You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY

ARALIN
SA
ARALING PANLIPUNAN
IKA-08 NA BAITANG

PAKSA: Kabihasnang
klasiko ng Greece
(athens, sparta at mga
city states)

Inihanda ni:
NINA MARIE D. MAKIPIG
(Gurong Nagsasanay)

Ipinasa kay:
Gng. KRISTAL JEAN T. FRONDA
(Grong Tagapagsanay)
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Tuguegarao City
Unibersidad ng Lambak Cagayan
Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
Sa Ikalawang Baitang
Ikaapat na Markahan

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pagyayari


sa klasiko at transisyunal na panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga
bansa at rehiyon sa daigdig.
Pamantayang Pagkatuto: Nasusuri ang kabihasnang klasiko ng Greece

Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag aaral ay inaasahang
1. Naipaghahambing ang katangian ng athens at sparta
2. Naipapaliwanag ang mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng Greece.
3. Nakabubuo ng konsepto patungkol sa lungsod-estado ng Greece.

I. Nilalaman
Paksa: kabihasnang klasiko ng Greece (athens, sparta at mga city-states)
Sanggunian:https://depedtambayan.net/kabihasnang-minoan-mycenaean-at-
kabihasnang-klasiko-ng-greece/
Kagamitan: Laptop, module, powerpoint presentation, mga larawan.
Pamamaraan (online Learning)

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
Bago tayo dumako sa ating talakayan nais ko
muna kayong anyayahan para sa isang
panalangin na pangungunahan ni mag-aaral B.
Panginoon naming Diyos,
patnubayan mo po ang araw na ito
sa aming lahat upang magampanan
namin ang aming sariling
tungkulin. Bigyan mo kami ng
gabay at pagkalinga sa pagtupad
ng aming mga gawain. Bigyan mo
kami ng gabay at pagkalinga sa
pagtupad ng aming mga gawain.
Bigyan mo kami ng tulong sa
aming mga desisyong ginagawa.
Pagpalain mo an gaming mga guro
sa matiyagang paghahatid sa amin
ng mga leksyon sa araw-araw.
Pagpalain mo rin an gaming mga
magulang sa patuloy na pagsuporta
sa amin. Maraming salamat po,
Panginoon sa lahat ng biyayang
inyong ibinibigay sa aming lahat.
AMEN
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat
Magandang umaga rin po guro.
3. Kamustahan
Kamusta naman kayo? Masaya ba inyong araw?
Mabuti naman po guro
4. Pagtala ng Liban
Mayroon bang lumiban sa araw na ito?
Wala po guro
Mainam kung ganoon, maraming Salamat.
1. Pagganyak
Handa na ba kayo? Bago tayo dumako sa ating aralin
ngayong araw may mga instruction ako upang
magkaintindihan, at maging maayos ang daloy ng ating
magiging talakayan.
Una, kapag hindi kayo ang tinatawag wag kayong sagot
ng sagot.
Pangalawa, kung gusto nyong magshare ng inyong idea
or sumagot sa mga tanong i click lamang ang raise hand
button para manotice ko.
Pangatlo, makinig ng mabuti nasa, online class tayo
kaya dapat mas doble effort pa.

mayroon akong ipapagawa sainyo. May ipapakita


akong dalawang larawan at huhulaan nyo kung ano ito o
kung anong paksa ito kabilang.
Mag aaral K raised the button:
Ang unang larawan po ay simbolo
ng athens at ang ikalawa naman po
ay simbolo ng sparta.

Okey mahusay, mamaya ay malalaman natin kung tama


ba ang inyong kasagutan.
B. Pag-unlad na Gawain
Panuto: basahin at unawaing mabuti ang tanong sa
bawat bilang. Click tge raised button kung gusto nyong
sumagot o magtatawag ako para sagutin yan.
1. Anong lugar ang sentro ng politika at relihiyon ng
greece?
2. Anong lungsod-estado ng greece ang binansagang
pamayanan ng mga mandirigma.
3. Isang demokratikong polis
4. Sya ang unang naghari sa athens
5. Tawag ng greek sakanilang mga sarili.

1. ACROPOLIS
2. SPARTA
3. ATHENS
4.CECROPS
5. HELLENES
Pagkatapos ng ating talakayan malalaman nyo kung
tama ba o mali ang inyong mga isinulat na sagot.
1. Pagtatalahad
Ang ating naging aktibidad kanina ay may kinalaman sa
ating paksang tatalakayin ngayon, ito ay tungkol sa
Kabihasnang klasiko ng Greece (athens, sparta at ang
mga city states)
Class, alam niyo ba na may dalawang estado na .
pinakapamoso sa kasaysayan ng mundo at ito ang

Athens na sinisimbolo ng larawang ito at


ang Sparta na sinisimbolo naman ng larawang ito

2. Pagtatalakay
Ano ang kabihasnang greece?
Ang kabihasnang Greek ay ang una sa napatanyag na
kabihasnang klasika. Ang Greece ay nasa timog na dulo
ng Balkan Peninsula sa Timog Silangang Europe.
Mabundok ang Greece kung kaya ang nabuong
kabihasnan nito ay pawang watak watak na mga
lungsod-estado o city state. Ang klima ng Greece ay
angkop sa pagtatanim ng ubas, olive, trigo, at barley.
Liko-liko ang baybaying-dagat ng Greece at marami
itong magagandang daungan.

May tatlong pangunahing lungsod ang Greece, sino


sainyo ang makakapag bibigay ng isa lungsod nito?

Ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili?

Mag-aaral A raised the button:


Hellenes po guro
Ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili ay Hellenes. .
Ito ay hango sa salitang Hellas na tumutukoy sa
kabuuang lupain ng sinaunang Greece.

Ano ang tawag sa mga unang pamayanan sa greece?


Mag-aaral N raised the button:
Polis po guro,
Ano ang ideya mo sa polis?
Mag-aaral S raised the button:
Ang mga polis ay mga lungsod-
estado o city state. Tinawag itong
lungsod-estado dahil malaya at
may sariling pamahalaan ang
bawat isang polis at ang
pamumuhay ng mga tao rito ay
nakasentro sa isang lungsod.
Okey tama! Polis ang tawag sa mga unang pamayanan
sa greece na itinuturing na lungsod estado o city sa
kadahilanang ito ay malaya, may sariling pamahalaan
ang bawat isa at ang pamumuhay ng mga tao ay
nakasentro sa iisang lungsod.
Mahigpit rin na ipinagtatangool ng mga polis ang
kanilang kalayaan sa isa’t isa. Madalas ay hindi
nagtutulungan ang mga polis maliban na lamang kung
may banta sa kanilang kaligtasan.
Ang gitna ng lungsod ay isnag bukas na lugar kung
saan maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao
at ang tawag dito ay AGORA.
Ano naman ang acropolis?
Mag-aaral H raised the button:
Ang pinakamataas na lugar sa
lungsod-estado kung saan itinayo
ng mga greek ang kanilang mga
templo.
Tama! Sa panahon ng digmaan, ito ang naging takbuhan
ng mga Greek para sa kanilang proteksyon. Sa
acropolis, matatagpuan ang matatayog na palasyo at
templo kung kaya’t ito ang naging sentro ng politika at
relihiyon ng mga Greek
Agora- Samantala, ang ibabang bahagi naman ay
tinawag na agora o pamilihang bayan. Napapaligiran ng
mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay daan
sa malayang bilihan at kalakalan.

May dalawang malakas na lungsod-estado ang naging


tanyag. Sino ang makakapagbibigay ng isa at magbigay
ng ideya ukol dito.
Mag-aaral K raised the button:
Athens po maam, ito ay isang
demokratikong polis. Ang athens
ay ang sentro ng kalakalan at
kultura sa Greece.

Tama! Ang pamahalaan rin ng athens ay magsimula


bilang isang monarkiya o ang pamumuno ng isang hari.
Cecrops- sya ang unang naghari sa athens.
Oligarkiya - pamumuno ng mga maharlika ang umiiral
sa sistema ng pamahalaan.
Konseho ng mga maharlika - binubuo ng lahat ng
lalaking mamamayan ng athenian.
Draco - may kapangyarihang gumawa ng batas laban sa
mga krimen.
Solon - nagpatupad ng maraming pagbabagong politikal
sa athens.
Cleisthenes - ama ng demokrasya ng athens.
hinati nya ang athens sa sampung
distrito.

Tyrant - mga pinunong nagsusulong ng mga karapatan


ng karaniwang tao at maayos na pamahalaa.
Solon - kilala sa pagiging matalino at patas. Inalis nya
ang mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal
ang pagkakaalipin ng dahil sa utang.
Pisitratus - ang namumuno sa pamahalaan ng athens.
Dumako naman tayo sa pangalawa. Sino ang
makakapagbibigay at makakapagpaliwanag?
Mag aaral M?
Sparta po guro, sila ay tinuturing
na mandirigmang polis.
Sa iyong palagay bat sila natawag na mandirigmang
polis?
Mag-aaral F raised the button:
Dahil sa ang mga mamamayan sa
sparta ay sinasanay upang
ipagtanggol ang kanilang teritoryo
ang lahat ng spartans ay lahat
nakikiisa upang mapigilan ang
mga pag aalsa ng mga mananakop.
Tama, Ang pangunahing layunin ng Sparta ay lumikha
ng magagaling na sundalo. Lahat ng mahihinang bata o
yaong may kapansanan ay pinapatay. Tanging ang
malalakas at malulusog lamang ang pinapayagang
mabuhay.
Pagsapit ng ikapitong taong gulang ng mga bata,
ipinapadala na ito sa kampo ng militar upang sanayin.
Sa panahon ng pagsasanay ang mga bata ay walang
sapin sa paa at manipis ang suot na tunika. Sa gabi
pinapatulog sila sa bangko at lugaw ang kinakain.
3. Paglalahat
Pindutin lamang ang raise hand button kung nais
nyong sumagot.
Pamprosesong tanong:
1. Ilarawan ang paraan ng pamumuno ng mga
sumusunod na mambabatas sa
Athens:
a. Draco
b. Solon
c. Cleisthenes
2. Paano nila natamo ang pagkakaroon ng
malalakas na mandirigma? Paano nila ito
sinasanay?
3. Mahalaga pa rin ba sa kasalukuyan ang
pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang-
lakas? Ipaliwanag ang sagot.
Mag-aaral B raised the button:
1. a. Nilimitahan nya ang
kapangyarihan ng mga pinuno.
b. Tinanggal nya ang mga
oagkakautang ng mga
dukha at ginawang ilegal
ang pagkakaalipin nang
dahil sa utang.
c. Hinati nya sa sampung
distrito ang athens upang
mapadali itong
mapangasiwaan.

Mag-aaral D raised the button:


2. Natamo nila ang pagkakaroon
ng malalakas na mandirigma dahil
sa paghihimagsik ng mga helot.
Pinalakas nila ang kanilang mga
hukbo upang sakaling magkaroon
paghihimagsik ay madali nila itong
mapigilan. Sinanay nila ang mga
mandirigman pagtungtong ng edad
na pito hanggang sa maging ganap
o handa na ito sa mga labanan.
Inaasahan na sila ay magkakaroon
ng matikas at malakas na
pangangatawan, upang maipakita
ang kagalingan sa pakikipagdigma,
at pagkakaroon ng tibay ng loob.

Mag-aaral J raised the button:


3. Oo napakahalaga lalong lao na
sa isang bansa upang madaling
masugpo ang mga banta na
posibleng magoabagsak sa
pamahalaan at upang mapanatili
angbkatiwasayan at katahimikan.
4. Paglalapat
panuto: sa pamamagitan ng isang venn diagram
itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Sparta
at Athens bilang mga lungsod-estado ng
sinaunang Greece. Ilagay ito sa isang malinis na
papel picturan at ipasa sa pole na aking gagawin.

II. Pagtataya
Panuto: basahin at unawaing mabuti ang tanong
sa bawat bilang. Answers should be in UPPER
CASES.
1. Isang demokratikong polis.
2. Tawag sa unang pamayanan sa greece.
3. Napapaligiran ng pamilihan at iba pang mga
gusali na nagbibigay daan sa malayang bilihan at
kalakalan.
4. Tinuturing na mandirigmang polis
5. Sya ang unang naghari sa athens.
1. ATHENS
2. POLIS
3. AGORA
4. SPARTA
5. CECROPS
III. Kasunduan
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagkakaiba
ang athens at sparta. Iguhit ito sa isang long bondpaper.
Kunan ng larawan at ipasa.

Rubrics:
25%- cleanliness
25%- orignality
25%- creativity
25%-kabuuang presentasyon

You might also like