Professional Documents
Culture Documents
Agosto 16,2021
Takdang Aralin
1) Kahulugan ng Pananaliksik
- Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry
sapamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoyna
suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.
- Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya,ang
pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyonhinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin.Ayon kinaManuel at Medel (1976), masasabing ang
pananaliksik ay isang proseso ngpangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang
isang partikular na suliraninsa isang syentipikong pamamaraan.
- Ang pananaliksik ay maaaring magkaroon ng ilang mga layunin tulad ng naghahanap ng solusyon
sa mga tiyak na mga problema, makalas ang mga sanhi ng mga problema sa panlipunan, bumuo
ng isang bagong sangkap para sa pang-industriya na paggamit, kumuha ng data, bukod sa iba pa.
- Ang kahalagahan nito ay ipahayag ang katotohanan, matuklasan ang isang bagay, maunawaan
ang isang proseso, maghanap ng isang resulta, hikayatin ang intelektwal na aktibidad, pati na rin
ang pagbabasa at kritikal na pag-iisip.
- Pagkakaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang kapuwa at nakikita niya ang bisa ng
pananaliksik upang mapabuti.
- Ang pananaliksik ay lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung isasaalang-alang ang
pangangailangan ng lipunang kinalulugaran nito.
3) Kahulugan ng Wika
- Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
- Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan
ng tao sa tiyakna lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan
ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.
- Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraangarbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason)
- Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika
ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle)
- Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
paramagkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino
at Galileo Zafra)
- Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt naanyo ng simbolikong gawaing pantao. (Archibald
Hill,What islanguage)
- Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII Bilang 1-2
journalng Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng larangan ang
wika.
- Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan ng
lipunanglumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito.
Ito raw aysalamin ng lahi at kanyang katauhan.
4) Kahulugan ng Panitikan
- Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng
tuwiran o tuluyan at patula.
- Ang panitikan ay ang kahit anong nasusulat na gawa ng tao. Kabilang na dito ang mga libro,
nobela, tula at iba pang komposisyong mayroong halaga sa lipunan. Ang kahulugan ng panitikan
ay ang repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,
mga karanasan, hangarin at diwa ng tao.
- Ang Panitikan ay “bungang isip na isinatitik”. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na
tumutulong sa wastongikauunawa ng noon, ngayon at bukas ng isang bansa.
- Para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng
mga bagay na kaugnay ngnapupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na
kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.
- Batay naman sa Webster Dictionary ito ay ang anumang anyo nasusulat sa anyo mang
patula/tuluyan sa isang particular na panahon.
- Sa Panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin ang panitikan ay isang paraan ng
pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinaparanas sa mambabasa ang
kaisipan at damdamin ng manunulat.
- Ayon naman kay Salazar, ito ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan at maaaring magpalaya
ng isang ideya nagpupumiglas makawala.
- Inihayag din ni Ramos na panitikan ding matatawag ang lahat ng uri ng mga tala na
kinasasalaminan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao sa lipunang kaniyang ginagalawan.
- Isang lakas itong maaaring maging mahalagang bahagi ang pagpapaunlad ng lipunan at
kalinangan.
- Para naman kay Bro. Azarias ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa
iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng
kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha.
5) Pagpapahalagang Pampanitikan
Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating pinagyaman ng
isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
- Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal na
tradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating
bansa.
- Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na
ito'y matuwid at maayos.
- Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y
malinang at mapaunlad.
- Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas
ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan
-Paglalapit ng panitikan ang mga damdamin at kaisipan ng mga tao upang magkaunawaan.
6) TEORYANG PAMPANITIKAN
- Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa
pagaaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito
Teoryang Imahismo
Teoryang Romantesismo
Ang Teoryang pampanitikan na nais ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao
sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda
na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-
ibig sa tao o bayang napupusuan.
Teoryang Humanismo
Ang Teoryang pampanitikan na ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
Teoryang Eksistenyalismo
Ang Teoryang pampanitikan na nagpapakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon
para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).
Teoryang Formalismo
Ang Teoryang pampanitikan na nais iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang
simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
Teoryang Naturalismo
- Ang Teoryang pampanitikan naniniwala na ang ano mang teksto ay walang iisa at
nakapangyayaring kahulugan na siyang nagbibigay, ayon sa mga pormalista (formalist writers),
ng kasisahan dito. Walang kaiahan ang ano mang teksto – lahat ay nagtataglay ng mga
kontradiksyong ito dahil sa ideolohiya.
Teoryang Moralistiko
Teoryang Sosyolohikal
- Teoryang pampaniitkan na mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang
panitikan.
Teoryang Sikolohikal
- Teoryang pampanitikan na makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan,
pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
Teoryang Marxismo
- Teoryang pampanitikan na gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda
nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga
simbolismong ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda.
Teoryang Feminismo
- Teoryang pampanitikan maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga
babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda
layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation.
Teoryang Realismo
Teoryang pampanitikan na ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay
na buhay pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno.