You are on page 1of 5

Lesson Exemplar Template

Grade Level: 5 Learning Area: Filipino Quarter: 1


Learning Area/s Integrated: ESP, EPP, Science, MAPEH Time Frame: 50 MINUTES
Integration Approach Used: (Please tick.)
Multidisciplinary / Interdisciplinary
I. 21st Century Skills to be developed (Please tick.)
Transdisciplinary
Communication Learning and Innovation Problem Solving
Critical Thinking Information Media and Technology Life and Career
/ / /
/
II. Focused Learning Competencies (LC) (Use Curriculum Guide)
F5PT-Ih-i-1.5 Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng kasalungat.
III. Focused GAD principle/s to be integrated
Naipakikita ang paggalang sa bawat kasapi ng pangkat.

IV. Intended Learning Outcomes


Knowledge Natutukoy ang mga salitang magkasalungat ang kahulugan.
Skills Nakasusulat ng mga salitang magkasalungat ang kahulugan.
Attitude Naipakikita ang pantay-pantay na pakikisama sa kapwa.
Values Napahahalagahan ang pakikipagkapwa-tao.
V. Learning Content/s Magkasalungat na Salita
Concept Magkasalungat ay mga salitang may kabaliktaran na kahulugan.
Reference/s LM Alab Filipino 5 pp. 46-47, TG Alab Filipino 5 p. 37
DRRE Naipapakita ang pag-ingat sa mga pangkatang gawain para maiwasan ang aksidente.
IM's metacrds, video clip, pentel pen, manila paper Curriculum Guide, Learner's Manual, Teachers Guide
VI. Learning Experiences (5 Es)
Engage ( 7 minutes) Ihanda ang mga bata at ibigay ang mga dapat tandaan bago magsisimula sa aralin.
Tanong: Alam ba ninyo ang awiting "Tatlong Bibe"? Opo ma'am, alam po namin. Magpakita ang guro ng
isang video clip. Pasabayin ang mga bata sa pag-awit at sabay galaw nang kanilang katawan.
Tatlong Bibe
May tatlong bibe akong nakita, mataba mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, siya ang lider na nagsabi ng kwak, kwak,kwak,kwak,kwak
Tayo na sa ilog ang sabi, kumeding ng kemending ang mga bibe
Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, siya ang lider na nagsabi ng kwak, kwak, (kwak,kwak,kwak)2X

Tanong: Ano ang pamagat ng awitin? Ang pamagat ng awitin ay Tatlong Bibe po ma'am. Ilang bibe ang
binanggit sa awitin? Ang binabanggit na bibe sa kanta ay tatlo. Mayroon ba kayong mga alagang hayop sa
inyong bahay? Opo ma'am. Ipabanggit sa kanila ang mga alaga nilang hayop sa bahay. Ang mga alaga
naming hayop sa bahay ay baboy, kambing, manok, itik, kuneho, pusa at aso.

Explore ( 10 minutes) Paano inilarawan ang mga bibe ayon sa kanta? Ang mga bibe ay mataba at payat. Bigyan ang pangkat 1
ng larawan ng kuneho at aso, pangkat 2 ng dalawang riyalya na bulak at bato at pangkat 3 ng larawan
ng mainit na kape at malamig na sorbetes. Ipahambing o ipakumpara ang mga ito.
Pangkat I: Paghambingin ang dalawang larawan.
isulat kung ano ang kaibahan sa bawat isa.

kuneho aso
maputi maitim
maamo mabangis
maliit malaki

Pangkat 2: Gamit ang riyalya na bulak at bato. Ibigay ang kabaligtaran na katangian sa bawat bagay.

bulak bato
malambot matigas
maputi maitim
marami kunti
maliit malaki

Pangkat 3: IKumpara ang dalawang bagay.

kape kape sorbetes


mainit malamig
maitim maputi
mapait matamis
Explain( 15 minutes) Ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang sagot . Pumili ng isa sa pangkat na siyang tagapag-ulat.
Itanong sa mga bata.
Anu-anong mga salita ang
ginagmit ninyo sa paghahambing? Ipabasa sa lahat ang nagiging sagot nila. Magkatulad ba ang kahulugan
ng salitang ginagamit ninyo sa paghahambing? Hindi po ma'am. Ano ang masasabi ninyo sa bawat pares ng
salita?Ang bawat pares po ma'am ng salita ay hindi magkatulad ang kahulugan. Ano ang tawag sa mga
salitang may kabaligtaran na kahulugan? Ang tawag sa mga salitang may kabaliktaran na kahulugan ay
magkasalungat. Paano matutukoy ang mga salitang magkasalungat? Matutukoy ang mga salitang
magsalungat kung ang pares ng salita ay may kabaliktaran na kahulugan. Sa mundong ito, lahat ba ng bagay
ay magkakatulad? Hindi po ma'am. Ano ang gagawin mo kung makakita kapwa mo tao na may kakaibang
katangian? Igalang o respetuhin po ma'am kung ano man ang kanilang katangian. Sa mga hayop, lahat ba
ay mababait? Hindi po ma'am. Bakit kayo nag-aalaga ng mga hayop sa bahay? Nag-aalaga po kami ng
hayop sa bahay para may makakain, tagabantay sa aming bahay at makatulong na rin sa aming
pamumuhay. Paano ito nakatutulong sa inyong pamumuhay? May malaki po itong maitutulong sa
pamumuhay ng pamilya dahil kung naubusan na tayo ng mga pang-araw -araw na pangangailangan maari
po nating ibinta ang ilan sa ating mga alagang hayop para ipambili sa ating mga pangangailangan.Paano
ninyo inalagaan ang mga ito? Inaalagan namin ang aming mga alagang hayop sa pamamagitan ng
pagpapakain, pagliligo, pagbibigay ng kulungan o masisilungan. Ano ang mangyari kung sasaktan ninyo
palagi ang alaga ninyong aso? Kung palagi nating sasaktan ang ating aso , ito ay mangangagat. Ano ang
makukuha mo kung ikaw ay aksidenteng makagat nito? Kung tayo ay makagat ng aso, tayo ay makakuha
ng rabis mula sa nito na maari nating ikamatay kung hidi ito maagapan. Ano ang iyong gagawin kung ikaw
ay makagat nito? Kung aksidenting makagat ng aso, kaagad magpakonsulta sa doktor.

Elaborate (10 minutes) Pangkatang Gawain.


Pangkat 1: Magbigay ng 4 na pares ng salitang may magkasalungat na kahulugan
at isulat ninyo ito sa manila paper.

Mga salitang Magkasalungat


1.
2.
3.
4.

Pangkat 2: Isulat ang kasalungat ng bawat salita. Isulat sa tapat ng salita ang inyong sagot.

1. matulin .
2. maingay
3. malakas
4. masama
5. mabigat
Pangkat 3: Pagtambalin ang mga salitang magkasalungat. Isulat ang titik sa patlang.

. .Hanay A .Hanay B
____1. matigas a. bago
____2. malinis b. malambot
____3. luma c. malungkot
____4. masaya d. marumi

Tanong: Ano ang tawag sa mga salitang may kabaliktaran na kahulugan? Ang mga salitang may
kabaliktaran na kahulugan ay tinatawag na magkasalungat na salita. Ano ang salitang
magkasalungat? Ang salitang magkasalungat ay may kabaliktaran na kahulugan. Mayroon pa bang
mga katanungan tungkol sa aralin? Wala na po ma'am. Naiintindihan niyo na ba ang aralin natin
ngayon? Naiintindihan na po namin ma'am.

Evaluate (5 minutes) Maghanda ng isa sa sa apat na papel at isulat ang inyong mga sagot sa papel na ito.
Panuto: Hanapin sa kahon ang kasalungat ng bawat salita.

malamig mababaw malapit mabaho


mayabang
1. malalim - mababaw 3. mabango - mabaho
2. mainit - malamig 4. malayo - malapit

Isulat ang kasalungat na katangian ng mga sumusunod na bagay sa patlang.


1. araw - mainit yelo - malamig
2. langgam - maliit palaka - malaki
3. karagatan - malalim ilog - mababaw
4. bulaklak - mabango basurahan- mabaho

VII. Learning Enablement Gumupit o gumuhit ng apat na pares ng larawan na nagpapakita ng kabaliktaran na kahulugan at gamitin
( 3 minutes) ito sa pangungusap.

Teacher's Reflection(Refer to DepED Order No. 42, s. 2016)

Prepared By:
Name: CAROLIZA G. BANZON School: BOLJOON CENTRAL SCHOOL
Position/
Designation:
TEACHER-2 Division: CEBU PROVINCE
Contact
Number: 09204166072 Email: caroliza.banzon003@deped.gov.ph
explain Itanong:
Anong ahensiya ng pamahalaan ang namamahala sa programang
pangkalusugan?
Ano- anong serbisyo ang nakapaloob sa mga programang
pangkalusugan ng pamahalaan?
Paano mo mapangalagaan ang inyong kalusugan?
Paano mapapangalagaan ang kalusugan ng mga bata?
Paano mapapangalagaan ang kalusugan ng mga buntis?
Bakit mahalaga ang pagbabakuna sa mga bata?
Bakit mahalaga ang paglilingkod na pangkalusugan?
Ano kaya ang mangyayari kung walang sentrong pangkalusugan sa
ating pamayanan?
Ang benepisyo ng Philhealth ay isa sa mga programa ng DOH,kung
P1000.00 ang counterpart nito sa bayarin sa hospital, magkano na
lang ang babayaran mo kung ang "hospital bill" mo ay P9850.00?

You might also like