You are on page 1of 5

Ano Ang Kahulugan Ng Panitikan?

(Sagot)
KAHULUGAN NG PANITIKAN – Ang salitang panitikan ay kinuha sa salitang “pang-
titik-an“. Ito ay batay sa salitang “titik” nangunguhulugang “literatura”
(literature).

Ito rin ay nagsasabi at nagpapahayag ng mga ideolohiya, kaisipan, damdamin,


karanasan, hangarin, at diwa ng mga tao. Kasabay dito, ito rin ang pinakapayapak
na paglalawarawan sa pagsulat ng tuwiran, tuluyan, at patula.
Bukod dito, nagsasalaysay din ang panitikan ng mga ideolohiya ng pamahalaan,
lipunan, at pananampalataya. Ito rin ay nag papahayag ng mga damdamin katulad
ng:

 pag-ibig
 kaligayahan
 kalungkutan
 pag-asa
 pagkapoot
 paghihiganti
 pagkasuklam
 sindak
 pangamba.
Uri ng Panitikan
May dalawang uri ng Panitikan na kailangan nating malaman. Ito yung “tuluyan o
prosa” at ang tinatawag na “patula“.
TULUYAN O PROSA – Nagpapahayag ito ng kaisipan. Ito rin ay isinusulat ng
patalata.
PATULA – Ito ay nagpapahayag ng damdamin. Ito ay isinusulat ng pasaknong.
Bakit kailangan natin aralin ang Panitikang Pilipino?
1. Ito ay sumasalaysay ng kasaysayan ng Pilipinong panunulat.
2. Pwede nating pag-aralan ang mga kaisipan at tradisyon na taglay ng
mga Pilipino.
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at
makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
4. Mapaunlad ang karunungan natin sa pagsusulat upang ito ay mapabuti
at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling
kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan.
Ano ang Kahulugan ng Panitikan?
Sa payak nitong kahulugan, ang panitikan ay ang kahit anong nasusulat na gawa ng
tao. Kabilang na dito ang mga libro, nobela, tula at iba pang komposisyong
mayroong halaga sa lipunan. Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng
kanilang mga nararamdaman, mga naiisip, mga karanasan, at mga hangarin sa
pamamagitan ng pagsulat.
Ang salitang ito ay tinatawag ding literatura (literature). Ito ay nagmula sa salitang
Latin na “litera” na nangangahulugang “titik“. Ang salitang Tagalog naman na
“panitikan” ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay nanggaling sa salitang ugat na
“TITIK”, na dinagdagan ng panlaping “pang- at -an”. Samakatuwid, ito ay pinaikling
salita na PANG+TITIK+AN. Sa pagtagal ng panahon, ang konseptong ito ay nabago.
Kung noon ay ang mga nasusulat lamang na gawa ng tao ang maituturing na
literatura, ngayon, kabilang na din dito ang nabibigkas na mga akda (oral literature).
Ang panitikan ay maituturing ding sining na nabuo sa pamamagitan ng grupo ng
mga salita. Karamihan sa literatura ay naipapahayag sa pamamagitan ng pagsulat,
at ang iba naman ay naipasa sa pamamagitan ng paggamit ng bibig o pagsasalita.

Ang panitikan ay maaring mabuo sa anyong tuluyan (prose) o anyong patula


(poetry). Ito din ay maaring maging piksyon (kathang-isip) at di-piksyon (batay sa
totoong pangyayari).

Ayon sa pinakabagong depinisyon sa Webster’s New Collegiate Dictionary, ang


panitikan ay ang mga sulatin na naglalaman at nagpapakita ng kahusayan sa anyo
ng pagpapahayag. Nagpapahayag din ito ng mga ediya ng permanente at
pangkalahatang kapakinabangan.

Batay naman sa librong “Pilosopiya ng Literatura” na isinulat ni G. Azarias, ang


literatura ay ang pagpapahayag ng nararamdaman ng tao tungkol sa iba’t-ibang
bagay dito sa daigdig, tulad ng kanilang pamumuhay, pamahalaan, lipunan, at
ugnayan ng kanilang kaluluwa sa dakilang lumikha.

Napakaraming depinisyon ang maiuugnay sa panitikan o literatura. Maaring ito ay


nanggaling sa libro o sa ating sarili. Ngunit tatandaan mo, ang pinakamagandang
kahulugan ng literatura ay manggagaling sa iyong sarili.

Ano ang Dalawang (2) Uri ng Panitikan?


May dalawang uri o klasipikasyon ang panitikan. Ito ay ang 1.) Patula (Poetry) at 2.)
Prosa o tuluyan (Prose). Sa ibaba, mababasa mo din ang iba’t ibang dyanra at akdang
pampanitikan na saklaw ng dalawang uri ng panitikan.
Prosa o Tuluyan
Ito ay uri ng panitikan na naglalaman ng mga pangungusap at mga talata. Sa
anyong prosa, ang daloy ng pagkakasulat ng mga ediya ay mas natural at tuloy-
tuloy. Wala itong sinusunod na bilang ng bigkas at walang sinusunod na tugmaan
sa dulo ng mga salita. Dito, mayroong kalayaan ang mga manunulat sa kung ano
ang nais nilang isulat. Ang kagandahan at kaayusan nito ay nakadepende sa paraan
ng manunulat kung paano niya bubuuin ang pagkakasunud-sunod ng mga detalye.

Akdang pampanitikan sa ilalim ng Prosa

1. Nobela – Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang pagbabasa nito ay
inaabot ng ilang basahan para matapos ang buong istorya. Ito ay naglalaman ng madaming
tauhan at maaring maganap ang mga pangyayari sa iba’t-ibang tagpuan. Ang nobela ay
maaring maging piksyon o di-piksyon.
2. Maikling kwento – Isang maikling akda na naglalaman ng kakaunting tauhan kompara sa
nobela. Ito ay may iisa lamang na banghay. Ang pagbasa nito ay kayang tapusin sa isang
upuan lamang.
3. Dula – Akdang itinatanghal sa tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto
naman ay nahahati sa ilang tagpo. Tinatawag na mandudula o dramaturgo ang mga dalubhasa
na sumusulat ng iskrip ng isang dula.
4. Alamat – Ang alamat ay kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay.
5. Pabula – Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop ang gumaganap bilang tauhan. Ito
ay nagbibigay ng magandang aral lalo na sa mga bata.
6. Anekdota – Ang anekdota ay isang maikling akda na naglalaman ng nakawiwiling
pangyayari sa buhay ng tao. Ang layunin nito ay magbigay ng aral sa mga mambabasa batay
sa karanasan ng tauhan sa kwento.
7. Sanaysay – Ito ay isang maikling sulatin na nagpapahayag ng opinyon ng manunulat tungkol
sa isang paksa.
8. Talambuhay (Biography) – Sulatin na tumatalakay sa buhay ng isang tao.
9. Balita – Ito ay tala ng mga kaganapan na nagaganap sa lipunan at kapaligiran.
Patula
Ito naman ay uri ng panitikan na may masining na pagpapahayag. Sa paggagawa ng
akdang nasa anyong patula, dapat may isinasaalang-alang na sukat, bilang ng
bigkas at mga taludtod, at may malikhaing paraan ng paghahatid ng mga mensahe
sa mambabasa.

Akdang Pampanitikan sa Ilalim ng Anyong Patula

1. Tulang pasalaysay – Nagpapahayag ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay


maaring makatotohanan o kathang-isip lamang.
A. Epiko – Ang epiko ay istorya tungkol sa kabayanihan. Ito ay nagpapakita ng
ugnayan ng tao at mga diyos.
B. Balad – Sa lahat ng tulang pasalaysay, ito ang pinakasimple at pinakamaikli. Ito
ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit.
2. Tulang Liriko – Ito ay uri ng tula na ginawa upang awitin. Sa kabila nito, itinuturing na ding
tulang liriko ang isang tula kapag ito ay nagpapahayag ng nararamdaman at nagpapakita ng
emosyon ng isang makata.
A. Awiting bayan – Ito ay maikling tula na ginawa upang awitin. Ang tema nito ay
karaniwang umiikot sa pagmamahal, desperasyon, kalungkutan, kasiyahan at pag-
asa.
B. Soneto – Ito ay tula na binubuo ng labing-apat na taludtod.
C. Elehiya –
D. Oda (Ode) – Ang Oda ay isang tiulang liriko na nagpapahayag ng masidhing
damdamim.
E. Dalit – Isang kanta na nagpapakita ng pagpupuri sa Panginoon.
F. Awit at Korido – Ang awit at korido ay akdang pampanitikan na nasa anyong
patula. Ito ay binabasa nang paawit.
3. Tulang Pandulaan – Ito ay uri ng tula na ginawa upang itanghal.
A. Komedya
B. Melodrama
C. Trahedya
D. Parsa o Saynete (Farce)
Ano ang Kahalagahan ng Panitikan?
Natanong mo na rin ba sa iyong isipan kung bakit ka nagbabasa ng mga libro,
nobela, tula, kwento, at iba pang katulad nito? Ano nga ba ang pakinabang nito sa
iyong sarili? Sa tanong na iyon, papasok din ang tanong na, gaano nga ba kahalaga
ang panitikan sa buhay ng isang tao? Paano ito nakakatulong sa atin? At bakit
mahalagang mapag-aralan natin ang panitikan? Napapaisip ka ba sa kung ano ang
posibleng kasagutan sa mga tanong na ito? Halina’t atin itong sagutin!

Isa sa kahalagahan ng panitikan ay nalilinang nito ang ating kaisipan at


imahinasyon. Sa pagbabasa ng iba’t-ibang akdang pampanitikan, napagyayabong
nito ang ating isipan. Nakapagbibigay ito ng impormasyon na makakatulong sa atin
upang magkaroon tayo ng kaalaman sa mga bagay-bagay dito sa daigdig.

Nagbibigay tanaw tungo sa ating kasaysayan. Alam mo ba na malaki din ang


kontribusyon ng literatura pagdating sa kasaysayan? Sa pamamagitan ng literatura
o panitikan, naitatala ng mga manunulat ang mga nangyayari sa kapaligiran. Ang
bawat sulating ito ay nagiging parte ng kasaysayan. Pagdating ng panahon, ang
mga pangyayaring naganap sa ating kasalukuyan ay matutunghayan ng susunod
pang mga henerasyon sa pamamagitan ng panitikan.

Napapanatili ang kultura ng bansa. Higit sa lahat, ang panitikan ay makakatulong sa


atin upang mapreserba ang kultura ang ating bansa. Ito ay nagiging kagamitan ng
karamihan upang palawakin at paunlarin pa ang ating mga tradisyon. Sa tulong ng
panitikan, naipapakita natin sa mundo ang mayamang kultura ng Pilipinas.
Halimbawa na lamang nito ay ang mga tula na nagpapakita kultura ng Pilipinas.

You might also like