You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education – Region III Central Luzon

DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Araling Panlipunan Grade 7
Quarter 2 – WEEK 3

A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):


Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
B. Pamantayan sa Pagganap(Performance Standards):
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo
ng pagkakilanlang Asyano.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies


MELC No. 8- Natataya ang impluwensiya ng kaisipang Asyano sa kalagayang panlipunan
at kultura sa Asya.
D. Layunin (Objectives):
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng kaisipang Tsino sa pagtatag ng sinaunang
kabihasnan sa China;
2. Naipaliliwanag ang pinagmulan ng emperador ng Japan at Korea;
3. Nasusuri ang mito ng pinagmulan ng sinanunang kaisipan sa TSA;
4. Nakapagmumungkahi ng mga katangiang dapat taglayin ng mga pinuno ng bansa;
5. Nakapaglilista ng mga kaisipang Asyano na patuloy na gumagabay sa mga pinuno sa
rehiyon.

I. NILALAMAN(Content): Kaisipang Asyano sa pagbuo ng Imperyo


Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs): wala
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs):
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references): Asya: Pag-usboong ng
Kabihasnan pah 144-151
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:wala
5. Iba pang pinagkuhanang sources:
https://www.wikakids.com/filipino/maikling-kwento/si-malakas-si-maganda/
B. Iba pang Kagamitang Panturo:mga larawan, sagutang notebook
II. PAMAMARAAN(Procedures):
UNANG ARAW
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):
..
Bago ka magsimula sa pagbabasa ng araling ito, subukin mong sagutan ang panimulang
gawain
. upang masukat ang lawak ng kaalaman mo tungkol sa aralin.

Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.
Maaari mo nang simulan ang pagsagot sa mga tanong.

Page 1 of 7
Gawain 1: Kabihasnang Sumer, Indus at Shang: Tukuyin ang mga nasa larawan sa
pamamagitan ng pagsasa-ayos ng mga ginulong titik. Pagkatapos ay tutukuyin mo rin ang
kabihasnang kanilang kinabibilangan. Sagutin ang mga sumusunod nang pasalita. Huwag ng
isulat ang sagot sa sagutang papel.

LETTAB CYLA __________ RATZIGGU-- __________CLEORA NESBO-- __________

Nahirapan ka ba sa pagsagot? Huwag kang mag-alala ang mga pahayag na iyong nabasa sa
panimulang gawain ay isa lamang pagsubok na lilinang sa mga susunod pang pag-aaral.

.
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa mga Kaisipang
Asyano sa Pagbuo ng Imperyo.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Gawain 2: Larawan- Suri Suriin mo ang larawan at pagnilayan ang mga pamprosesong tanong
sa ibaba. .

Pamprosesong tanong:

1. Paano kaya naluluklok sa trono ang mga


emperador o hari ng ilang bansa sa Asya?
2. Ano ang halimbawa ng kanilang tungkulin at
kapangyarihan?

IKALAWANG ARAW
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Gawain 3: Kwento-Suri: Suriin mo ang maikling kwento.

Page 2 of 7
Isang araw ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin. Pagkatapos ikinampay ang
matipunong mga pakpak at paimbulog na pababa sa kakahuyan. Mula sa malayo kanyang natanaw
ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin. Kanyang inilisan ang paglipad
pababa. Siya’y dumapo sa naturang kawayan upang magpahinga. Tok! Tok! Tok! Nadama niya ang
maririing katok na nagmumula sa loob ng kawayan. May tinig siyang narinig!
“Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing. “Tuktukin ng iyong tuka ang
kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga. Para itong karsel!”
“Baka ito’y patibong!” ang isip ng ibon. Kinamaya-maya’y may butiking gumapang na paitaas sa
kawayan.
Ang ibon palibhasa’y gutom, ito’y tinuka ngunit hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang
kawayan. Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas. “Salamat sa iyo, dakilang hari
ng mga ibon! Ako’y si Malakas. Tuktukin mong muli ang kawayan. Iyong palabasin ang aking kasama!”
Tinuktok ng hari ng mga ibon ang isa pang kawayan. Isang mahinhin at magandang babae ang
lumabas. “Ito’y si Maganda, ang aking asawa. Pinalaya mo kami, dakilang ibon. Ikaw ay magiging
kasama naming habang buhay!”
“Hindi maaari. Maraming salamat,” sagot ng ibon. “Ako ay ibon at ang tahanan ko ay malawak na
papawirin. Ako’y naglalayag sa hangin. Ang aking bagwis ay sinadya sa paglipad. Subalit umasa
kayong lagi ko kayong aawitan. Pag ako’y wala na, ang maliliit kong supling ang aawit sa inyo.
Aawitin din nila ang mga awit na inawit ko!”
“Hali kayo! Sumakay kayo sa aking bagwis. Kayo’y dadalhin ko at ipakikita sa inyo ang Lupang
Hinirang. Doon kayo maninirahan!”
SinaMalakas at Maganda ay dinala sa mga pulong luntian at kumikinang sa sikat ng araw. Ang mga
ito’y tulad ng tinuhog na kuwintas na isang mahalagang hiyas!
Dito sa mga pulong ito, Perlas ng Dagat Silangan, nagsimulang namuhay ang mag-asawang Malakas
at Maganda-ama’t inang pinagmulan ng lahing kayumanggi.

https://www.wikakids.com/filipino/maikling-kwento/si-malakas-si-maganda/

Pagnilayan ang mga pamprosesong tanong:


1. Kanino nagmula ang mga tao sa Pilipinas?
2. Ano ang nais ipahiwatig ng pinagmulan nina Malakas at Maganda sa ating konsepto ng
pamumuno?
3. Itinuturing bang diyos ang mga pinuno sa Pilipinas?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1


(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

Mga Kaisipang pinagbatayan sa pagkilala sa sinaunang kabihasnan


(Sinocentrism, Divine Origin, Devaraja)

Rehiyon Bansa Kaisipan


Silangang China Noong sinaunang panahon, tinawag na Zhongguo ang kanilang
Asya imperyo na nangangahulugang Middle Kingdom o Gitnang
Kaharian

-Ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at mga kaganapan.


Sinocentrism- Ang mga Tsino ay superyor at pinakamagaling sa lahat.
Sino- “Chinese” ; Centrism - “paglalagay ng sarili sa gitna”

Page 3 of 7
Son of heaven- ang pinuno ay Anak ng langit-(Son of Heaven) at may
basbas ng langit upang mamuno sa kalupaan.

Mandate of Heaven-Pinili siya ng langit na mamuno sa kalupaan dahil


puno sya ng birtud o kabutihan.Ipinapaliwanag ng prinsipyong mandate
of heaven ang dahilan ang pagpapalit- palit ng emperador at dinastiya
sa kasaysayan ng China.
Kowtow- pag yuko sa harap ng emperor ng 3 beses kung saan ang
noo ay humahalik sa semento.
Japan  Divine Origin o Banal ng Pinagmulan ay paniniwalang ang isang
lahi ay nagmula sa mga diyos at ginagabayan ng mga ito.

 Alamat ng Japan- banal na pinagmulang ng emperador ng


Japan

Izanagi (Diyos) Izanami(Diyosa)

Mga anak nila


Amaterasu – Tsuki-Yomi Susa-Nawo
Omikami (Diyos ng Buwan) (Diyos ng
(Diyosa ng Araw) Kadiliman)
Apo ni Amaterasu
Ninigi-no-Mikoto
Namuno sa lupa
na dala ang mga
banal na sagisag
ng Japan- alahas,
espada at salamin
Kaapu-apuhan ni
Ninigi
Jimmu Tenno
unang emperador
ng Japan

 Walang mandate of Heaven - hindi pwedeng palitan o tanggalin


sa pwesto ang mga emperador, sapagkat sila ay Banal o sagrado
at tanging sa lahi lamang ni Amaterasu omikami maari siyang
magmula.
Korea  Naniniwala rin na banal ang pinagmulan ng kanilang emperador.

Alamat ng Korea - banal na pinagmulang ng emperador ng


Korea
Hwanin(Diyos ng kalangitan)
Prinsipe Hwanung –anak ni Hwanin
 Nagtatag ng lungsod ng Diyos
 Nagtalaga ng mga mangangalaga sa hangin,ulan at ulap
 Tinuruan ang mga tao ng iba’t ibang kaalaman sa
agrikultura,medisina,pangingisda,pagkakarpintero,paghah
abi atbp.
 Nagkaloob ng mga batas at nagturo ng mali at tama

 DANJUN WANGGEOM o TANGUN- naging anak nina


Prinsipe Hwanung at Oso na naging magandang dilag, si
Danjun ang nagtatag ng Gojoseon o Lumang Joseon
ang unang kaharian ng Korea
Timog Pilipina Animismo- katutubong relihiyon ng mga mga taga TSA.
Silangan s at  Naniniwala na ang kapaligiran ay pinananahanan ng mga
g Asya ibang espiritu o Diyos na maaaring mabait o masama.

Page 4 of 7
bansa  Pinakamahalaga sa kanila ang Diyos ng kalupaan na syang
sa TSA nagbibigay ng masaganang ani na tumutustos sa
panganagilangan ng kaharian.
 Men of Prowess-o mga lalaking nagtataglay ng kakaibang
galing, tapang, o katalinuhan. Ang kanilang superior na
katangian ay makikita sa kanyang kakayahang mamuno sa mga
nasasakupan niya at kakayahan magkaloob ng ritwal at papuri
sa diyos.
Hal. Datu
 Dalawang katungkulan ng hari- tagapamagitan sa diyos at tao
at pamunuan ang nasasakupan para manatili ang kapayapaan.
 Mataas na lugar gaya ng bundok-pinaniniwalaang tahanan ng
mga diyos o espiritu.
o Sumisimbolo ng mga kamangha-manghang templo at
istrukturang arkitektural
o Naging batayan sa pagpapagawa ng mga templo at
istrukturang panrelihiyon.
Hal. Borobudur- pinakadakilang monumentong
Buddhist na itinayo sa Central Java, Indonesia
- Nagmula sa wikang Sanskrit na Buhmian Bhara
Budhara na nangangahulugang mountain of
accumulation of merits of the states.

Pagnilayan ang mga pamprosesong tanong:

1. Bakit nararapat ng ipagmalaki ng mga Tsino ang kanilang kabihasnan?


2. Paano isinasagawa ang kowtow? Bakit kailangan gawing ito?
3. Ipaliwanang ang prinsipyo ng mandate of heaven.
4. Ilahad ang paniniwala ng Japan tungkol sa pinagmulan ng kanilang emperador?
5. Bakit mahalaga si Amaterasu sa Japan?
6. Ipaliwanag ang dahilan kung bakit banal din ang pinagmulan ng unang emperador
ng mga taga Korea.
7. Sino si Tangun? Bakit siya mahalaga sa bansang Korea?
8. Ipaliwanang ang animism.
9. Bakit itinuturing na sagradong tahanan ng mga diyos at espiritu ang matataas na
lugar?
10. Bakit tinawag na men of prowess ang mga pinuno sa TSA?

IKATLONG ARAW

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

Timog Asya India Ang hari ay kinilala bilang Devaraja (haring Diyos o diyos ng
mga Hari) at cakravartin bilang hari ng daigdig o universal
monarch
 Deva- diyos ; raja- hari
 Cakravartin- haring nakaupo sa trono
Kanlurang Saudi Caliph –tawag sa pinunong panrelihiyon at
Asya Arabia pampamahalaan
na kahalili ni Mohammed at ang atas na mamuno ay galing
kay Allah.
 Sultan-bagong katawagan sa pinuno- na ang ibig
sabihin ay Mga Anino ni Allah sa kalupaan o
Shadows of Allah on Earth

 Mga tungkulin ng isang caliph o sultan na nakasaad sa


Koran o Qur’an

Page 5 of 7
1. Dapat niyang panatilihin ang Islam sa tunay nitong anyo
nang ito ayitinatag.
2. Dapat na siya ang magbigay ng makatwiran at legal na
paghuhusga upang matapos ang mga di-
pagkakaunawaan.
3. Dapat niyang protektahan ang nasasakupan ng imperyo
at lahat ng sagrado rito.
4. Dapat siyang mangulekta ng buwis sa mga nasasakupan
ayon sa batas.
5. Dapat niyang pamahalaan ang mga nasasakupan upang
maayos ang pagpapatakbo ng imperyo at
mapangalagaan niya ang relihiyon.

Pagnilayan ang mga pamprosesong tanong:

1. Mahalaga ba ang devaraja? Ipaliwanag ang iyong sagot.


2. Mahalaga ba ang cakravartin? Ano ang kanyang kaibahan sa devaraja?
3. Bakit kailangan ang isang caliph sa pamayanang Muslim?
4. Suriin ang kaibahan ng caliph o sultan sa cakravartin at devaraja?

F. Paglinang sa Kabihasnan

Gawain 5: Maglista ng dalawa o higit pa na katanginag dapat taglayin ng isang mabuting pinuno
ng isang bansa. Isulat sa iyong sagutang papel ang sagot.

IKAAPAT NA ARAW

G. Paglalapat ng aralin sa pang- araw –araw na buhay(Gawin Mo/ Pagyamanin)


Performance Task (20 puntos)
Gawain 6: CAMPAIGN POSTER

Gamit ang oslong papel o ng inyong sagutang papel, gumawa ng sariling campaign poster sa
iyong pagtakbo bilang pangulo ng Klase. Ilagay kung bakit karapat dapat kang iboto at maglagay
ng isang plataporma o programa.

Kailangan pang
Pamantayan Napakahusay (4) Mahusay (3) Katamtaman (2)
Magsanay (1)
Nakakitaan ng Walang
Nagpakita ng lubos Nagpakita ng
mahinang naipakitang pag-
Pag-unawa sa na pag-unawa sa pag-unawa sa
pagkaunawa sa unawa sa mga
datos mga datos na mga datos na
mga datos na datos na napag-
napag-aralan napag-aralan
napag-aralan aralan
May ilang datos
Pagkaayon sa Nakaayon ng lubos Nakaayon sa Hindi nakaayon
ang hindi
itinakdang sa layunin ang layunin ang sa layunin ang
nakaayon sa
layunin gawain gawain gawain
layunin
Pagiging Napapanahon ang Napapanahon
Kakaunti ang Walang
napapanahon lahat ng inihayag ang marami sa
napapanahong napapanahong
ng mga datos, na datos, inihayag na
datos, ebidensya datos, ebidensya
ebidensya at ebidensya at datos, ebidensya
at kasanayan at kasanayan
kasanayan kasanayan at kasanayan

Page 6 of 7
Napakamalikhaing Malikhaing Di-gaanong Walang bahid ng
Malikhaing naihayag ang naihayag ang naging malikhain pagkamalikhain
Mensahe mensahe ng mensahe ng ang mensahe ng ang mensahe ng
gawain gawain gawain gawain
Hindi gaanong Hindi masining
Napakasining ng Masining ang
masining ang ang
Pagkamasining pagkakagawa ng pagkakagawa ng
pagkakagawa ng pagkakagawa ng
gawain gawain
gawain gawain

H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)

Gawain 7: Dugtungan: Sagutin ito ng pasalita.

Ang pamumuno ay isang sagradong tungkulin ______________________________________.

Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito na handa ka na
sa maikling pagsusulit na iyong gagawin

IKALIMANG ARAW

I . Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/ Isagawa) –


Lingguhang Pagsusulit (Written Work)

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang bago ang bilang kung ang mga pangungusap ay naaayon
sa paniniwala ng sinaunang kabihasna at ekis (x) naman kung ito ay salungat. Gawin ito sa iyong
sagutang papel. (1 puntos sa bawat tamang sagot.)

____ 1. Ang Sinocentrism ay ang paglalagay ng ga Chinese sa kanilang sarili sa huli.


____ 2. Malakas ang loob ng mga Japanese na makipaglaban sa malalakas na bansa tulad ng
Amerika sa paniniwalang ginagabayan sila ng mga diyos.
____ 3. Ayon sa alamat na pinagmulan ng Japan, sila ay nagmula sa magkapatid na Izanagi at
Izanami.
____ 4. Ang devaraja ay paniniwalang nag-ugat sa TSA.
____ 5. Ang kowtow ay pagbibigay ng paggalang sa mga pinuno sa Korea.
____ 6. Si Jimmu Tenno ang kauna-unahang emperadon ng Japan.
____ 7. Ang sultan ay ang tawag sa mga pinuno sa Timog Asya.
____ 8. Ang cakravartin ay sinaunang pinuno sa Kanlurang Asya.
____ 9. Ang caliph ay pinunong panrelihiyon sa Kanlurang Asya.
____ 10. Ang bibliya ang gabay ng mga pinuno sa Kanlurang Asya.

J. Karagdagang Gawain at Remediation

GAWAIN 8: ISALAYSAY MO: Pagbibigay ng katanungan sa mga mag-aaral: Sagutin ito nang
pasalita.

Sa iyong palagay, kung hindi nabuo ang mga iba’t-ibang Kaisipang Asyano, ano kaya mangyayari
sa kasalukuyan kung hindi natuklasan ang mga ito at magbigay ng nakita mong kahalagahan ng
mga kaisipang ito.

Mahusay! Natapos mona ang mga gawain para sa linggong ito.

Page 7 of 7

You might also like