You are on page 1of 7

Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at

mas Mataas na Antas

Panimula

Kasabay ng mga pagbabagong dulot ng internasyonalisasyon at globalisasyon ay


tila paglamlam din ng pagunawa at pagluwag ng yakap ng mga Pilipino sa sariling
wika. Isa sa mga karaniwang mukha ng pang araw araw na gawain ang mga
pinaiksing salita sa chat at text at ang mga pinahalong wika sa isang pangungusap.
Kadalasang mali rin ang baybay sa mga pasulat na gawain at gayun din sa bigkas
sa mga pasalitang aktibidad. Marami rin ang naglilitawang makabagong salita
mula sa iba’t ibang dako ng mundo na dulot ng kulturang popular na mas
pinipiling gamitin lalo’t higit ng mga kabataan sa pakikipagtalastasan. Nagbago na
ang porma at paraan ng komunikasyon ngayon at tila ito ay palayo sa sariling atin.
Matutunghayan sa paksang ito ang pagtatalakay sa mga isyung kinapaloloban ng
paggamit ng Filipino bilang midyum ng komunikasyon.

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon na nagpapakita ng mga gamit ng Filipino bilang wika ng
komunikasyon; at
2. mabigyang halaga ang Filipino bilang wika ng komunikasyon sa pamamagitan
ng pag gamit nito sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyong.

Lunsaran

• https://www.youtube.com/watch?v=4xMUnKIAG5k
• https://www.youtube.com/watch?v=p5IRKbYDCy0
Nilalaman

Minsang binalita GMA News ang diumano’y pagpurol ng kakayahan ng mga


kabataan sa wikang Filipino bunsod ng mga umiiral na makabagong paaran ng
komunikasyon. Dala ng mga gadyet at mga pang madlang midya na ang
pangunahing midyum ay Ingles, maraming mga kabataan ang hindi na batid ang
gamit sa ilang mga salitang sariling atin. Nakalulungkot mang isipin na ganito ang
nangyayari sa mga kabataan ay kailngang maikintal sa kanilang isipan ang patuloy
na paggamit sa sariling wika sa gitna ng modernong panahon.

Maaalaala na ang pagpapayabong ng Filipino ay hindi lamang dala ng mga


umpukan bagkos ito ay nagmula sa mas malalim na pundasyon tulad ng nasasaad
sa ikalawang talata ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng kasalukuyang saligang-batas
na “Subject to the provisions of law and as the Congress may deem appropriate,
the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a
medium of official communication and as language of instruction in the
educational system.” Malinaw sa probisyong ito ang responsibilidad ng gobyerno
na itaguyod ang pagbuo ng mga hakbangin upang patuloy na magamit ang wika sa
mas malalim pamamaraan sa pamayanan man o paaralan. Ang mga inisiyatibang
nagpapalawak ng saklaw ng gamit sa Filipino bilang wikang panturo at wika ng
komunikasyon ay inaasahang magmumula sa pamahalaan ayon sa Saligang Batas.
Kaya naman ang mga nagdaang pagtatangka na alisin ang Filipino at Panitikan ay
tunay na nagsindi sa mga damdaming makabansa ng mga Pilipino.

Hindi lamang dito limitado ang mga opisyal na dokumento na sumusuporta sa


paggamit ng Filipino sa mas interaktibo at malalim na paraan. Ang dating
Pangulong Corazon C. Aquino ay nagbigay diin din sa probisyong ito sa
pamamagitan ng Executive Order No. 335 na “Nag-aatas sa Lahat ng mga
Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng Pamahalaan na Magsagawa ng
mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na
mga Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.”

Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa paglinang at
pagpapalaganap ng isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa,
nagpapayaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at
pakikibaka ng nakararami. Mula dito ay mababatid na ang ugat ng sinasabing wika
na likas sa ating mga Pilipino ay Filipino. Kaya ito ay nararapat lamang gamitin sa
ano mang aspekto ng komunikasyon at pagkatuto.
Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San Juan ang kanyang
artikulong 12 Reasons to Save the National Language. Tamang tama ang
pagkakagawa ng artikulong ito dahil sa Buwan ng Wika kung kailan binibigayang
pugay at tuon ang wikang pambansa at isa ay sa panahong ito kainitan ang
pagpakikipaglaban sa pagbabalik ng asignaturang Filipino at Panitikan sa
kurikulum ng kolehiyo. Sa artikulong ito ay inisa isa niya ang labindalawang
dahilan kung bakit ang Filipino ay kailangan gamiting wikang panturo at dapat
mapabilang sa kurikulum sa kolehiyo.

Ang unang dahilan na kaniyang binigay ay ang nasasaad sa Artikulo XIV Seksyon
6 ng kontistusyon ng bansa. Aniya ay nakaririmarin ang mga ahensya ng gobyerno
na gumgamit ng Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at gayundin ay
ang mga institusyong tila sumasalungat sa pagsusulong ng Filipinisasyon. Sunod
niyang binigyang diin ay ideya ng epektibong gamit ng Filipino bilang wikang
panturo kung ito ay ituturo rin bilang isang sabjek o disiplina. Isa rin ay ang
globalisasyon at ASEAN integration, kung saan inaasahan ang pagpapatibay ng
sariling wika, panitikan, at kultura upang may maibahagi tayo sa pandaigdigan at
pangrehiyong na palitan sa panlipunan at pangkalingang unawaan. Ito ay isa ring
paraan ng paglinang ng napag-aralan at napagtalakayan sa hayskul tulad ng kung
paano nililinang ang ibang disiplina sa hayskul at kolehiyo. Bukod pa rito, ang
Filipino at Panitikan ay parehas sa College Readiness Standard sa CHED’s
Resolution No. 298-2011. Ang resulta ng National Achievement Test sa Filipino
ng sa hayskul ay mababa pa rin sa itinalagang lebel ng masteri ng Kagawaran ng
Edukasyon at dahil dito ay lalong na ngangailangan ng Filipino sa kolehiyo upang
mapunang ang kulang pang natutuhan ng mga mag-aaral sa hayskul.

Batid din ng lahat na hindi kaya senior hayskul masakop lahat ng content at
performance standards na kasalukuyan ng itinuturo sa kolehiyo. Filipino ang
wikang pambansa at sinasalita ng nasa 99% ng populasyon. Ito ang kaluluwa ng
bansa. Ito ay nagbubuklod sa mga mamayan tulad kung paano tayo binubuklod ng
mga awit, tula, at iba pang panitikan na nakalimbag sa Filipino. Kaya naman ang
pagalis nito ay pagalis din sa ating sarili. Kaugnay naman ng mga bansang
nagpapatupad din ng K to 12 tulad ng Estados Unidos, Malaysia, at Indonesia, ang
kanilang wikang pambansa at panitikan ay mandatori na core courses sa kolehiyo.
Dinagdag pa niya na maraming panukala na isinumete sa CHED upang gamitin sa
Filipino sa multi/interdidiplinari na pamamaraan.

Ipinahayag din ni G. San Juan na matagal nang namamayagpag ang Ingles sa


kurikulum ng kolehiyo mula noon 1906 samantalang ang Filipino ay nito lamang
1996, at panahon na upang maremedyohan ang nagdaang panahon ng
makasaysayang kaapihan. Higit sa lahat ang Filipino ay isang pandaigdigang wika
na itinuturo at pinagaaralan sa mahigit walumpong institusyon at unibersidad sa
ibang bansa. Ang pag-aalis nito sa kurikulum ng sariling bansa kung saan ito ay
nag-ugat ay tiyak na makaaapekto sa negatibong paraan sa katayuan ng Filipino
bilang pandaigdigang wika.

Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na napakarami pang dapat


gawin upang ganap na magtagumpay ang wikang Filipino. Aniya hindi sapat ang
pagdedeklara ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto bilang tugon sa
Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 5, 1997.
Dagdag pa niyang na ang wikang Filipino ay totoong mabubuhay at yayaman sa
pamamagitan ng patuloy na paggamit araw-araw ng mga mamayan. Bagaman kung
tutuusin, hindi sapat kahit ang panyayaring siyento posiyento na ang mga
mamayang Pilipino ay nakapagsasalita at nakaka-unawa sa wikang Filipino.

Kasama rin sa akdang ito Pambansang Alagad ng Sining ang pag-aasam na sa


darating na panahon, sinumang nais mag-aral pa ay maaaring magbasa sa isang
aklatang tigib sa mga aklat at sanggunian na nakalimbag sa Filipino. Ang lahat ng
balikbayan at bisita ay sinasalubong sa airport ng mga karatula sa wikang Filipino
ang banyagang nais magtagal sa Pilipinas. May tatak at paliwanag sa Filipino ang
mga ibinebentang de-lata at nakapaketeng produkto. Idinadaos ang mga
kumperensiya sa wikang Filipino, at kung kailangan, may mga tagasalin sa Ingles
at ibang wikang global. Nagtutulong-tulong ang mga eksperto at guro sa mga
wikang katutubo sa Wikang Pambansa. Nagsasalita sa Filipino ang mga
mambabatas kahit hindi sila nkaharap sa telebisyon para maintindihan ng bayan.
At hindi nag-iisa ang Pangulong Benigno C. Aquino III sa pagtatalumpati sa
wikang Filipino. Tunay nga na kapag nangyari ang mga bagay na ito ay
maikukunsidera na ang paggamit sa Filipino bilang wika ng komunikasyon ay nasa
mataas na antas na o higit pa.
Gawain

Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasan na lumikha ng tatlong meme na sumasalamin sa
mga gampanin ng Filipino bilang wika ng komunikasyon. Ang bawat meme ay
kakatawan sa ideya ng mag-aaral bilang isang estudyante sa kolehiyo, bilang guro
sa hinaharap, at bilang isang Filipino. Maaaring gamitin ang mga larawan na
palasak ng ginagamit sa social media ngunit siguraduhing ang mga salita ay
manggaling sa kaisipan ng bawat mag-aaral. Kasama sa criteria sa rubrik ang
orihinalidad. Ang awtput ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook
Private Group ng klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o
gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang mga linya o iskrip sa cellphone at
isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger. Ang rubrik
sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan na gumawa ng isang vlog na nagpapakita ng
kanyang karaniwang ginagawa sa tahanan gamit ang wikang Filipino. Inaasahang
hindi gagamit ng wikang banyaga ang mga mag-aaral sa vlog. Ang kanilang vlog
ay tatagal lamang ng 1 hanggang 3 minuto. Ang awtput ng mga mag-aaral ay
muling isusumite sa Facebook Private Group ng klase. Para sa mga mag-aaral na
walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang mga
aktibidad sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit
ang messenger. Mainam din kung matatawagan ng guro ang mga mag-aaral para sa
aktibidad na ito. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa
pagmamarka.

Rubrik sa Napakahusa Mahusay Kulang sa Iskor


Meme y (3) Kasanayan
Kategorya (5) (1)
Nilalaman Komprehensibo Malinaw ang Naging malamlam
ang ginawang meme at ang ang punto at
meme at pagkakalahad ng pagtalakay sa
pagtalakay sa paksa, nagtataglay meme at hindi
paksa, malinaw na ng mga kakikitaan ng mga
nailahad ang mga importanteng mahahalagang
impormasyon, detalye subalit impormasyon na
kompleto ang hindi nito magpapatibay sa
mga detalye at napatibay ang ang paksang iniatas.
kakikitaan na mga
dumaan sa impormasyong
masusing pag- nakalagay sa
iisip ang vlog. meme.
Mekaniks Lubhang mahusay Mahusay at Nagtataglay ng
at lohikal ang lohikal ang kulang na
pagkakahanay ng pagkakahanay ng impormasyon at
mga impormasyon, hindi naayos ng
impormasyon, naiorganisa ang lohikal ang mga
naiorganisa ang mga detalye, Ang detalye na ng
mga detalye. paliwanag ay ideyang
Sumunod sa malinaw at tinatalakay. May
tinalagang anyo at makabuluhan bahagi ng meme
nilalaman ang subalit na nakapagdulot
meme. kinakulangan ng ng kalituhan sa
mga salitang dahil sa ilang
magpapaigting ng pahayag na hindi
pagkaunawa sa kaugnay ng paksa.
meme.
Pagkamalikhain Malikhain at Malikhain ngunit Hindi mlikhain at
mapanghikayat hindi mapanghikayat
ang presentasyon mapanghikayat ang presentasyon
ng impormasyon ang presentasyon ng impormasyon
sa ginawang ng impormasyon sa ginawang
meme. sa ginawang meme. Hindi
Nagpapakita ng meme. Nagamit nagpapakita ng
matalinong gamit ang Filipino matalinong gamit
ng Filipino bilang bilang wika ng ng Filipino bilang
wika ng komunikasyon sa wika ng
komunikasyon meme. komunikasyon
ang meme. ang meme.
Orihinalidad Ang mga meme ay Ang mga meme ay hindi
orihinal. orihinal.
Kabuuang Iskor

You might also like