You are on page 1of 24

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
STA. LUCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
Capas, Tarlac

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


ANTAS: EIGHT (8) KWARTER: FIRST
ASIGNATURA: AP: KASAYSAYAN NG DAIGDIG GURO: ALJON T. MENDOZA/ MYLENE DG GOZALES
Day and Learning Learning Task Mode of
Time Competency Delivery
DAY 1 Nasusuri ang GAWAIN 1: KAHON NG KASAGUTAN pahayag. (Lokasyon, Lugar, Rehiyon, Ibigay ang modyul sa
katangiang (10pts.) Interaksyon ng Tao at Kapiligiran, at mga magulang/ mag-
7:30- Panuto: Basahing mabuti ang bawat Paggalaw). aaral, alamin ang mga
8:30AM pisikal ng pahayag. Tukuyin ang salitang inilalarawan GAWAIN 3: SANAYSAY (50pts.) natatapos na Gawain ng
daigdig sa bawat bilang. Pumili ng sagot sa loob ng Panuto: Gumawa ng sanaysay bilang mga mag-aaral sa
(AP8HSK-Id-4) kahon. sagot sa katanungan sa ibaba. Gumawa pamamagitan ng
GAWAIN 2: ANONG TEMA NG rin ng sariling pamagat nito. Ang bilang “Messenger, Text or
Call” at iba pang paraan
HEOGRAPIYA? (10pts.) ng pangungusap ay hindi bababa sa
na nirerekomenda ng
Panuto: Isulat kung anong tema ng sampu (10) at hindi lalampas sa
paaralan
heograpiya ang tinutukoy ng bawat dalawampu (20).
DAY 2 Napahahalaga GAWAIN 1: 3-2-1 CHART (20pts.) Maaring maulit ang iyong sagot. Ibigay ang modyul sa
8:30- han ang Panuto: Sa tulong ng mga kaalaman sa GAWAIN 3: SANAYSAY (50pts.) mga magulang/ mag-
aaral, alamin ang mga
9:30AM natatanging nasuring teksto, punan ang chart ng Panuto: Gumawa ng sanaysay natatapos na Gawain ng
kultura ng mga hinihingi nitong impormasyon. bilang sagot sa katanungan sa mga mag-aaral sa
rehiyon, GAWAIN 2: KA-PARES (10pts.) ibaba. Gumawa rin ng sariling pamamagitan ng
bansa, at Panuto: Basahing mabuti ang mga pamagat nito. Ang bilang ng “Messenger, Text or
mamamayan pahayag at tukuyin ang mga kahulugan pangungusap ay hindi bababa sa Call” at iba pang paraan
sa daigdig at halimbawa sa HANAY A na bumubuo sampu (10) at hindi lalampas sa na nirerekomenda ng
paaralan
(AP8HSK-Ie-5) ng heograpiyang pantao sa HANAY B. dalawampu (20).
DAY 3 Nasusuri ang GAWAIN 1: SURI-HAYAG (20pts.) naging epekto nito sa kasalukuyan. Ibigay ang modyul sa
9:45- yugto ng Panuto: Suriin ang pahayag at sagutin GAWAIN 3: SANAYSAY (50pts.) mga magulang/ mag-
aaral, alamin ang mga
10:45AM pag-unlad ng ang mga pamprosesong tanong. Panuto: Gumawa ng sanaysay natatapos na Gawain ng
kultura sa GAWAIN 2: ESPADA NG bilang sagot sa katanungan sa mga mag-aaral sa
KARUNUNGAN (30pts.) ibaba. Gumawa rin ng sariling
panahong pamamagitan ng
Panuto: Pumili ng limang pagbabago sa pamagat nito. Ang bilang “Messenger, Text or
prehistoriko teknolohiya mula sa Panahong ng pangungusap ay hindi bababa Call” at iba pang paraan
(AP8HSK-If-6) Paleolitiko tungo sa Panahong Metal. Sa sa sampu (10) at hindi lalampas sa na nirerekomenda ng
paaralan
bawat pagbabago, tukuyin ang mga dalawampu (20).
DAY 4 Naiuugnay ang GAWAIN 1: GEO-BOOKMARK Panuto: Gumawa ng reflection Ibigay ang modyul sa
7:30- heograpiya sa (50pts.) journal at gawing gabay ang mga mga magulang/ mag-
8:30AM pagbuo at Panuto: Pumili ng isang sinaunang sumusunod na tanong. aaral, alamin ang mga
pag-unlad ng kabihasnan na iyong ilalarawan ang GAWAIN 3: SANAYSAY (50pts.) natatapos na Gawain
mga heograpiya. Gumawa ng isang Geo- Panuto: Gumawa ng sanaysay ng mga mag-aaral sa
sinaunang bookmark na nagpapakita ng kaugnayan bilang sagot sa katanungan sa pamamagitan ng
kabihasnan sa ng heograpiya at pag-unlad ng ibaba. Gumawa rin ng sariling “Messenger, Text or
Call” at iba pang
daigdig sinaunang kabihasnan sa Daigdig pamagat nito. Ang bilang
paraan na
(AP8HSK-Ig-6) GAWAIN 2: REFLECTION JOURNAL ng pangungusap ay hindi bababa
nirerekomenda ng
(20pts.) sa sampu (10) at hindi lalampas sa
paaralan
dalawampu (20).
DAY 5 Nasusuri ang GAWAIN 1: PAGHAMBINGIN NATIN ng mga sumusunod na katuruan na Ibigay ang modyul sa
8:30- mga sinaunang (20pts.) mayroong kaugnayan sa ating mga magulang/ mag-
kabihasnan ng
9:30AM Panuto: Gamit ang Venn Diagram, pakikipagkapwa-tao. aaral, alamin ang mga
Egypt,
Mesopotamia, paghambingin ang dalawang paniniwala GAWAIN 3: SANAYSAY (50pts.) natatapos na Gawain
India at China na nagbigay-daan sa pamumuno ng Panuto: Gumawa ng sanaysay ng mga mag-aaral sa
batay sa politika, emperador ng China at ng mga Pharaoh bilang sagot sa katanungan sa pamamagitan ng
ekonomiya, ng Egypt. ibaba. Gumawa rin ng sariling “Messenger, Text or
kultura, relihiyon, Call” at iba pang
GAWAIN 2: PILOSOPIYA NILA, pamagat nito. Ang bilang
paniniwala at paraan na
lipunan
PAHAHALAGAHAN KO! (40pts.) ng pangungusap ay hindi bababa
nirerekomenda ng
Panuto: Batay sa iyong sariling sa sampu (10) at hindi lalampas sa
paaralan
pagkaunawa, ipaliwanag ang kahulugan dalawampu (20).
DAY 6 Napahahalaga GAWAIN 1: MAKABULUHANG PAMANA Panuto: Sagutin ang mga sumusunod Ibigay ang modyul sa
9:45- han ang mga (20pts.) na katanungan batay sa iyong mga magulang/ mag-
kontribusyon Panuto: Makikita ang tunay na kabuluhan pagkaunawa sa aralin. aaral, alamin ang mga
10:45AM
ng kasaysayan kung maiuugnay ang mga GAWAIN 3: ISAGAWA (20pts.) natatapos na Gawain ng
ng mga mga mag-aaral sa
pangyayari ng nakaraan sa kasalukuyan. Panuto: Ilahad ang kahalagahan ng
sinaunang pamamagitan ng
Ilahad ang kahalagahan sa kasalukuyan ng pagkakaimbento ng papel sa mga
kabihasnan sa mga pamana ng sinaunang kabihasnan. sumusunod batay sa iyong sariling “Messenger, Text or
daigdig Call” at iba pang paraan
GAWAIN 2: TRI-QUESTION APPROACH pagkaunawa.
(AP8HSK-Ij-10) (20pts.)
na nirerekomenda ng
paaralan

1|P age
Kamusta? Isang makabuluhan at makasaysayang araw sa inyo Grade 8 Learners! Bago tayo magsimula, narito ang
mga ilang paalala sa pagsagot ng mga gawain.
1. Sundin ang Weekly Home Learning Plan sa pagsagot.
2. Kayo ay gagamit ng long white bond paper sa pagsagot.
3. Intindihin mabuti ang mga panuto bago sumagot.
4. Hindi lamang sagot ang isusulat sa bond paper kundi maging ang pamagat ng bawat gawain, panuto at mga
tanong.
5. May nakalaang puntos sa bawat gawain. Ang sakop nito ay buong First Quarter ng Araling Panlipunan 8 na
sasagutan ninyo sa loob ng dalawang linggo sapagkat gagamitin pa ito ng mga mag-aaral sa ibang seksyon.
6. Pagkatapos ninyong masagutan lahat ng gawain, ang mga bond paper ay ilalagay sa isang long white folder na
nakalagay ang inyong pangalan, antas at seksyon (hal. 8-Wisdom), subject (AP8: Kasaysayan ng Daigdig),
kwarter (hal. First Quarter, Second Quarter, atbp.) at guro sa AP (Aljon T. Mendoza/ Mylene DG Gonzales).
7. Hindi kinakailangan lagyan ng design ang folder dahil hindi ito makaaapekto sa inyong puntos. Subalit, gawin
itong maayos at presentable.
8. Maging masigasig sa pagsagot nito at sikaping kayo mismo ang sasagot sapagkat “Mahangay ang pait ng pag-
aaral, kaysa pait ng kamangmangan” – Anonymous.
ARALING PANLIPUNAN 8: KASAYSAYAN NG DAIGDIG
1st Quarter, Weeks 1-8
PAKSA 1: KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG

Estruktura ng Daigdig
Ang Daigdig o kilala rin bilang mundo o sangkalupaan ay ang tanging planeta sa solar system na may
kakayahang magpanatili ng buhay. Ito ay ikatlong planeta mula sa araw, pinakamasukal na planeta sa sistemang solar
at pang-apat sa pinakamalaking planetang terestriyal. Tara na’t alamin pa ang ibang bahagi na patungkol dito.

Ang Daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ang
mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle. Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na ito. Sa
katunayan, umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-
uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga
kabundukan.

2|P age
Ang daigdig ay binubuo ng mga kontinente. Ang kontinente ay ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw
ng daigdig. May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba naman ay pinalilibutan ng katubigan. Gayundin
naman, ang iba ay nagtataglay ng napakaraming mga bansa samantalang ang iba ay mayroon lamang kakaunti. May
pitong kontinente ng daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Australia, Europa, Hilagang America at South America.

3|P age
4|P age
GAWAIN 1: KAHON NG KASAGUTAN (10pts.)
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat bilang. Pumili ng sagot sa
loob ng kahon.

1. Ito ang distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng Prime Meridian.
Ito rin ang mga bilog (great circles) na tumatahak mula sa North Pole patungong South Pole.
2. Ito ang kaloob-looban na bahagi ng Daigdig kung saan matatagpuan ang mga mahahalagang metal tulad ng
iron at nickel.
3. Ito ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay.
4. Ito ang pinakadulong bahagi ng Timog Hemispero na direkta ring sinisikatan ng araw.
5. Ito ang likhang-isip na guhit na humahati sa globo sa Hilaga at Timog na hemispero.
6. Ang pinakadulong bahagi sa Hilagang Hemispero na direktang sinisikatan ng araw.
7. Ito ang isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.
8. Ito ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng Daigdig.
9. Ito ang nasa Greenwich sa England na itinatalaga bilang zero degree longitude.
10.Ito ang matigas at mabatong bahagi ng Daigdig.
GAWAIN 2: ANONG TEMA NG HEOGRAPIYA? (10pts.)
Panuto: Isulat kung anong tema ng heograpiya ang tinutukoy ng bawat pahayag. (Lokasyon, Lugar, Rehiyon,
Interaksyon ng Tao at Kapiligiran, at Paggalaw).
_______1. Mula Lungsod ng Malolos ay isang oras at kalahating minuto ang paglalakbay papuntang Lungsod ng
Meycauayan.
_______2. Espanyol ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.
_______3. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan sa Saudi Arabia.
_______4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang bansa sa Australia at New Zealand upang magtrabaho.
_______5. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel at silangan ng
West Philippine Sea.
_______6. Ang mataas na antas ng teknolohiya ang nagpabilis sa mga tao na magtungo sa mga bansang may
magagandang pasyalan.
_______7. Ang wika ng mga bisita ay Waray.
_______8. Ang Pilipinas ay may klimang tropikal.
_______9. Ang Brunei ay nasa Timog Silangang Asya.
_______10. Ang Amana Resort ay matatagpuan sa Pandi, Bulacan
GAWAIN 3: SANAYSAY (50pts.)
Panuto: Gumawa ng sanaysay bilang sagot sa katanungan sa ibaba. Gumawa rin ng sariling pamagat nito. Ang bilang
ng pangungusap ay hindi bababa sa sampu (10) at hindi lalampas sa dalawampu (20).
Rubric:
Nilalaman - 25pts.
Kaangkupan sa tanong - 15pts.
Pamagat - 5pts.
Pasok sa 10-20 pangungusap - 5pts.

PAKSA 2: HEOGRAPIYANG PANTAO

Tinatawag ding heograpiyang kultural ang heograpiyang pantao. Ang paggamit ng mga heograpo ng iba’t ibang
pananaw upang maipakita ang kultural na rehiyon at mga bansang kabilang dito. Relihiyon, wika, medisina, ekonomiya,
politika, mga lungsod, populasyon, kultura, at iba pang aspektong kultural na maaaring magbigay-liwanag kung bakit
kumikilos ang mga tao sa isang lugar tulad ng kanilang ginagawa sa kanilang buhay ang pinag-aaralan dito. Ating suriin
ang mga pangunahing aspekto ng heograpiyang pantao:

5|P age
Wika
Nagbibigay ng identidad o pagkakakilanlan sa taong kabilang sa isang pangkat. Itinuturing din itong kaluluwa
ng isang kultura. Ang mga taong may magkakaparehong wika ay kadalasang may pareho ring kaasalan at paniniwala
Nakapaloob ang mga wikang ito sa mga wikang magkakaugnay at may iisang pinagugatan o language family Sa
kabuoan, ayon sa Ethnologue (16th edition), mayroong 147 language families sa buong daigdig. Ang ilan sa
pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ay ang Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, Niger-Congo, SinoTibetan.

Relihiyon
Nagmula ang salitang relihiyon sa “religare” na ang ibig sabihin ay “buoin ang mga bahagi para maging
magkakaugnay ang kabuoan nito”. Ilan sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ay Hinduismo, Kristiyanismo, Islam,
Budismo, at Confucianismo. Ang tanong ukol sa kahulugan at layunin ng buhay ang sinasagot ng relihiyon.
Sinusuportahan din nito ang isang mahahalagang pagpapahalaga ng isang pangkat ng tao. Mayroong iba-ibang
paniniwalang pangrelihiyon ang tao: monoteismo ang tawag sa paniniwala sa iisang Diyos; ang pananampalataya
naman sa maraming Diyos ay tinatawag na politeismo. Ang sumusunod ay ilan sa iba’t ibang relihiyon sa iba’t ibang
rehiyon ng daigdig:

Lahi o Pangkat-etniko
Pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, wika, pinagmulan, at relihiyon ang mga miyembro ng pangkat-
etniko. Maraming eksperto ang namumuno sa pagaaral ng iba’t ibang klasipikasyon ng tao sa daigdig, ngunit marami
rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaari ito pagmulan ng
diskriminasyon. Ilan sa mga pangunahing lahi sa daigdig ay: Mongoloid na nagmula sa Asya, Caucasoid na nagmula sa
Europa, at Negroid na nagmula sa Aprika.

GAWAIN 1: 3-2-1 CHART (20pts.)


Panuto: Sa tulong ng mga kaalaman sa nasuring teksto, punan ang chart ng hinihingi nitong impormasyon.

6|P age
GAWAIN 2: KA-PARES (10pts.)
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at tukuyin ang mga kahulugan at halimbawa sa HANAY A na bumubuo ng
heograpiyang pantao sa HANAY B. Maaring maulit ang iyong sagot.

____1. Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga


tao, pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat
____2. Ang karamihan ng tagasunod ng Budismo ay mula sa Indochina
____3. Monoteismo ang tawag sa paniniwala sa iisang Diyos
____4. Ang may halong katutubo at Europeo na tinawag ay Pidgin
English.
____5. Ang mga tao ay idinidikit ang sining, madalas sa aspektong
kultural na ito.
____6. Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, at Niget Congo
Sino-Tibetan
____7. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “ethnos”, na ang ibig
sabihin ay “mamamayan”.
____8. Ito ang sumsasalamin sa kultura ng tao.
____9. Nagmula sa salitang “religare” na ang ibig sabihin ay “buoin
ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuoan nito”.
____10. Ito ay isang organisadong paraan ng pagsamba sa isang bagay
na espiritwal o kaisipan sa buhay.
GAWAIN 3: SANAYSAY (50pts.)
Panuto: Gumawa ng sanaysay bilang sagot sa katanungan sa ibaba. Gumawa rin ng sariling pamagat nito. Ang bilang
ng pangungusap ay hindi bababa sa sampu (10) at hindi lalampas sa dalawampu (20).
Rubric:
Nilalaman - 25pts.
Kaangkupan sa tanong - 15pts.
Pamagat - 5pts.
Pasok sa 10-20 pangungusap - 5pts.

PAKSA 3: YUGTO NG PAG-UNLAD NG KULTURA SA PANAHONG PREHISTORIKO

Heograpikal na Kalagayan sa Panahon ng mga Unang Tao sa Daigdig


Milyong taon na ang nagdaan ang mga unang buhay sa Daigdig ay lumitaw. Ang mga unang anyo ng buhay ay
mga organismong binubuo ng iisang selyula (cell). Ito ay ayon sa mga eksperto. Naging kompleks ang mga halamang
tubig at hayop dagat. Sinasabing gumapang ang mga sinaunang hayop patungong dalampasigan dahil kinakailangang
umangkop sa kanilang bagong kapaligiran pagkaraan ng milyon-milyong taon. Para makalakad, nagkaroon sila ng paa
at baga upang huminga. Ito ang pagbabago ng kanilang anyo

7|P age
Sa panahon ng yelo, unang lumitaw ang unang anyo ng tao. Sa iba’t ibang bahagi ng mundo partikular na sa
Africa, Asia, at Europe. Nagkaisa sila sa teorya na hindi iisang lugar ang pinagmulan ng unang tao. Ang unang
kasangkapang ginamit ng mga sinaunang tao ay napag-alaman na bato o yari sa bato sa pagkuha ng pagkain at pang-
depensa sa sarili.
Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao sa Daigdig
Nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas batay sa makaagham na pag-aaral ng
pinagmulan ng tao. Sila ang mga Homo species (homo na nangangahulugang tao). Ang mga ito ang nagtagumpay na
makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon.

Ramapithecus
Natagpuan sa Europe, Asia, at Africa. Tinatayang may gulang na 14 hanggang 12 milyon na ito nang mahukay.
Hinihinalang nginunguya niya ang kanyang pagkain tulad ng kasalukuyang tao.
Australopithecus africanus
Malapit ang kanyang pagkakahawig sa tao. Natagpuan ni Raymond Dart ang mga labi noong 1924. Sa South
Africa ito natagpuan.
Australopithecus robustus
Ang mag-asawang Louis at Mary Leakey ng Great Britain ang nakatagpo sa mga labi noong 1959. May
matipunong pangangatawan, may mahabang noo, mahabang mukha, at maliit na panga. Sa Oduvai Gorge, Tanzania
ang lugar kung saan ito natagpuan.
Australopithecus afarensis (Lucy)
Ito ay nahukay ni Donald Johanson ang kalansay noong 1974. Tinatayang may 3-5 milyong taon na ang mga
labi nito. Natagpuan ito sa Afar, Ethiopia.

8|P age
Ayon sa mga eksperto, nasa Lambak ng Cagayan ang tinatayang pinakamatandang ebidensiya ng tao sa
Pilipinas. Ito ay mga teorya ukol sa pinagmulan ng tao sa Pilipinas batay sa pananaliksik ng mga siyentipiko,
antropologo, at mananalaysay. Ngunit wala pang natutuklasang labi o kalansay ng mga nasabing tao. Ang mga
kagamitang yari sa bato at mga labi ng hayop katulad na lamang ng mga elepante, stegodon, rhinoceros, buwaya, at
malaking pawikan ang nahukay lamang sa Cagayan.

Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko


Nakapaloob sa panahong prehistoriko ang mga pangyayari bago nakatagpo ng mga tala sa kasaysayan o hindi
pa nasusulat ang kasaysayan at panahong historiko naman ang mga pangyayaring naganap matapos magkaroon nang
sistema ng pagsusulat. Dumaan sa iba’t ibang yugto ng pagbabago ang kultura ng tao. Ang mga kasangkapan ng iba’t
ibang lugar sa iba’t ibang panahon ang patunay nito. Ang kalinangan, paniniwala, at pag-uugali ng isang pangkat ng
mga tao ay tinawag na kultura. Tinawag na Panahon ng Bato at Panahon ng Metal ang paghahati sa dalawang
panahon. Ito ang yugto ng pagbabago ng kultura noong panahon ng prehistoriko o panahon na wala pang nakasulat sa
kasaysayan..

9|P age
10 | P a g e
GAWAIN 1: SURI-HAYAG (20pts.)
Panuto: Suriin ang pahayag at sagutin ang mga pamprosesong tanong.

11 | P a g e
GAWAIN 2: ESPADA NG KARUNUNGAN (30pts.)
Panuto: Pumili ng limang pagbabago sa teknolohiya mula sa Panahong Paleolitiko tungo sa Panahong Metal. Sa bawat
pagbabago, tukuyin ang mga naging epekto nito sa kasalukuyan.

GAWAIN 3: SANAYSAY (50pts.)


Panuto: Gumawa ng sanaysay bilang sagot sa katanungan sa ibaba. Gumawa rin ng sariling pamagat nito. Ang bilang
ng pangungusap ay hindi bababa sa sampu (10) at hindi lalampas sa dalawampu (20).
Rubric:
Nilalaman - 25pts.
Kaangkupan sa tanong - 15pts.
Pamagat - 5pts.
Pasok sa 10-20 pangungusap - 5pts.

PAKSA 4: ANG HEOGRAPIYA SA PAGBUO AT PAG-UNLAD NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA


DAIGDIG

Matatagpuan ang Mesopotamia sa Rehiyon ng Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula
sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Ang regular na pag-apaw ng Ilog Tigris at
Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na
nakabubuti sa pagtatanim.

Heograpiya ng Lambak ng Indus


Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya.
Madalas itong tawagin ng mga heograpo na subkontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya
maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran
ang nasa hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay of
Bengal sa silangan. Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong ito. Ang Timog Asya
ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan, binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan,
Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives.
Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga, nakararanas din ito ng mga
pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran,
dala ang kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian.
Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang
malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. Ang
mga lungsod na ito ay nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa kasalukuyan, tinatayang
mahigit 1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan ditto partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng
makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900 km.
(1800) milya at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan. Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon

12 | P a g e
ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng
Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang
malinang ang lupain.

Heograpiya ng Ilog Huang Ho


Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit
sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa
kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya.
Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay
nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang panahon at
humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang
North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng
pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain,
madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. Ayon sa
tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang
dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng
ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang
unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng
paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang
pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak
ang mga magsasaka.

Heograpiya ng Egypt
Mahalagang tanda ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa
bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay
dumadaloy patungong Mediterranean Sea sa pag-unawa sa
heograpiya ng sinaunang Egypt, ang Upper Egypt ay nasa
bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu
Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang
haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga. Dati-rati,
ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay
nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang
pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970
nang maitayo ang Aswan High Dam upang makapagbigay ng
elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig. Ang Egypt ay
tinawag bilang The Gift of the Nile dahil kung wala ang ilog na
ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto. Tila
hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagangsilangan ng disyerto
ng Africa noon pa mang unang panahon.Sa Panahong Neolitiko,
ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang
makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog.
Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-iiwan ng matabang lupain na mainam
para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog
ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay
naging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan.
Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga
imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang
ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos
na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kalian magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga
panahong ito.
Ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-
ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan
at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga
pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang
panahon.

13 | P a g e
Heograpiya ng Mesoamerica
Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa
pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of
Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang
hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at
Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay mula
sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o
slope ng Nicaragua sa Pacific at sa Tangway ng Nicoya sa
Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang
malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador,
at kanlurang bahagi ng Honduras. Hango ang pangalang
Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang
“gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa
America. Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa
elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng
mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag
ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang
Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito.

GAWAIN 1: GEO-BOOKMARK (50pts.)


Panuto: Pumili ng isang sinaunang kabihasnan na iyong ilalarawan ang heograpiya. Gumawa ng isang Geo-bookmark
na nagpapakita ng kaugnayan ng heograpiya at pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa Daigdig

25

15

10

50
GAWAIN 2: REFLECTION JOURNAL (20pts.)
Panuto: Gumawa ng reflection journal at gawing gabay ang mga sumusunod na tanong.
• Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng preserbasyon ng pinagmulan ng mga sinaunang
kabihasnan?
• Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon, paano mo maipakikita ang pagmamalasakit at pagmamahal sa sa mga
sinaunang kabihasnan?

GAWAIN 3: SANAYSAY (50pts.)


Panuto: Gumawa ng sanaysay bilang sagot sa katanungan sa ibaba. Gumawa rin ng sariling pamagat nito. Ang bilang
ng pangungusap ay hindi bababa sa sampu (10) at hindi lalampas sa dalawampu (20).
Rubric:
Nilalaman - 25pts.
Kaangkupan sa tanong - 15pts.
Pamagat - 5pts.
Pasok sa 10-20 pangungusap - 5pts.

14 | P a g e
PAKSA 5: SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG
Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Ang Mesopotamia ang itinuturing na lunduyan ng kabihasnan sapagkat ito ang pinag-usbungan ng mga kauna-
unahang lungsod sa daigdig. Sa kasalukuyan, ito ay matatagpuan sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey.
Sumerian (3500 – 2340 B.C.E.)
• Itinuturing ang Sumer na pinakaunang sibilisasyon sa Mesopotamia.
• Nakapagtatag ng malayang lungsod-estado o city-estate na pinamunuan ng isang paring-hari, isang pari na
nagsisilbing hari rin ng mga Sumerian.
• Nabuo ang 12 lungsod-estado tulad ng Eridu, Kish, Lagash, Uruk, Ur, Nippur at iba pa na bawat isa ay may
sariling pamahalaan na pinamunuan ng isang hari.
• Naniniwala sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao. Bunga ng
paniniwalang ito, nagtayo sila ng templo na magiging tahanan ng kanilang diyos, ang Ziggurat.
• Sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform (hugis-sinsel) naitala ang mga
kaganapan sa lipunan.
• Ang mga Sumerian ay mga magsasaka na nagtayo ng mga kanal at dike, gumamit ng araro sa pagsasaka, at
gulong sa paglipat ng kanilang mga pananim sa ibang lugar. Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing at baboy.
• Dahil sa madalas na tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig, hindi nakabuo ng matatag na
pamahalaan ang mga Sumerian.
Akkadian (2340 – 2100 B.C.E.)
• Itinatag ni Haring Sargon I ang Imperyo ng Akkad, ang itinuturing na kaunaunahang imperyo sa daigdig.
• Si Sargon I ay nagmula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-estado ng Akkad o Agade.
• Ang imperyong pinasimulan ni Sargon I at ipinagpatuloy ng kanyang mga anak ay tumagal lamang nang halos 150
taon.
• Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng mga Akkadian ay si Naram-Sin (2254 BCE – 2218 BCE).
• Noong 2100 BCE, panandaliang nabawi ng Ur sa ilalim ng pamumuno ni UrNammu ang kapangyarihan at
pinamunuan ang Sumer at Akkad.
• Bumagsak ang Dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia.
Babylonian (1792 – 1595 B.C.E.)
• Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa pagsakop ng Mesopotamia.
• Itinatag ni Haring Hammurabi ang Imperyong Babylonia at ginawang kabisera ng imperyo ang Babylon.
• Code of Hammurabi o Kodigo ni Hammurabi, ay ang katipunan ng 282 batas sa Babylonia na ipinatipon ni
Hammurabi upang maging batayan ng imperyo
• Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.
• Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon.
• Ang mga Hittite ay napatanyag sa pagmimina ng iron ore at paggawa ng mga kagamitang bakal.
Assyrian (1813 – 605 B.C.E.)
• Noong 1120 B.C.E., si Tiglath-Pileser I (1114 B.C.E.–1076 B.C.E.), ang kinikilalang pinakamahusay na hari ng
Assyria, ay nagawang supilin ang mga Hittite at naabot ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang Imperyong
Assyrian.
• Naging makapangyarihan ang Assyria sa panahon ni Tiglath-Pileser III (745 B.C.E.–728 B.C.E.). Isang henyo sa
larangan ng militar, sinakop niya ang Armenia, Syria, Egypt at iba pang bansa.
• Si Ashurbanipal (668 B.C.E.-627 B.C.E.) ay isa sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala at nakilala
siya bilang tagapagtatag ng unang aklatan sa daigdig.
• Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.
Chaldean (612 B.C.E. – 539 B.C.E.)
• Si Nabopolassar (612 B.C.E.-605 B.C.E.) ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babybonia matapos pangunahan
ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
• Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605 B.C.E.-562 B.C.E.), anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo ng
Assyria noong 609 B.C.E. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, natamo ng Babylonia ang rurok ng kadakilaan.
• Ipinagawa niya ang Hanging Garden of Babylon para sa kanyang asawa na si Amitis, kinilala ito ng mga Greek
bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
• Noong 539 B.C.E., nilusob ni Cyrus the Great ng Persia ang Babylon.
Persian (539 B.C.E. – 330 B.C.E.)
• Nagtatag ng isang malawak na imperyo na tinawag na Imperyong Achaemenid.
• Sa pamumuno ni Cyrus the Great (559 B.C.E.-530 B.C.E) napasailalim sa imperyo ang mga Medes at Chaldean sa
Mesopotamia at ang Asia Minor (Turkey)
• Sa panahon ni Darius the Great (521 B.C.E.-486 B.C.E.) umabot ang sakop ng imperyo hanggang India. Hinati ang
imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
• Nagpagawa ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1,677 milya mula sa Sardis hanggang Susa kung saan
naglakbay ang mga mangangalakal, opisyal at mensahero ng imperyo.
• Nagsulong ang mga Persiano ng relihiyong Zoroastrianism na ipinangaral ni Zarathustra o Zoroaster.
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Sa Rehiyong Timog Asya nagsimula ang Kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng Ilog Indus. Sa
bahaging ito umunlad ang kambal na lungsod ng Kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro.

15 | P a g e
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog, malapit sa YellowRiver o Huang Ho. Tinawag ang ilog na
ito na “River of Sorrow” dahil sa pinsalang hatid nito tuwing umaapaw at nagdadala ng nakapipinsalang baha. Dahil sa
kanilang paniniwala na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribu ng mga barbaro, tinawag nila ang
kanilang lupain bilang Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom o Gitnang Kaharian. Naniwala din ang mga
Tsino sa Mandate of Heaven o Basbas ng Kalangitan na ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit.
Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangitan ang basbas sa anyo ng lindol, bagyo,
tagtuyot, peste o digmaan.
Iisa-isahin mo sa sumusunod na buod ang pinagdaanang panahon at kabihasnan ng China.

16 | P a g e
17 | P a g e
Ang Kabihasnang Egyptian
Ang sinaunang kabihasnan ng Egypt ay umusbong sa lambak ng Nile River na nasa hilagang bahagi ng Africa.
Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing
pharaoh. Ang pharaoh ang tumatayong pinuno at hari (God-King o Divine King) ng sinaunang Egypt at itinuturing na
nagmula sa angkan ng mga Diyos kaya ang kanyang pamumuno ay tinatawag na Divine Monarchy. Sa pangkalahatan,
maituturing na kontrolado ng isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian.
Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga Egyptologist. Batay sa ilang tala,
narito ang kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt:

18 | P a g e
19 | P a g e
GAWAIN 1: PAGHAMBINGIN NATIN (20pts.)
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang dalawang paniniwala na nagbigay-daan sa pamumuno ng
emperador ng China at ng mga Pharaoh ng Egypt.

GAWAIN 2: PILOSOPIYA NILA, PAHAHALAGAHAN KO! (40pts.)


Panuto: Batay sa iyong sariling pagkaunawa, ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod na katuruan na mayroong
kaugnayan sa ating pakikipagkapwa-tao.

20 | P a g e
GAWAIN 3: SANAYSAY (50pts.)
Panuto: Gumawa ng sanaysay bilang sagot sa katanungan sa ibaba. Gumawa rin ng sariling pamagat nito. Ang bilang
ng pangungusap ay hindi bababa sa sampu (10) at hindi lalampas sa dalawampu (20).
Rubric:
Nilalaman - 25pts.
Kaangkupan sa tanong - 15pts.
Pamagat - 5pts.
Pasok sa 10-20 pangungusap - 5pts.

PAKSA 6: MGA PAMANA NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG


Mga Pamana ng Kabihasnang Mesopotamia
Lunduyan ng kabihasnan ang lupaing Mesopotamia. Ang mga taong nanirahan dito ay nag-iwan ng mga
pamanang nagpapakita ng kanilang pagkamalikhain at kahusayan sa iba’t ibang mga bagay. Narito ang ilan sa mga
mahahalagang bagay na nalikha ng mga Sumerian.
ZIGGURAT – Ito ay isang estrukturang nagsisilbing tahanan at
templo ng diyos o patron ng isang lungsod. Ito ang sentro ng
pamayanan. Umaabot ng pitong palapag at may templo sa
pinakatuktok ng gusali.
GULONG - Ito ay naging mahalaga sa mga Sumerian dahil sa ito ay
malaking tulong sa pangangalakal (Sumerian wheel cart) at naging
potter’s wheel na nagpadali sa paggawa ng mga banga. Ang gulong
ay itinuturing na pinakamahalagang imbensyon o tuklas ng tao ng
nagdaang pagbabago o ebolusyon at ito ay ginagamit pa rin sa
kasalukuyan sa iba’t ibang hugis at kayarian.
CUNEIFORM – Ito ay nangangahulugang “hugis-sinsel”, ang kauna-
unahang sistematikong paraan ng pagsusulat sa buong Daigdig na
nalinang ng mga Sumerian. Gumagamit ang mga eskriba (scribe)
ng isang maliit na patpat na tinatawag na stylus bilang panulat at
tabletang luwad (clay tablet) bilang sulatan.
EPIC OF GILGAMESH – Itinuturing ito bilang kauna-unahang akdang
pampanitikan sa buong Daigdig. Isa itong kwento ni Haring
Epic of Gilgamesh Gilgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumerian noong ikatlong
siglo B.C.E. Isa sa mga kabanata ng epikong ito ay kahalintulad ng
“The Great Flood” ng Bibliya.
“CODE OF HAMMURABI” – Ang katipunan ng mga batas ni
Hammurabi ay isang napakahalagang ambag ng kabihasnang
Sumer. Ito ay naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos
Code of Hammurabi lahat na aspekto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia. May mga
batas na nagkakaloob ng proteksyon sa mga mamimili, may mga
batas ukol sa kasal at pamilya. Nagbigay ng kaayusan at katarungan
ang mga batas ni Hammurabi.
WATER CLOCK – Isang kalendaryong nakabatay sa siklo ng buwan.
SEXAGESIMAL SYSTEM – Ito ay matandang sistema ng matematika
ng Sumerian kung saan ang pagbibilang ay nakabatay sa 60.
• Nagpaunlad ng mga kaisipan ukol sa astronomiya.
• Paggamit ng araro sa pagsasaka
• Paggawa ng unang mapa.
• Paggawa ng kagamitan at sandata gamit ang tanso
• Paggamit ng layag sa mga sasakyang pandagat
• Paglagay ng mga arko sa kanilang mga estruktura

Pamana ng Kabihasnang Indus


Ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang panirahang sumailalim sa tinatawag na
urban planning o pagpaplanong panlungsod. Kahanga-hanga din ang kanilang pagpapahalaga sa kalinisan at
sanitasyon ng kanilang pamayanan. Narito ang ilan sa mga kontribusyon ng kabihasnang Indus:
Arthashastra Isinulat ni Kautilya ang Arthashastra noong ikatlong siglo B.C.E. Ito ang
kauna-unahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si
Kautilya ang tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang tagapagtatag ng
Imperyong Maurya.
Ayurveda Ang Ayurveda o “Agham ng Buhay” ay isang mahalagang kaisipang
pangmedisina ng sinaunang India. Tinawag itong “Agham ng Buhay”
sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng kalusugan at
kaligtasan mula sa mga karamdaman.

21 | P a g e
Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na
kauna-unahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o
sewerage system. Bukod dito ang mga kalsada sa matatandang lungsod
ng Mohenjo-Daro at Harappa ay nakaayos na parang mga
nagsasalubong na guhit o grid pattern.
Ang dalawang epikong pamana ng India sa larangan ng panitikan.
➢ Ang Mahabharata ay isang salaysay hinggil sa matinding tunggalian
ng dalawang pamilya na magkakamaganak – ang mga Pandava na
Ramayana at Mahabharata kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan.
➢ Ang Ramayana ay isang salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama
at ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita, ang kanyang asawa, na
sapilitang kinuha ni Ravana, isang demonyong hari.
• Pamantayan ng bigat at sukat
• Decimal System
• Paggamot at pagbunot ng ngipin
• Halaga ng pi (3.1416)
• Taj Mahal
• Pinagmulan ng mga relihiyong Hinduismo, Budismo, Jainismo at
Sikhismo

Mga Pamana ng Kabihasnang Tsino


Ang bawat dinastiyang nangibabaw sa China ay nag-iwan ng mga dakilang pamana sa sangkatauhan. Narito
ang mga mahahalagang kontribusyon ng kabihasnang Tsino.
Ang GREAT WALL ay ipinatayo sa panahon ng Qin. Tinatayang isang
milyong katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo ito. Itinayo ang
Great Wall upang magsilbing tanggulan laban sa mga tribong nomadiko
na nagmula sa hilaga ng China. May haba itong 2400 kilometro o 1500
milya. Ito ay nagsilbing simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng
mahabang panahon.
Ang GRAND CANAL ang nagdudugtong sa Ilog Huang-Ho at Ilog Yangtze
at may kabuuang distansya ito na 2,500 kilometro. Ito ang
pinakamahabang kanal sa buong Daigdig na may habang 1,776 km at
taas na 138 talampakan.
CALLIGRAPHY o kaligrapo ang uri ng pagsulat na nabuo ng Dinastiyang
Shang. Pictogram o mga larawan ang kanilang gamit sa calligraphy na
dikitdikit ang pagkakasulat upang makabuo at maipakita ang ideya.
Ang paniniwala sa FENG SHUI o Geomancy ay nagmula sa China. Ang
kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbabalanse ng yin at yang upang
Feng Shui makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman.
➢ Ang yin ay sumisimbolo sa kababaihan – malambot at kalmado.
➢ Ang yang ay tumutukoy sa kalalakihan – matigas at masigla.
Ito ay ang dalawang mahahalaga at sinaunang aklat na pamana ng mga
Tsino.
➢ Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay ng perspektiba at
pamamaraan ng prediksyon ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa
I Ching at Bing Fa buhay ng tao.
➢ Ang Bing Fa (Art of War) ay itinuturing na isa sa mga kaunaunahan at
pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang militar na isinulat ni Sun Zi o
Sun Tzu noong 510 B.C.E.
• Seismograph – instrumenting nagtatala sa pagdating, lakas at direksyon
ng lindol
• Papel – na nagdulot ng malawakang pagbabago sa komunikasyon at
kalakalan
• Porselana – na naging pangunahing produktong iniluluwas
• Paggamit ng silk o seda – isang mahalagang produktong Tsino na
ikinakalakal mula China patungong Mediterranean.
• Kagamitang pang-astronomiya tulad ng kalendaryo, star maps
• Praktikal na kagamitan tulad ng wheel barrow, mill wheel, water clock at
sundial
• Magnetic compass
• Gunpowder para sa fireworks
• Block printing para sa paglilimbag ng mga bagong kaisipan at
mahahalagang akda
• Chopsticks
22 | P a g e
• Abacus
• Payong
• Pamaypay
• Saranggola
• Mga pilosopiya tulad ng Confucianism, Taoism at Legalism

Mga Pamana ng Kabihasnang Egyptian


Ang mga sinaunang Egyptian ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang monumento ng kanilang kabihasnan.
Narito ang mga mahahalagang ambag ng sinaunang kabihasnang Egyptian.
Ang pyramid ay nagsisilbing monumento ng kapangyarihan ng mga
pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw. Ang mga piramide
ay hitik sa mga simbolismong relihiyoso.
➢ Great Pyramid of Giza – pinakamalaki, pinakamataas at
pinakamarangal na piramideng ipinatayo ni Khufu noong 2600 BCE.
Kabilang ito sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World.
Hieroglyphics ay ang sistema ng pagsulat na nalinang ng mga eskribano,
na nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek. Ang
hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga papel kundi nakaukit din
Hieroglyphics sa mga pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta sa luwad o
kahoy. Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa pagtatala at kalakalan.
Ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa mala-tambong
halaman na tinatawag na papyrus.
Mummification ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang
preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Ang mga Egyptian ay gumagamit
ng kemikal upang patuyuin ang bangkay. Matapos nito, ang isang
mummy o embalsamadong bangkay ay pinipintahan, binabalutan ng
linen, at pinapalamutian ng alahas.
• Kalendaryo na may 365 araw sabisang taon na hinati sa 12 buwan.
Iba pang kontribusyon • Geometry
• Medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto
• Paggamit ng chariot o karong pandigma

GAWAIN 1: MAKABULUHANG PAMANA (20pts.)


Panuto: Makikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan kung maiuugnay ang mga pangyayari ng nakaraan sa
kasalukuyan. Ilahad ang kahalagahan sa kasalukuyan ng mga pamana ng sinaunang kabihasnan.

23 | P a g e
GAWAIN 2: TRI-QUESTION APPROACH (20pts.)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong pagkaunawa sa aralin.

GAWAIN 3: ISAGAWA (20pts.)


Panuto: Ilahad ang kahalagahan ng pagkakaimbento ng papel sa mga sumusunod batay sa iyong sariling
pagkaunawa.

24 | P a g e

You might also like