You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 PARA SA UNANG MARKAHAN

(Pinagsanib Na Kompetensi Mula Sa Disaster Risk Reduction)


I. PAKSA
Panitikan: “Babangon Kaming Muli”
Ni Apolinario Villalobos
Kuwentong Makabanghay
Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
Mga Kagamitan: Sipi ng Akda, Mga task card, video clip,
LCD projector, Laptop
Baitang: Ikasiyam na Baitang
Asignatura: Filipino
DRR na Kompetensi: 3.a.Nauunawaan ang mga batayang konsepto
tungkol sa bagyo.
Takdang Panahon: Dalawang Sesyon
Markahan: Unang Markahan
Halagang Pangkatauhan: Katatagan sa Buhay

II. MGA LAYUNIN


A. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo
at konotatibong kahulugan. F9PT-Ia-b-39
B. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari mula sa akdang binasa. F9PU-Ia-b 41

UNANG ARAW
III. YUGTO NG PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Dugtungang Pagbabasa ng Kuwento. Sisimulan ng guro ang
pagkukuwento at dudugtong ang mga mag-aaral.

“BABANGON KAMING MULI”


ni Apolinario Villalobos

Isang umaga, ako’y nangakong bumisita sa mga kaibigan ko sa Baseco (Tondo),


nagdala ako ng pandesal na binili ko sa isang maliit na panaderya malapit sa bukana ng
compound. Dahil medyo malaki ang ekstrang pera na dala ko, bumili ako ng 100 pesos
na halaga ng pandesal dahil dumami na sila gawang mga nagdatingang mga bisita (mga
evacuees) galling sa Tacloban. Pagdating ko sa bahay na tinitirhan ng dalawang
pamilyang dayo, sumigaw ang pinakabunso sa mga bata, “Lola, may pa-bertdey na
kayo, maraming pandesal dala ni Tito …..”(ibang pangalan ang pakilala ko sa kanila,
hindi ko pwedeng sabihin). Tinawag ng isa pang bata ang ibang mga dayo sa likod lang
ng tinitirhan nila upang maki-bertdey ng pandesal. Sila yong mga taga-Tacloban na
pansamantalang nakikitira sa mga kamag-anak nila sa Tondo. Upang kumita,
namumulot sila ng mga reject na gulay na itinapon ng mga biyahera, upang linisin at
ibenta naman sa dating riles ng tren sa Divisoria, at kung tawagin nila ay “bangketa”.
Share-share nalang kami sa kape dahil kulang ang tasa at mug. Ang mabubulunan
nalang ang humihigop. Ang iba ay nagkasya sa pagsawsaw ng pandesal sa mga tasa.
Nagkakatuwaan ang mga bata at mga magulang na nagkwento kung paano nilang
iwasan ang backhoe na siyang naglalagay ng mga basura sa malaking dump truck.
Ang lola ng nagbertdey ay nakangiti lang, habang sinasawsaw ang pandesal
niya sa kape upang lumambot dahil wala siyang ngipin. Sabi niya, 92 years old na siya
kaya hindi na siya sumasama sa mga namumulot ng mga reject na gulay upang ibenta.
Naiiwan siya sa bahay upang magtalop nalang ng pabulok na sibuyas upang matangal
ang mga sirang balat. Ang mga sibuyas na galing China at Taiwan daw ay sako-sako
kung itapon ng mga bodegero.
Mayamaya pa, dumating ang isang nanay na may dalang plastic bag, may
lamang talong at petsay. Nagpabili ako ng tinging mantika, halagang 10peso panggisa.
Sabi ko yong ibang talong iihaw na lang. Naggisa ng petsay at talong sa maraming
sibuyas, toyo ang pampalasa. Ang mga inihaw na talong, nilamog ko pagkatapos
mabalatan at ginisa sa marami ding sibuyas at tinaktakan ng toyo, sabi ko, pwedeng
palaman sa pandesal.
Naalala ko kasi na kumain ako nito sa isang restaurant sa Makati, pero mas maraming
spices. Itinabi ang lahat ng niluto dahil maaga pa para mananghalian.
Nang maubos ang pandesal, binati namin si lola ng happy birthday. Dahil nasa
tabi lang naming ang kalahating sakong sibuyas na kailangang talupan, naki-bonding na
rin ako sa pagbalat.
Para sa pananghalian, inilabas namanng kaibigan ko na may-ari ng bahay na
tinutuluyan ng isangpamilyang bisita ang anim na labong plastic bag (yong nilalagyan ng
kanin at ulam sa mga karinderya) na puno ng kaning tutong na binili niya sa isang
karinderya sa labasan (ni-refund ko na lang ang ginastos niya). Inilagay ang kanin sa
isang maliit na plastic na palanggana at ipinwesto sa gitna ng mesang yari sa dalawang
crates ng prutas. Ang mga nilutong gulay naman na nasa mga kaldero pa, inilagay din
sa gitna at nilagyan ng mga sandok. Kanya-kanya kaming hawak ng pinggan habang
naghihintay ng toka sa pagsandok ng pagkain. Pero ang mga bata ipinagsandok ng mga
nanay, ang kay lola ako na ang naglagay ng kanin na pinili ko upang walang masyadong
sumamang tutong.
Tanghali na at habang kumakain kami, may nagsimulang magbanggit na sa probinsiya,
maski papaano meron sanang sariwang isda man lamang. Nagpalitan nang kwento
tungkol sa buhay nila sa probinsiya hanggang noong manalanta na ang bagyong
Yolanda. Palihim kong tiningnan ang mga mukha nila…wala akong nakitang lungkot o
galit. Sabi ng isa, “walang magawa ang tao sa lakas ngDiyos”. Totoo nga naman, isip-
isip ko. Dugtong pa ng isa, “kailangang tanggapin natin dahil baka parusa upang
magising tayo, at kung hindi tayo kikilos, aba eh, maninigas tayo sa guton!”. Lalong
totoo nga naman isip-isip ko pa rin. Bandang huli, nagtanong ako kung sinubukan nilang
lumapit sa DSWD dito sa Maynila. Walang umimik, pero yong iba, tiningnan ako at
ngumiti lang, sabay iling. Pagkatapos kumain, iniligpit ng mga bata ang mga
pinagkainan, at kami naman balik sa pagtalop ng mga bulok nasibuyas.
Hapon na, at nagpaalam upang makaiwas sa trapik dahil malayo pa ang uuwian
ko. Ang pagkaalam nila sa bandang Antipolo akou muuwi. Nangako akong babalik sa
susunod na Sabado at magdadala ulit ng pandesal. Habang naglalakad ako patungo sa
sakayan ng dyip, medyo napaluha lang ako ng bahagya (dahil pinipigilan ko) at ang
lalamunan ko ay naninikip, nang maalala ko ang kasiyahan sa mukha ng mga kaibigan
kong nagsasawsaw ng pandesal sa kape. At sa kwentuhan nang mananghalian kami,
wala ni maliit na bahid man lang ng galit sa kanilang mukha habang sinasabi sa akin
kung paanong ginawin silang kung ilang araw bago naabutan ng “tulong” – 4 na
sardinas, ilang pirasong biscuit, 3 kilong bigas, 6 napiraso ng instant noodles, mga nasa
loob ng isang plastic bag na may tatak ng isang ahensiya ng gobyerno.
Napahanga ako sa katatagan ng loob nila, at lakas ng pananampalataya dahil sa
paniwalang makakabangon silang muli.
Gabi na nang akoy makarating sa aming bahay.

2. Paglinang ng Talasalitaan. (Pagbubuo ng isang definition diagram)

Konotasyon

Denotasyon Kasabihan tungkol


sa bagyo

Kasingkahulugan Katotohanan
tungkol sa
BAGYO

Kasalungat Hindi kahulugan ng


bagyo
Konotasyon

Denotasyon
Kasabihan tungkol sa
bagyo

Kasingkahulugan DISASTER Katotohanan tungkol


sa bagyo

Kasalungat Hindi kahulugan ng


bagyo

IKALAWANG ARAW

Panimulang Gawain: Pagbabalik-aral sa kahulugan ng bagyo at disaster.


B. Pagganyak
Pagpapanood ng isang video clip ng ulat panahon tungkol sa nabubuong bagyo.
NAPAPANAHONG KAALAMAN: Ano ang bagyo?
https://youtu.be/JqClTo5R9UI
(kung walang mapagkukunan ng video clip, maghanap ng isang ulat
o balita na angkop sa hinihingi).

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano nabubuo ang isang bagyo?
2. Ano-ano ang mga palatandaan na magkakaroon ng isang bagyo?

C. Paglinang (Ito ay maaaring gawing pangkatan.)


1. Suriin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa
kuwentong “Babangon Kaming Muli”.
2. Pagbuo ng isang Fun-Fact Analyzer.
Punan ng mga pangyayari mula sa binasang kuwento ayon sa
pagkakasunod sunod nito. Tukuyin ang tagpuan, tauhan at kahalagahang
pangkatauhan.

Tagpuan at Tauhan Kahalagahang Pangkatauhan


3. Pag-unawa sa binasa na kuwento

a. Simula

b. Suliranin

c. Tunggalian

d. Wakas

e. Mga epekto ng bagyo


Isa-isahin ang mga epektong dulot ng bagyo sa buhay na tao, kapaligran at
pamumuhay. Isulat ang sagot sa talahanayan sa ibaba.
Buhay ng Tao Kapaligiran Pamumuhay
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.

D. Pagpapalalim
1. Ipaliwanag ang kasabihang “Ang Kahandaan ay Tulay sa Kaligtasan”.
2. Ano ang tinatawag na disaster preparedeness?
3. Ano-ano ang mga paghahandang ginagawa sakaling may kalamidad tulad ng bagyo?

E. Pagtataya
1. Ibigay ang kahulugan ng disaster preparedness.
2. Ibigay ang konotasyon at denotasyong kahulugan ng sumusunod na salita.
Denotasyon Konotasyon
1. tutong
2. kaibigan
3. bisita

3. Punan ng tamang detalye ang sumusunod na dayagram.


Mga Kaganapan Kung May Bagyo
Bago Habang Pagkatapos
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

IV. KASUNDUAN
Pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang sariling kakayahan upang
maisagawa ang mga sumusunod na pangkatang Gawain. (Guro ang magtatakda kung
kailan isasagawa ang presentasyon ng mga Gawain.)
a. Paggawa ng isang dokumentaryong pantelebisyon tungkol sa mga kaganapan
kung may bagyo, habang at pagkatapos ng bagyo.
b. Pag-uugnay ng kuwento o karanasan sa bagyo o disaster sa isang awitin.
c. Pagsasadula sa kuwento o karanasan pagkatapos ng isang disaster.
d. Pagsasagawa ng isang madulang sabayang pagbigkas na may paksa tungkol
sa kahandaan tuwing may kalamidad.

MGA RUBRIC NA GAGAMITIN SA PANGKATANG GAWAIN


A. Dokumentaryong Pantelebisyon

Kabuuan
Kategorya Pamantayan sa Pagtataya g Puntos
Puntos
Ang paglalahad ng mensahe ay 30
Mensahe komprehensibo at maistratehiyang
(50 puntos) paglalahad
Sumasalamin sa katotohanan ng buhay 10
Tumatalakay sa kutura at pamumuhay 10
Malinaw ang pagkakabuo ng palabas o 10
Presentasyon pagkuha ng video.
(30 punt0s) Ang boses ay malinaw at may angkop na 10
tono
Angkop ang mga galaw at ekspreseyon sa 10
mukha
Maayos ang tindig at kontak sa manonood 10
Kabuuang 10
Impresyon May angkop na katauhang pantanghalan.
(20 puntos)
Kabuuang puntos 100

B. Pagsasagawa ng isang Awitin


Kabuuan
Kategorya Pamantayan sa Pagtataya g Puntos
Puntos
Malinaw na nailalahad ang tema sa
Tema kabuuan ng awitin 30
(40 puntos)
Malinaw ang boses at nasa tono 15
Klidad ng boses Tama ang pagbiskas at intonasyon
(30 punt0s) 15

Pagiging Orihinal ang awitin at malikhain ang


Malikhain at paglalahad 20
Orihinal
(20 puntos)
Katauhang Bawat isa ay nakikilahok at nakikiisa.
pantanghalan 10
(10 puntos)
Kabuuang puntos 100
C. Pagsasadula
Kabuuan
Kategorya Pamantayan sa Pagtataya g Puntos
Puntos
Kakitaan ng pagiging malikhain sa
Pagganap presentasyon 20
(40 puntos) Maganda ang ekspresyin ng mukha
20

May kahandaan sa props, kasuotan at


musika 20
Presentasyon
(40 puntos)
Mahusay ang mga piling salita na ginamit
20

Katauhang May pakikiisa sa bawat kasapi 10


pantanghalan Malakas ang dating sa manonood
(10 puntos) 10
Kabuuang puntos 100

D. Madulang Sabayang Pagbigkas


Kabuuan
Kategorya Pamantayan sa Pagtataya g Puntos
Puntos
Napalutang ang diwa ng tula sa
Pagpapalutang ng pamamagitan ng madamdaming pagbasa 20
diwa Maayos at angkop ang ekspresyin ng
(40 puntos) mukha 20

May kalidad, indayog at kaisahan ng tinig sa


pagbigkas 20
Pagtatanghal
Makabuluhan ang kilos at galaw sa
(40 puntos)
tanghalan.
Kasuotan, props Angkop, natatangi at malikhain ang
at musika paggamit ng props, kasuotan at musika at 20
(20 puntos) ito ay na-maximize sa kabuuan ng tula
Kabuuang puntos 100

V. SANGGUNIAN
https://penpowersong.wordpress.com
https://youtu.be/JqClTo5R9UI

You might also like