You are on page 1of 2

I.

YUGTO NG PAGKATUTO
Magandang Araw! Muli, binabati kita sapagkat naisagawa mo nang may taglay pa ring
pagsisikap ang inilaang mga gawain sa nakaraang aralin. Tayo ngayon ay nasa huling Modyul na ng
ating talakayan para sa asignaturang ito. Inaasahan kong mas maunlad at malalim na ang iyong
pagtalos ng iyong karunungan, kasanayan at kakayahan sa huling aralin na ating tatalakayin. Inihanda
ang modyul na ito kalakip ang mga aralin na siyang makatutulong sa iyo upang mapaghusay at
mahubog mo pa ang iyong kasanayan sa Pagsulat ng Replekti-bong Sanaysay at Lakbay-Sanaysay.

A. PANIMULANG PAGTATAYA
Walang inilaang gawain sa pagtataya.

B. PAGTUKLAS

Sa nakaraang aralin ay iyong natutuhan ang kasanayan o kakayahang manindigan


sa isang desisyong ginawa o pinanghahawakang katotohanan o prinsipyo.

Sa huling araling ito ay lubos na matututuhan mo at matutuklasan ang iyong kakayahang


maglahad at magpaliwanag tungkol sa paksang binibigyang -linaw sa pamamagitan ng Pagsulat ng
Replektibong Sanaysay at Lakbay- Sanaysay

Ang replektibong sanaysay ay isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi Iamang nakatuon sa
husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat
para sa mambabasa. Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman,
pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong
sumusulat nito. Ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan ng isang manunulat. Maaaring
sabihing isa itong akademikong paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa pagkatao,
lipunan, at mga isyu o paksa. Ito ay sa kadahilanang inaasahan na ang mambabasa ay sumusuri rin at
humuhusga sa halaga, bigat, at katotohanan ng paksang inilalahad ng manunulat sa piyesa.

Ang lakbay-sanaysay ay hindi nalalayo sa tradisyonal na sanaysay. Mula nga sa


katawagan nito na lakbay- sanaysay, ang tanging pinanggagalingan ng mga ideya nito ay mula sa
pinuntahang lugar. Tinatampok dito hindi lamang ang lugar pati na rin ang mga kultura,
tradisyon, pamumuhay, uri ng mga tao, at ang damdamin ng isang taong nakaranas pumunta sa
partikular na lugar at lahat ng aspektong natuklasan ng isang manlalakbay.

Anoman ang dahilan ng paglalakbay, ang lakbay-sanaysay ay kadalasang naglalaman ng


mga tala at detalye ng karanasan ng awtor o sumulat sa kanyang naging paglalakbay. Ang
pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan at kasiyahan sa
paglalakbay.

Kaugnay sa talakayan nito, mangyaring buksan sa iyong flash drive ang


inihandang PDF na naglalaman ng aralin ukol sa paksang Pagsulat ng Replektibong Sanaysay at
Lakbay- Sanaysay.

C. PAGLINANG

Basahin

Sa pagpapaigting at pagpapalawak ng kaalaman ukol sa pagsulat ng replektibong sanaysay at


lakbay-sanaysay, maaari mong gamitin ang iyong aklat sa Filipino 12 (Pinagyamang Pluma- Filipino
sa Piling Larang). Mula sa pahina 93-139, tiyak ko na mas marami kang matututuhang butil ng
karunungan at mahahasa mo ang iyong kasanyan at kakayahan sa paggawa o pagbuo ng ganitong
papel na makatutulong sa iyo balang araw. Naroon rin ang mga halimbawang magagawan mo nang
mahusay na pagsusuri. Batid kong nakagawa ka na rin ng mga katulad na gawaing papel na iyon.

D. PAGPAPALALIM

Ang sanaysay ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kompara sa ibang anyo nito tulad ng
maikling kuwento at nobela. Isang likas na katangiang ikinatatampok ng sanaysay ay ang tahas na
paglalaman nito ng pananaw, pagsusuri, at opinyon ng manunulat sa isang pangyayari o isyu na
nakapukaw ng kanyang interes o damdamin (Baello, Garcia, Valmonte 1997).

You might also like