You are on page 1of 3

Rodolfo Jr. K.

Roasa
FVT1-Pearl
12-19-19

Pagabasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


FILI-2112 | Activity
Tren
Matagal na akong nagtatrabaho sa isang kumpanya ng isang tren. Bilang inhenyero, buong buhay
ko ay ginugol ko sa kumpanyang ito. Sa edad na animnapu’t tatlo ay nasaksihan ko na ang
madaming mukha na paroo’t parito sa istasyon ng tren, pati ang samu’t saring kwento ng buhay
ay aking natunghayan. Mula sa simpleng pagmamasid sa mga pasahero hanggang sa pakikipag-
usap sa kanila, nalalaman ko ang mga pinagdadaanan nila.
Ang tren na to ay nagdadala ng ibat-ibang uri ng tao. May mga lulong sa bisyo, manloloko, mga
gumagamit ng bawal na gamot, mga kabataang rebelde, mamatay tao, magnanakaw, at marami
pang iba. Sila ang mga taong kadalasan ay may gustong takasan, gustong takasan ang buhay,
lugar, alaala, at mga taong kanilang sinira.
Ang huling proyektong nahawakan ko ay isang tulay na daraanan ng tren. Ang tulay na ito ay
nagdurugtong sa dalawang bahagi ng lupa na pinaghihiwalay ng malawak na ilog na dinaanan
din ng barko. Kaya hindi permanente ang tulay na ito, itoy dinudugtong lamang kapag paparating
na ang tren. Dito ko nakilala si Dave, siya ang nagsilbing Bridgemaster o tagadugtong ng tulay.
Natapos ang proyekto nung ako’y apatnapung taon pa lamang at pagkatapos nun ay dito na ko
namalagi para mangalaga at mangasiwa ng tulay. Si Dave ang lagi kong kasama at naging
magkaibigan kami.
Si Dave ay may siyam na taong gulang na lalaking anak na lagi nyang dinadala doon. Masayahin
ang bata, at tuwang tuwa ito sa tren. Malapit si Dave sa anak niya at makikitang mahal na mahal
nya talaga ito. Sabi nga ni Dave makita nya lang ang ngiti ng anak nya nawawala lahat ng pagod
at problema niya.
Mahilig maglaro ang anak ni Dave sa may riles at sa twing paparating ang tren ay kakaripas ito
ng takbo sa may operating dock upang pagmasdan ito. Tuwang-tuwa siya at pinagmamasdan nya
ito hanggang sa pinakadulo. At masaya naman akong pinagmamasdan sya sa bintana ng aking
opisina.
Ngunit isang araw noon, paparating na ang tren at nakapwesto na si Dave sa Bridge Operating
Room para idugtong ang tulay. Ngunit sa bintana ng silid niya habang inaabangan ang tren ay
narinig nya ang iyak ng anak nya. Sinilip nya ito at ito pala ay nahulog sa isang hydraulic box na
bahagi ng mekanismo ng tulay. Kapag dinugtong ni Dave ang tulay ay maiipit ang bata at
mamamatay. At kung di naman nya dinugtong ay mamamatay ang libo-libong taong sakay ng
tren.
Halos natulala si Dave ng masaksihan ko ay tumakbo ako paalis sa opisina ko, ngunit napakalayo
nito. Nakita ko hawak ni Dave ang knob habang tumutulo ang luha sa mga mata nya.
Rodolfo Jr. K. Roasa
FVT1-Pearl
12-19-19
Paparating na ang tren, nasa baba na ko ng gusali ng aking opisina at nakita ko lamang na
nakababa na ang tulay at nakadaan ng ligtas ang tren. Nakita ko si Dave na tumakbo pababa ng
tower nya papunta sa anak nya. Lumuhod sya at walang tigil na tumangis
Pinagmasdan ko ang dumadaan na tren. Mula sa bintana nito ay nakikita ko ang mga tao. May
natutulog, nag-uusap, nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nagkakainan at nag-iinuman.

Bahagi ng Tekstong Deskriptibo


Paglalarawan sa Tauhan:
Dito ko nakilala si Dave, siya ang nagsilbing Bridgemaster o tagadugtong ng tulay. Natapos ang
proyekto nung ako’y apatnapung taon pa lamang at pagkatapos nun ay dito na ko namalagi para
mangalaga at mangasiwa ng tulay. Si Dave ang lagi kong kasama at naging magkaibigan kami.
Si Dave ay may siyam na taong gulang na lalaking anak na lagi nyang dinadala doon. Masayahin
ang bata, at tuwang tuwa ito sa tren. Malapit si Dave sa anak niya at makikitang mahal na mahal
nya talaga ito. Sabi nga ni Dave makita nya lang ang ngiti ng anak nya nawawala lahat ng pagod
at problema niya. (Tauhan: Dave)
Paglalarawan sa Emosyon o Damdamin:
Halos natulala si Dave ng masaksihan ko ay tumakbo ako paalis sa opisina ko, ngunit napakalayo
nito. Nakita ko hawak ni Dave ang knob habang tumutulo ang luha sa mga mata nya.
Paparating na ang tren, nasa baba na ko ng gusali ng aking opisina at nakita ko lamang na
nakababa na ang tulay at nakadaan ng ligtas ang tren. Nakita ko si Dave na tumakbo pababa ng
tower nya papunta sa anak nya. Lumuhod sya at walang tigil na tumangis
Pinagmasdan ko ang dumadaan na tren. Mula sa bintana nito ay nakikita ko ang mga tao. May
natutulog, nag-uusap, nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nagkakainan at nag-iinuman.
(Emosyon: Paghihinagpis)
Paglalarawan sa Tagpuan:
Ang huling proyektong nahawakan ko ay isang tulay na daraanan ng tren. Ang tulay na ito ay
nagdurugtong sa dalawang bahagi ng lupa na pinaghihiwalay ng malawak na ilog na dinaanan
din ng barko. Kaya hindi permanente ang tulay na ito, itoy dinudugtong lamang kapag paparating
na ang tren.
(Tagpuan: Tulay ng Tren)
Paglalarawan sa Mahahalagang Bagay:
Ngunit isang araw noon, paparating na ang tren at nakapwesto na si Dave sa Bridge Operating
Room para idugtong ang tulay. Ngunit sa bintana ng silid niya habang inaabangan ang tren ay
narinig nya ang iyak ng anak nya. Sinilip nya ito at ito pala ay nahulog sa isang hydraulic box na
bahagi ng mekanismo ng tulay. Kapag dinugtong ni Dave ang tulay ay maiipit ang bata at
Rodolfo Jr. K. Roasa
FVT1-Pearl
12-19-19
mamamatay. At kung di naman nya dinugtong ay mamamatay ang libo-libong taong sakay ng
tren.
(Mahalagang Bagay: Desisyon ni Dave)

You might also like