikling panahon ng pagkawili kung ang
pagkaklase ay nakasasawa at walang kabuhay-buhay. Dahil mahirap minsan ang paksang
pinag-aaralan sa wika. Tungkulin mong gawin itong kawili-wili, buhay, at masaya. Paano
mo ito gagawin?

> Mag-isip ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa mga bata

>Maglahad ng mga makabago at iba't ibang gawain.

>Gawing buhay ang pagkaklase at huwag mabahala na mag-oober-acting dahil kailangan


ito ng mga bata para sila'y maging gising at listo.

>Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili ng kanilang
kawilihan.

>Isaalang-alang ang pagiging palatanong o kuryusidad ng mga bata upang mapanitili ang
kanilang kawilihan.
3. Pakilusin ang iba't ibang Padamdam (Sensory Input) 

> Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role play at mga laro

> Gumamit ng iba't ibang kagamitang panturo na makatutulong sa pagpapatibay ng mga


kaisipang natamo.

> Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal language


4. Mga salik na Apektib (Affective Factors)

> Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa sila ng pagkakamali


sa pagsasalita, pagbabasa, at pagsulat habang nag-aaral ng isang wika.

> Maging mapagpaumanhin at ibigay lahat ng suporta upang magkaroon ng tiwala sa


sarili ang bawat mag-aaral, ngunit maging matiyak sa mga inaasahang matatamo ng
iyong mag-aaral.

> Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga mag-aaral lalo't higit
iyong mga tahimik sa klase upang mabigyan sila ng maraming pagkakataon na subukin
ang iba't ibang gawain sa pag-aaral ng wika.
5. Awtentiko, Makabuluhang Wika

> Iwasan ang pag gamit ng mga salitang hindi awtentiko at di makahulugan. Magaling
ang mga bata sa paghalata ng wikang di awtentiko; dahil dito, iwasan hangga't maaari
ang mga de kahon o di natural na paggamit ng wika.

> Ang mga pangangailangang pangwika ng mga mag-aaral ay kailangang nakapaloob sa


isang konteksto.  Gumamit ng mga kwento, sitwasyon, mga tauhan, at mga usapang
pamilyar sa karanasan ng mga mag-aaral upang mapanaili ang kanilang atensyon at
mapatatag ang kanilang retensyon.

> Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliliit nitong mga sangkap mga sangkap dahil
mahihirapan ang mga batang makita ang kabuuan nito. Bigyang-diin  din ang pag-
uugnayan ng mga kasanayan sa pakikinig , pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.

       Hindi biro ang maging epektibong guro ng wika. Inaasahang sa pagdaraan ng


mga araw, makatutulong sa mga guro kahit bahagya ang mga inilahad na
patnubay lalo't higit sa mga baguhang guro sa paaralan.

Ang Mga May Edad na Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika

       Bagama't maraming tuntunin sa pagtuturo ng mga bata na maaaring ilapat


kung may edad na mag-aaral ang tuturuan, dapat pa ring alalahanin na maraming
pagkakaiba ang dalawang pangkat na ito ng mag-aaral na kailangang alam ng
isang guro . Mas higit ang kakayahang kognitibo  ng mga may edad  kaysa mga
batang mag-aaral kaya't maaaring mas magiging matagumpay sila sa ilang mga
gawaing pangwika sa loob ng klasrum. Mapapagalaw nila nang mabisa ang
kanilang mga pandamdam ("imahinasyon" sa pagsamyo ng bulaklak vs. totoong
pag-amoy ng bulaklak) na hindi pa kaya ng mga bata. Maaaring  pareho ang antas
ng kanilang pagiging mahiyain pero higit na may tiwala sa sarili ang mga may
edad na mag-aaral. Kung may limang salik na isinasaalang-alang  sa pagtuturo ng
wika sa mga bata, mayroon ding mga mungkahing dapat isaalang-alang kung may
edad na mag-aaral ang tuturuan.

1. May  kakayahan na ang mga may edad sa pag-unawa ng mga konsepto at mga tuntuning
mahirap unawain pero kailangan pa rin ang pag-iingat. Maaaring kainisan ng mga ito 
ang masyadong mahirap at masyadong madali na paglalahat at tuluyan silang mawalan
ng interes sa pag-aaral
2. Maaaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang mga gawaing maikli at
ayon sa kanilang interes  ay hindi dapat kaligtaan.
3. Hangga't maaari'y gisingin ang lahat nilang mga pandamdam upang ang klase'y maging
masigla at laging buhay.
4. May taglay rin silang kaunting tiwala sa sarili kaya't hindi masyadong kritikal ang
kanilang pagiging maramdamin. Subalit hindi dapat iwaksi ang mga salik emosyunal  na
kaugnay ng kanilang pag-aaral ng wika.

Implikasyon sa Pagtuturo ng Pag-alam ng Pagkakaiba ng mga Bata at mga


May-Edad na Mag-aaral ng Wika

1. Igalang ang mga damdaming emosyunal ng mga mag-aaral lalo na iyong medyo mahina
sa pagkatuto.
2. Huwag ituring na parang bata ang mga may edad na mag-aaral
       2.1 Huwag silang tawagin na "mga bata"
       2.2 Iwasan ang pagkausap sa kanila na parang bata.
3. Bigyan sila ng maraming pagkakataon para makapamili at makapagbigay ng sariling
desisyon hinggil sa kung ano ang maaari nilang gawin sa loob at labas ng klasrum.
4. Huwag disiplinahin ang mga may edad na parang mga bata. Kung may lumabas sa
suliraning pandisiplina (di-paggalang, pagtawa, pag-aabala, sa klase at, iba pa), laging
ipalagay na may edad ang iyong tinuturuan at may kakayahan silang umunawa at
magpaliwanag sa bawat kilos at galaw na ipinapakita nila sa loob at labas ng klasrum.

3. Ang Mga Tinedyer At Ang Pagtuturo ng Wika

      Mahalaga ring isaalang-alang sa alinmang pagtuturo ang pangkat ng mga


mag-aaral na nagbibinata o nagdadalaga na. Mga tinedyer o "bagets" na may edad
mula 12-19 ang tawag sa pangkat na ito ng mga mag-aaral sa sekundarya.

       "Sakit ng ulo" ang tawag ng ilang guro sa mga mag-aaral na nasa ganitong
edad. Ito ang yugto ng paglaki na sila'y lito, kimi, at kakikitaan ng maraming
pagbabago sa kanilang anyong pisikal at intelektwal. Ito ang edad tungo sa
pagbibinata at pagdadalaga. Samakatuwid, kailangan ang isang tanging set ng
mga konsiderasyon kung ang ganitong pangkat ng mag-aaral ang iyong tuturuan.
Bagama't kakaunti kung mayroon man tayong mababasa tungkol sa pagtuturo ng
mga mag-aaral sa ganitong edad, makabubuti siguro kung pagtutuunan natin ng
pansin ang ilang paalala:

1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitong edad na gamitin ang mga proseso sa
abstraktong pag-iisip kaya't maaari na silang ilayo nang unti-unti mula sa kongkretong
paglalahad ng mga gawain tungo sa supostikadong pagpoproseso ng mga kaisipan
subalit mahalaga pa ring isaisip na ang pagtatagumpay sa anumang gawaing intelektwal
ay nakasalalay sa antas ng kawillihan o atensyong ibinibigay rito; kaya nga kung ang
isang mag-aaral ay maraming pinagkakaabalahan tulad ng barkada, pagpapaganda sa
sarili, disco, parti, at iba pa, maaaring ang gawaing pangklase at mga bagay hinggil sa
kanilang pag-aaral ay maaaring maisantabi.
2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span) ay tumatagal na rin bunga ng
kahustuhan ng kanilang pag-iisip suballit maaari itong maging panandalian din dahil sa
maraming pabagu-bagong nagaganap sa pag-iisip at buhay ng isang tinedyer.
3. Maglaan din ng iba't ibang input na pandamdam (sensory input) sa mga pagkakataong
kailangan ito ng mag-aaral.
4. Tandaan palagi na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki ay nasa karurukan ng
kanilang pagpapahalaga sa sarili. Masyado silang sensitibo sa kanilang mga naririnig na
puna lalo't higit tungkol sa kanilang pagbabagong pisikal, mga emosyon, at kanilang
kakayahang pangkaisipan. Isa sa mga mahalagang tungkulin ng guro sa paaralang
sekundarya ang mapanatiling mataas ang pagpapahalagang pansarili ng kanyang mga
tinuturuan sa pamamagitan ng mga sumusunod:

> Pag iwas na ipahiya sila sa klase;

> Pagpapahalaga sa kanilang iwi at pansariling talino at kalikasan;

>Pagiging maluwag sa mga pagkakamaling nagagawa sa  pagkaklase;

> Pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaaring mauwi sa di-pagkakaunawaan;


at

> Paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung saan maaari silang
makipagsapalaran sa  paglahok na hindi totoong magiging kahiya-hiya kung magkamali
man sila  sa pagsagot.
5. Hangga't maaari ay maging maingat sa pagbibigayng puna at mahihirap na gawain lalo
na roon sa may kahinaan sa pag-aaral. Isang malaking dagok sa kanilang katauhan kung
sila'y maiinsulto lalo na'tsa harap ng klase.

4. Paano natututuhan ang Wika?

 Prescriptive Grammar

       Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga


pag-aaral-wika. Maging ang mga mambabalarilang Ingles ay totoong nanalig din
dito. Di nila binigyang pansin ang mga sintaktikong kaibahan sa pagitan ng
wikang Ingles at Latin at pilit na inilipat ang deskripsyong Latin sa Ingles.
Karagdagan pa, sa lubos na pangongopya mula sa balarilang Latin, nilimitahan
nila ang kanilang sarili sa paggamit ng klasikong balarila sa pag-aatas kung paano
dapat ginagamit ang wika. Hindi sila nagsikap na ilarawan ang kalikasan ng
wika o kung paano ito ginagamit sa aktwal na pakikipagtalastasan
(Kitzhaber et al., 1970).

           Halos ganito rin ang nangyari sa unang balarila ng wikang Filipino. Noong
unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang bayan, nakaangkla ito sa balarila
ng wikang Ingles. Sa kayarian at istruktura ng Ingles ibinatay ang anumang
pagpapaliwanag hinggil sa wikang Filipino. Kaya ang paniniwala noong una,
kung ano ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay ganoon din sa Filipino.

          Ang mga pananalig at mga paniniwalang binanggit hinggil sa pagkatuto ng


wika ay naglundo sa metodong grammar-translation sa pagtuturo ng wika. Sa
metodong ito, ang mga mag-aaral ay nagmememorya ng mahabang talaan ng mga
talasalitaan, mga anyo ng pandiwa at mga pangngalan. Pangunahing gawain sa
klase ang pagsasalin ng mga nakasulat na teksto. Hindi inaasahang nasasalita
ng guro ang wikang itinuturo. Ang mahalaga ay may malawak siyang
kaalaman sa sa mga tuntuning pambalarila.

         Ang terminong prescriptive grammar ay tumutukoy sa mga set ng gawi o


panuntunan  hinggil sa tama at hindi tamang paggamit ng wika. Nagsisilbi itong
gabay sa kung paano ang nararapat na baybay, bantas at marami pang iba.
Alinsunod nito ay ang ipinalabas ng KWF na “Binagong Gabay sa Ortograpiya ng
Wikang Filipino” na naglalatag ng mga alituntunin hinggil sa tamang gamit ng e
at i, r at d, ng at nang, gitling at marami pang iba.

 Descriptive Linguistics

       Noong mga siglo labingwalo at labingsiyam, nagsimulang pagtuunan ng pansin ng


mga isklar ang pagkakatulad na masasalamin sa matandang wika. Sa kanilang pag-aaral
ng mga nakasulat na dokumento ng mga unang wika, nagawa nilang matunton ang
pinagmulan ng mga tunog at salita at naroon na rin ang pagtatangkang maipakita ang
partikular na mga pagbabagong pinagdaanan ng mga wika saloob ng mahabang
panahon at ang ugnayang pangkasaysayanng mga wikang ito. Sinuri ng mga naunang
lingwist ang mga yunit ng tunog ng isang wika, kung paano nabuo ang mga ito, at
nailarawan din nila ang istruktura ng mga pangungusap. Nakabuo sila ng isang metodo
sa pagtukoy ng mga tunog ng wika, ng pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang
bumubuo ng isang salita, at ng pagsusuri ng mga anyo ng pangungusap.

       Sumibol ng panahong ito ang pagbabalangkas o dayagraming bilang gamiting


paraang pedagohikal sa paglalarawan ng wika. Ang pagsusuri ng mga pangungusap ay
nagsisimulasa paghahati ng mga pangungusap sa dalawang bahagi at bawatisa nito ay
hahatiin pang muli hanggang sa masuri ang maliliit na komponent na bumubuo sa
pangungusap. Ang ganitong sistema sa pag -aaral ng wika ay pinaniniwalaang mailalapat
din sa pag-aaral ng pangalawang wika. Bukod pa rito, marami rin ang umaayon na ang
ganap na pag-unawa sa mga ponetikong komponent ng unang wika ay makatutulong sa
paghahambing ng palatunugan ng una at ng target na wikang pinag-aaralan. Isang
mahalagang tungkulin ng guro ng wika noon ang kaalaman sa istruktura ng una at
ikalawang wika upang maipaliwanag ang target na wika (W2) sa tulong ng kaalaman sa
kayarian ng unang wika .

 Teoryang Behaviorist

       Bagama't hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang naging


umpluwensiya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika.

       Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak na may


kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi  ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng
mga bata ay mapayayaman at mapauunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay
rito. Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist,  na kailangan
"alagaan" ang pag-unlad na intelekwal sa pamamgitan ng pagganyak at pagbibigay-siglat
at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. Ayon sa mga behaviorist, ang
pagkatuto ng wika ay bunga ng pangagaya, paulit-ulit napagsasanay hanggang sa
mamaster ang tamang anyo nito, at positibong pidbak.

       May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang gawain
kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng pagkaanak
pa lamang ay maaaring hubugin na ng mga magulang ang kanilang anak para maging
isang doktor o isang abugado. Unti-unting ihahanda ang bata sa mga bagay at gawaing
kaugnay nito at palagi nang may angkop na pagpapatibay. Ang mga gurong umaayon na
sa paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring: "Magaling."
"Tama ang sagot mo".  "Kahanga-hanga ka." "Sige ipagpatuloy mo."

       Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbigay sa mga guro ng set ng mga


simulain at mga pamaraang madalign isagawa sa pagtuturo. Ang Audio Lingual
Method  (ALM) nanaing popular nooong mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang
behaviorism. Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay inilahad sa ibaba:

       > Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;


       > Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;   
       > Paggamit lamang ng target na wika;
       >Kagyat na gantimapal/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
       > Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at
       > Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro
 Teoryang Innativist

       Ang teoryang innatism  sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata ay


ipinanganak na may "likas na talino" sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky
(1975) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang
habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na
ito ang nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis ng sosyo-kultural
nakapaligiran kung saan ito nabubuo. Ito'y mabibigyang-kahulugan lamang kapag may
interaksyong nagaganap sa kapaligiran.

       Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed  para sa
pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano malilinang
ang iba pang tungkuling bayolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang
gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng tamang  nutrisyon
bukod pa sa malaya siyang nakakikilos at nakagagalaw. Hindi na siya dapat pang turuan
sa paglalakad. Lahat ng bata ay nag-uumpisang maglakad sa halos na magkakatulad na
edad at ang gawaing ito ay nararamdaman ng mga batang normal ang paglaki at pag-
edad. Para kay Chomsky, ganitong-ganito rin ang pagtatamo ng wika.
  
       Inilahad pa rin ni Chomsky na ang isipan ng mga bata ay hindi blangkong papel na
kailangan lamang punan sa pamamagitan ng panggagaya ng wika na kanilang naririnig sa
paligid. Sa halip, inihayag niya na ang mga bata ay may espesyal na abilidad a tuklasin sa
kanilang sarili ang nakapaloob na mga tuntunin sa isang sistema ng wika.

       Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition


Device  (LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang-isip na
"black box" na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Tinatayang naglalaman ang
"black box" ng lahat at tanging iyon lamang mga simulaing panlahat na taglay ng mga
wika ng lahat ng tao, at ito ang humahadlang sa isang bata na lumihis sa tamang daan sa
kanyang pagtuklas ng mga tuntunin ng wika. Upang gumana ang LAD, kailangan lamang
ng bata na may pagkakataon siyang mahantad sa mga halimbawa ng wikang kanyang
sasalitain o pag-aaralan.

       Ang mga halimbawang ito ang mga nagbibigay-daan upang gumana ang aparato. Sa
oras na gumana na ito, magagawa na ng batang tuklasing sa kanyang sarili ang istruktura
ng wikang pag-aaraaaaalan sa pamamagitan ng paglalapat ng kanyang taglay na
kabatiran sa batayang gramatika ng isang partikular na wika sa kanyang kapaligiran.

       Sa kasalukuyan, inilaglag ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang terminong


LAD;  sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na
taglay ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White, 1989).

 Teoryang Cognitive

       Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong


dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging  nangangailangang mag-isip at
gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang
pumapailalim na tuntunin, at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na
pangungusap. Habang isinasagawa ang prosesong ito, malimit na nagkakamali sa
pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mga mag-aaral ng wika o di kaya nama'y
nailalapat nang mali ang mga ito. Dahil dito, malimit na nagaganap ang mga kamalian sa
paggamit ng wika. Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang palatandaan ng
pagkatuto at eksperimenatyson at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto. Tinatanaw
ng mga cognitivist  ang pagkakamali bilang isang integral na bahaging pagkatuto

       Nakatuon sa mga mag-aaral ang mga pangklaseng  batay sa teoryang cognitive  .


Nakapukos ito sa patuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at
pabuod. Sa dulog na pabuod , ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng
ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang makatuklas sila ng isang
paglalahat. Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung
ang dulog na pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o
pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahad ng
tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga hallimbawa. Ang teoryang cognitive ay palaging
nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay isang aktibong prosesong pangkaisipan. Sa
ganitong pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng mga bagong impormasyon kung
saan ang mga impormasyong ito'y maiugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na
istrukturang pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman. Sa pagkatuto ng wika,
kailangang himukin ng guro ang mag-aaral na mag-isip nang may kamalayan at pag-
usapan ang wika upang mapag-ibayo ang kanilang kakayahan sa paggamit nito.

       Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming aspekto.


Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak na may
likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (Page at Pinnel, 1979). Ang tanging
pagkakaiba ng dalawang teoryang ito'y may kinalaman sa implikasyon sa pagtuturo.
Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang mga bata sa
pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng mga
cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa
pagkatuto ng wika

       Bilang isang guro, kailangang may sarili kang paniniwala tungkol sa kalikasan ng mga
bata at kung paano sila natututo . Mahalaga ang kabatiran sa mga teorya dahil ang mga
ito ang magsasabi ng mga tamang gawain sa pagtuturo. Ang paglilinaw ng iyogn
posisyon hinggil sa mga teoryang ito'y hindi ang isa-isang pagbabanggit ng ngalan ng
teorya o pagsaulo ng mga paliwanag hinggil dito. Ang mahalaga ay ang sarili mong
paniniwala hinggil sa kung paano  natuto at kung nakapagtatamo ng wika ang mga bata.

 Teoryang Makatao

       Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik


na pandamdamin at emosyunal. Ito'y nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay
mangyayari lamang kung angkop ang kapaligiran, may kawiliha ang mga mag-aaral at
may positibong saloobin sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon. Kung ang mga
kondisyong ito'y hindi matutugunan, ang anumang paraan o kagamitang panturo ay
maaaring hindi magbunga ng pagkatuto.

       Kaya nga, sa larangan ng pag-aaral ng wika, kailangang may magandang saloobin ang
mga mag-aaal sa wikang pinag-aaralan, sa mga gumagamit ng wika at sa mga guro ng
wika. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa
klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang
pakiramdam ng bawat mag-aaral at malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong
wikang natutuhan. Kailangan ding linangin ng guro ang pagpapahalaga sa sarili ng mga
mag-aaral.

       Pangunahing binibigyang-pansin ng teoryang makatao ang mga mag-aaral sa


anumang proseso ng pagkatuto. Palaging isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mag-
aaral sa pagpili ng nilalaman, kagamitang panturo at mga gawain sa pagkatuto.

       Ilan sa mga metodo ng pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong


tradisyon ay ang sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent
Way  ni Gattegno at ang Suggestopedia ni Lazonov. 

5. Pagkatuto vs Akwisisyon ng Wika


            Nagbigay si Krashen (1981) ng magandang paliwanag hinggil sa
pagkakaiba ng pagkatuto at akwisisyon ng wika. Ang pagkatuto ay isang
binalak na proseso kung saan pinag-aaralan ang wika sa isang organisadong
paraan at may sinusunod na isang tiyak na programa o silabus. Ang ganitong
pagkatuto ay humahantong sa pag-alam ng mga tuntunin sa paggamit ng wika at
pagsasalita nito ayon sa kung paano ito inilahad sa isang sistematiko at pormal na
paraan.

            Sa kabilang dako, ang akwisisyon ay nagaganap nang hindi namamalayan


at katulad ito halos kung paano natutuhan ang ating unang wika. Ito ay nagaganap
sa isang sitwayon na ang mag-aaral ay nahaharap sa maraming pagkakataon na
natural na ginagamit ang wika. “Pinupulot” ng mag-aaral ang wikang kanyang
naririnig na sa palagay niya’y kailangan sa pakikipag-usap sa mga tao sa kanyang
paligid.

            Mahalaga ang mga kaalamang ito sa pagtuturo ng wika lalo’t higit kung
pangalawang wika ang ituturo dahil sumusuporta at nagbubuo ang dalawang ito sa
isa’t isa.

            Kung sisilipin natin ang nangyayari sa loob ng klasrum at sa loob ng


tahanan hinggil sa pagkatuto ng wika, makikita natin ang ganitong tanawin. Sa
loob ng klasrum, ipinalalagay na kailangang ituro sa mga bata ang mga tuntunin
para matutuhan ang wika. Sa halip na ihantad ang bata sa mayamang kaligiran ng
wikang sinasalita, ang input ay may hangganan at inihahanay nang may kontrol
ayon sa paniniwala ng humuhubog ng kurikulum. Ang pag-aaral ay nagsimula sa
paglalahad ng mga titik at tunog patungo sa pagbuo ng salita. Ang pokus ng pag-
aaral ay ang wika sa halip ng mga makabuluhang gawain o konteksto na
kinapapalooban nito. Sa pagsagot ng mga bata, isa ng mahigpit na batas na ang
sagot ay sa kompletong pangungusap.

            Sa loob ng tahanan, malaya ang bata sa kanyang pagkatuto. Walang mga
tuntunin na kailangan sundin. Walang kontrol ang dami ng wikang naririnig.
Hindi ang pagkatuto ng magkahiwalay na tunog at salita ang kanilang natutuhan
kundi mga natural na wika na kanilang naririnig at ginagamit araw-araw. Positibo
palagi ang pidbak at walang nagsasabi sa kanila na “ulitin mo nga sa kompletong
pangungusap.” Ayon kay Krashen, ang ganitong kaligiran sa pag-aaral ng wika ay
may “low affective filter” kaya ang pagkatuto ay madali at mablis.

            Ano ang implikasyon ng mga senaryong inilahad sa pagtuturo ng wika? Sa


epektibong pagtuturo ng wika, hindi sapat ang pag-alam lamang sa iba’t ibang
pamaraan sa pagtuturo. Dapat ay may sapat na pagkaunawa ang guro sa mga
teoryang linggwistika at sikolohiya na pinagbabatayan ng mga pamaraan sa
pagtuturo.

6. Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika 


            Ang matagumpay na pagkatuto ng Wika

Pagnilayan

       Naggigitgitan ang mga magulang, nagsisiksikan, nagtutulakan, at kung


minsan ay nagkakapikunan mapabilang lang ang kanilang pitong taong gulang na
anak sa kalse sa unang baitang ni Mrs. Quirit. Nangyayari ang ganito dahil
maraming magaganda at kapana-panabik na sandali sa kanyang pagkaklase. Alam
din ng mga magulang na kung ang kanilang anak ay mapapailalim sa pagtuturo ni
Mrs. Quirit,  magtataglay ito ng mga pangunahing kaalaman at kasanayan na
mahalaga sa pagtuklas ng mas lalong malawak na karunungan. Batid din ng mga
magulang na ang mga tinuturuan ni Mrs. Quirit ay mahihilig sa pagbabasa ng
libro at masisipag sa pag-aaral.

       Masasalamin sa katauhan ni Mrs. Quirit ang likas niyang pagmamahal sa mga


bata, ang masaya niyang pagtuturo at pagkamahiligin sa pagbabasa. Kung
makapapasok ka sa loob ng kanyang klasrum, makikita mong masasayang 
gumagawa ang mga bata. May mga batang nasa isang sulok ng klasrum na
tahimik na nagbabasa. Ang ilan ay abala sa pagpili ng mga aklat na kanilang
babasahin, samantalang may mga batang tahimik na nagsusulat sa kani-kanilang
desk. May mga bata ring gumagawa na kasama si Mrs. Quirit.  Sa isa pang sulok
ng klasrum ay makikita ang tatlong batang sumusulat ng isang kwento na kanilang
ibabahagi sa klase. At sa isa pang bahagi ng klasrum ay may mga bata namang
gumagawa ng puppet na kanilang gagamitin sa isang palabas sa klase.

       Magandang pagmasdan ang nagaganap sa klasrum ni Mrs. Quirit. Ang mga


bata ay malayang nakagagawa ng mga gawain na di alintana ang pagkakamali.
Hindi rin sila natatakot na sumubok ng mga gawaing bago sa kanilang pananaw.
Subalit hindi dapat isipin na ang ganitong kaligiran ay basta na lamang
nagaganap. Si Mrs. Quirit ay isang master titser. Kilala niya ang kanyang mga
mag-aaral at iginagalang niya ang kanilang pagkakaiba-iba. Ginagamit din niya
ang kanyang napag-aralan sa paglaki at pag-unlad ng mga bata at isinasaalang-
alang ang mga teorya sa pagkatuto upang makalinang ng isang kaligiran na
komportable ang mga bata at naroon ang sigasig sa pagtuklas ng karunungan.

       Isinasaalang-alang din ni Mrs. Quirit ang dignidad ng bawat bata at naroon


palagi ang respeto sa kanyang mga tinuturuan. May sapat din siyang kamalayan sa
mga mag-aaral hinggil sa kaibahan ng lalaki sa babae at tinitiyak niyang
magkapantay ang mga hamon at mga pagganyak na inilalaan sa mga ito. Hindi rin
makakaligtas sa kanya ang mga batang mapanukso o iyong mga nang-aapi ng
kapwa. Humihingi siya ng tulong sa mga magulang kung kailangan at palagi
niyang iniuulat sa kanila ang progreso sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

       Kataka-taka bang isipin kung maraming mga magulang ang nangangarap na


magkaroon sana ng clone si Mrs. Quirit para lahat ng batang papasok sa unang
baitang ay  magkaroon ng kawili-wiling karanasan sa pagkatuto?

       Siguro ikaw nangangarap ka ring maging Mrs. Quirit sa darating na araw.


Kaya mo iyan! Lamang,  bukod sa likas mong hilig sa pagtuturo lagi mong
isasaisip ang mga mahahalagang bagay upang mapagtagumpayan ng mga bata ang
lahat ng kaalaman sa pagkatuto na iyong inihanda . Nasa ibaba ang ilang 
kaisipang dapat mong balik-balikan lalo na't mapapansin mong nananamlay ang
mga bata sa kanilang pag-aaral.

 Motibasyon. Hindi mapasusubalian na ang motibasyon ay napakahalagang salik sa


matagumpay na pagkatuto. Sa isang klase na halos magkakapantay ang antas ng
karunungan ng mag -aaral, pakaasahan na may mas higit ang pagtatagumpay sa pag-
aaral dahil mataas ang kanilang motibasyon. Samantalang ang mga mag-aaral na
mababa ang motibasyon o hindi seryoso sa pag-aaral ay mapapansing makapasa ma'y
pilit o di kaya ay pasang-awa.

           May dalawang uri ng Motibasyon:

1. Panlabas na Motibasyon (Extrinsic motivation) ang motibasyong ito ay bunga ng mga


panlabas na salik tulad ng: 

                  a. Integratibong Motibasyon (pagkagustong makahalubilo sa isang


kultura ng                            mga taong Filipino ang sinasalita)

                  b. Motibasyong Instrumental ( pag-asam na makatuntong sa isang


kolehiyo o                            pamantasan o kaya ay pagkakaroon ng isang trabaho
na mataas ang                                      pasahod  dahil kaalaman sa wika)

                  c.  pagkagusto na makatanggap ng mga papuri o pagkilala mula sa


kapwa mag-                        aaral o mga guro

         2. Motibasyong Intrinsik ( Intrinsic Motivation). ito ang likas na kagustuhan


sa                             pagkatuto ng isang wika. Halimbawa, ang isang mag-aaral na
galing sa isang                         pamilya na may positibong saloobin sa wikang
Filipino ay maaasahang                                   magkakaroon ng ibayong interes sa
Filipino at magkakaroon ng pagkagusto upang               masterin ang wika.

Ang mga Guro -psychic earnings

       Malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo at


pagkatuto ng wika. Ang buong katauhan, saloobin, panlahat na kaalaman, at estilo
sa pagtuturo  ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o
kawilihan ng mga bata sa pag-aaral ng wika.

       Maraming tungkulin o "papel" na ginagampanan ang guro sa loob ng


klasrum. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

 pagbibigay impormasyon at paglalahad ng kaalaman;


 paglalaan ng patnubay at tulong sa mag-aaral upang pagsanayan ang natamong
kaalaman
 pagbibigay ng angkop na pagganyak sa pamamagitan ng paglalaanng iba't iba at
nakawiwiling gawain na magbibigay ng pagkakataon upang magamit ang wikang
natutuhan;
 pagbubuo ng makabuluhang gawain at pagtitiyak na magagawa ng mga mag-aaral ang
gawain sa isang kaligiran na walang pangamba o pagkabahala;
 binibigyang sigla ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga papuri
("Magaling ang iyong sagot, sige ipagpatuloy mo"). Ito'y nagbibigay ng lugod sa mga bata
dahil kinikilala ang kanilang kakayahan sa klase; at
 palaging may ginagawang pagtataya at ebalwasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa
wika.

Ang mga Mag-aaral

         Lalong magiging matagumpay ang isang guro sa kanyang pagtuturo kung


may kabatiran at nauunawaan niya ang mga katangian ng kanyang mag-aaral. Sa
isang pag-aaral nina Rubin at Thompson (1983), nagtala sila ng mga katangian ng
isang magaling na estudyante ng wika. Ito'y ang mga sumusunod:

 Nagagawa niyang manghula hinggil sa kayarian ng wikang pinag-aaralan at sinusubukan


niya ang mga ito sa pamamagitan ng pangangalap at pag-iipon ng mga impormasyon sa
isang mabisang paraan. Gumagamit din siya ng mga hudyat (cues) na maririnig, makikita
niya sa paligid. Idinagdag pa ni Rubin na ang magagaling na manghula ay gumagamit ng
kanilang "pandama" hinggil sa balangkas na pambalarila, hudyat mula sa mga kalabisan
sa isang mensahe. Isinasaalang-alang din nila ang mga palatandaang di-berbal, ugnayan
ng mga salita, ilang kabatiran tungkol sa pamayanan, at ilang pagkakatulad sa kanilang
unang wika. Hindi sila nababahala sa mga maling hula at agad nila itong iwinawasto
mula sa susunod na mga konteksto.
 Mataas ang kanyang motibasyon upang makipagtalastasan at humahanap siya ng mga
posibleng  istratehiya para maparating sa iba ang kanyang naiisip at nadarama. Isang
istratehiya na ginagamit niya ay ang paggamit ng sirkumlokyusyon (circumlocution),
halimbawa, pagsasabi na iyon bang ginagamit kapag umuulan kung hindi niya alam ang
salitang payong o kapote. Gumagamit din siya ng sariling pagpapakahulugan
(paraphrase) sa pagpapaliwanag ng iba't ibang kahulugan ng isang teksto. Malimit din
siyang gumagamit ng mga signal na di-berbal tulad ng pagkumpas o paggalaw ng
katawan,  ekspresyon ng mukha, at iba pa.
 Hindi rin niya pinipigilan ang kanyang sarili na makipagsapalaran sa paggamit ng wika.
Tinatanggap niya ang kanyang kalagayan bilang linguistic toddler  at tanggap niyang
magmukhang hangal para lamang maunawaan siyang mabuti ng kanyang kausap.
 Humahanap siya ng mga pagkakataon upang magamit ang wika at nangunguna siya sa
pagsisimula ng isang usapan sa kanyang guro at mga kaklase at palaging sinasamantala
ang mga pagkakataong makapagsalita sa klase.  

7.  Mga Istilo sa pagkatuto 

       Ang mga istilo sa pagkatuto ay tumutukoy sa mga kaparaanan na mas higit na


gusto ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Si Willing (1988 at binanggit kay
Nunan) ay nagsabi na ang isang guro na sensitibo at isinasaalang-alang ang mga
gustong istilo sa pag-aaral ng mga estudyante ay makatutulong sa pagkakaroon ng
isang matagumpay at mabisang pagkatuto. Sa isang pag-aaral ni Willing, nagawa
niyang pagpangkat-pangkatin ang mga mag-aaral at inuri niya ito sa apat na
kategorya. Nagtala rin siya ng mga pinapaborang istratehiya sa bawat uri ng mag-
aaral.

Tingnan ang talahanayang inilahad sa ibaba:

Mga Uri ng mag-aaral at mga Gustong Istratehiya sa Pag-aaral 

URI NG MAG- MGA ESTRATEHIYANG KINGIGILIWAN SA


AARAL PAG-AARAL
  1.       Mga laro

  2.       Mga larawan

Mag-aaral na 3.       Video clips


“concrete”
4.       Pair work

5.       Pagsasanay ng wika sa labas ng klase


  1.       Pag-aaral ng Balarila

  2.       Pag-aaral ng maraming aklat sa wika

Mag-aaral na 3.       Pagbabasa ng mga Pahayagan


“analytical”
4.       Pag-aaral ng mag-isa

5.       Pag-alam at pagsusuri ng mga kamalian sa wika

6.       Pagtuklas ng mga solusyon sa mga suliraning


inilahad ng guro
  1.       Pagmamasid at pakikinig sa mga taal na
tagapagsalita ng wika
 
2.       Pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang wikang
Mag-aaral na pinag-aaralan
“communicative”
3.       Panonood ng programa sa TV sa wikang pinag-
aaralan

4.       Pag-aaral ng mga bagong salita sa pamamagitan


ng pakikinig dito at paggamit sa aktuwal na pakikipag-
usap
  1.       Mas gusto na ang guro ang magpapaliwanag ng
lahat tungkol sa wika
 
2.       May sariling batayang aklat
 
3.       Isinusulat ang lahat ng impormasyon sa notbuk
Mag-aaral na
4.       Pinag-aaralan ang balarila
“authority oriented”
5.       Nagbabasa para matuto

6.       Natututuhan ang mga bagong salita kung


makikita ang mga ito
        
        Maaaring matagpuan sa isang klase na binubuo ng 40-60 mag-aaral ang apat
na uring ito ng mag-aaral ng wika. At dapat asahan na magkakaroon sa klase ng
iba't ibang pagkagusto hinggil sa mabisang istratehiya sa pagkatuto. Sa ganitong
kalagayan , kailangan maglaan ang guro ng angkop na pakikibagay sa iba't ibang
istratehiya na tutugon sa pngangailangan ng bawat mag-aaral.

8. Mga Yugto sa Pagkatuto ng Wika

       Ayon sa pag-aaral ng mga linggwist, hindi raw basta ginagaya ng mga bata
ang wikang kanilang naririnig. Pinipili at iniaakma nila ang kayarian ng mga
bahagi ng pananalita na makahulugan sa kanila. Samakatuwid, ang mga bata
ay active learnrers at hindi passive learners gaya ng paniniwala nang marami.
Sinusuring magaling ng mga bata ang wikang naririnig at pinipila nila ang
bahaging may kahulugan sa kanila. Ang intonasyon ng wika ang unang hulwarang
natutuhan ng mga bata. Mula rito ay pinipili nila ang salita at mga hulwaran ng
mga makahulugang tunog gaya ng: mama, dada, dede. Ang mga salitang ito ay
nakakabit sa mga kongkretong bagay at pangyayari. Sa simula, ang mga
bokabularyo ng mga bata ay binubuo ng mga pangngalan, pandiwa, at pang-uri.
Ang mga salitang pangkayarian o function words ay sa bandang huli na
natutunan.

       Sa ganitong paraan binubuo ng bata ang wikang kanilang naririnig. Sa


katunayan, umiimbento sila ng sarili nilang balarila, sariling tuntunin na nababago
batay sa modelo, dalas ng paggamit, at pidback. Pare-pareho ang istratehiyang
ginagamit ng lahat ng bata sa pagkatuto ng kanilang wika.

       Ang mga modelong inilahad sa ibaba ay isang paglalarawan sa proseso ng


pagkatuto ng wika na konsistent sa ilang pananaliksik (Brooks, Goodman,1976;
Brown at Bellugi, 1961). Sa modelong ito, ang pagkatuto ng wika ay hinati-hati sa
iba't-ibang yugto. Kakikitaan ito ng pagsasanib na ang ibig sabihin ay may mga
bata na pumapasok sa mas mataas na yugto bago pa man nila namamaster ang
mas mababang yugto ng pagkatuto. Ang pangyayaring ito ay may kinalaman sa
kanilang pagkakaiba. Ang mga edad na inilahad sa bawat yugto ay mga
kalkulasyon lamang.

Unang Yugto: Pasumala (Random)

       Sa yugtong ito, ang mga bata ay lumilikha ng mga tunog na kakailanganin
nila sa pagsasalita sa mga darating na araw. Kasama sa mga likhang tunog na ito
ay iyong bunga ng kanilang vocalizing, cooing, gurgling, at babbling. Ang mga
tunog na nililikha ng mga bata ay marami at iba-iba  at ito'y tinatanaw ng mga
matatanda bilang mga ponema (pinakamaliit na yunit ng tunog sa pagsasalita).
Karaniwan nang  ang babbling ng mga bata ay binubuo ng magkakalapit na tunog
gng katinig-patinig gaya ng Ma Ma Ma o Da Da Da. Ang mga unang likhang
tunog na ito'y tinatanggap ng magulangn nang may lugod at kagalakan. Bagama't
talagang hindi mawawaan ang mga likhang tunog na ito, tinatanaw naman ng
maraming magulang na ang mga ito'y nangangahulugan ng Mama at Daddy dahila
para sa kanilang sarili, nakapagsasalita na ang kanilang bunso. Uulit-ulitin nila
ang mga ito at bibigyan nila ng kaukulang atensyon at gantimapala ang mga bata
sa tuwing mabibigkas nila nang maayos ang mga tunog na kanilang ipinaririnig.
Ang mga ginagayang pagbigkas at pagsasalita ay karaniwang tinatawag na echoic
speech.

Ikalawang Yugto: Unitary

       Sa yugtong unitary, patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit ng tunog ang


mga bata na limitado sa isang pantig. Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay
naaayon sa kalikasan ng pag-unlad na pisikal at pagkontrol sa paggamit ng
kanilang mekanismo sa pagsasalita sapagkat ang mga proseso ng paglinang ng
wika at paggulang (maturation) ay magkasabay na nagaganap. Halimbawa, ang
batang isang taong gulang ay limitado lamang sa pagbigkas ng isang salita na
maaari niyang ulit-ulitin. Ang isahang salitang ginagamit ng mga bata sa yugtong
ito'y isang pagpapaikli sa kung paano nila tinatanaw ang isang sitwasyong
komunikatibo. At karaniwang ang isang salita na kanilang binibigkas ay
pagpapahayag ng iba't ibang kaisipan. Halimbawa: Ang "sali" ay maaaring
mangahulugang  "Sali ako" o "Sali Ikaw". Ang paggamit ng mga bata ng isang
salita upang magpahayag ng mga ideya ay tinatawag na holophrastic speech.

       Sa gulang na 12 buwan, ang mga bata ay nagsisimula ng sumunod sa ilang


payak na pasalitang pautos tulad ng upo, tayo, at iba pa at mapaghuhulo na maaari
na silang magsimulang sumagot sa kabuuang ponemikong konpigurasyon ng mga
salita at mga parirala. 

       Ang pagkatuto ng bata ng ponolohiya, bokabularyo, at balarila ay matagal at


mahirap kahit na ang pag-unlad nilang pisikal ay maoobserbahang mabilis.
Natutuhan ng mga bata ang ponema ng kanyang wika sa pamamagitan ng unti-
unting proseso ng pag-iiba-iba. Sa una, ang mga salitang binigkas niya ay
masasabing katulad ng mga salita ng nakatatanda na ipinalalagay na ginaya, pero
ang katunayan, ito'y pagpapatibay na maging sa panahong ito, taglay na ng mga
bata ang kanilang sariling phonemic system kahit na di pa maayos. Halimbawa:
nagrararo, tatain, tatayaw, at iba pa. Sa paglaon, natutuhan ng mg abata ang mga
ponemang eksaktong katulad ng sa matanda.

Ikatlong Yugto: Ekspanyon at Delimitasyon

       Sa yugto ng ekspansyon at delimitasyon, ang pagsasalita ay umuunlad mula


isahan o dalawahang pagsasalita hanggang sa maging katulad na ito ng pagsasalita
ng matanda. Humigit-kumulang, sa edad na 18 hanggang 20 buwan, lumalabas na
ang kanilang dalawahang salita. Ang mgasalitang gamit dito ay may dalawang
klase. Ang una ay tinatawag na pivot class na kalimita'y maikli, at ito iyong
malimit nilang bigkasin at maaaring nasa una o ikalawang posisyon. Ang
posisyon ay iyong kinalalagyan ng salita sa isang pangungusap. Ang ikalawa ay
iyong isa pang salita na tinatawag itong open class. Halimbawa: "Kain baby",
"Kain Mommy", "Kain ato" (Kain ang pivot word). Sa mga halimbawang "Dede
ko", Dede tata", "Dede Mama", ang dede ang pivot word. Sa mga halimbawang
"Tuya alit", "Mommy alit", "Daddy alit", alit (allis) ang pivot word at
mapapansing ito ay nasa ikalawang posisyon. Ilan sa mga dalawahang salitang
pagsasalita ay  maaaring magtaglay ng maraming kahulugan ayon na rin sa
layunin ng pagsasalita. Halimbawa, ang "Mommy raro" ay maaaring pakahulugan
ng "Naglalaro si Mommy" o "Gusto kong makalaro si Mommy".

       Magiging mabilis ang pagtatamo o pagkatuto ng mga salita kapag ang


kognitibong kalinangan ng mga bata ay humahantong sa punto ng pagkaunawasa
mga bagay, pangyayari, at mga tiyak na pangalang ng mga ito. Magiging
palatanong na ang mga bata at malimit na maririnig ang mga taong na "Ano to?",
" Ano yan"? at maraming "Bakit?"

       Upang hind "malunod" ang mga bata sa yugtong ito ng kanilang pagsasalita,
iwasan ang pagbibigay ng maraming mensahe ng batang nagsasalita . Kailangan
gumanap bilang mga salbabida ang mga matatandang nakapaligid sa mga bata.

Ikaapat na Yugto: Kamalayang Istruktural

       Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang kanilang papaunlad at


paparaming mga abstraktong ideya at mga damdamin, kailangan makarating sila
sa yugtong kamalayang istruktural. Ito'y mahalaga upang makabuo sila ng mga
paglalahat at matuklasan nila ang hulwaran at kaayusan sa pagsasaltia. Habang
patuloy na nagiging komplikado ang kanilang pagsasalita, magagawa nilang
magkamali dahil bumubuo sila ng sariling paglalahat na kung minsan ay hindi
pinapansin ang mga eksepsyon. Halimbawa: "nikain" vs. "kinain".

Ikalimang Yugto: Otomatik

       Sa yugtong ito, ang bata'y nakapagsasabi ng mga pangungusap na may


wastong pagbabalarila kaya magagawa na nilang maipahayag ang kanilang ideya
at damdamin kagaya ng mga matatandang tagapagsalita ng wika. Ang mga batang
nasa yugtong ito ay may kahandaan na sa pagpasok sa kindergarten.

Ikaanim na Yugto: Malikhain 

       Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha ng sarili


nilang wika. Bagama't ang mga pariralang gamit ay mga dati nang naririnig,
nagkakaroon sila ng lakas ng loob dahil nagagawa na nilang masalita ang
ginagamit ng kanilang mga kaibigan at mga tao sa paligid.

       Sa mga talakay sa itaas, malalagom na ang mga bata ay natututo ng wika sa
pamamagitan ng 1) pag-uugnay (pagtatambal ng tunay na bagay sa tunog ng
salita), 2) pagpapatibay (anumang positibong papuri na gaganyak sa isang bata
upang ulitin ang anumang tugon), 3) panggagaya (paggagad sa anumang tunog
na naririrnig sa matatanda), at 4) elaborasyon (pagpapalawak ng isang salita
upang makabuo ng pangungusap).

ISANG MODELO NG MGA YUGTO SA PAG-UNLAD NG WIKA


(Halaw sa E. Brooks Smith, Kenneth S. Goodmen, at Robert Merideth, Language
and Thinking in School, 2nd ed. New York: Holt, Rinehart, and Winston, 1976 sa
aklat ni Badayos, 2008)

  Nakalilikha ng sariling pangungusap at


nakagagawa na ng abstraktong pag-iisip.
Malikhain Mariringgan sila ng karaniwang usapang
bata.
  Nagagawa nang makipag-usap sa iba’t ibang
tao. Malawak na ang talasalitaan at marami
Otomatik (antas Kindergarten) nang nabubuong pangungusap. Natutukoy
kung alin ang tama o maling pahayag subalit
  hindi maipaliwanag kung bakit.
  Ang mga salita at parirala ay nagkakaroon ng
kahulugan. Nagkakamali dahil sa sariling
Kamalayang Estruktural paglalahat, Hal. I goed sa halip na I went .
Malawak na ang talasalitaan, katulad na ng sa
 (60 buwan) matanda ang pagsasalita.
 Ekspansyon at Mas tiyak na ang pagsasalita mula sa isang salita
delimitasyon(48 hanggang dalawang salita ay maaaring magtaglay ng
buwan) maraming kahulugan.
  Ginagaya ng bata ang pagsasalita ng magulang. Gumagamit
ng isang salita para sa isang pangungusap. Ang isang salita
Unitary (24 buwan) ay maaaring may iba’t ibang kahulugan.
  Lumilikha ng tungo upang makatawag-pansin. Karaniwan pa rin
ang babbling. Ang mga tunog ay katulad ng mga ponema na
Pasumala sinasalita ng mga may edad. Ang iba’t ibang tunog na likha ay
hindi wika. Babbling, halimbawa: Ma, Ma, Ma, Cooing.
(12 buwan)

You might also like