Professional Documents
Culture Documents
Aktiviti para Sa Sulating Pabatid at Pampagkain
Aktiviti para Sa Sulating Pabatid at Pampagkain
Panuto: Sumulat ng isang recipe na mayroon sa inyong hapag-kainan ngayong araw at pagkatapos ay
kuhanan ito ng litrato. Mamarkahan ito gamit ang pamantayan sa pagmamarka.
SCRAMBLED EGG
`MGA SANGKAP
3 Itlog
¼ na kutsaritang Asin
¼ na kutsaritang Paminta
1 Kutsarang Mantika
MGA KAGAMITAN
1 Mangkok
1 Tinidor
1 Kawali
1 Siyansi (spatula)
1 Platito
1.) Banayad na biyakin ang 3 pirasong itlog gamit ang tinidor at ilagay ito sa isang mangkok.
Timplahan o ilagay ang ¼ na kutsaritang asin at ang itim na paminta. Haluin ito hanggang sa
magsama-sama ang pula at ang puti ng itlog. Tiyaking ito ay mabuting pinaghalo.
2.) Ihanda ang kawali at ilagay ang 1 kutsarang mantika at hintaying ito ay uminit. Ibuhos ang
timpladong itlog sa kawali, haluin ito ng 4-6 na minuto gamit ang siyansi hanggang sa maluto
ito. (Kung nais mo ang iyong mga itlog ay mas lutong luto, haluin ito sa karagdagang 2
hanggang 3 minuto.)
3.) Alisin ito sa kawali gamit ang siyansi at ilagay ang scrambled egg sa isang plato. Sapat sa 2
hanggang 3 tao ang scramble egg na ito.