You are on page 1of 10

Subjek: Pagbasa at Pagsusuri Baitang: 11

ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Petsa: Sesyon: 11

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito
sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig

Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang


kultural at panlipunan sa bansa

Kompetensi: Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag: a. Kalinawan b.


Kaugnayan
c. Bisa
Sa reaksyong papel na isinulat
F11PU – IIIfg – 90

I. Layunin Naipapaliwanag ang paglalarawan sa isang tekstong nabasa.


Kaalaman:
Saykomotor: Napipili ang mga angkop na salitang naglalarawan mula sa teksto.
Apektiv: Naiuugnay sa sariling karanasan ang tekstong nabasa.
II. Paksang – Aralin
A. Paksa Reaksyong papel
B. Sanggunian https://prezi.com/dcvyo0yfmgr8/mga-paraan-ng-pagpapahayag/
http://pokerexposedkwentongpinoy.blogspot.com/2012/10/tsokolateng-dagat.html

C. Kagamitang Kopya ng mga pahayag


pampagtuturo
III. Pamamaraan
A. Paghahanda Words Analysis
Pangmotibesyunal na “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag
tanong: nagtalikuran sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para
makaharap ulit ang taong tinatalikuran mo.”

1. Ano ang tinutukoy sa siping ito?


2. Ano ang kailangang gawin upang makaharap muli ang taong
tinalikuran mo?
3. Bakit kailangang libutin ng tao ang buong mundo?
Aktiviti/Gawain
Gawain 1:
Panuto:Mula sa siping nabasa niyo, ilarawan ang taong tinutukoy rito.

Gawain 2:
Panuto: Ipaliwanag ang inyong opinyon sa pahayag na ito, “Kailangan
mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong
tinatalikuran mo.”

B. Paglalaghad PAGLALARAWAN
Abstraksyon Sa paglalarawan, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:
(Pamamaraan ng
Pagatalakay)  Pagpili ng paksa o bagay na ilalarawan
 pagbuo ng isang batayang larawan
 pagpili ng sariling pananaw
Dalawang uri ng paglalarawan:
1. Karaniwan
- naglalayon na makabuo ng malinaw
na larawan sa isipan ng nakikinig o
bumabasa
2. Masining na paglalarawan
- sa paraang ito napupukaw ang guni-guni
ng mga tagapakinig o mambabasa
PAGLALAHAD
Naglalayong gumawa ng isang malinaw na pagpapaliwanag
tungkol sa mga bagay-bagay.
Hal. Pag-Ulat
BAHAGI NG SIMPLENG PAG-ULAT
 PANIMULA
 KATAWAN NG ULAT
 KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
https://prezi.com/dcvyo0yfmgr8/mga-paraan-ng-pagpapahayag/

C. Pagsasanay Gawain 3:
Mga Paglilinang na Panuto: Basahin at suriin ang tekstong “Tsokolateng Dagat”
gawain
Tsokolateng Dagat

Nagsilbing isang malawak na tsokolateng dagat na may amoy panis na


ulam ang lumulutang-lutang na animo'y patay na mga isda at kalat-kalat
na isla na siyang nagsilbing pahingahan ng mga tao ang ating natamasa
ilang linggo pa lamang ang nakalilipas.

Habang ako ay nanunuod ng balita, kitang-kita ng aking naglalakihang


mata kung paano sinakop ng maitim na ulap, nagbabagsakayang tubig
sa langit kasabay ang paghampas ng hangin at pagsabog ng kulog at
kidlat ang ipinatikim na lakas ng habagat na ito sa Filipinas, partikular
na sa Metro Manila. Isa itong delubyo na maihahalintulad natin sa
bagsik na ipinaranas sa atin ng bagyong Undoy. Hindi ako
magkakandaugagang isipin kung ano ang una kong gagawin kung sa
amin nangyari ang aking nakitang hirap ng mga taong
nakikipagsapalaran sa tila isang survival game na ating napapanuod rin
sa telebisyon. Ika nga sa palabas na iyon ay "Matira, matibay".

Inaamin ko na noong patak-patak pa lamang ng ulan ay ninanais kong


magalit pa ang langit habang hinihintay ang pagulan para sa suspensyon
ng klase upang makaalis sa rehas ng aming tahanan at magliwaliw na
parang hayop sa kalsada. Ngunit ako ay nagkamali ng panalangin at ang
nais kong mangyari ay nauwi sa pagkakakulong ko sa madilim na rehas
at napaupo nalamang sa sulok ng aking kwarto. Naisip kong habang
may mga taong hindi magkandarapa sa lugar ng kanilang kinalalagyan
dahil unti-unting pinupulbos at nililimas ng tsokolateng dagat ang
kanilang pinaghirapang gamit at bahay ay ipinapanalangin kong
mawalan ng klase upang maglibang lamang. Ipinairal ko ang aking
pagiging makasarili, sakim para sa kaligayahan ng sarili na alam kong
maari ko namang makamit ng hindi kinakailangang humiling na
pagdurusahan naman ng iba.

Sising-sisi ako noong mga araw na iyon at unti-unting nanalangin upang


bawiin ako nauna kong panalangin at palitan na sana ay masilayan ko ng
muli ang ngiti ng langit kasabay ang pagababa ng tsokolateng dagat na
bumabalot sa Isla ng Mero Manila. Nais kong masilayan ang dating
ngiti ng mga taong unti-unting nabalot ng maskara ng kalungkutan
kasabay ng pagiyak ng langit.

Hindi masamang humiling ng ikasasaya natin, bawat isa satin ang may
kanya-kanya hiling para sa sarili ngunit hindi kailangan isakripisyo ang
kahirapan ng iba para sa ikasasaya ng iba. Isipin muna nating mabuti
kung ang ating kahilingan ba ay makakaapekto sa ibang taong nasa
paligid natin o hindi. Ang buhay ng tao ay higit na mahalaga kaysa sa
ibang bagay na kaunti lamang ang epekto sa atin. Wala namang
mawawala sa pagpasok sa paaralan, bagamat ito pa man ay
makakatulong sa atin para sa kinabukasan.
http://pokerexposedkwentongpinoy.blogspot.com/2012/10/tsokolateng-dagat.html

Gawain 4: Pangkatang Gawain


Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlo at bawat pangkat ay pipili ng mga
salitang angkop na naglalarawan sa tekstong nabasa.

Pangkat 1

Nagsilbing isang malawak na tsokolateng dagat na may amoy panis na


ulam ang lumulutang-lutang na animo'y patay na mga isda at kalat-kalat
na isla na siyang nagsilbing pahingahan ng mga tao ang ating natamasa
ilang linggo pa lamang ang nakalilipas.

Habang ako ay nanunuod ng balita, kitang-kita ng aking naglalakihang


mata kung paano sinakop ng maitim na ulap, nagbabagsakayang tubig
sa langit kasabay ang paghampas ng hangin at pagsabog ng kulog at
kidlat ang ipinatikim na lakas ng habagat na ito sa Filipinas, partikular
na sa Metro Manila. Isa itong delubyo na maihahalintulad natin sa
bagsik na ipinaranas sa atin ng bagyong Undoy. Hindi ako
magkakandaugagang isipin kung ano ang una kong gagawin kung sa
amin nangyari ang aking nakitang hirap ng mga taong
nakikipagsapalaran sa tila isang survival game na ating napapanuod rin
sa telebisyon. Ika nga sa palabas na iyon ay "Matira, matibay".

Pangkat 2

Inaamin ko na noong patak-patak pa lamang ng ulan ay ninanais kong


magalit pa ang langit habang hinihintay ang pagulan para sa suspensyon
ng klase upang makaalis sa rehas ng aming tahanan at magliwaliw na
parang hayop sa kalsada. Ngunit ako ay nagkamali ng panalangin at ang
nais kong mangyari ay nauwi sa pagkakakulong ko sa madilim na rehas
at napaupo nalamang sa sulok ng aking kwarto. Naisip kong habang
may mga taong hindi magkandarapa sa lugar ng kanilang kinalalagyan
dahil unti-unting pinupulbos at nililimas ng tsokolateng dagat ang
kanilang pinaghirapang gamit at bahay ay ipinapanalangin kong
mawalan ng klase upang maglibang lamang. Ipinairal ko ang aking
pagiging makasarili, sakim para sa kaligayahan ng sarili na alam kong
maari ko namang makamit ng hindi kinakailangang humiling na
pagdurusahan naman ng iba.

Pangkat 3

Sising-sisi ako noong mga araw na iyon at unti-unting nanalangin upang


bawiin ako nauna kong panalangin at palitan na sana ay masilayan ko ng
muli ang ngiti ng langit kasabay ang pagababa ng tsokolateng dagat na
bumabalot sa Isla ng Mero Manila. Nais kong masilayan ang dating
ngiti ng mga taong unti-unting nabalot ng maskara ng kalungkutan
kasabay ng pagiyak ng langit.

Hindi masamang humiling ng ikasasaya natin, bawat isa satin ang may
kanya-kanya hiling para sa sarili ngunit hindi kailangan isakripisyo ang
kahirapan ng iba para sa ikasasaya ng iba. Isipin muna nating mabuti
kung ang ating kahilingan ba ay makakaapekto sa ibang taong nasa
paligid natin o hindi. Ang buhay ng tao ay higit na mahalaga kaysa sa
ibang bagay na kaunti lamang ang epekto sa atin. Wala namang
mawawala sa pagpasok sa paaralan, bagamat ito pa man ay
makakatulong sa atin para sa kinabukasan.

D. Paglalapat Paglalapat:
Aplikasyon Panuto: Ipaliliwanag ng pangkat ang mga salitang naglalarawan na
napili at iuugnay ito sa sariling karanasan. Gagawin ito sa paraang pag –
uulat.

E. Paglalahat Ang layunin ng paglalarawan ay upang makabuo ng malinaw na


Generalisasyon larawan sa isipan o imahinasyon ng mambabasa o tagapakinig.
IV. Pagtataya Panuto: Ibigay ang interpretasyon sa sumusunod na paglalarawan.
Interpretasyon

a. malawak na tsokolateng dagat ----


b. may amoy panis na ulam ----
c. kalat-kalat na isla ----
d. maitim na ulap ----
e. tila isang survival game ----

II. Takdang – Aralin/ Gawain 5:


Kasunduan Panuto: Ipaliwanag ang pahayag na ito.
“Nais kong masilayan ang dating ngiti ng mga taong unti-unting
nabalot ng maskara ng kalungkutan kasabay ng pag - iyak ng langit.”
SANAYANG AKLAT SA FILIPINO 11 PAGBASA AT PAGSUSURI TUNGO SA PANANALIKSIK

SESYON: 11

PAKSA: REAKSYONG PAPEL

TUKLASIN:

Sa araling ito, aalamin natin ang paraan ng paglalarawan sa isang teksto at


kung papaano ito ipaliliwanag sa pamamagitan ng pag –uulat.

MOTIBASYUNAL NA TANONG

“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran sila?
Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong
tinatalikuran mo.”

1. Ano ang tinutukoy sa siping ito?


2. Ano ang kailangang gawin upang makaharap muli ang taong tinalikuran mo?
3. Bakit kailangang libutin ng tao ang buong mundo?

GAWAIN 1:

Panuto:Mula sa siping nabasa niyo, ilarawan ang taong tinutukoy rito.

GAWAIN 2:

Panuto: Ipaliwanag ang inyong opinyon sa pahayag na ito, “Kailangan mong libutin ang buong
mundo para makaharap ulit ang taong tinatalikuran mo.”

ALAM MO BA NA…

PAGLALARAWAN

Sa paglalarawan, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:


Pagpili ng paksa o bagay na ilalarawan
pagbuo ng isang batayang larawan
pagpili ng sariling pananaw

Dalawang uri ng paglalarawan:


1. Karaniwan
- naglalayon na makabuo ng malinaw
na larawan sa isipan ng nakikinig o
bumabasa

2. Masining na paglalarawan
- sa paraang ito napupukaw ang guni-guni
ng mga tagapakinig o mambabasa
Paglalahad

Naglalayong gumawa ng isang malinaw na pagpapaliwanag tungkol sa mga bagay-bagay.

Hal. Pag-uulat

Bahagi ng simpleng pag-ulat


Panimula
katawan ng ulat
konklusyon at rekomendasyon
https://prezi.com/dcvyo0yfmgr8/mga-paraan-ng-pagpapahayag/

GAWAIN 3:

Panuto: Basahin at suriin ang tekstong “Tsokolateng Dagat”

Tsokolateng Dagat

Nagsilbing isang malawak na tsokolateng dagat na may amoy panis na ulam ang lumulutang-
lutang na animo'y patay na mga isda at kalat-kalat na isla na siyang nagsilbing pahingahan ng
mga tao ang ating natamasa ilang linggo pa lamang ang nakalilipas.

Habang ako ay nanunuod ng balita, kitang-kita ng aking naglalakihang mata kung paano sinakop
ng maitim na ulap, nagbabagsakayang tubig sa langit kasabay ang paghampas ng hangin at
pagsabog ng kulog at kidlat ang ipinatikim na lakas ng habagat na ito sa Filipinas, partikular na sa
Metro Manila. Isa itong delubyo na maihahalintulad natin sa bagsik na ipinaranas sa atin ng
bagyong Undoy. Hindi ako magkakandaugagang isipin kung ano ang una kong gagawin kung sa
amin nangyari ang aking nakitang hirap ng mga taong nakikipagsapalaran sa tila isang survival
game na ating napapanuod rin sa telebisyon. Ika nga sa palabas na iyon ay "Matira, matibay".

Inaamin ko na noong patak-patak pa lamang ng ulan ay ninanais kong magalit pa ang langit
habang hinihintay ang pagulan para sa suspensyon ng klase upang makaalis sa rehas ng aming
tahanan at magliwaliw na parang hayop sa kalsada. Ngunit ako ay nagkamali ng panalangin at
ang nais kong mangyari ay nauwi sa pagkakakulong ko sa madilim na rehas at napaupo nalamang
sa sulok ng aking kwarto. Naisip kong habang may mga taong hindi magkandarapa sa lugar ng
kanilang kinalalagyan dahil unti-unting pinupulbos at nililimas ng tsokolateng dagat ang kanilang
pinaghirapang gamit at bahay ay ipinapanalangin kong mawalan ng klase upang maglibang
lamang. Ipinairal ko ang aking pagiging makasarili, sakim para sa kaligayahan ng sarili na alam
kong maari ko namang makamit ng hindi kinakailangang humiling na pagdurusahan naman ng
iba.

Sising-sisi ako noong mga araw na iyon at unti-unting nanalangin upang bawiin ako nauna kong
panalangin at palitan na sana ay masilayan ko ng muli ang ngiti ng langit kasabay ang pagababa
ng tsokolateng dagat na bumabalot sa Isla ng Mero Manila. Nais kong masilayan ang dating ngiti
ng mga taong unti-unting nabalot ng maskara ng kalungkutan kasabay ng pagiyak ng langit.

Hindi masamang humiling ng ikasasaya natin, bawat isa satin ang may kanya-kanya hiling para
sa sarili ngunit hindi kailangan isakripisyo ang kahirapan ng iba para sa ikasasaya ng iba. Isipin
muna nating mabuti kung ang ating kahilingan ba ay makakaapekto sa ibang taong nasa paligid
natin o hindi. Ang buhay ng tao ay higit na mahalaga kaysa sa ibang bagay na kaunti lamang ang
epekto sa atin. Wala namang mawawala sa pagpasok sa paaralan, bagamat ito pa man ay
makakatulong sa atin para sa kinabukasan.
http://pokerexposedkwentongpinoy.blogspot.com/2012/10/tsokolateng-dagat.html

GAWAIN 4:

Pangkatang Gawain

Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlo at bawat pangkat ay pipili ng mga salitang angkop na
naglalarawan sa tekstong nabasa.

Pangkat 1

Nagsilbing isang malawak na tsokolateng dagat na may amoy panis na ulam ang
lumulutang-lutang na animo'y patay na mga isda at kalat-kalat na isla na siyang
nagsilbing pahingahan ng mga tao ang ating natamasa ilang linggo pa lamang ang
nakalilipas.

Habang ako ay nanunuod ng balita, kitang-kita ng aking naglalakihang mata kung paano
sinakop ng maitim na ulap, nagbabagsakayang tubig sa langit kasabay ang paghampas ng
hangin at pagsabog ng kulog at kidlat ang ipinatikim na lakas ng habagat na ito sa
Filipinas, partikular na sa Metro Manila. Isa itong delubyo na maihahalintulad natin sa
bagsik na ipinaranas sa atin ng bagyong Undoy. Hindi ako magkakandaugagang isipin
kung ano ang una kong gagawin kung sa amin nangyari ang aking nakitang hirap ng mga
taong nakikipagsapalaran sa tila isang survival game na ating napapanuod rin sa
telebisyon. Ika nga sa palabas na iyon ay "Matira, matibay".

Pangkat 2
Inaamin ko na noong patak-patak pa lamang ng ulan ay ninanais kong magalit pa ang
langit habang hinihintay ang pagulan para sa suspensyon ng klase upang makaalis sa
rehas ng aming tahanan at magliwaliw na parang hayop sa kalsada. Ngunit ako ay
nagkamali ng panalangin at ang nais kong mangyari ay nauwi sa pagkakakulong ko sa
madilim na rehas at napaupo nalamang sa sulok ng aking kwarto. Naisip kong habang
may mga taong hindi magkandarapa sa lugar ng kanilang kinalalagyan dahil unti-unting
pinupulbos at nililimas ng tsokolateng dagat ang kanilang pinaghirapang gamit at bahay
ay ipinapanalangin kong mawalan ng klase upang maglibang lamang. Ipinairal ko ang
aking pagiging makasarili, sakim para sa kaligayahan ng sarili na alam kong maari ko
namang makamit ng hindi kinakailangang humiling na pagdurusahan naman ng iba.

Pangkat 3

Sising-sisi ako noong mga araw na iyon at unti-unting nanalangin upang bawiin ako
nauna kong panalangin at palitan na sana ay masilayan ko ng muli ang ngiti ng langit
kasabay ang pagababa ng tsokolateng dagat na bumabalot sa Isla ng Mero Manila. Nais
kong masilayan ang dating ngiti ng mga taong unti-unting nabalot ng maskara ng
kalungkutan kasabay ng pagiyak ng langit.

Hindi masamang humiling ng ikasasaya natin, bawat isa satin ang may kanya-kanya
hiling para sa sarili ngunit hindi kailangan isakripisyo ang kahirapan ng iba para sa
ikasasaya ng iba. Isipin muna nating mabuti kung ang ating kahilingan ba ay
makakaapekto sa ibang taong nasa paligid natin o hindi. Ang buhay ng tao ay higit na
mahalaga kaysa sa ibang bagay na kaunti lamang ang epekto sa atin. Wala namang
mawawala sa pagpasok sa paaralan, bagamat ito pa man ay makakatulong sa atin para sa
kinabukasan.

Paglalapat:

Panuto: Ipaliliwanag ng pangkat ang mga salitang naglalarawan na napili at iuugnay ito sa
sariling karanasan. Gagawin ito sa paraang pag – uulat.

TANDAAN

Ang layunin ng paglalarawan ay upang makabuo ng malinaw na larawan sa isipan o


imahinasyon ng mambabasa o tagapakinig.

PAGSUBOK NG KAALAMAN:

Panuto: Ibigay ang interpretasyon sa sumusunod na paglalarawan.


Interpretasyon

a. malawak na tsokolateng dagat ----

b. may amoy panis na ulam ----

c. kalat-kalat na isla ----

d. maitim na ulap ----

e. tila isang survival game ----

TAKDANG - ARALIN

GAWAIN 5:

Panuto: Ipaliwanag ang pahayag na ito.

“Nais kong masilayan ang dating ngiti ng mga taong unti-unting nabalot ng
maskara ng kalungkutan kasabay ng pag - iyak ng langit.”

You might also like