You are on page 1of 66

LEARNING ACTIVITY SHEET

1
TALAAN NG NILALAMAN

Bilang ng Sanayang
Linggo Pahina
Papel
Pangalan ng aklat
1

Talaan ng Nilalaman
2
Mahalagang
Paalala sa Paggamit 3
ng Sanayang Papel
Unang Linggo Sanayang Papel Blg.
4
1
Ikalawang Linggo Sanayang Papel Blg.
12
2
Ikatlong Linggo Sanayang Papel Blg.
18
3
Ikaapat na Linggo Sanayang Papel Blg.
26
4
Ikalimang Linggo Sanayang Papel Blg.
38
5
Ikaanim na Linggo Sanayang Papel Blg.
44
6
Ikapitong Linggo Sanayang Papel Blg.
49
7
Susi sa
Pagawawasto 57

Bumuo ng Sanayang 58
Aklat

2
Mga Mahahalagang paalala sa paggamit ng
Sanayang Papel na ito:

1. Gamitin ang sanayang papel nang may pag- iingat.

2. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang


anumang bahagi ng Sanayang Papel.

3. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga


pagsasanay.

4. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang


bawat pagsasanay.

5. Obserbahan ang katapatan at integridad sa


pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.

6. Pakibalik ang Sanayang Papel na ito sa iyong guro


kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

3
TXTBK + QUALAS
SANAYANG PAPEL Blg.1
Textbook based instruction
paired with MELC-Based SA FILIPINO 9
Quality Assured Learner’s
Activity Sheet (LAS) Kwarter 1 Linggo 1

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat:


________________________

Guro: _____________________________________________ Petsa ng Pagpasa:


________________________

MELC:
1. Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano batay
sa napakinggang akda. (F9PB-Ia-b-39)
2. Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda.
(F9PB-la-b- 39)
3. Nabibigayng kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotibo o
konotatibong kahulugan. (F9PT-Ia-b-39)
4. Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling
kaganapan
sa lipunang Asyano sa kasalukuyan (F9PD-Ia-b-39)
Aralin: Ang Ama
Sanggunian: PANITIKANG ASYANO 9 Pahina: 196-198,
201-202
PINAGYAMANG PLUMA 9 Pahina: 292-293

Layunin: Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano batay sa napakinggang akda
Kasanayan Bilang: 1 Pagsusuri sa mga pangyayari at kaugnayan nito sa kasalukuyan
Lipunang Asyano
Araw: 1

KONSEPTO:

Ang kuwentong “Ang Ama” ay isang uri ng kuwentong makabanghay na nakatuon sa


pagkabuo ng mga pangyayari. Mahalagang matukoy ang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari at ang estilo na ginamit ng may akda. Ang kwentong makabanghay ay
nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng mga pangyayari. Subalit, ano nga ba ang
banghay?

Ang banghay ay ang maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga


akdang tuluyan tulad ng maikling kuwento, anekdota, mito, alamat, at nobela. Ang mga

4
akda ay makapag-iiwan lamang ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa kung may
pangyayari at kung masasgot ang mga katanungang tulad ng sumusunod: ano ang
nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano ang naging wakas?

Mula sa banghay ay makabubuo ng balangkas kung saan makikita ang pagkakaugnay-


ugnay at mabilis na galaw ng mga pangyayari. Narito ang karaniwang balangkas ng mga
akdang pasalaysay tulad ng maikling kwento.

Pagsasanay 1

PANUTO: Basahing mabuti at unawain ang akda.

Ang Ama
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama.
Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at
nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y
inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo,
para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang
maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na
kanina paaligid-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-
kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga
pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang
maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at
isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang
maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit.
May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang
dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang
parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng
kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng
pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit
na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain nang kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang
ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing
lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising
pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown
na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at
padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na
anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang
pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang
ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at

5
kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas
upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang
maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at
ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y
magtatanong kung ano ang ginagawa nito. Kapag umuuwi ang ama nang mas gabi kaysa
dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang
dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas
kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na
nagkalat sa kaniyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-
ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyang halinghing.
Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa
isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na
di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya ang pinakamatandang lalaki at babae, na
malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa
gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan
nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay
parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw,
at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong
lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa
kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa
kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahahabang halinghing
at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayong binalaan nilang papaluin
ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na
tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na
naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ang ina ng
bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak
habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro
ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon na nakatatanda sa sakiting bata ay
dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay
doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng
abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno
ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang
kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait
na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at
mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang
munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang
makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang
pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang
muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang
ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyang dugo at laman. Mula
sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya
madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!"
Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon
ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi

6
ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na
may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable,
pero tunay na mahal niya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang
naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang
ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kaniya, tulad ng
nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastusin sa
alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya
ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa
bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas
maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata
sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. May
supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang
laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming
kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang
babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa
malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat at
pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo at nanghula
ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas
ito ng kaniyang kuwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi


dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-
iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi
matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang
pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan
siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-
layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik
sa bahay, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang


hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa
puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo
ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa
anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na
ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy
sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang
iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang
malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang
piging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.

7
Pagsasanay 1

Panuto: Nabasa mo ang mahahalagang pangyayari sa akdang “Ang ama” . Nalaman mo ang
nangyari sa ina, ama at mga anak. Iugnay ang mga pangyayaring nakalahad sa ibaba sa
kasalukuyang panahon ng mga Asyano.
Sa akda Pangyayari Sa kasalukuyan
(humalaw ng pangyayari (halimbawang pangyayari
mula sa akda) ngayon)
Pagmamalupit ng Ama
Ang ginagawang pagtitiis ng
ina
Ang paggalang ng mga bata sa
kanilang magulang

Pagpapahalaga ng magulang
sa anak
Pagsasagawa ng paglibing sa
isang pumanaw bilang isang
kultura

Layunin: Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa


akda.

Kasanayan Bilang:2 Pagbubuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid


Araw: 2
KONSEPTO:

Ang pagmamatuwid ay pagpapahayag ng pangangatwiran o opinion. Layunin ng


pangangatuwiran na mahikayat niya ang mambabasa o tagapakinig na umayon sa kaniyang
opinyon, mabago ang pag-iisip ng mambabasa o tagapakinig, at maimpluwensyahan ang
kanilang paguugali at pagkilos sa pamamagitan ng makatuwirang pahayag.

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin mo ang dalawang sinipi. Pagkatapos ay bumuo ka ng sarili mong paghatol
o pagmamatuwid batay sa mga tanong kaugnay ng mga ito. Isulat ang sagot sa inilaang
kahon.

Una:
May kalahating oras na silang naglalakad, siya at ang iika-ikang si Sonia, at gutom at pagod
at pagkabahala’y nagtulong-tulong upang ang kimkim na himagsik sa sa loob ni Ambo’y
mag-ulol, mag-alimpuyo. Silang mag-ama’y naglalakad sa ilalim ng matalisik na init ng araw
sapagkat ni wala sila ni trienta sentimos na ipamamasahe, at doon sa kuwartong
inuupahan, maaaring naghihingalo o patay na si Marta. Patuloy na humahagibis ang mga
sasakyan, ang mga balanang nasasalabat nila’y nagwawalang-bahala,at naisip niya sina
Sandoval, Javier, Roncal, Dory, at Mr. Reyes. Maaaring sa mga sandaling ito’y
nanananghalian na ang mga iyon o namamahinga o kaya’y naglalaro ng ahedres o kaya’y

8
nagpupusoy. Naisip niya ang mayamang pulitiko at negosyanteng gumasta ng dalawang
milyon sa isang handaan at ang iba pang katulad niyon. Nasaan sila sa mga sandaling iyon?
A, sila’y nasa kani-kanilang magagarang tahanan, nasa pang-araw na mga nightclub, nasa
mga pasugalan, nasa mga hotel at motel na kaulayaw ng kanilang mga kerida, o nasa kani-
kanilang opisina’t pinapaputok ang isip kung paano lalong magkakamal ng salapi,
samantalang siya’y naritong naglalakad sa ilalim ng nakatutupok na sikat ng araw kasama
ang iika-ikang anak.

-Mula sa “Ambo” ni Wilfredo Pa. Virtusio

Ikalawa:
Kagutuman sa Pilipinas, Sanhi ng Kasakiman at Maling Pamamahala

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagugutom na


pamilyang Pilipino ay sanhi ng kasakiman at maling pamamahala. Lubos na ikinalulungkot
ni Cardinal Tagle ang tumataas na bilang ng mahihirap dahil sa talamak na katiwalian sa
alinmang sangay ng gobyerno. Ayon sa kaniyang kabunyian, may pondo naman para sa
serbisyong publiko ngunit napupunta lamang sa mga mangangamkam na opisyal ng
pamahaalan at hindi sa mga nangangailangan. “Ang problema sa atin ngayon, marami ang
nagugutom. Kung minsan ang limang libong tinapay ay hindi pa makarating sa limang
taong kakain dahil dumaan sa kamay ng mga mandurukot, mapangkamkam, mga ganid,
at walang pag-ibig sa nilalang.” [Bahagi ng Homily ni Cardinal Tagle sa feast of Corpus
Christi (Body of Christ)] Nilinaw ni Cardinal Tagle na kahit gaano karami ang tinapay kung
dadaan ito sa mga kamay ng mandurukot ay magugutom ang mga tao. Tinukoy ni Cardinal
Tagle ang Pilipinas na maraming tao ang gutom sa tinapay, maraming gutom sa
katotohanan at katuwiran dahil sa pagiging ganid ng mga opisyal ng pamahalaan.
Base naman sa Forbes 2012 annual rich list, 40 mayayamang pamilya lamang sa Pilipinas
ang ang nakikinabang sa 76 percent na yaman ng bansa.
-ni Riza Mendoza mula sa Veritas 846 http://www.veritas846.ph
Mga tanong:
1. Batay sa dalawang sinipi sa itaas, bakit nga kaya patuloy na tumataas ang bilang ng mga
naghihirap at nagugutom?
Ang aking hatol ay....

2. Sa iyong palagay, tama nga kaya ang tinukoy ni Cardinal Tagle na dahilan kung bakit
patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagugutom na pamilya sa bansa? Anong masasabi
mo rito?
Ang aking hatol ay....

9
3. Kung makakausap mo ang mga opisyal ng pamahalaan na tinutukoy ng Cardinal na
“mandurukot, mapangkamkam, mga ganid, at walang pag-ibig na nilalang”, ano ang
sasabihin mo upang tigilan nila ang ginagawa at matutong magsilbi nang tapat sa bayan?

Ang sasabihin ko ay...

Layunin: Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa


denotatibo o konotatibong kahulugan.

Kasanayan Bilang: 3 Pagbibigay kahulugan ng denotatibo at konotatibo ng isang


salita Araw: 3

KONSEPTO:
Mayroong dalawang paraan sa pagbibigay-kahulugan sa salita, ang Denotatibong paraan at
ang Konotatibong pagbibigay-kahulugan ng salita. Ano ang kaibahan ng bawat isa?

Ang denotatibong paraan ng pagbibigay-kahulugan sa salita ay tumutukoy sa literal na


pagpapakahulugan dito batay sa pisikal na katangian. Samantala, ang konotatibong
pagbibigay-kahulugan ng salita ay tumutukoy sa di literal na pagpapakahulugan dito batay
sa damdamin o impresyong nakikita sa pagpapahayag nito.

Halimbawa:
Denotasyon Salita Konotasyon
Isang uri ng mahabang Isang taong traydor o
reptilya, minsa’y Ahas tumitira nang patalikod
makamandag, subalit may
uri ring walang kamandang.

Pagsasanay 1: Ibigay ang konotasyon at Denotasyong kahulugan nito.

Denotasyon Salita Konotasyon


takot ay sa alaala ng isang
lasing na suntok sa bibig
kaluwagang-palad
umakit sa malaking kamay nito
Magkasalikop ang kamay
nagpapangilo sa nerbyos
matigas ang loob,

10
Pagsasanay 2:
Sumulat ng isang talata tungkol sa mga naging karanasan mo ngayong panahon ng Covid-19 Pandemic
gamit ang iyong napag-aralan hinggil sa dalawang paraan ng pagbibigay-kahulugan. Nasa ibaba ang
rubrik na gagamiting pamantayan sa pagbibigay ng puntos ng iyong awtput.

_______________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

Mga
pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos
5 puntos
Nailalahad Maraming
Mahusay
nang tama Napakahusay Katamtaman kakulangan
ang Di mahusay ang
at maayos ang ang ang
pagkakalaha pagkakalahad
ang tema o pagkakalahad ng pagkakalahad pagkakalaha
d ng tema o ng tema o paksa
paksa ng tema o paksa ng tema o paksa d ng tema o
paksa
akda paksa
Naipaliliwa Mahusay Maraming
nag nang Napakahusay ang Katamtaman kakulangan
Di mahusay ang
malinaw nang pagpapaliwa ang ang
pagpapaliwanag
ang ideyang pagpapaliwanag nag ang pagpapaliwanag pagpapaliwa
ang ideyang
nais ang ideyang nais ideyang nais ang ideyang nag ang
nais palabasin.
palabasin palabasin palabasin. nais palabasin. ideyang nais
palabasin.
Makatotoha Mahusay at Katamtaman
Napakahusay at Di mahusay ang
nan at makatotoha ang Walang
Napakamakatoto pagkakalahad
nararapat nan ang pagkakalahad katotohanan
hanan ang ng
ang inilahad na ng ang inilahad
inilahad na pagkamakatotoh
inilahad paksa pagkamakatotoh na paksa
paksa anan ng akda
anan ng akda

11
Layunin: Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang
piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan

Kasanayan Bilang: 4 Paghahambing ng Ilang Pangyayari sa Napanood na Telenobela


sa Ilang Piling Kaganapan Sa Lipunang Asyano sa Kasalukuyan Araw: 4

KONSEPTO:
Isa sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa ating bansa o maging sa buong mundo
ang pang-aabuso sa kababaihan at kabataan sa mga tahanan. Ito ang tinatawag na
domestic violence. Dahil nasa pandemya tayo sa kasalukuyan at maraming mga Filipino ang
nananatili lang sa bahay dahil karamihan ay nawalan ng trabaho, mas dumami ang kaso
ng domestic violence sa ating bansa. Hindi lang pisikal na pang-aabuso ang nararanasan
ng ilan kundi pati na rin berbal na pang-aabuso mula sa mga taong dapat ay siyang
mangangalaga sa kanila. Napapanood natin ito sa mga balita at maging sa mga telenobela.

Pagsasanay

Panuto: Mula sa kuwentong “Ang Ama”, ihambing ang mga pang-aabusong naranasan din
ng isang tauhan sa napili mong telenobela. Sa unang bilog ang kuwentong “Ang Ama” at sa
ikalawang bilog ang iyong napanood sa telebisyon. Isulat sa patlang sa ibabaw ng bawat
bilog ang tauhan na nakaranas ng pang-aabuso. Halimbawa sa kuwentong “Ang Ama” ay si
Mui Mui.

12
TXTBK + QUALAS SANAYANG PAPEL Blg.2
Textbook based instruction paired SA FILIPINO 9
with MELC-Based Quality Assured
Learner’s Activity Sheet (LAS) Kwarter 1 Linggo 2

Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat:


_____________________

Guro: ___________________________________________ Petsa ng Pagpasa :


______________________

MELC:
5. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: Paksa, Mga tauhan, Pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa (F9PS-Ia-b-41)
6. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda (F9PU-Ia-b-41)
7. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pag-ugnay (F9WG-Ia-b-41)
Aralin: Maikling Kuwento, Pang-ugnay
Sanggunian: Panitikang Asyano 9 Pahina: 12-27

Layunin: Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: Paksa ,Mga tauhan , Pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari , estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa

Kasanayan Bilang: 1 Pagsusuri sa Maikling Kuwento Araw: 1-2

KONSEPTO:

Ang Maikling Kuwento ay isang uri ng panitikang masining na naglalahad ng mga


pangyayari. Ang maikling kuwento, ‘di tulad ng nobela’y hindi kahabaan, higit na kakaunti
ang mga tauhan, mas mabilis ang paglalahad at higit na matipid sa paggamit ng
pananalita. Ang banghay nito’y hindi gaano tumatalakay sa masasalimuot na pangyayari
sapagkat inaasahang mababasa ito sa isang upuan lamang.

Mga Sangkap ng bawat Bahagi ng maikling Kuwento

1. Simula- nagtataglay sa mga pangyayaring naging simula ng kuwento


a. Tauhan- dito malalaman kung sino-sino ang nagsisiganap sa kuwento at kung
ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa, maaaring bida, kontrabida, o
suporta.
b. Tagpuan- lugar kung saan nagaganap ang mga pangyayari ng kuwento,
gayundin ang panahon kung kalian nangyayari ang kuwento.
c. Suliranin- mga problemang haharapin na dapat masusulusyunan ng mga
tauhan na magiging simula ng kawilihan ng mga pangyayari.

13
2. Gitna- bahaging nagtataglay sa mga masisidhing panyayari kahaharapin na
kailangang mapagtatagumpayan ng mga tauhan.
a. Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
b. Tunggalian- bahaging kakaitaan ng pakikipagtunggali o pakikipaglaban ng mga
pangunahing tauhan sa mga suliraning kakaharapin na maaaring:
b.1 Tunggalian ng tao laban sa sarili
b.2 Tunggalian ng tao laban sa tao
b.3 Tunggalian ng tao laban sa kalikasan
b.4 Tunggalian ng tao laban sa hayop
b.5 Tunggalian ng tao laban sa bagay
c. Kasukdulan- pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang
ipinaglalaban.

3. Wakas- Ito ang pinakahuling bahagi ng maikling kwento, pinanabikang


pagwawakas ng kuwento na maaaring trhedya, komedya, at melodrama
a. Kakalasan- bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento
mula sa maigting na mga pangyayari sa kasukdulan.
- Kung dati nagkabuhol-buhol ang mga pangyayari, sa bahaging ito ay dahan-
dahan nang makakalas ito o malulutas.
- Dito malalaman kung sino ang mga may kinalaman sa mga pangyayari o
sino ang mga taong nasa likod nito.
b. Katapusan- Kakikitaan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo sa mga layunin ng mga tauhan sa kwento.

Gayunpaman, may mga kuwentong hindi lagging winawakasan sa dalawang


huling nabanggit na sangkap.

Minsan ay hyinayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento at ang


mambabasa ang hahatol o magpapasya kung ano sa palagay niya ang maaaring
kahihinatnan ng kuwento.

Panuto: Punan ng mga pangyayari mula sa binasang kuwento ayon sa sa pagkakasunod-sunod nito.
Tukuyin ang tagpuan, tauhan, at halagang pangkatauhan. Ilahad ito gamit ang grapikong
representasyon.

Anim na Sabado ng Beyblade


(Bahagi Lamang) ni Ferdinand Pisigan Jarin

Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit
hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang
regalo at pagbati ng “Happy Birthday, Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na
ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming-maraming
laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars,

14
at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming
Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa
kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw. Ikalawang Sabado,
naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga
pinsan. Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-
unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang
beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya‟y bulsa.
Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit
pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kaniyang paang tumayo ng
kahit ilang sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo
sa loob ng kaniyang gilagid.
Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanungin niya ako ng;
“Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka
at ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na
sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man
akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa
tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak.
Nang kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit
di nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan. Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng
ikatlong Sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling
pagkairita, sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok.
Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang
bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal,
bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang
kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala. Di na maikakaila ang mabilis
na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha
pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa
kanyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang
ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila
oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at
malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y
humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan. Huling Sabado ng Pebrero ang
ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw
ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga
mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang
tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-
usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na
palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. “Sige na, Bo. Salamat sa apat
na taon. Mahal ka namin. Paalam.” Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital.
Huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-
ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar
na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro
nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin
ang kirot ng pagkalungkot.

15
TIMELINE

Sabado 2 Sabado 3 Sabado 4


Sabado 1 Sabado 5
Sabado 6

Layunin: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda

Kasanayan Bilang:2 Pagsusunod-sunod sa mga pangyayari Araw:2

Pagsasanay 2
Punan ng ang graphic organizer ng mga pangyayari mula sa binasang kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod
nito. Tukuyin ang tagpuan, tauhan, at halagang pangkatauhan.

3 4 5

2 6

Pagsusunod-sunod ng mga
1 pangyayari
7

16
Tagpuan at tauhan Halagahang pangkatauhan

Layunin: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pag-ugnay

Kasanayan Bilang: 3 Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari gamit ang pang-ugnay Araw: 3-4

KONSEPTO:
Ang mga Pangatnig ay ginagamit sa pag uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa
pamamagitan nito, napagsusunod-sunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento
ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari, (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad.

Kasunod ng ibang halimbawa ng pangatnig na karaniwang na karaniwang ginagamit sa Filipino:

Mga pangatnig:

1. Subalit- ginagamit lamang kung ang “datapwat” at “ngunit” ay ginagamit na sa unahan ng


pangungusap.

Mga halimbawa:
a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
b. Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipakikita ito.
c. Marami akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.

2. Samantala, saka- ginagamit na pantuwang

Mga halimbawa:
a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.

3. Kaya, dahil sa- ginagamit na pananhi


Mga halimbawa:
a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan.
b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.

Transitional devices

1. Sa wakas, sa lahat ng ito- panapos


Mga halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng kanilang ama.

17
2. Kung gayon- panlinaw
Mga halimbawa:
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang kanyang
pag-aaral.
Pagsasanay 1

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pangatnig o transitional devices upang mabuo
ang pahayag.

1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa lahat ng ito)
hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.

2. (Datapwat, Subalit) nasasabi niyang siya’y nakararaos sa buhay, hindi pa rin maipagkakaila ang
lungkot na kaniyang nararamdaman.

3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.

4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito) hindi na niya


alintana ang mga darating pa.

5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya) mapipilitan
siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.

Pagsasanay 2

Panuto: Batay sa binasang bahagi ng kuwento, bumuo ng mga pangungusap ayon sa


pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Gamitin ang sumusunod na salita upang malaman kung
nakatulong ang paggamit ng ng transitional devices sa pagsasalaysay.

subalit datapwat ngunit samantala saka


kaya dahil sa sa wakas sa lahat ng ito kung gayon

1. _____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________________________________

18
_____________________________________________________________________________________________

4. _____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

5. _____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

6. _____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

7. _____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

8. _____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

9. _____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

10. ____________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________

19
TXTBK + QUALAS SANAYANG PAPEL Blg. 3
Textbook based instruction
sa FILIPINO 9
paired with MELC-Based Quality
Assured Learner’s Activity Sheet
(LAS) Kwarter: 1 Linggo: 3

Pangalan: ____________________________Baitang at Pangkat:


_____________________

Guro: __________________________ Petsa ng Pagpasa:


_________________________

MELC:
8. Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan
at
kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela (F9PN-Ic-d-40)
9. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela (F9PB-Ic-d-40)
10. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda (F9PT-
Ic-d-40)
Aralin:
1. Pag-uuri sa mga tiyak na bahagi ng nobela na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan
at
kagandahan
2. Pagsusuri sa tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela
3. Pagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga pahiwatig
Sanggunian: Pahina/Link:
Panitikang Asyano 9 pp. 235-238
ADM Filipino 9
https://www.youtube.com/watch?v=GjwhlgMFyEk
GRADE 9 Test Item Bank

Layunin: Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan,


kabutihan at
kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela
Kasanayan Bilang: 1 Pag-uuri sa mga Bahagi ng Nobela na Nagpapakita ng
Araw 1
Katotothanan, Kabutihan at Kagandadahan
Layunin: Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela

KONSEPTO:

Ang Nobela ay tinatawag ding akdang-buhay o kathambuhay. Ito ay Isang mahabang


kuwentong piksyon, binubuo ng maraming kabanata. Naglalahad ng mga pangyayaring
pinaghahabi ng isang mahusay na balangkas. Isang masining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod at magkaugnay.

20
Katotohanan- ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at
tanggap ng lahat na totoo at hindi mapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito
nagbabago at maaaring tiyakin ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad
ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.

Sa pagpapahayag ng katotohanan, maaaring gumamit ng mga sumusunod na pananda:


batay sa resulta, pinatutunayan ni, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mambabasa
sa …

Halimbawa: Batay sa resulta ng pagsusuri, epektibo ang pagpapabakuna upang


labananan ang Covid-19.

Kabutihan-ito ay isang personal na katangian na nagtulak sa isang tao upang maging


sensitibo sa pangangailangan sa kaniyang kapuwa at gumawa ng personal na pagkilos
upang matugunan ang pangangailangan nito.

Halimbawa: Tumulong sa mga nangangailangan gaya ng mga nasalanta ng bagyo.

Kagandahan- Ang kasingkahulugan ng kagandahan ay: maganda, kaakit-akit.

Halimbawa: Naggagandahang mga dilag ang mga kasali sa Binibining Pilipinas.

Pagsasanay 1

Panuto: 1: Basahin ang nobelang nasa ibaba at unawain nang mabuti ang mga
pangyayaring napapaloob dito upang maisagawa ang susunod na mga gawain.

Isang Libo’t Isang Gabi


(Thousand and One Nights)
Nobela- Saudi Arabia
Isinalin sa Filipino ni: Julieta U. Rivera

Isang babaing mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking mahilig


maglakbay sa buong mundo. Malimit siyang iniiwanan nang matagal ng kaniyang asawa.
Dahil sa katagalan nang di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng kalungkutan at
pagkabagot. Umibig siya sa isang lalaking mas bata sa kaniya. Isang araw, isang lalaki
ang nagsampa ng reklamo laban sa lalaking kaniyang inibig at ipinakulong siya. Nang
malaman ng babae ang tungkol dito, agad siyang nagbihis nang pinakamaganda niyang
damit at pumunta sa hepe ng pulisya. Bumati siya at sinabi:” Kapatid ko ang lalaking
ipinakulong ninyo, inaway nang hindi namin nakikilala, subalit nagsinungaling ang
lalaking tumestigo laban sa kaniya. Nagkakamali kayo sa pagkabilanggo sa kaniya, wala
na akong kasama at wala nang susuporta sa akin, kaya maawa na kayo, pakawalan n’yo
siya.”

21
Nang marinig ng pulis ang kaniyang pagmamakaawa, at makita ang kaniyang ayos,
umibig ito sa kaniya. Sinabi nito “pumunta ka sa aking tahanan hanggang sa mailabas
ko ang iyong kapatid; tutulungan ko siya at pagkatapos ay ilayo mo na siya.” “Diyos ko
po”, sagot niya “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero sa akin”
sabi ng babae. “Kung ganoon, hindi ko siya pakakawalan maliban kung sasama ka sa
akin at payagan mo akong gawin ang gusto kong gawin”, sabi ng pulis. Sumagot siya,
”ikaw na lamang ang pumunta sa aking tahanan kahit maghapon at magdamag kung
talagang kinakailangan.” sabi ng babae. “Saan ang iyong tahanan?”, tanong nito. At
itinuro ng babae ang bahay at nagbigay ng oras para sa pagpunta.

Humingi rin siya ng tulong sa Cadi.” Diyos ko! Cadi. “Oo,” sagot nito at siya’y nagpatuloy.
“Pag -aralan mo ang kaso ko at gagantimpalaan ka ng Diyos.” Sinabi nito,” Sino ang may
kagagawan nito?” Sumagot siya. Naparito ako dahil sa kaniya, sapagkat ikinulong siya
ng pulis at pinaratangang isang kriminal. Nagsinungaling laban sa kaniya at sinabing
ito’y masamang tao, kaya nakikiusap ako, tulungan n’yo siya.” Nang sulyapan siya ng
Cadi, umibig din ito sa kaniya.” Pumunta ka sa aking tahanan para makasama ko at
sasabihin ko sa pulis na palayain ang iyong kapatid. Kapag nalaman ko kung magkano
ang kabayaran para sa kaniyang kalayaan, babayaran ko ng sarili kong pera upang ako’y
mapaligaya mo, sapagkat napakalambing ng iyong tinig.” At Sinabi niya. “Kung magiging
mabait ka sa akin” sumagot ang Cadi.” Kung hindi ka papayag, makaaalis ka na at huwag
mo akong sisisihin.” Muli siyang sumagot. “Kung talagang iyan ang gusto mo, mas
maganda at pribado sa aking tahanan kaysa sa inyo na maraming katulong ang
makaiistorbo sa atin. “Saan ang iyong tahanan?” tanong ng Cadi. Sumagot siya: “Sa
ganitong lugar.” Sinabi niya ang takdang araw at oras ng kaniyang pagpunta.

Pumunta rin siya at humingi ng tulong sa Vizier na palayain ang kaniyang kapatid
sapagkat lubha niya itong kailangan. Subalit may binigay rin itong kondisyon. “Payagan
mo akong gawin ang gusto kong gawin sa iyo at palalayain ko ang iyong kapatid.”
Sumagot siya.” Kung talagang gusto mo, doon na lamang sa aming tahanan, tayo lang
doon, hindi naman kalayuan ang aking bahay. Para maayos ko naman ang aking sarili.”
“Saan ang bahay mo?” tanong nito, “Sa ganitong lugar.” At nagtakda ang babae ng oras
at araw na gaya ng dalawang nauna.

Mula rito ay pumunta siya sa hari. Isinalaysay rin niya ang pangyayari at humingi rin
siya ng tulong upang mapakawalan ang kanyang sinasabing kapatid.” Sino ang
nagpakulong sa kaniya?” tanong nito. “Ang hepe ng pulisya.” Ang kaniyang sagot. Nang
marinig ng hari ang nakakahabag na salaysay sa pagkakakulong ng kapatid, bumukal
sa puso nito ang awa at pagmamahal. Sinabi nito na sumama sa kaniyang tinutuluyan
at upang matulungan siyang palayain ang kapatid. Subalit kaniyang sinabi, “O, mahal
na hari, madali lang para sa iyo ang lahat. Wala akong magagawa kapag iyong ginusto.
Subalit malaking karangalan kung pupunta ka sa aking tahanan. Siya’y pumayag. Sinabi
ng babae ang lugar at oras ng kanilang pagtatagpo na gaya ng oras sa sinabi niya sa
unang tatlong lalaki.

Umalis siya pagkatapos at humanap ng isang karpintero at sinabi nito: “Ipaggawa mo


ako ng isang cabinet na may apat na compartment, magkakapatong, may pinto ang bawat

22
isa at masasaraduhan. Malaman ko lang kung magkano at babayaran ko.” Sumagot ang
karpintero, “Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na ito pababayaran kung
papayagan mo ako sa aking kahilingan.” “Kung kinakailangan”, sagot ng babae “papayag
ako subalit gawin mo nang lima ang compartment ng cabinet na ipinagagawa ko sa iyo.”
At sinabi nito kung kailan ihahatid ang cabinet sa kaniyang tahanan. Sinabi ng
karpintero,” Pagkatapos na magawa, inutusan niya ang karpintero na dalahin sa bahay
ang cabinet. Pagkatapos, kumuha ng apat na damit at may iba-ibang kulay. Naghanda
na rin siya ng makakain, karne, inumin, prutas, mga bulaklak at pabango.

Dumating ang araw na ibinigay niya sa lahat ng hiningian niya ng tulong. Isinuot niya
ang kaniyang pinakamahal na damit, naglagay ng mga adorno sa sarili, nagpabango at
nilagyan ng mamahaling karpet at naghintay sa kahit sino ang maunang dumating. Si
Cadi ang unang dumating. Nang makita niya ito, tumayo siya at humalik sa paanan ni
Cadi. Hawak ang kamay, inaya niya itong maupo sa karpet. Nang sisimulan na nito ang
kaniyang pakay, sinabi ng babae,”

Alisin mo muna ang iyong kasuotan at ang iyong turban. Isuot mo ang dilaw na roba at
bonnet na ito habang inihahanda ko ang makakain at maiinom natin, pagkatapos,
puwede mo nang gawin ang nais mo.” Habang isinusuot niya ang roba at bonnet, may
kumatok sa pinto.” Sino ang kumakatok” tanong niya. “Ang aking asawa”, ang kaniyang
tugon. “Ano ang aking gagawin? Saan ako pupunta?” tanong ni Cadi. “Huwag kang
matakot, sabi ng babae, itatago kita sa cabinet na ito.” “Gawin mo kung ano ang dapat”
sagot ni Cadi. Kaya’t ipinasok niya ito sa pinakaibabang compartment at isinara ang
pinto. Pumunta siya sa pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok. Ang hepe ng
pulisya. Pinatuloy niya ito agad. “Ariin mong iyo ang lugar na ito at ako’y iyong alipin.
Buong araw sa akin ka kaya’t alisin mo na ang iyong suot at ipalit mo ang pulang roba
na ito.” Subalit bago nito magawa ang kaniyang pakay, sinabi nito, “ Ako’y iyong -iyo at
walang iistorbo sa atin, kung mabait kang talaga, gumawa ka muna ng kautusan na
nagpapalaya sa aking kapatid para naman mapanatag ang aking kalooban.”
“Masusunod”, sabi nito. At gumawa na nga ng kautusan ang pulis na nakasaad ang
agarang pagpapalaya sa kanyang kapatid. Nang sisimulan na niya ang kaniyang pakay,
biglang may kumatok sa pinto. “Sino iyon?” tanong ng pulis. “Ang aking asawa” sagot ng
babae. “Ano ang gagawin ko?” Ang muli niyang tanong.” Pumasok ka sa kabinet na ito,
pag-alis niya saka ka lumabas.” At ipinasok ni ya ito sa pangalawang compartment sa
ilalim at sinarhan ang pinto. Samantala ang nangyayari ay naririnig lamang ni Cadi na
nasa loob ng isang compartment ng kabinet. Pumunta uli ang babae sa pintuan upang
muling tingnan kung sino ang kumakatok, si Vizier. Sinabihan din niya ito na tanggalin
ang mabigat na damit at turban at magsuot ng mas magaan. Isinuot niya ang bughaw
na damit at ang kaniyang pulang bonnet at pati na rin ang kaniyang robang gagamitin
upang maginhawa sa pagtulog. Nagsimula na ang pakay ni Vizier, nang biglang may
kumatok. Tinanong din niya kung sino ito at sinabi ng babae na ito ay ang kaniyang
asawa. Nalito ang lalaki at nagtanong kung ano ang kaniyang dapat gawin kaya’t sinabi
sa kaniyang magtago sa loob ng kabinet sa ikatlong compartment.Tulad ng nauna,
isinara din niya ang pinto ng cabinet.

23
Pumunta siya sa pinto at pinagbuksan ang kumakatok. Ito ay ang hari. Pagkatapos na
imungkahi nito ang pagpapalit ng damit, mayamaya pa nagkakapalagayang loob na sila.
Sinimulang gawin ng hari ang kaniyang ninanais, nakiusap ang babae na tumigil muna
at nangakong paliligayahin niya ito sa silid pagkatapos ng kaniyang sasabihin.” Kahit
ano ang iyong kahilingan” sagot niya. “Alisin mo ang iyong roba at turban”. Mahal ang
kaniyang damit. Nagkakahalaga ito ng isang libong dinaryo. Nang alisin niya ito, ipinalit
ang roba na nagkakahalaga ng sampung dinaryo lamang. Ang lahat ng kanilang pinag-
uusapan ay naririnig lamang ng tatlong lalaking nakatago sa tatlong compartment ng
cabinet subalit hindi sila makapagsalita. Nang simulan ng hari ang kaniyang nais sa
babae, sinabi niya,”. Mayroon sana akong ipakikiusap sa iyo.” Habang sila’y nag -uusap,
may kumatok muli sa pintuan. Tinanong nito kung sino ang kumakatok. Muli niyang
sinabi na ito ang kaniyang asawa. Sinabi nito na paalisin ang asawa o siya, ang hari, ang
magpapaalis dito. Subalit sinabi niya na maging matiyaga. Kaya’t pinapasok niya ito sa
pang - apat na compartment ng cabinet. At isinara ang pinto. Lumabas siya upang
patuluyin ang kumakatok. Ito ang karpintero. Tinanong ng babae.” Anong klaseng
cabinet ba itong ginawa mo?” “Bakit, anong masama sa ginawa ko?” Sumagot siya,
“Masyadong makipot ang ibabaw na compartment.” “Hindi.” “Anong hindi?” Subukin mo
ngang pumasok at hindi ka kakasya riyan.” Pumasok nga ang karpintero sa ikalimang
compartment. At sinaraduhan ito ng babae.

Agad niyang dinala ang sulat sa hepe ng pulisya. Agad namang pinalaya ang kaniyang
mangingibig. Hindi nila malaman ang kanilang gagawin. Napagpasyahan nilang
magpakalayu-layo at lumipat ng syudad sapagkat hindi na sila makapananatili sa lugar
na iyon. Gumayak sila at tumakas sakay ng isang kamelyo. Samantala, nanatili ang
limang lalaking nakakulong sa compartment ng cabinet. Sa loob ng tatlong araw na
walang pagkain at walang tubig. Hindi nakatiis ang karpintero, kinatok niya ang
compartment ng hari, kinatok naman ng hari ang compartment ni Vizier, kinatok naman
ni Vizier ang compartment ng pulis at ng pulis sa compartment ni Cadi. Sumigaw ang
Cadi na nagsasabing bakit ba sila nagsasakitan gayong lahat naman sila ay nakakulong.
Nagkarinigan silang lima. Napagtanto nila na sila ay napagkaisahan ng babae. At habang
sila-sila ay nagkukuwentuhan ng mga pangyayari, nagtataka ang kanilang mga
kapitbahay sapagkat may ingay ay wala naman silang makitang tao sa loob. Kaya’t
napagpasyahan nilang wasakin ang pinto at pasukin ang bahay.

Nakita nila ang cabinet na yari sa kahoy. Nakarinig sila ng nagsasalita kaya’t tinanong
nila kung may genie sa loob nito. Sinabi ng isa na sunugin ang cabinet. Sumigaw ang
Cadi na huwag silang sunugin. Nagkunwari siyang genie, nagsalita ng mensahe galing
sa Qur’an. Pinalapit nito ang mga tao sa kabinet.

Lumapit sila sa kabinet at nagsimulang magsalaysay ang mga nakakulong. Tinanong nila
kung sinong may kagagawan ng lahat ng ito. Ikinuwento nila lahat-lahat nang nangyari.
Nang makita nila ang kanilang mga hitsura at pananamit, nagtawanan na lamang sila.
Lumabas sila ng bahay na tinatakpan ang kanilang mga mukha upang di makilala at
makaiwas sa tsismis ng mga kapitbahay.

24
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa patlang bago ang bilang.

____ 1. Aling bahagi ng akda ang nagpapakita ng kabutihan?


a. Pinagsuot sila ng babae ng pare-parehong damit.
b. Ikinulong silang lahat sa cabinet.
c. Tinulungan sila ng mga tao na makalabas sa mga compartment.
d. Nagsinungaling ang babae tungkol sa kanyang kasintahan.

____ 2. Nang marinig ng pulis ang kaniyang pagmamakaawa, at makita ang kaniyang
ayos, umibig ito sa kaniya.” Sa pahayag na ito, paano mo ilalarawan ang babae?
a. Maganda at nakabibighani
b. Matapang at galit
c. Malungkot at nagmamakaawa
d. Matangkad at maputi

____ 3. Anong katotohanan ang nangyari matapos na dalhin ng babae ang sulat ng
hepe sa pulisya?
a. Siya ay bumalik sa bahay para pakawalan ang kaniyang mga ikinulong.
b. Sila ay nagpakalayo-layo na kasama ang kanyang kasintahan.
c. Ipinakulong niya ang kaniyang asawa
d. Nahuli sila ng mga pulis at parehong ikinulong.

____ 4. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng katotohanan ayon sa nobelang Isang
Libo’t, Isang Gabi?
a. Umuwi ang asawa ng babae at isinama siya sa paglalakbay.
b. Nahuli ng mga tao ang totoong nagkasala.
c. Ipinapatay ng hari ang babae.
d. Napagtanto nila ang panglolokong ginawa sa kanila ng babae.

_____ 5. Paano mo ipapakita sa iyong kapwa ang kabutihang ipinakita ng Diyos sa


iyong buhay?
a. Sa pamamagitan ng pagtanaw ng utang ng loob sa aking kapwa.
b. Sa pamamagitan ng pagtalikod sa kinakausap na tao.
c. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng salapi kapalit sa ibinigay na tulong.
d. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng hindi magandang intensiyon sa kanya.

Layunin: Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela

Kasanayan Bilang: 2 Pagsusuri sa Tunggaliang Tao vs. Sarili Araw:2

KONSEPTO:

25
Ang tunggalian ay isang elemento ng maikling kuwento. Tumutukoy ito sa problemang
kinakaharap ng pangunahing tauhan. Ito ang humuhubog sa katauhan ng pangunahing
tauhan.

Mga Uri ng Tunggalian


Panloob na Tunggalian

1. Tao laban sa Sarili


Ito ay isang uri ng tunggalian na panloob dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan. Sa
tunggalian
na ito ay kalaban ng pangunahing tauhan ang kaniyang sarili. Nakikita o
napapansin ito kapag
ang pangunahing tauhan ay nahihirapan sa pagdedesisyon, sa tama ba o mali.

Halimbawa:
Hindi malaman ni Handiong kung dapat ba niyang patayin si Oriol upang matapos
ang
problema o makikipag-ayos siya sa mapayapang paraan.

Panlabas na Tunggalian
2. Tao laban sa Tao
Ito ang pinakaunang halimbawa ng panlabas na tunggalian. Sa tunggalian na ito,
ang kalaban
ng pangunahing tauhan ay isa pang tauhan. Ito ang klasikong bida laban sa
kontrabida na
eksena.
Halimbawa: Naglaban sina Tulalang at Agio gamit ang lahat ng kanilang lakas at
kapangyarihan.
3. Tao laban sa Kalikasan
Sa tunggalian naman na ito, ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga
pwersa ng
kalikasan.
Halimbawa, ang biglaang pagputok ng bulkan na maaaring maglagay sa
pangunahing tauhan
sa panganib.

4. Tao laban sa Lipunan - Ang pangunahing tauhan sa tunggalian na ito ay


nakikipagbanggaan sa
lipunan.

26
Halimbawa nito ang pagsuway sa mga alituntunin ng lipunan o di kaya ay ang
pagtakwil sa
kultura ng lipunan.

Pagsasanay 2

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na tunggalian mula sa binasang nobela. Lagyan
ng tsek (/) ang patlang kung ito ay nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili at ekis (X)
naman kung hindi.

_____ 1. Umibig ang babae sa isang lalaking mas bata sa kaniya kahit alama niyang siya
ay may asawa na.
_____ 2. Isang araw, isang lalaki ang ang nagsampa ng reklamo laban sa kaniyang iniibig
at ipinakulong ito.
_____ 3. Agad niyang dinala ang sulat sa hepe ng pulisya. Agad namang pinalaya ang
kaniyang mangingibig. Hindi nila malaman ang kanilang gagawin.
_____ 4. Pumasok nga ang karpintero sa ikalimang compartment at siniraduhan ito ng
babae at agad nitong umalis.
_____ 5. Hindi malaman ng babae ang kaniyang gagawin ng malaman niyang nakakulong
ang taong kaniyang iniibig, kaya nag-isip muna siya ng paraan para ito;y matulungan.

Layunin: Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda

Kasanayan Bilang: 3 Pagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga pahiwatig na


ginamit sa akda
Araw: 3-4

KONSEPTO:

Ang pahiwatig ay nangangahulugang paglalahad o pagsasasabi kung ano ang kahulugan


o ibig sabihin ng isang salita o pangungusap.

Halimbawa:

Malaman ko lang kung magkano at babayaran ko.” Sumagot ang karpintero,” Apat na dinaryo ang halaga
nito, subalit hindi ko na ito pababayaran kung papayagan mo ako sa aking kahilingan.”
Interpretasyon: Ang karpintero ay mapagsamantala

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.

27
_____ 1. Batay sa nobelang Isang Libo’t Isang Gabi, ano ang iyong interpretasyon sa ginawang aksyon ng
tauhan?
a. Nagpapakita na ang babae ay may tiwala sa sarili.
b. Ginamit ng babae ang kanyang kagandahan para makaakit ng lalaki.
c. Ipinapakita sa akda na may angking talino at tapang ang babae na harapin ang kanyang suliranin.
d. Pinaglalaruan niya lamang ang mga lalaki.

_____ 2. Sa pahayag na “Lumabas sila ng bahay na tinatakpan ang kanilang mukha upang di makilala at
makaiwas sa sismis ng mga kapitbahay.” ano ang interpretasyon mo sa kanilang ginawa?
a. Umiiwas sila sa sasabihin ng mga tao.
b. Nahihiya sila sa kanilang mga sarili.
c. Ayaw nilang ipakita ang mukha at makikilala ang kanilang tunay na pagkatao.
d. Naglalaro lamang sila ng tagu-taguan.

_____ 3. Sa pahayag na “Gumayak sila at tumakas sakay ng isang kamelyo.” Ano ang maaaring
mangyari sa nabanggit na mga tauhan sa pahayag?
a. Mamasyal sila sa lugar na kanilang pupuntahan.
b. Magtatago sila at mamumuhay nang masaya.
c. Magpapakalayo na sila at hindi na muling babalik pa.
d. Magliliwaliw sila sa ibang lugar.

_____ 4. Kung susuriin ang nobelang Isang Libo’t Isang Gabi, bakit naisipan ng babae na
magpagawa ng kabinet na may limang pintuan?
a. Para may paglagyan siya ng kanyang mga damit
b. Upang magkaroon ng kakaibang kabinet
c. Para may dagdag na palamuti sa kanyang bahay
d. Upang may paglagyan sa mga lalaking napangakuan niya

_____ 5. Alin sa mga sumusunod na interpretasyon ang ginawa ng babae na HINDI naglalarawan sa
kaniya?
a. matalino b. mapagmahal c. materyalistik d. maparaan

Pagsasanay 2

Panuto: Bigyan ng sariling interpretasyon ang ginawang aksiyon ng tauhan batay sa pahayag na nasa ibaba.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon. Gamiting gabay ang pamantayan sa ibaba sa pagbibigay ng interpretasyon.

Aksyon ng Tauhan Sariling Interpretasyon


1. Nang marinig ng pulis ang kaniyang
pagmamakaawa, at makita ang kaniyang
ayos, umibig ito sa kaniya.
2. Nang malaman ng babae ang tungkol dito,
agad siyang nagbihis nang pinakamaganda
niyang damit at pumunta sa hepe ng
pulisya.

28
3. Malaman ko lang kung magkano at
babayaran ko.” Sumagot ang karpintero,”
Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit
hindi ko na ito pababayaran kung
papayagan mo ako sa aking kahilingan.
4. Napagpasiyahan nilang magpakalayo-layo
at lumipat ng siyudad. Gumayak sila at
sumakay ng kamelyo.

5. Noong makalabas ang limang lalaki


tinakpan nila ang kanilang mukha upang di
makilala at makaiwas sa tsismis ng
kapitbahay.

Ganap na Bahagyang Hindi


Pamantayan Naisagawa Naisagawa Naisagawa
(4-5) (2-3) (1)

1. Organisasyon sa paglalahad ng
interpretasyon
2. Naging malinaw ang pagkakalahad ng
interpretasyon

3. Magkaugnay ang reaksyon ng tauhan sa


ibinigay na reaksyon.
4. Kawastuhan ng ibinigay na interpretasyon

Kabuoan

TXTBK + QUALAS
SANAYANG PAPEL Blg.4
Textbook based instruction
paired with MELC-Based
SA FILIPINO 9
Quality Assured Learner’s
Activity Sheet (LAS) Kwarter 1 Linggo 4

Pangalan: ________________________________________ Baitang at Pangkat:


_______________________________

Guro: _____________________________________________ Petsa ng Pagpasa :


________________________________

29
MELC:
11. Nasusuriang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan (F9PD-Icd-40)
12. Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili.(F9PU-Ic-d-42)
13. Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tingin / akala /
pahayag / ko, iba pa). (F9WG-I-cd-42)
Aralin: Teleseryeng Asyano
Sanggunian:
PINAGYAMANG PLUMA 9 Pahina:
https://www.dlsu.edu.ph
https://ent.abs-cbn.com/asianovelas/articles
https://hiwagangpelikulangbollywood2007-2008.blogspot.com/2014

Layunin: Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan

Kasanayan Bilang: 1 Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang


pamantayan Araw: 1

KONSEPTO:

Ang teleserye ang pinakapopular na uri ng genre ng Filipino drama at sa kasalukuyan ito
ay isang penomenang naghahari sa kulturang Pilipinong hindi maihihiwalay sa araw-
araw na buhay ng maraming Filipino. Ang panonood nito ay hindi lamang pagmamasid
at pagbibigay – puna sa mga artistang nagsisiganap kundi pakikiisa sa buhay ng mga
tauhan sa bawat seryeng napapanood, ito ay hindi lamang pakikipag-ugnayan sa mga
tauhan kundi sa buhay ng maraming Filipinong inilalantad ng mga teleserye.

Malapit sa puso ng mga Pilipino ang mga teleserye sapagkat ito ay kuwento ng kanilang
buhay, kuwentong nagpapakita ng katotohanan sa mundong kanilang ginagalawan. Ito
ay tinatangkilik ng marami sa dahilang ito ay kadalasang tumatalakay sa mga isyung
pampamilya, pag-ibig, pampolitika, panlipunan at sinasaklaw ang lahat ng tao anuman
ang kalagayan at antas nito sa buhay. Hindi nakapagtatakang pinanonood ito ng marami
mula bata hanggang matanda, babae man o lalaki.

Ang paglaganap ng mga adaptasyong teleserye at pelikula sa Asya partikular dito sa


Pilipinas ay nagdulot ng positibo at negatibong epekto sa atin. Lumalawak ang ating
kaalaman sa kultura at iba pang tradisyon ng iba’t ibang bansa. Natututo din tayong
linangin ang ating kaalaman sa paggawa ng isang teleserye o pelikula. Sa kabilang dako,
ang hindi magandang dulot nito ay tinatangkilik ng maraming Pinoy ang mga teleseryeng
Asyano dahil bago ito sa kanilang paningin. Sa huli, ang pinakaimportante pa rin ay
patuloy ang pag-unlad ng sining hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong
mundo.

30
Pagsasanay 1

Suriin at kilalanin ang mga sumusunod na Asia Novela. Ibigay ng pamagat ng bawat teleserye
batay sa larawang ipinakita. Isulat ang iyong sagot sa kahon tapat ng larawan.

31
Pagsasanay 2: Sagutin nang buong husay ang crossword puzzle.

32
Pagsasanay 3: Mula sa isang napanood na teleseryeng Asyano (Asia/Korea Novela), suriin ito
gamit ang pormat sa ibaba.

Layunin: Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili.

Kasanayan Bilang:2 Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao


vs. sarili. Araw: 2
KONSEPTO:

Sa isang kuwento, nagiging kapana- panabik ito dahil sa mga tunggaliang ipinapakita.
Sa pamamagitan ng mga tunggaliang ito ay mas lalong inaabangan at naeengganyo ang
mga manonood at mga mambabasa.

Ano ba ang tunggalian?


Ang tunggalian ay ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng sumasalungat sa kanya.
Ang pangunahing tauhan ay kailangang magkaroon ng mahalagang suliraning
pagsisikapang lutasin sa kabila ng hadlang o sagabal. Ang mga hadlang na ito ay nagiging
dahilan ng pagtutunggali sa kuwento.

33
APAT NA URI NG TUNGGALIAN

1. Tao laban sa Tao


Ang kinakalaban ng pangunahing tauhan ay ang mga tao sa kanyang paligid. Maaaring
may isang tauhang palaging kontra sa pangunahing tauhan. Ito ay karaniwang idinadaan
sa talino, lakas ng katawan, tagisan ng kapangyarihan gayundin ng paniniwala, pananaw
at prinsipyong pinaninindigan.

2. Tao laban sa kalikasan


Pilit na pinaglalaban ng pangunahing tauhan ang puwersa ng kalikasan. Halimbawa
nito ay baha, bagyo at iba pa.

3. Tao laban sa lipunan


Ang kinakalaban nito ay maaaring ang mga pangyayari sa lipunang ginagalawan.
Halimbawa nito ay ang kahirapan, kawalan ng katarungan, pag-uuri- uri ng mga tao sa
lipunan at iba pang suliraning panlipunan.

4. Tao laban sa Sarili


Ang kinakalaban ay ang mismong kanyang sariling paniniwala, prinsipyo, at palagay.
May kaugnayan ito sa pagtimbang- timbang ng mga pangyayaring kinakaharap ng
pangunahing tauhan at kung ano ang kanyang gagawing pagpapasya.

Pagsasanay 1

Tukuyin ang uri ng tunggalian sa mga sumusunod na pangyayari. Isulat ang kasagutan sa espasiyong
binigay.

A. Si Carla ay lumaki na walang inang gumagabay sa kanyang tabi sapagkat ang kanyang ina ay
nagtrabaho at nagkayod sa ibang bansa at ang kanyang ama naman ay pumanaw na. Dahil sa pag-
aakalang silang magkakapatid ay pinabayaan ng kanilang ina at pagiisip na di sila mahal… siya ay
nagrebelde_ natuto siyang uminom ng alak, magpatato, magdroga at manigarilyo. (Anak)

__________________________________________

B. Ang kabiguan sa pag- ibig ni Ethan ang nagging dahilan upang mawalan ng maayos na direksyon
ng kaniyang buhay. Pero sa kabila ng mga mahaharot na ngiti ng babaerong binate, nakakubli ang
responsibilidad sa kaniyang pamilya na kailangan niyang harapin. (Hello Love Goodbye)
___________________________________________

C. “Domestic Helper” sa Hongkong ang nars na si Joy, kailangan niyang mag- alaga ng ibang tao
para maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya sa Pilipinas kaya kahit bawal ay
humahanap siya ng paraan para makaraket. (Hello Love Goodbye)
__________________________________________

34
D. Si Ishaan Navasti ay isinilang na may kondisyon sa paningin na tinatawag na Dyslexia. Isa itong
kundisyon esa pagbabasa kung saan ang mga salita at letra ay bumabaligtad. Dahil sa nasabing
kondisyon si Ishaan ay parating napagagalitan ng kaniyang guro at magulang na kung saan ay wala
silang kaalam- alam sa kaniyang pinagdaraanang kondisyon. ( Every child is Special)
___________________________________________

E. Mga grupo ng mga tao ang nakulong sa isang supermarket dahil sa biglaang hagupit ng tsunami
sa baybaying Queensland, Australia. ( Bait, 2012)
___________________________________________

TIMAWA (Kabanata 1)
Pilipinas
Ni Agustin Fabian

Sabado noon at mag-iikapito ng gabi. Si Andres Talon, na isang mahirap na estudyante, ay kasalukuyang
naghuhugas ng mga pinggang kinainan sa ladies’ dormitory, sa isang unibersidad sa Amerika. Ito lamang ang
paraan upang makapagpatuloy siya ng pag-aaral sa kolehiyo ng medisina. Nakatali sa kaniyang baywang ang
isang tapis at nakalilis ang mga manggas ng kanyang kamisadentro. Nangingintab sa pawis ang kanyang
kayumangging mukha. Ang bula sa sabong nakabalot sa kaniyang mga matipunong bisig ay umabot sa siko.

At isinalaysay ni Andres na, wika nga, ay palagay ang loob niya sa kusina. Labing-anim na taon siya nang
mamatay ang kaniyang ama at lubusang maulila. Katatapos lamang niya ng intermedya. May kamag-anak
naman siyang isang kusinero sa isang bapor na nagyayao’t dito sa Amerika at sa Pilipinas. Sumama siya.

“At anim na buwang singkad akong tagapagmasahe ng mga pinggan, kubyertos, at mga lutuan sa bapor. Kaya
hindi kayo dapat magtaka na ako’y eksperto sa mga gawaing iyan”, tapos ni Andres.

“Usisera ka rin lamang, Alice”, ang biro naman ni Bill, “ang mabuti, itanong mo kay Andres kung anu-ano
ang naging karanasan niya dito sa Amerika.”

“Sige nga,” sang-ayon kapagdaka ni Alice. “Linggo rin lamang bukas. Hindi baleng tayo’y mapuyat.”

“Alam niyo”, ani Andres na nagpapahid na ng kamay, “ako ay may pagkahampaslupa.”

“Teka, teka”, hadlang ni Bill. “Ilalabas ko muna itong basura. Ibig kong marinig uli iyan.”

Nang bumalik si Bill ay nakaupo na si Alice at Andres. Bumatak siya ng isang silya at nakiumpok sa dalawa.

“Ngayon, simulan mo na”, sabi ni Bill na humilig mabuti sa kaniyang upuan.

“Saan ninyo ako gustong magsimula?”

“Nang dumating ka dito sa Amerika”, tugon ni Alice. Sa San Francisco bumaba si Andres at ang paghuhugas
ng pinggan ang unang naging hanapbuhay. Naging manggagawa sa iba’t ibang bayan ng California. Namitas

35
ng mansanas sa Oregon at Washington. Dalanghita sa Florida. Lalo na raw siyang umitim sa taniman ng
kamatis, letsugas, repolyo, at iba pang gulay. Naging serbidor sa mga restawran. Naging utusan. Naglingkod
sa salmunan sa Alaska. Nagpatag ng bato sa daang-tren sa Nevada.

“Alin sa mga karanasan mo ang bumago sa takbo ng iyong buhay?” tanong ng dalagang Amerikano.

Hindi kaagad tumugon si Andres. Tila tinitimbang niya sa marami niyang karanasan ang pinakatampok. Ang
totoo ay nag-aalangan si Andres na sariwain pa ang malungkot na bahagi ng kanyang buhay.

“Halimbawa”, untag ni Alice, “bakit mo naisipan ang mag-aral? Bakit mo iniwan ang paglalagalag?”

“Hindi nangyari sa Amerika ang karanasang bumago sa takbo ng aking buhay,” sa wakas ay sinabi ni Andres.
“Doon sa amin sa Pilipinas nangyari ito.”

“Paano?” sabat ni Bill.

“Magsasaka ang aking ama. May isang kaugalian sa amin”, patuloy ni Andres. “Kung pista ng bayan, ang
lahat ng magsasaka ay pumaparoon sa malaking bahay ng may-ari ng lupa at tumutulong sa karaniwang
malaking handaan doon. Nagsisipagsaing, nagsisibak ng panggatong.

Nagpapatay ng manok, baboy, kambing, at baka. Sabihin pa, ang lahat ng tumulong ay doon kakain.

“At isang pista nga ay isinama ako ng aking ama upang tumulong sa may-ari ng lupang aming sinasaka. May
labintatlong gulang ako. Nang nagkakainan na ang mga nanunulungan ay dumating ang donyang asawa ng
aming kasama, at pinagmumura ang mga nagsisikain. Hindi pa raw natatapos kumain ang mga panauhin sa
itaas ay inuuna na raw ang aming mga bituka. Lubha raw kaming mga timawa.

“Hindi ko agad naunawaan ang aking narinig,” patuloy ni Andres. “Noong papauwi na lamang kami at sabihin
sa akin ni Amang ang kaniyang pagdaramdam, noon ko lamang lubos na naunawaan ang kahulugan ng
salitang timawa.

Sinabi sa akin ni Ama na pagbutihin ko ang aking pag-aaral upang wag kong sapitin ang kaapihang ganoon.
Kung ako raw ay lalaking magsasaka at hindi akin ang sasakahing lupa, ay ganoon din ang aking kapalaran.
Aalimurain ng mayaman. Ang isang timawa, ay higit na pangit kaysa gutom. Ang timawa raw ay kahalintulad
ng isang aso. Sagpang nang sagpang. Huwag daw akong mag-aksaya ng panahon. Gagawin niyang lahat ang
kanyang makakaya upang ako
matuto.”

“Kay buti ng iyong ama”, ani Alice.

“Halos ang gabi ay ginagawa niyang araw,” dugtong pa ni Andres. “Ibig niyang makaipon. Ang adhika niya
ay maging isang manggagamot ako.”

Huminto muna si Andres sa kaniyang pagsasalaysay. Nakatingin siya sa malayo na waring nakikitang muli
ang kanyang ama. At pagkatapos ng ilang sandali ay nagpatuloy na naman sa pagsasalita.

36
“At nang ako ay nakatapos sa intermedya ay gayon na lamang ang galak niya. Ngunit ang humalili sa
kagalakang iyan ay malagim na kalungkutan. Si ama’y inabutan ng ulan sa tanghaling siya ay nagbubungkal
ng lupa. Nagkasakit siya. Pulmunya. At . . . at . . . namatay.”

Dinampi ni Alice sa kaniyang mata ng hawak niyang panyolito. Tumindig si Bill. Lumapit kay Andres at
pinisil ang balikat ng kaibigang Pilipino.

“Maupo ka, Bill”, sabi ni Andres. “Hindi pa ako natatapos.” Naupong muli si Bill, at muling nagsimula si
Andres.

“Naubos na lahat,” aniya, “ang kaunting naiipon ni Ama. Ulila na akong lubos ay wala pa ni isang sentimo.
Subalit isinumpa ko sa aking sarili, sa harap ng bangkay ng aking ama, na ako ay pilit na mag-aaral, at ako
ay magiging manggagamot. Hahanapin kong pilit ang tagumpay na siyang adhika niyang maging akin.”

Maluwat ding walang umimik matapos ang pagsasalaysay ni Andres. Nadama ni Bill at ni Alice ang malaking
kalungkutan ni Andres. Sa wakas ay nagsalita si Alice.

“Nauunawaan kita ngayon,” pakli ni Bill.

“Bakit? Ako ba ay naging isang hiwaga sa inyo? Tanong ni Andres at wala na sa kanyang tinig ang
pagdaramdam at kalungkutan.

“Oo, isang hiwaga ka sa akin,” tugon ni Alice. “Alam kong ikaw ay isang mabuting tao. Masipag ka.
Matalino. Magalang. Nguni’t tila ayaw mong makihalubilo sa iba. Tila ayaw mong ikaw ay maabala.
Ibinubukod mo ang iyong sarili. Tila may lihim kang lakad at ang lahat ng nasa paligid mo’y makaaabala sa
iyo.”
“Napapansin ko nga,” tudyo na naman ni Bill, “na maluwat mo nang sinusubaybayan si Andy.”

“Ano ang masama riyan?” tanong ng dalaga. “Maluwat na nating kasama si Andy. Wari ay malayo siya.
Gayung kay lapit ay kay layo. Mayroon ba naman gayung araw-araw ay nagkakabungguan-balikat ay di mo
matawag na kapalagayang-loob.”

“Lumalabas pa yatang malaking tao ako?” tanong ng Pilipino.

“O kaya’y dungo naman,” sundot ni Bill.

“Hindi malaking tao o dungo ang ibig kong sabihin,” paliwanang ni Alice. “May anyo si Andy na nag-uudyok
sa nagmamalas na mataho kung ano siya, pinipigil ang nagmamalas na iyan naman ng isang hindi maunawang
kilos ni Andy. Tila hindi mahalaga kay Andy ang magkaroonng maraming kapalagayang-loob.”

“Pinalalaki mo ang loob ko, Alice,” dampot ni Andres. “Diyata’t ako ang pinagaaksayahan mo ng kuru-
kuro?”

“Hindi biro. Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ibinubukod mo ang iyong sarili sa karamihan.”

“Ang karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang madalas na mauntog ay natututong yumuko.”

37
“Naku, lumalalim ang salitaan at hindi bumababaw,” hadlang ni Bill. “Ang totoo, Andy, ay ito: walang
alinlangang mararating mo ang iyong patutunguhan. Ngunit mag-aliw-aliw ka naman. Mag-iibayo ang sigla
mo kung sanda-sandali man lamang ay ilalayo mo ang iyong ilong sa iyong libro. Maaari ba namang ang
isang malusog na gaya mo ay ay hindi maaakit ng mga dalaga? Hayan si Alice . . . ‘yang gandang ‘yan . . .”

“Bakit ba si Alice ang binubuwisit mo?” hadlang ni Andres. “Kahit na sa biruan ay may hangganan.”

“Tigilan mo na si Andy,” pakli ng dalaga. “At huwag mo naman akong pag-ukulan. Ano ang malay mo kung
si Andy mayroon nang itinatago,” at tumawa si Alice.

“May itinatago si Andy?” pamanghang sabi ni Bill. “Walang maitatago sa akin iyan. Iyan ang tinatawag na
nauuhaw at ayaw makiinom.”

“At kung tanggihan ang nakikiinom?” tanong ni Andres.

“Natatakot kang tanggihan kung ganoon. E, paano malalaman kung tatanggihan ka o kung hindi?”
nakatawang tanong ni Alice.

Tumindig na bigla si Andres. “Hatinggabi na, Bill”, aniya. “Mapupuyat na lubha si Alice.”

“Hayan ang sinasabi ko,” pakutyang pakli ni Bill, “ang magaling na kaibigan kong Pilipino ay takbuhin.
Ngayon pa lamang sumasarap ang usapan,” tudyo niya, “ay saka pa tatalilis. Tayo na. Walang mangyayari
sa akin kung ang manok ko ay takbuhin.”

Naunang lumabas si Bill. Nagsuot si Andres ng kanyang amerikana at sumunod sa kaibigan. Inihatid nila si
Alice hanggang sa pintuang may kadiliman noon dahil sa bahagya nang abutin ng liwanag ng ilaw.

“Aalis na kami, Alice. At maraming salamat sa iyong kagandahang-loob,” paalam ni Andres. “Hindi
pangkaraniwang gabi ito sa akin.”

Naramdaman na lamang ni Andres ang halik ni Alice sa kaniyang pisngi . . .

Pagsasanay 2

Panuto: Batay sa binasang akda sa itaas, mangyaring ibigay ang mga tunggaliang naganap.
Mamili ng mga pangyayaring isusulat sa kahon ng mga tunggalian na mauuri bilang, “tao laban
sa sarili?” Sagutin at ipaliwanag gamit ang graphic organizer.

38
Layunin: Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tingin / akala /
pahayag / ko, iba pa).

Kasanayan Bilang: 3_ Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa


tingin / akala /pahayag / ko, iba pa).
Araw: 3-4

KONSEPTO:

Pahayag na ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon

Bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang pagbibigay ng opinyon sa pangyayaring


nagaganap o namamalas sa paligid. Sa pagbibigay ng opinyon, makabubuti kung tayo ay
may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusi nating matimbang
ang mga bagay-bagay at maging katanggap-tanggap ang ating opinyon. Narito ang mga
pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon.

Pagbibigay ng Matatag na Opinyon


• Buong igting kong sinusuportahan…

39
• Kumbinsido akong….
• Labis akong naninindigan…
• Lubos kong pinaniniwalaan…

Pagbibigay ng Neutral na Opinyon


• Kung ako ang tataningin….
• Kung hindi ako nagkakamali…
• Sa aking pagsusuri….
• Sa aking palagay…
• Sa aking pananaw…
• Sa ganang sarili….
• Sa tingin ko…
• Sa totoo lang…

Sa pagbibigay ng opinyon, mahalagang matutuhan ang wastong gamit ng mga salita


upang maging kapani-paniwala o kahika-hikayat ang pahayag.

Nang at ng
Ginagamit ang nang sa sumusunod na pagkakataon.
• bilang pangatnig sa mga pangungusap na hugnayan: ito ay panimula sa sugnay na di
makapag-iisa.

Halimbawa: Ang Pilipinas ay lalong nakilala sa buong mundo nang mapili ang
Underground River sa Palawan bilang isa sa New Seven Wonders of the World.

• bilang pang-abay

Halimbawa: Nakatapos nang mabilis sa mga gawain ang mag-anak na


nagtutulungan.

• sa gitna ng dalawang salitang –ugat o dalawang pandiwang inuulit.


Halimbawa: Parami nang parami ang mga turistang dumarating sa bansa

Ginagamit ang ng sa sumusunod na pagkakataon:


• bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat

Halimbawa: Ang nanay ay naghanda ng pagkain sa bahay.

• Bilang pagpapakita ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.


Halimbawa: Ang programa ng pamahalaan para sa pamilya ay maganda.

Din/Rin at Daw/Raw
Ginagamit ang rin at raw sa sumusunod na pagkakataon:
• Kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na y at w.
Halimbawa: Gusto raw niyang mamasyal sa Pilipinas.
• Kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa y at w.

40
Halimbawa: Mas mahal daw ang pumunta sa ibang bansa.

Subukin at Subukan
Ginagamit ang subukin kung sumusuri at nagsisiyasat sa uri, lakas, o kakayahan ng
isang tao o bagay.

Halimbawa: Subukin mo ang husay ng mga Pilipino.


Ginagamit ang subukan kapag gustong malaman kung ano ang ginagawa ng isang tao
o bagay nang palihim.

Halimbawa: Subukan mo kung ano ang ginagawa ng mga pinuno ng bansa kapag
nagtitipon sila.

Pahirin at pahiran
Ginagamit ang pahirin kung ang ibig sabihin ay pag-alis ng isang bagay at ginagamit
ang pahiran kung ang ibig sabihin ay paglalagay ng isang bahgay sa isang lugar o
karaniwan ay sa isang bahagi ng katawan.
Halimbawa: Pahirin mo ang luha sa iyong mata upang mapahiran ng gamot.

Sundin at Sundan
Ginagamit ang sundin kung ang pahayag ay nagangahulugan ng pagsunod sa payo o
pangaral.

Halimbawa: Sundin mo ang payo at utos ng iyong magulang.


Ginagamit ang sundan kung ang pahayag ay nangangahulugan na gayahin o puntahan
ang pinuntahan ng iba.

Halimbawa: Sundan mo ang ginagawa ng iyong magulang upang maging


matagumpay ka rin sa buhay.
Pagsasanay 1

Punan ng wastong gamit ang patlang upang mabuo ang pahayag sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng
panaklong at isulat sa patlang ang sagot.

(Sundin,Sundan) 1. __________ natin palagi ang mga batas sa ilalim ng GCQ upang mailayo tayo sa
panganib na dala ng Covid-19.

(Pahirin,Pahiran) 2. __________ mo lagi ng sanitizer ang inyong mga kamay kung kinakailangan.

(subukin, subukan) 3. Huwag mong __________ na suwayin ang iyong mga magulang.

(daw,raw) 4. Mas maganda __________ kung pag-aaralan mo ang kasaysayan at panitikan ng


Pilipinas.

(nang,ng) 5. Paganda __________ paganda ang mga bagay na nababalita tungkol sa Pilipinas.

41
Pagsasanay 2

Suriin kung ang sumusunod na pagpapahayag ng opinyon ay angkop o hindi. Lagyan ng tsek ( / ) ang kahon
kung angkop at ekis(X) kung hindi angkop sa naunang pamantayan.

____1. Sa aking palagay, tama lang na magsama-sama sa isang tahanan ang magkakapamilya kahit pa ang
mga anak ay may asawa na para makapagbigay sila ng suporta sa isa’t isa.
____2. Hindi ako sumasang-ayon na tumira pa rin ang anak na may asawa na sa bahay ng kanilang
magulang. Dapat kapag nag-asawa na ang tao ay bumukod na sila at tumayo sa sariling mga paa.
____3. Mali ka talaga, eh. Kung gusto kong tumira sa magulang ko, may magagawa ka ba?
____4. Nasa iyo iyan, kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw, subalit maging sa Bibliya ay
sinasabing “ dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina , at magsasama sila ng kanyang asawa at
sila’y magiging isa”.
____ 5. A, basta, hindi ako naniniwala sa sinasabi mo.

Pagsasanay 3:
Magbigay ng sariling opinyon o pananaw ukol sa tekstong binasa sa pamamagitan ng pagkumpleto sa
sumusunod na mga pahayag.

1. Sa aking palagay,
_______________________________________________________________________________

2. Para sa akin, ang mga pamahiin ay


_______________________________________________________________________________
3. Ayon sa aking karanasan,
_______________________________________________________________________________
4. Ang paniniwala ko ay
_______________________________________________________________________________

5. Hindi ako sumasang-ayon na ________________________________________________________

42
TXTBK + QUALAS
SANAYANG PAPEL Blg. 5
Textbook based instruction
paired with MELC-Based
SA FILIPINO 9
Quality Assured Learner’s
Activity Sheet (LAS) Kwarter 1 Linggo 5

Pangalan: ________________________________________ Baitang at Pangkat:


_______________________________

Guro: _____________________________________________ Petsa ng Pagpasa:


________________________________

MELC:
14. Naiuugnay ang sariling damdaming inihayag sa napakinggang tula (F9PN-Ie-41)
15. Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano (F9PB-Ia-b-39)
16. Natutukoy at naipaliliwanag ang magkasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan
( F9PT-Ie-41)
17. Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng
rehiyong
Asya (F9PU-Ie-43)
Aralin: Tula
Sanggunian: PANITIKANG ASYANO 9 Pahina:
Pintig ng Lahing Pilipino 9 Aklat

Layunin: Naiuugnay ang sariling damdaming inihayag sa napakinggang tula

Kasanayan Bilang: 1 Pag-uugnay ang Sariling Damdamin sa Damdaming


Inihayag sa Napakinggang Tula
Araw: 1

KONSEPTO:

PANUTO:
Ipabasa ang akda sa iyong magulang, kapatid o kasama sa bahay. Makinig nang mabuti
upang maunawaan ang akda. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

ANG PUNONGKAHOY
ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan


Ay nananalangin sa kapighatian,

43
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...

Sa aking paanan ay may isang batis,


Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,


Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,


Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!

At iyong isipin nang nagdaang araw,


isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

44
Pagsasanay 1
Panuto: Isa- isahan ang nabanggit ng may- akda sa tula. Isulat sa bilog ang iyong mga kasagutan.

SIMBOLO NG PUNONGKAHOY SUKAT AWTOR

PUNONGKAHOY

DAMDAMIN MATAPOS PERSONA


BASAHIN

Damdaming nangingibabaw sa
iyo?
_________________________
_________________________
_

Iugnay mo ito sa damdaming nangingibaw sa tula.


___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Layunin: Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano

Kasanayan Bilang:2 Paglalahad ng Sariling Pananaw, ng Paksa sa mga Tulang Asyano


Araw: 2

KONSEPTO:

Ang tula ay akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,


ipinaparating sa ating damdamin at ipinapahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
Naiiba ito sa ibang sangay ng panitikan dahil gumagamit ito ng mga salitang masusing pinili,

45
may bilang ang mga pantig at paggamit ng magkakatugmang salita upang madama ang isang
damdamin at maipahayag ang kaisipang nais iparating.

Ito ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, imahinasyon at


mithiin sa buhay. Sa pamamagitan ng tula naipararating ng may katha sa mga bumabasa o
nakikinig ang kanyang nararaamdaman at naiisip.

Pagsasanay

Panuto: Basahin ang mga pahayag. Kilalanin at isulat sa bilog ang tsek (/) kung ito ay may
kaugnayan sa tula at ekis (X) naman kung hindi.

1. Ang unang saknong ay naglalarawan sa may-akda na nag-iisip – nangangahulugan


na
ang may-akda ay nagsimulang magmumuni-muni.
2. Sa ikatlong saknong, ang salitang batis ay nangangahulugang luha.
3. Sa huling saknong, nag-iisip siya sa panahon ng kaniyang kabataan.
4. Ang tula ang naglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang buhay at
paghahambing ng punongkahoy sa buhay ng tao.
5. Katulad ng punongkahoy, dumarating ang unti-unting pagkalagas ng mga dahon;
na ang
tao, sa kabila ng kaniyang tagumpay, nagiging malungkot ang pagtanda dahil
nagbabago
ito kasabay ng pag-inog ng mundo.

Layunin: Natutukoy at naipaliliwanag ang magkasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan

Kasanayan Bilang: 3 Pagtukoy at Pagpaliwanag ng mga magkakasingkahulugang Pahayag


Sa ilang Taludturan
Araw: 3

KONSEPTO:
Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan
ni: Usman Awang (Malayang isinalin ni A.B. Julian)

Sa mga pangyayaring walang katiyakan


Kung saan ang tao’y naghihinala’t tuwina’y may agam-agam
Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan
Sa kaniyang putting pakpak na hanap ay kapayapaan
Habang sagisag ng pagkakasundo’y patuloy na pumapailanlang.

Puting kalapati, libutin itong sandaigdigan


Ang hanging panggabi’y iyong panariwain
Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin
Itong aming mga labi’y iyong pangitin.

46
Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay ‘di nawala
Sa iyong hininga, hanging sariwa nagmula
Itong sandaigdigan, paniwalain mo sa kapayapaan
Habang puso’y pumipintig sa gabi ng katahimikan.

Ngunit ikaw na palamara


Tulad ng alabok, humayo ka’t mawala
Pagkat mundo mo’t bantayog ay gumuho na
Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda
Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa.

Pagsasanay 1

Panuto: Bilugan ang magkasingkahulugan na pahayag na binanggit sa mga taludtod at


saka ipaliwanag sa patlang ang nais ipahayag ng taludtod.

1. Puting kalapati, maglibot ka sa buong mundo


Maglakbay ka hanggang sa makakaya mo.

Paliwanag:
________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

2. Maririkit at mababangong bulaklak sa parang


Ito ang nais ng magagandang bulaklak sa aming bayan

Paliwanag:
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________
3. Papaniwalain mo ang daigdig sa kapayapaan
Habang humihinga ka sa gabing tahimik.

47
Paliwanag:
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________
4. Pangitiin mo ang iyong mga labi sa bawat oras
Gamitin mo ang iyong bibig sa pakikipagtalastasan
Pigilin mo ang bunganga sa katakawan.

Paliwanag:
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

Layunin: Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpahalaga sa pagiging mamamayan ng rehiyong
Asya

Kasanayan Bilang: 1 Pagpapahalaga sa Pagiging Mamamayan ng Rehiyong


Asya Araw: 4

KONSEPTO:
Ang pagsulat ng isang akdang pampanitikan tulad ng tula ay nakakatulong hindi lamang
upang maipahayag ang iyong emosyon o damdamin bagkus ito’y nakapagbibigay ng
pagkakataon sa mga mag-aaral na tulad mo na maiugnay ang dating kaalaman at karanasan
sa kasalukuyang pinag-aaralan

Pagsasanay
Panuto: Napili ka ng iyong guro na kumatawan sa inyong klase sa isang paligsahan sa
pagsulat ng tula. Bahagi ito ng proyekto ng Kagawaran ng Filipino sa inyong paaralan na
makapagtipon ng mga makata na makapagsusulat ng tula na may temang Pagpapahalaga sa

48
Pagiging Mamamayan ng Kontinenteng Asya. Gamitin mo ang iyong natutuhan sa araling ito
upang makabuo ng sariling tula.

Gagabayan ka ng mga pamantayan na nakalahad sa ibaba sa pagbuo ng iyong tula.

Mga Pamantayan Laang Puntos Aking Puntos


1. May orihinalidad at akma sa paksa ang tula 5 Puntos
2. Paggamit ng mga simbolo 5 Puntos
3. May sukat na 12 na pantig sa bawat taludtod at 3 Puntos
may tugma ang huling salita sa bawat taludtod
4 Hindi bababa sa dalawang saknong na may apat 2 Puntos
na taludturan ang nabuong tula
Kabuuang Puntos 15 Puntos

49
TXTBK + QUALAS
SANAYANG PAPEL Blg.6
Textbook based instruction paired SA FILIPINO 9
with MELC-Based Quality Assured
Learner’s Activity Sheet (LAS) Kwarter 1 Linggo 6

Pangalan: ________________________________________________Baitang at Pangkat:


_____________________

Guro: ______________________________________________Petsa ng Pagpasa :


_________________________

MELC:
18. Naipaliliwanag ang salitang may higit pang isang kahulugan (F9PT-If-42)
19. Nasusuri ang paraan pagpapahayag ng mga ideya at opinion sa napanood na
debate o kauri
nito (F9PD-If-42)
20. Naisusulat ang sariling opinion tungkol sa mga dapat o hindi dapat taglayin ng
kabataang
Asyano (F9PU-If-44)
21. Nagagamit ang pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw (F9WG-If-44)

Aralin: Sanaysay, Gamit ng mga Salitang Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Opinyon


Sanggunian: Panitikang Asyano 9 Pahina: 48- 56

Layunin: Naipaliliwanag ang salitang may higit pang isang kahulugan

Kasanayan Bilang: 1 Pagpaliliwanag ng salitang may higit pang isang kahulugan


Araw: 1

Pagsasanay

A. Panuto: May mga salitang higit sa isa ang kahulugan gaya ng mga salitang na italisado
sa bawat bilang. Isulat sa kahon ang titik ng tamang kahulugan nito batay
sa pagkakagamit sa pangungusap. Sumulat ng paliwanag sa linya kung
bakit ito ang iyong napiling sagot.

a. Gawaing mabigat b. Namumuhay sa kasalatan

1. Mahirap gawin ang isang bagay na hindi mo nakasanayan sa iyong


buhay.
PALIWANAG:

2. Mahirap man kami ngunit hindi ito naging hadlang upang matapos ko
ang aking pag-aaral.
PALIWANAG:

50
a. moderno b. klima

1. 3. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon.

PALIWANAG:

4. Ang panahon ngayon ay mainit at maalainsangan.

PALIWANAG:

5. Ang kaalaman kong taglay ay ginamit kong instrument upang maging


matagumpay sa buhay.
PALIWANAG:

Layunin: Nasusuri ang paraan pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa napanood na debate o
kauri nito

Kasanayan Bilang:2 Pagsusuri ng mga paraan sa pagpapahayag ng mga ideya at


opinyon sa napanood na debate o kauri nito
Araw:2
KONSEPTO:

Ang opinyon na tinatawag ding kuro-kuro ay ang iyong sariling pananaw tungkol sa mga
bagay bagay o pangyayari. Maaring ito ay puwedeng totoo at puwede ring hindi. Ito ay
saloobin lamang ng isang tao batay sa kaniyang sariling kahulugan sa mga
nakikita. Kalimitan, ang opinyon ay ibinibigay sa isang debate hinggil sa isang paksang
pinag-uusapan.

Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o pagsang-ayon .


Bawat isa ay may kani-kaniyang opinyong dapat nating igalang o irespeto ito man ay
pabor sa atin o hindi. Kailangan maging magalang at malumanay Sa pagbibigay ng ating
mga opinyon upang maiwasan ang makapanakit ng damdamin. Nasa ibaba ang mga
iilang halimbawa ng mga hudyat na ginagamit sa pagsalungat at pagsang-ayon sa
pagpapahayag ng opinyon.
1. Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa
isang pahayag o ideya. (bilib ako sa iyong sinabi, ganoon nga, kaisa moa ko sa bahaging
iyan, maasahan mo ako riyan, iyan din ang palagay ko, iyan ay nararapat at marami
pang iba)

51
2. Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol,
pagkontra sa isang pahayag o ideya (hindi ako naniniwala riyan, hindi ako sang-ayon
dahil, hindi ko matanggap ang iyong sinabi, hindi tayo magkakasundo, ikinalulungkot,
maling-mali talaga ang iyong, sumasalungat ako sa, at marami pang iba).

Pagsasanay

PANUTO: Manood ng isang debate o pangangatwiran (maaaring sa paaralan, telebisyon


o Youtube https://youtube/zWy1vFoa0V4). Suriin ang paraan ng pagpapahayag ng ideya
at opinyon ng mga kalahok sa iyong napanood. Isulat sa espasyo sa ibaba ang mga nakita
mong magagandang paraang maaari mong makuha at matutuhan sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga katanungan sa ibaba.

1. Ano-ano ang mga paraan ng pagpapahayag ng mga ideya /opinyon ang ipinakita o
ipinahayag ng bawat kalahok?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2.Makatuwiran ba ang ang mga ideya o opinyon na ipinahayag ng bawat kalahok?


Ipaliwanag ang inyong sagot.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Layunin: Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat taglayin
ng kabataang Asyano

Kasanayan Bilang: 3-4 Pagsulat ng sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi
dapat taglayin ng kabataang Asyano at Pagamit ng mga pang-ugnay sa pagpapahayag
ng sariling pananaw
Araw: 3-4

52
KONSEPTO:

Ang opinyon na tinatawag ding kuro-kuro ay ang iyong sariling pananaw tungkol sa mga
bagay bagay o pangyayari. Maaring ito ay totoo at maaaring ding hindi. Ito ay saloobin
lamang ng isang tao batay sa kaniyang sariling kahulugan sa mga nakikita. Kalimitan,
ang opinyon ay ibinibigay sa isang debate hinggil sa isang paksang pinag-uusapan.

Kadalasan, ang opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa o mga bagay- bagay ay
isinusulat upang maging gabay o maaaring batayan sa pagsusulat ng mga sanaysay.

Sa pagpapahayag ng opinyon, makatutulong nang malaki sa pag-oorganisa ng ideya ang


mga pang-ugnay. Ang mga pang-ugnay ay nauuri din bilang mga salitang pangkayarian.
Ang mga pang-ugnay ay ang sumusunod;

A. Pangatnig (conjunction)- mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o


sugnay.

Halimbawa: tulad ng, kahit na, dahil sa, kasi, palibhasa, bukod-tangi, at iba pa.
1. Nag- aaral siya ng mabuti kahit na siya ay nagtatrabaho.
2. Ayaw niyang magtrabaho palibahasa sila ay mayaman.

B. Pang-angkop (ligature)- mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan.

Halimbawa: na, ng, at iba pa.

1. Matagal na panahon ang kaniyang ginugol bago niya nakamit ang pangarap sa
kaniyang pamilya.
2. Lumang-luma na ang kanyang sapatos sa kagagamit araw-araw.

C. Pang-ukol (preposition)- mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang


salita.

Halimbawa: ang/si, ng/ni/kay, ayon sa/ayon kay, para sa/para kay, hinggil sa/hinggil
kay, at iba pa.
1. Para sa mga bata ang itong pagkaing ito.
2. Ayon kay Dr. Jose Rizal “Ang Kabataan ay Pag-asa ng Bayan.

Bilang kabataang Asyano, mahalagang malaman at paka isipin palagi na sa


pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o pagsang-ayon . Bawat
isa ay may kani-kaniyang opinyong dapat nating igalang o irespeto ito man ay pabor sa
atin o hindi. Kailangan maging magalang at malumanay Sa pagbibigay ng ating mga
opinyon upang maiwasan ang makapanakit ng damdamin.

53
Basahin at suriin ang sanaysay sa ibaba
Sanaysay sa Pag-ibig

Akda ni TellMeWhereToStart na halaw mula sa Wattpad

Maraming uri ng pag-ibig sa mundo. Pag-ibig para sa pamilya, sa mga kaibigan, sa Diyos
at sa taong gusto mong makasama pang-habambuhay. Hindi naman daw mahirap
hanapin ang taong bubuo sa buhay natin. Kailangan lang natin maghintay na kusa
siyang dumating.

May pag-ibig na handang isuko ang lahat sumaya lang ang taong mahal niya. Kaya tayo
nagpaparaya ay dahil ayaw natin ikulong ang isang tao sa pag-ibig natin. Pagdating kasi
sa love, hangga’t hindi ka niya matutunang mahalin ay hindi siya sasaya sa piling mo.
Ano ba ang mas gusto natin? Yung katabi nga natin siya, ngunit hindi siya masaya, o
yung malayo man siya sa piling mo alam mong masaya na siya kahit sa piling ng iba?

May pag-ibig na naghahangad ng pangalawang pagkakataon. Pero hindi naman lahat ng


tao nabibigyan ng second chance. Kung isa ka man sa masuwerteng nabigyan, puwes
‘wag mo nang sayangin yun. Binigyan ka ng isa pang pagkakataon dahil MAHAL KA NG
TAONG MAHAL MO. At handa niyang kalimutan ang mga ginawa mo sa kanya noon.

May pag-ibig na mali sa mata ng marami. Yung pag-ibig na tama pero nasa maling
pagkakataon. Dito pumapasok ang pagiging 2 timer. Maaaring may gusto ka sa kanya
pero may iba na siya, o ikaw naman ang may iba, pero gusto ninyo pa rin ang isa’t isa.
Ikaw ay nasa maling pagkakataon. Lagi mong isipin na may girlfriend o boyfriend kana,
bago pumatol sa iba.

Pagsasanay 1
Panuto: Mula sa binasa mong akda, itala ang iyong opinyon sa mga katangiang dapat
taglayin at di dapat taglayin ng kabataang asyano tungkol sa pag-ibig. Gumamit ng
mga salitang pang-ugnay sa pagpapahayag ng iyong sariling opinyon.

DAPAT TAGLAYIN DI DAPAT TAGLAYIN

54
TXTBK + QUALAS SANAYANG PAPEL Blg.7
Textbook based instruction paired SA FILIPINO 9
with MELC-Based Quality Assured
Learner’s Activity Sheet (LAS) Kwarter 1 Linggo 7

Pangalan: ________________________________________________Baitang at Pangkat:


_____________________

Guro: ______________________________________________Petsa ng Pagpasa :


_________________________

MELC:
22. Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan
ng akda
(F9PN -Ig - h -43)
23. Naipapaliwanag ang kahulugan ng salita habang nagbabago ang istruktura nito
(F9PT -Ig - h -43)
24. Nasusuri ang pagiging makatotohonan ng ilang pangyayari sa dula (F9PUIg - h -45)
25. Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga,
tunay, iba
pa) (F9PS -Ig - h -45)

Aralin: Dula, Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan


Sanggunian: Panitikang Asyano 9 Pahina: 48- 56

Layunin:
1. Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda.
2. Naipapaliwanag ang kahulugan ng salita habang nagbabago ang istruktura nito

Kasanayan Bilang: 1 Pagbuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa


kasinigan ng akda.
Kasanayan Bilang: 2 Pagpapaliwanag ng kahulugan ng salita habang nagbabago ang
istruktura nito.

Araw: 1-2

KONSEPTO:
Ang Dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan
ng buhay. Ipinapakita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip,

55
ikinikilos at at isinasaad. Ito ay sinusulat at tinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay
na naglalayong makaaliw, makapagturo o makapagbigay ng mensahe. Ito ay mataas na uri
ng panitikan sa Pilipinas na saklaw ang katotohanan at ang sigwang napupukol sa pagitan
ng pamumuhay ng tao at ng lipunan. Masasabing higit na kawili-wili ang dula kaysa sa
maikling kuwento sapagkat sa dula higit na nadarama ang mga tunggalian ng mga mga
tauhan at ang kanilang mga suliranin. Sa maikling-kuwento, may mga pangyayaring
iniuulat na lang ng may akda ngunit sa dula ang mga ito ay hayagang nakikita sa mga
ikinikilos ng mga tauhan bukod sa naririnig pa rin sa kanilang mga sinasabi.

Pagsasanay 1

Panuto: Sa mga sandaling ito ay isang dula naman sa Pilipinas ang iyong mababasa na
pinamagatang: “Tiyo Simon” na akda ni N.P.S Toribio. Halina’t ating basahin at
unawain!

Tiyo Simon
Dula sa Pilipinas
Isinulat ni N.P.S Toribio

Mga Tauhan:

TIYO SIMON – isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa
at may mga paniniwala sa buhay na hindi maunawaan ng kaniyang hipag na relihiyosa
INA – ina ni Boy
BOY – pamangkin ni Tiyo Simon, pipituhing taong gulang
Oras: umaga, halos hindi pa sumisikat ang araw

Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga langis
at pomada sa buhok, toniko, suklay, at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador,
nakadikit sa dingding ang isang malaking larawan ng Birheng nakalabas ang puso na may
tarak itong punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng
higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan.

Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na binibihisan ng kaniyang ina. Nakabakas sa mukha


ng bata ang pagkainip samantalang sinusuklay ang kaniyang buhok.

(Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.)
INA: O, hayan, di nagmukha ka ng tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis.
BOY:( Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
INA: Ayaw mong magsimba! Hindi maa... Pagagalitin mo na naman ako e! At ano’ng gagawin
mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw?
BOY: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ... si Tiyo Simon ...
INA: (Mapapamulagat) A, ang Ateistang iyon. Ang ...Patawarin ako ng Diyos.

56
BOY: Basta. Maiiwan po ako ... (Ipapadyak ang paa) Makikipagkwentuhan na lamang ako
kay Tiyo Simon...
INA: (Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa
kalapastangan sa banal na pangalan ng Panginoon?
BOY: Hindi, Mama, Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
INA: A, husto ka na ... Husto na, bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon
ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban.
BOY: Pero ...
INA: Husto na sabi, e!
(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makakarinig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit sa
nakapinid na pinto ng silid. Saglit na titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng
mahinang pagkatok sa pinto.)
INA: (Paungol) Uh ...sino ‘yan?
TIYO SIMON: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, kong...
(Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Malalantad ang kaanyuan
ni Tiyo Simon, nakangiti ito.) TIYO SIMON: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila
may itinututol si Boy ...
BOY: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama
kay Mama.
INA: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, Kuya, Hindi nga raw sasama sa
simbahan.

(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob. Hahawakan sa balikat si


Boy.)
TIYO SIMON: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo ...
kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbihis ... Magsisimba tayo.

(Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kaniyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang
ina ay napamangha rin. Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang
dalawa, pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.)
INA: Nakapagtataka! Ano kaya’ng nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon
sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos ...
BOY: Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako ...
INA: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi, e, hindi
ka rin sasama. Pero, mabuti rin iyon ... Mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay
ko sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring ...

(Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas lang
si Boy.)

INA: (Mahina at waring sa sarili lamang.) Namatay siyang hindi man lamang
nakapagpaHesus. Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho
silang magkapatid, sila ng iyong amain. Sana’y magbalik-loob siya sa Diyos upang
makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kaniyang kapatid na sumakabilang buhay na
...

57
(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuway nakarinig sila ng hindi pantay na
yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang
papahirin ng babae ang kaniyang mukha, pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.)

INA: Siyanga pala. Magbihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y . . . diyan muna kayo ni Boy,
Kuya . . .

(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa silid. Agad tutunguhin ang isang sopang
naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay
titindig sa harapan niya.)

TIYO SIMON: (Maghihikab) iba na ang tumatanda talaga. Madaling mangawit, mahina ang
katawan at . . . (biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kaniyang
may kapansanang paa. Matatawa.)
BOY: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng
Diyos?
TIYO SIMON: (Matatawa) Sinabi ba ng Mama mo ‘yon?
BOY: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw
kasi . .
TIYO SIMON: (Mapapabuntong-hininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako naniniwala sa Diyos.
BOY: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo nangingilin kung araw
ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon?
TIYO SIMON: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi
maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang
sa sariling karanasan, sa sariling pagkamulat ... ngunit kung anuman itong mga bagay na
ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala.
BOY: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?
TIYO SIMON: Oo, Boy, sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong
tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi,
ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.

(Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat
sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kampana. Matatagal nang
ilang sandali pagkuwa’y titigil ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntong-hininga si Tiyo
Simon, titingnan ang kaniyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina at saka titingin
kay Boy.)

TIYO SIMON: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko ang tumalikod,
hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni
Maugham at ako’y nananalig sa Pilosopiyang pinanaligan ng kaniyang tauhan doon, ngunit
hindi ako maligaya, Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan.
BOY: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?
TIYO SIMON: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao
sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako ... hanggang sa isang
araw ay nangyari sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin.
BOY: Ano iyon, Tiyo Simon . . .?

58
(Uunat sa pagkaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kaniyang lukbutan). Maglabas ng isang
bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit.)
TIYO SIMON: Ito ay isang batang nasagasaan ng trak. Patawid siya noon at sa kaniyang
pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ngunit siyang pagdaan ng isang trak at siya’y
nasagasaan. . .. Nasagasaan siya nadurog ang kaniyang isang binti, namatay ang bata. . .
namatay . . . nakita ko, ng dalawang mata, ako noo’y naglalakad sa malapit . . . At aking
nilapitan, ako ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang
mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan...
BOY: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari, Tiyo Simon?
TIYO SIMON: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking
sarili ... Sapagkat nang yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang
tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng kaniyang
buto. . .ngiting tila ba nananalig na siya ay walang kamatayan...

(Magbubuntong-hininga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy.


Muling naririnig ang tunog ng batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili
nang higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y titigil. Muling napabuntong-
hininga si Tiyo Simon.)
TIYO SIMON: Mula noon, ako’y nag-iisip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang
pangayayaring iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan,
bilang tagapaalalang lagi sa akin ng matibay at mataas na pananalig ng isang batang
hanggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tandaan sa isip: kailangan ng
isang tao ang pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa anong bagay, lalong mabuti kung
pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng
sakuna, ng mga kasawian ... upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo ng mga
hinanakit sa buhay.

(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na


papalapit. Susungaw ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.)

INA: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. Hinanap ko pa kasi ang aking dasalan
kaya ako natagalan. Tayo na, Boy ... Kuya.
BOY: (Palukso-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo
na!

(Muling maririnig ang tugtog ng kampana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa


pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas,
habang bumababa ang tabing.)

Panuto: Sa pagkakatong ito ay susuriin natin ang mahahalagang papel na ginampanan ng


mga tauhang nakatala sa “Tiyo Simon” Bubuo tayo ng kritikal na paghuhusga sa pagiging
epektibo ng bawat tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda.

59
Mga Tauhan Tiyo Simon Ina Boy

Uri ng tauhan ayon sa


papel na ginagampanan

Uri ng tauhan ayon sa


katauhan at paliwanag
sa sagot

Epektibo ba o hindi ang


tauhan sa papel na
kanyang ginampanan?
Ipaliwanag

Pagsasanay 2

Panuto: Ibigay ang pahiwatig na kahulugan ng sumusunod na pahayag sa loob ng bawat tatsulok sa
ruweda (Ferris Wheel). Punan ng titik ang kahon upang mabuo ang kahulugan nito. Pagkatapos,
gamitin ito sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap. Gayahin ang pormat sa papel.

Talaan ng mga pangungusap.


1. __________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

60
2. __________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

3. __________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

4. __________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

5. __________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Layunin: Nasusuri ang pagiging makatotohonan ng ilang pangyayari sa dula


Kasanayan Bilang:3 Pagsuri ng pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa dula
Araw:3

KONSEPTO:
Ang isang pahayag ay makatotohanan kung ito ay may suportang datos, pag-aaral,
pananaliksik at suportang impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa lahat. Ang
ganitong uri ng pahayag ay karaniwang may siyentipikong basehan gaya ng agham at
siyensya.

Pagsasanay

PANUTO: Upang masukat natin ang iyong natutuhan sa aralin, ipagpalagay na ikaw ay isa
kabata-ang naanyayahang maging kabahagi ng Samahan ng mga Manunuri ng Panitikang
Filipino. Ang isang gawaing ipinagagawa sa iyo ay ang pagsulat ng isang pagsusuri ng
pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa dulang iyong nabasa sa araling ito.

A. Panuto: Itala ang mga makatotohanang pangyayaring nabasa sa dulang: Tiyo Simon
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

61
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_____________________

Mga Pamantayan Laang Puntos Aking Puntos


Ang mga pangyayaring sinuri ay nakabatay sa isang dula. 10
Makatotohanan at maliwanag ang pagsusuring natapos. 10
Naipahayag nang malinaw ang kaisipan, pananaw at saloobin
10
tungkol sa sinuring akda.
Kabuoang puntos 30

Layunin: Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga,
tunay, iba pa)

Kasanayan Bilang: 4 Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa


totoo, talaga, tunay, iba pa)
Araw: 4

KONSEPTO:

Mahalagang kasanayan sa pagsasalita o pagsulat ang paggamit ng mga wastong


pahayag na nagpapakita ng katotohanan o opinyon.

Mga Halimbawa ng Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan:


1. Ayon sa mga pag-aaral …
2. Alinsunod sa tuntunin …
3. Gaya ng ipinakikita ng mga datos …
4. Ipinakikita ng pananaliksik na …
5. Batay sa …

Mga Halimbawa ng Ekspresyong Nagpapahayag ng Opinyon:


1. Sa aking palagay …
2. Sa sarili kong pananaw …
3. Para sa akin …
4. Naniniwala akong …
5. Sa tingin ko …

62
Pagsasanay 1

Panuto: Gumamit ng ekspresyong nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon mula sa mga


impormasyong nakalahad sa bawat bilang.

1. Katotohanan:
_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
2. Opinyon:
_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

3. Katotohanan:
_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
4. Opinyon:
_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

5. Katotohanan:
_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
6. Opinyon:
_________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

63
Susi sa Pagwawasto

Linggo 1
Linggo 4
Araw 1-4 – Maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral.
Araw 1
Pagsasanay 1
Linggo 2 1. Meteor Garden
2. Tale of Nokdu
Araw 1, 2 - Maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral.
3. Lover in Paris
Araw 3 4. Goblin
5.
1. Sa lahat ng ito

2. Datapwat Pagsasanay 2
1. pelikula 6. Tabloid
3. Sa wakas
2. Komiks 7. magasin
4. Kaya 3. Internet
5. Kung gayon
4. telebisyon
5.

***********************************
***
Linggo 5
Linggo 6
Unang Araw Maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral.
Sukat- 12
*******************************************
Persona – Punongkahoy ***
Linggo 7
Nagtutumangis – umiiyak

Damdamin- lungkot, panghihinayang


PAGSASANAY 1
1. Sariling Sagot ng Mag-aaral
Simbolo- buhay (Nakasalalay sa guro ang pagpapasya)

Awtor – Jose Corazon de Jesus PAGSASANAY 2


1. Panalangin
2. Nabendisyunan
3. Namatay
4. Narinig
Ikalawang Araw 5. Narubdob
6. Pananampalataya
1. /
KARAGDAGAWANG GAWAIN (Sariling Sagot ng Mag-
aaral)
2. /

3. / PAGSASANAY 3
1. Sariling Sagot ng Mag-aaral
4. / (Nakasalalay sa guro ang pagpapasya)

5. / PAGSASANAY 4
1. Sariling Sagot ng Mag-aaral
Ikatlong Araw (Nakasalalay sa guro ang pagpapasya)
1. maglibot – maglakbay
2. marikit at mababangong bulakak – magagandang bulaklak
3. kapayapaan- tahimik
4. Intensidad ng kahulugan

Ikaapat na Araw 64
Magkakaiba ang sagot ng mag-aaral
Development Team of the Learning Activity Sheet
FILIPINO 9

Management Team

Thelma Cabadasan-Quitalig, PhD, CESO V Schools Division Superintendent


Sherlita A. Palma, EdD., CESO VI Asst. Schools Division Superintendent
Renato S. Cagomoc, EdD,DM CID Chief
Noel E. Sagayap Learning Resources Manager
Lourdes L. Matan Subject Area EPS

Writers:

Chinky F. Baculanta Master Teacher I Calbayog City NHS


Daniel Malabarbas Teacher III San Joaquin NHS
Violeta J. Malanog Teacher III Mag-ubay NHS
Maritess Erella Teacher III San Joaquin NHS
Vanessa M. Cleofe Teacher III Oquendo NHS
Rosario C. Reyes Teacher III Carayman IS
Gia Mae Salve C. Reyes Teacher III Happy valley NHS

Reviewers:

Teresa S. Simon PSDS Tinambacan II District


Lourdes L. Matan EPS CID
Noemi S. Castante OIC-PSDS Oquendo 3 District
Maria Teresa Macabidang P2 Cabatuan Elem. School
Melanie P. Enriquez Master Teacher III Calbayog City SPED Center
Clemence Andrade Master Teacher II Tarabucan NHS
Rosalita G. Data Principal 1 Roxas Cluster
Jasmin Aresgo Master Teacher I Calbayog City NHS

Illustrators/ Lay-out Artist:


Razle Jabelo Teacher III Danao Elem. School
Louie Mercader Teacher III Bante Elem. School

65
66

You might also like